logo text

KASIYAHAN SA BAYAN

SHANNY’S POV
Kinaumagahan ay ramdam ko pa rin ang sakit ng aking likuran. Nanumbalik ang alaala ng nangyari kagabi. Naglalakad ako sa hallway tapos nagtago sa puno, tapos boom bumagsak at nakilala si Tegan. Matapos naming magkamayan ay nagpaalam na akong pumunta sa kuwarto, nagdahilan na lang din ako na inaantok na ako.
Hindi ko alam kung anong oras siya umalis do’n, basta iniwan ko siya. Nabanggit niya rin na gusto niyang magpahangin kaya napadpad siya sa may garden. Mukha naman siyang mabait kaya lang minus na dahil sa ginawa niya sa ‘kin. ‘Ang sakit tuloy ng likod ko.’
Tumayo na ako sa pagkakahiga dahil oras na rin. Tulad ng dati ay naligo na ako at nagbihis ng kulay brown na damit. Mahaba pa rin ang manggas at hanggang talampakan ang haba.
Sa pag-aayos ko ng buhok ay narinig ko ang pagtawag ni Meya mula sa labas. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto.
“Oh Meya?”
“Shanny, heto ang pagkain, kumain ka na.” Nakangiti siyang humarap sa akin matapos ibaba ang buhat niyang tray sa mesa.
Napangiti na rin ako dahil amoy pa lang ay alam ko nang masarap ang dala-dala niyang mga pagkain. Umuusok pa na talaga namang tamang-tama sa malamig na panahon.
“Salamat, Meya. Teka, kumain ka na ba?”
“Oo, Shanny. Kanina pa, busog na nga ako kaya kumain ka na.” Ngumiti siya at iginiya ako sa upuan sa harap ng mesa.
Sinimulan ko nang kumain at tahimik lang si Meya na pinagmamasdan ako sa harapan.
Pasulyap-sulyap din ako sa kaniya habang kumakain. Hindi niya alam ‘yong nangyari sa ‘kin kagabi at wala naman akong balak sabihin sa kaniya, ayokong mag-alala pa siya. Mukhang maganda pa naman ang gising niya dahil panay ang ngiti sa akin. At higit sa lahat, kung sasabihin ko man sa kaniya ay magtatanong lang siya nang magtatanong, panigurado.
“Hay! Salamat ulit, Meya busog na ako dahil sa mga masasarap na pagkaing dala mo.” Napahawak ako sa aking tiyan at napa-dighay pa.
***
Sa ilang oras na pamamahinga ay naisipan kong lumabas ng kuwarto. Hindi ko kasama si Meya dahil ipinatawag siya ni Heya Rion. Wala rin naman akong gagawin sa kuwarto kaya pupunta na lang ako sa garden para magmuni-muni na rin.
Tahimik sa hallway at maganda rin ang sikat ng araw. Tamang-tama at masarap tumambay ro’n sa garden. Sa pagliko ko ng hallway ay natanaw ko si Felix na diretsong naglalakad pasalubong sa aking direksyon.
“Shanny, saan ka pupunta?” tanong niya nang makalapit sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kanang kamay na dumudugo. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya agad niya itong itinago sa bandang likuran niya.
“Anong nangyari sa ‘yo, Prinsipe Felix?” Nag-aalala ako dahil mukhang malaki ang sugat niya dagdag pa na panay ang pagdurugo nito. May mga patak na rin sa sahig.
“Wala ‘to, konting galos lang sa pagsasanay.” Humakbang siya at nilagpasan ako. Pansin ko rin na mukhang malungkot siya dahil kita ko sa mga mata niya nang magtama ang tingin namin.
“T-Tutulungan na kita,” naisambit ko at lumingon sa kaniya.
Tumigil naman siya sa paglalakad nang hindi lumilingon sa akin. Malayo na ang pagitan namin pero alam kong narinig niya ako.
“Gamutin natin ‘yang kamay mo, Prinsipe Felix. Tutulungan kita.”
Hindi siya nagsalita. Maya’t maya ay nilingon niya na ako. Tanging pagtitig ang naging tugon niya sa akin.
Ilang minuto ring tumagal ang pagtititigan namin. Hinihintay ko ang pagsagot niya.
“Talaga?”
Sa wakas ay nakapagsalita na siya. Tumango ako bilang pagsagot. Mukhang lumiwanag ang mukha niya kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
Patakbo akong lumapit sa kaniya.
