CHAPTER 9

SHANNY'S POV
Dahan-dahan ang pagbukas ko sa pintuan at ganoon na lang ang pagtigil ng aking paghinga dahil nakatutok sa akin ang medyo maliit na espada. Nasa may bandang dibdib ko ito kaya napalunok ako, hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla. Sa ilang sandal ay bumagsak ang espada sa sahig kaya nakahinga ako nang maluwag. Nagtataka akong napatingin kay Sir Jinro na bakas ang gulat sa kaniyang mga mata. Gulat di ang rumehistro sa akin dahil ngayon ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang aking nasaksihan.
"What are you doing here?! Hindi ka ba marunong kumatok?" Naiinis siyang lumakad papalapit sa akin, hindi pa rin ako maka-recover sa nangyari dahil kaunting galaw ko lang doon ay tatarak sa akin ang matalim na espada. Ang pinaka-pinagtataka ko ay kung bakit at kung paano nagawa iyon ni Sir Jinro. Maraming patalim ang nasa sahig na nakalutang kanina at mag-isang gumagalaw.
"S-Sir Pasensya na po." Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga patalim na iyon. Ano ba ang mayroon sa magkakapatid na ito?
"S-Sir?" Pinulot lamang ni Sir Jinro ang mga espada at itinabi sa lalagyan. Naka-itim siyang t-shirt at simpleng pants lang na halatang bagong gising. Napa-iwas ako ng tingin dahil nakakahiya kung makita niyang tumitingin ako sa kaniya.
"What? Bakit ka narito?" Nasa harapan ko na siya ngayon at nakasandal lamang siya sa may pinto.
"A-Ah Napadaan lang po, S-sir." Pagsisinungaling ko dahil wala na akong ibang masabi.
"I know na na-inform ka naman na ni Mom, kaya be careful if you don't want to see your blood flowing on the floor." Tinitigan niya ako, nakakakaba.
"P-Po? Ano po ba 'yon? Wala naman pong nasabi na binilin si Ma'am Senya maliban sa alagaan kayo." Narinig ko ang pagtikhim niya at tumingala akong bahagya sa kaniya. Ipinilig niya muna ang kaniyang ulo at muntik na akong mapaatras nang nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at bumulong.
"I know that you are hiding something, but I will never let you do your plan." Lumayo siya at tinignan ako.
"Tell me, ano ang ability na mayroon ka?" Ano bang ability ang gusto niyang malaman? Sa pagluluto ba? Hindi ko maintindihan.
"A-Ability? Sa p-pagluluto po ba Sir?" Mukhang mali ata ang nasabi ko dahil kumunot ang kaniyang mga kilay na perpekto.
“Hindi ka talaga aamin? Sabihin mo ang ability mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumutang ang maraming patalim, nakaharap sa akin lahat ng iyon.
“S-Sir, ano po ba ang sinasabi ninyo? Pa-paano niyo nagagawa yan?" Hinigit ako ni Sir Jinro sa loob ng kuwarto na mistulang training room at hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Napalingon ako sa pinto ng mag-isa itong sumara at na-lock rin. Labis na kaba ang gumapang sa aking buong katawan dahil sa kung ano ang gagawin ni Sir Jinro.
"S-Sir bakit po? Aalis na po ako S-Sir." Bigla siyang tumigil at napansin kong nasa gitna kami ng malaking kuwarto, walang ibang gamit dahil talagang training room ito. Humarap siya sa akin na may seryosong mukha, nanlamig ako dahil sa nakita ko kanina ay baka dumanak na lamang ang aking dugo sa sahig.
"If you don't want to tell me... then I will let you show what your ability." Nagulat ako ng lumayo siya sa akin nang ganoon kabilis, hindi ako makapaniwala kung ano ang mga nasasaksihan ko. Ganoon ba ang sinasabi nilang ability? Mas napalunok ako ng prente lamang siyang tumayo at itinaas ang kanang kamay, at sa pagtaas ng kaniyang kamay ay kasabay ng paglutang ng mga patalim na pumusisyon upang sugurin ako. Ito na naman ba ang pagharap ko sa panganib? Bakit ba nagkaka-ganito ang buhay ko? Naramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata hindi lamang sa takot kundi pati na rin sa katotohanang wala akong magawa sa ganitong sitwasyon.
“S-Sir m-maawa kayo! Nagsasabi po ako ng totoo, wala po akong abilidad na tulad ng sa inyo!" Napahagulgol ako dahil sa sobrang kaba ko, naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.
"Simulan na natin, don't deny it." Seryoso pa rin siya, paano ba ‘to? Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya.
Napaatras ako nang biglang sumugod papunta sa kinaroroonan ko ang isang espadang kalahati lamang ang haba sa ordinaryong espada. Sinubukan kong iwasan at nagtagumpay ako. Ngunit hindi pa man ako nakakaharap ay biglang gumalaw na rin ang iba pang espada, napatingin ako kay Sir Jinro hinahanap ko sa kaniyang ekspresyon kung may awa ba siya pero wala, wala akong nakikita na ganoon bagkus ay natutuwa pa siyang paulanan ako ng espada. Umiwas ako nang umiwas hanggang sa nakaramdam ako ng pagod.
Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib, nahihirapan akong huminga, kinapa ko ang aking bulsa upang kuhanin ang aking inhaler pero wala.
Ang alam ko ay narito lamang iyon.
Nang dahil sa ginawa kong kilos ay natamaan ang aking kaliwang braso na nagpasinghap sa akin.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi man ako mamatay sa espada baka sa asthma na ako matuluyan.
“Hey! Anong nangyayari sa'yo?" Napaluhod ako dahil sa paghahabol ko ng hininga. Ang sugat na natamo ko sa braso ay hindi ko na maramdaman dahil sa nakatuon ako sa paghahabol ng aking hininga.
"S-Sir... i-inhaler k-ko." Napahiga ako dahil nawawalan na ako ng hininga, dali-dali akong nilapitan ni Sir Jinro at binuhat niya ako, napakapit ako sa kaniyang leeg.
“M-May a-asthma a-ako,” halos bulong na lang ang lumalabas sa aking labi dahil sa paninikip ng aking dibdib.
"What?! Bakit hindi mo sinabi na may asthma ka?!" Mabilis ang kaniyang paglalakad at nakalabas na kami sa training room. Rinig ko pa ang pagbagsak ng mga espada sa sahig.
Napapapikit ako dahil nanghihina na ako, mabilis rin ang kaniyang paghinga. Nang pababa na kami sa hagdan ay nakita kong naroon ang tatlo pa niyang kapatid.
“What happened?" Lumapit na si Sir Levi.
“She can't breath! Inaatake siya ng Asthma!" Parang natataranta si Sir Jinro pero hindi ko na pinansin.
"Tara na sa hospital, faster!" Sigaw pa ni Sir Axron. Umaga pa lang kaya nang makalabas kami ay napapikit ako sa sinag ng araw. Ang malas ko naman, ngayon na nga lang ang unang beses na makalalabas ako ng mansyon, eh dahil pa sa asthma.
Isinakay ako ni Sir Jinro sa kaniyang kotse at mabilis na nagdrive. Narinig ko rin ang kotse ng tatlo na sumusunod na sa amin. Hindi ko na kaya, napapikit na ako ng tuluyan.
~~~
Napamulat ako ng mata at naghabol ng hininga. Napahawak ako sa oxygen na nakalagay sa aking bibig na siyang tumutulong sa aking paghinga. Dahan-dahan akong umupo at dahil sa kinilos ko ay naramdaman ko ang pananakit ng braso ko na may sugat pala. Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari, inalis ko na ang oxygen na nakakabit sa akin dahil balik na sa normal ang aking paghinga. Ang akala ko ay matutuluyan na ako, ganito ang nangyayari sa akin kapag inaatake ako ng asthma kaya natatakot akong mangyari ulit pero nangyari na nga ito.
Bumuntong hininga ako, narito ako sa hospital at mag-isa lang. Wala ang magkakapatid, palaisipan pa rin sa akin ang nagawa ni Sir Jinro, iyon na ba ang abilidad na tinutukoy niya, 'yong mga powers? Argh hindi ko alam.
Napalingon ako sa bintana nitong kuwarto, napagdesisyonan kong pumunta doon.
Hinawi ko ang makapal na kurtina at binuksan ko na ito, sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Madilim na ibig sabihin matagal akong nawalan ng malay? Akala ko talaga katapusan ko na. At dahil medyo magandang panoorin ang tanawin rito ay umakyat ako at umupo. Napaka-taas pala ng floor ng kuwarto ko pero ayos lang mahigpit naman ang kapit ko dito sa may bintana.
"Hoy!" Nang dahil sa gulat ay nadulas ako at nahila ko lamang ang kurtina.
“S-Sir A-axron tulong, tulungan niyo ko!!" Hindi ko alam ang gagawin ko.
“D*mn! Akin na ang kamay mo!" Pilit kong inaabot ang kamay niya, konti na lang, napatingin ako sa baba. Nanlamig ako dahil nakakalula ito.
"Give me your hand!" sigaw ni Sir Axron, at dahil ang kaliwang braso ko ang nakahawak sa kurtina ay unti-unti itong dumudulas dahil masakit ang sugat ko doon. Mabibitawan ko na pero biglang naabot ni Sir Axron ito at hinila ako ng dahan-dahan papasok ulit sa kuwarto. Napayakap ako sa kaniya at dahil sa pwersa ko ay bumagsak kami pareho sa sahig. Lalo akong ginapangan ng lamig dahil...dahil nadaganan ko siya.
"Magpapakamatay ka ba? Hah?!"
Napatingin ako sa kaniya at nakapikit pa siya dahil sa pagkakabagsak namin. Aalis at tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Shanny, andi—" Nanlaki ang mata ko dahil si Sir Levi, Sir Felix at si Sir Jinro ay pare-pareho ang ekspresyon.
Mga ekspresyon ng pagtataka na mababakas talaga sa kanila. Nagpabalik-balik ang tingin nilang tatlo sa akin at kay Sir Axron na hawak pa ang kaniyang ulo.
Naku baka kung ano ang isipin nila. Napatingin din si Sir Axron. Napalunok ako, ano ang sasabihin ko?

Komento sa Aklat (220)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    Visitor

    😊 😊

    17d

      0
  • avatar
    PunlaJohn jacob

    wow

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata