I MISSED him so much. Pagdating niya sa umaga ay parang iniiwasan niyang mag-usap kami at tuwing gabi na lamang kami nag-uusap at nabibitin ako sa ikli. Nakatutuwa, pero hindi maiwasang malungkot sa kadahilanang nasanay na yata akong palagi siyang nag-uutos at nakikipagbangayan sa akin. Naninibago na naman ako. “May kailangan po ba kayo, sir?” tanong ko sa kaniya bago ako mag-out. Hindi siya sumagot. Hindi ko na narinig ang usual na, “wala na,”, “you may now go, Katriel.” Walang imik siyang nakaupo siya sa swivel chair niya paharap sa gawi ng bintana at hindi sa direksyon ko, kaya hindi ko alam kung narinig ba niya ako hindi. At tila ang atensyon niya ay nasa madilim na kalangitan sa labas at sa mga bilang na mga tala na kaniyang masusulyapan. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya. “Sir?” malakas ang boses kong pukaw sa kaniya pero wala akong natanggap na sagot kaya naisip kong nakatulog siya. “Why did you do it?” He finally spoke with a sigh. Pumihit ako paharap para makita ito nang harap-harapan. Subalit, nakatalikod pa rin ito. “Sir?” nag-aalinlangan kong tanong dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko o baka may kausap lang siya sa cellphone kahit kitang-kita kong nasa ibabaw ng office desk niya ang kaniyang cellphone. Tumigil ako sa paghinga nang humarap ito sa akin nang mantutusta ng tao sa talim ng kaniyang titig. Kabado akong napalunok sapagkat biglang kumabog ang dibdib. “That night, when we met,” he reminisces. His eyebrows arched a threat. “Bakit mo ako hinalikan?” he asked in a serious and somber manner. “Bakit mo hinayaang may mangyari sa atin?” Napalunok ako nang wala sa oras. tumayo ako nang matuwid at bumuntong-hininga. “I don’t think that this is an appropriate topic inside the office.” Iwinawala ang gusto niyang pag-usapan sa ibang paksa sapagkat hindi ko nagugustuhan kung saan ito patutungo. “Utang na loob, Katriel!” He raised his voice in an angered demeanor and slammed his table. I flinched in surprise, I was both taken aback and a bit scared. “Huwag na tayong magpaikot-ikot pa! Let's be honest. Hindi puwedeng kalimutan na lang natin ‘yong nangyari dahil pakakasalan mo ang kapatid ko!” He exclaimed, breathed through his nose. “Answer my question. Why did you do it?” Hinihigop ako ng mata niya kaya sa halip na mas tumagal ang pagtingin ko ay naibaling ko sa plorera ang paningin. Pumikit ako. Bakit sa dinamirami ng puwedeng pag-usapan ito pa ang gusto niya? I sighed heavily. “H-hindi ko alam…” He let out a sarcasric laugh. “Hindi mo alam? That’s all I got? Hindi mo alam?” He shook his head in exasperation. “Ano ba ang gusto mong maging sagot ko?” I scowled, losing my temper. Umangat sa ere ang dalawang kamay niya. “Anything, Katriel, huwag lang hindi mo alam. Hindi iyan ang tamang sagot na gusto kong marinig. Niloko mo ang kapatid ko by sleeping with me. Sa tingin mo, makukuntento ako sa sagot mong iyan?” His jaw clenched and his eyes narrowed guardedly. I looked at him with equal intensity. “Exactly. Kay Maurel dapat ako magpaliwanag dahil siya ang fiancé ko, at hindi sa ‘yo dahil wala namang tayo.” Umirap ako. May karapatan man siyang marinig ang paliwanag ko dahil sa nangyari noong gabing iyon pero subalit mas may karapatan si Maurel malaman ang katotohanan kahit peke ang aming uganayan sa isa’t isa. “Okay,” He nodded and smiled, bitterly. “Fair enough.” He crossed his arms. “So, kailan mo balak sabihin sa kaniya ang sa atin? Gusto mo bang mag-video call tayo ngayon?” panghahamon niya. “Huwag mong gagawin iyan!” nakadurong babala ko. His annoying laugh echoed. Nahuli niya ang pagrehistro ng takot sa akin kaya tuwang-tuwa ang demonyo. “So, you have no choice to answer my question. Bakit mo iyon ginawa?” Kung alam ko lang na kapatid pala siya ni Maurel, pinigilan ko na ang bugso ng damdamin ko para hindi kami umabot sa pagsisiping. “Laro-laro lang ba sa iyo ang relasyon ninyo ni Maurel, at may nakukuha ka bang thrill sa paiba-ibang lalaki? Pero hindi, e. Matalino ka’t practical, so ano ang habol mo sa kapatid ko? Pera?” he spoke again when I didn’t answer. My hands clenched and gritted my teeth, angrily. He combed his fingers through frustration and look at me eye-to-eye. “Sabihin mo kung magkano ang gusto mong halaga para lubayan mo ang kapatid ko at ang pamilya namin, ha, Katriel?” he asked that it made me burst into anger, but instead of shouting him or slapping him, tears fell in my cheeks. “Bakit ka ganiyan?” I disappointedly asked. Nagtaas lang ito ng kilay sa akin. Nakatungo ako habang nanlalabo ang paningin. Dapat ay sinasagot-sagot ko rin ito pero kinukurot ang puso ko na pinipiga sa sakit. Hindi lang dahil sa nasaktan ako sa mga sinabi niya, kundi nasasaktan ako dahil akala ko mahal niya ako. “Ano!?” “Akala ko ba mahal mo ako, pero bakit ka ganiyan? Tama ba ako ng hinala na pinaglalaruan mo lang ako?” I asked behind my sob. I shook my head, full of disappointment and I badly want to hurt myself for loving him. Nahulog ulit ako sa bitag ng pag-ibig na noon ko pa iniiwasan. Kung kailan mahal ko na siya, doon niya ako sasaktan ng ganito. Niyurakan ang pagkatao ko. “Yes. I do love you, pero walang tayo para maging mabuti ako sa ‘yo. Besides, sabi mo tinik ako sa rosas kaya ipinapakita ko lang kung gaano katinik ang ugali ko.” He forced a smile and look away. All my hopes crashed. Inakala kong mabuti siya’t hindi niya ako huhusgaan, pero nagkamali ako. “Ibang-iba ka talaga kay Maurel. Mahal ko siya at hindi ganoon ang habol ko. Kung alam mo lang kung ano ang mga bagay na kaya kong isakrispisyo para sa kaniya, at kung alam mo lang na pinagsisisihan ko nang husto ang nangyari sa atin. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, buburahin ko iyon at hindi ko pipiliing makilala ang lalaking katulad mo!” “Pero hindi na natin maibabalik ang nakaraan.” His voice quivered with emotions. My eyes were glassy with tears. Sobrang sakit! Knowing him is not included as a dream for he is a nightmare that I don’t want to see him again. “Bakit ba kasi ikaw pa?!” singhal ko, punong-puno ng katanungan, poot, galit, at pagtataka. Umaasang may sasagot sa aking epiritu na makukuntento ako sa maririnig at mapagtanto ang lahat kung bakit siya pa sa dinadami-rami ng lalaking puwedeng pumasok sa puso ko, bakit isang tulad pa niya? “Bakit sa tulad mong walang puso. Matabil ang dila’t hindi marunong makiramdam!” Napapadyak ako sa sobrang inis sa kalagitnaan ng pag-iyak ko. Ayoko mang makita niya akong umiiyak pero para saan pa para pigilan ko ang sarili kong magwala. “Mahal na kita at bakit mo ako sinaktan ng ganito?!” buong-lakas kong sigaw at kaagad akong tumalikod habang nagtatangis. Kaagad itong tumayo at nilapitan ako. He stopped in front of me and cupped my face. I harshly eased away from his hands and look at him full of anger. “Ano?!” Sa isang iglap ay umamo ang kaninang manglalapa niyang ekspresyon. “Nagsinungaling ka, at sino ang hindi magagalit?” “I didn’t lie!” “You lied,” mabagal niyang giit. Umiling ako para itanggi. Sinubukan kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ngunit patuloy ito sa pag-alpas. “I hate you!” I gathered all the strength I to push his arms away from my body. Dali-dali kong inabot ang seradura at padabog kong isinara nang malakas. Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa cubicle ko. Umiiyak kong iniligpit ang aking mga gamit. Bakit siya ganoon? Puro na lamang tanong ang nagsusulputan sa isip ko, kahit alam ko namang walang sasagot. “Katriel!” Mas lalo akong nagmadali sa paglagay ng mga gamit sa bag. Narinig ko ang yabag ng paa niyang tumatakbo. Saglit na nagtama mata namin nang matigil siya sa pagtakbo. Bago pa niya ako maabutan sa mismong kinaroroonan ko ay kaagad kong isinukbit ang bag sa balikat at saka ako nagmamadaling umalis. Taas-baba ang balikat ko habang tumatakbo dahil mas lumalakas ang pag-iyak ko sa paglisan sa lugar. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag at sa paglayo ko ay nadudurog ako nang husto. Ganoon pala kaliit ang tingin niya sa akin. I shouldn’t trust him. He played a trick and I lose, and he won.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ilove the game👍👍👍❤️
04/01/2025
0best
28/09/2024
0ma ganda
27/10/2023
0Tingnan Lahat