“Salamat.” Ngumiti siya sa akin at nagsimulang humakbang. Tumabi ako at sumabay na rin sa paglalakad.
***
Isinama niya ako sa kaniyang kuwarto at doon ay tinulungan ko siyang linisin ang sugat sa kaniyang palad.
Napapapitlag siya sa tuwing dinadampian ko ‘yon ng panlinis. Dahan-dahan lang ang ginagawa ko dahil malalim na hiwa ang natamo niya. ‘Ano bang klase ng pagsasanay ang ginagawa niya?’
Sa huli ay ibinalot ko ang buo niyang palad ng isang puting tela, parang benda.
“Ayan, tapos na.”
Binitawan ko na ang kaniyang kamay at nang mapatingin Ko sa kaniyang mukha ay umiwas siya ng tingin.
‘Hmm? Hindi kaya naiinis siya sa ‘kin kasi masakit akong maglinis ng sugat? Sorry na, Felix.’ Napapikit na lang ako sa mga naiisip.
“Oo nga pala, Shanny, may kasiyahan mamayang gabi sa bayan. Gusto mo bang sumama? Maraming pagtatanghal do’n.”
“Kasiyahan? Mukhang masaya nga ‘yan, Felix... hala mali, Prinsipe Felix pala dapat.”
Napatawa siya at napapapikit pa.
“B-Bakit ka tumatawa?” Nanliliit ang mga matang tinignan ko siya.
“Hindi ba ang sabi ko, tawagin mo na lang ang pangalan ko? Pero kung hindi ka mapalagay... sa tuwing magkasama tayong dalawa mo na lang ako tawagin sa pangalan ko.”
Sabagay ‘pag may ibang tagapagsilbi na makarinig sa ‘kin, sasabihin pa nila na wala akong galang.
Mas maganda na nga sigurong sa tuwing magkasama na lang kami, do’n ko siya tawagin sa pangalan niya.
Tumatawa kaming lumabas ng kuwarto niya dahil na rin panay ang kuwento niya sa mga hayop na lumalabas sa tuwing nag-eensayo siya sa training ground nila rito. Tulad daw ng higanteng bibe na ilusyon sa traing room naman nila sa mansyon, ‘yong sa mundo ko, do’n din nagsasanay si Sir Jinro. At ‘yon ang unang beses na makakita ako ng oso na kalahating tigre.
“Sama ka mamaya, Shanny. Susunduin kita sa kuwarto mo.” Muli niyang paalala nang huminto kami sa tapat ng pintuan niya. Hindi muna kami tumuloy sa may hagdan dahil gusto ko pang makinig sa kuwento niya. Tumambay muna kami.
Aliw na aliw ako sa pagkukuwento niya at talagang mukhang masaya ang naging pagsasanay ni Felix.
Napatigil kami sa pagtawa nang makita si Sir Axron, mukhang galing siya sa kuwarto niya.
“Oh Ax.” Bati ni Felix. Samantalang tahimik lang ako sa gilid.
Seryoso niya kaming tinignan. “Sasama rin ako.”
Pagkatapos banggitin ‘yon ay dumiretso siya sa hagdan pababa at hindi na kami kinibo.
Nagkatinginan naman kami ni Felix. Tumaas lang ang balikat niya dahil nagtatanong na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Mukhang hindi niya rin maintindihan ang kapatid niya. Hindi kaya naiingayan sa amin? Mukhang masama na naman ang gising.
“Gusto pa lang sumama ni Sir Pilak.” Naisatinig ko. Huli na dahil katabi ko pala si Felix.
“Ano ‘yon, Shanny?”
“Ah w-wala... wala naman.” Mabuti at hindi niya narinig. Hay!
Nakakatuwa dahil ‘pag si Felix ang kasama ko parang ang gaan-gaan sa loob. Wala siyang ginawa kun’di patawanin ako. Hindi maalis sa isip ko ‘yong kuwento niya na noong bata siya at dahil ayaw siyang pasamahin ng hari at reyna sa isang lugar ay lumikha siya ng malaking butas sa lupa, doon ay nagtago siya upang magmukmok, tinakpan niya rin daw ng lupa ang puwesto niya.
Wala raw nakahanap pero si Sir Axron ay iba raw. Pinalibutan daw nito ng yelo ‘yong lupa na ipinantakip niya at walang anu-ano’y tinuklap sa isang iglap. Hindi niya nga raw alam kung paano siya nahanap do’n ni Sir Axron.
‘Ibig sabihin, kakaiba talaga si Sir Pilak?’
Nang makabalik ako sa kuwarto ay naroon si Meya na may dalang pagkain. Mabilis lang akong kumain at umidlip muna.
***
Hapon na nang maisipan kong lumabas. Wala pa rin si Felix, ang sabi niya kasi ay susunduin niya ako.
Kasalukuyan akong naglalakdad sa hallway nang mahagip ng aking mga mata ang dalawang magkapatid na may berdeng buhok. Naglalakad sila sa kabilang hallway. Nagtuloy lang ajo sa paglalakad at paniguradong magkakasalubong kami dahil papaliko sila sa hallway na dinadaanan ko.
Nabigla ako sa pagharang ng babae. Gumilid ako pa-kanan ngunit muli niya akong hinarang.
“Ikaw ang itinakda, hindi ba?” masaya ang tono ng boses niya.
“O-Oo, ako nga. May kailangan ba kayo?” Tinignan ko siya pati ang kasama niyang lalaki na nakatingin sa akin.
Napaatras ako nang mas lumapit ang babae sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
“Wala naman, alam mo bang bata pa lamang kami ay gustong-gusto na naming makilala ang darating na itinakda. Kaya sobrang saya ko nang ibalita ni ama ang pagbisita namin dito.” Parang kumikinang ang mga mata niya habang nagsasalita.
“A-Ah gano’n ba.” Pinilit kong tumawa dahil naiilang ako sa kaniya. Doon ay nabawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
“Oo, masayang-masaya kami, Binibining Shanny. Ako si Darius.”
Kung kanina ay mukhang na-estatwa itong lalaki, ngayon ay may napakalapad na ngiti siya at lumapit sa akin.
“Hi!” Ngumiti ako at inilahad ang kamay.
Tinignan niya lang ito kaya nahihiyang binawi ko na lang. ‘Hindi ba uso ang shakehands dito sa mundo nila?’
“Ano ba, Darius! Ako muna.” Nagulat ako nang bahagyang itulak ng babae si Darius.
“Ako si Denley. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang itinakda ng Radeon!”
‘Darius, Denley pala ang pangalan nila.’
Magka-ano-ano kaya sila?
“Magkapatid kami,” biglaang nagsalita si Darius.
“Ha?”
“Halata kasi sa mukha mo na naguguluhan ka kung magka-ano-ano kami ni Denley.”
‘Halata pala ‘ko! Hay, Shanny.’
“Shanny!” Napalingon kaming tatlo sa tumawag sa akin. ‘Si Felix.’
“Oh, Prinsipe Felix?”
“Pagbati, mahal na prinsipe.” Yumuko ang dalawa nang makita si Felix.
“Akala ko kung saan ka nagpunta. Galing ako sa silid mo pero ang sabi ng ibang tagapagsilbi ay nakita ka nilang lumabas.”
“Ah oo, pupuntahan na sana kita.”
“Kung ganoon ay tayo na,” pag-aya niya sa akin.
“Paumanhin sa inyong pag-uusap. Maaari ba kaming sumama sa sinasabi ninyo? Galing pa kami sa ibang bayan kung kaya’t gusto naming makita ang pagdiriwang sa bayan na ito.” Pahayag ni Darius.
Tumingin sa akin si Felix na animo’y nagtatanong.
“Oo, sige sumama kayo sa ‘min. Mas marami, mas masaya,” ako na ang sumagot.
“Talaga? Maraming salamat, Binibining Shanny.” Tuwang-tuwa na yumakap sa akin si Denley na siyang ikinagulat ko.
Mukhang mababait naman silang dalawa kaya siguro ay magkakasundo rin kami.
Habang naglalakad ay panay ang pagdikit sa akin ni Denley at hindi ko maiwasang mailang dahil kakikilala pa lang namin.
Sa likod naman namin nakasunod si Felix at Darius. Minsan natutuwa ako sa buhok nila dahil parang glowing in the dark ang pagka-green ng mga ito.
Kasing tangkad ni Meya si Denley kung kaya’t medyo matangkad ako sa kaniya. Hindi naman maipagkakailang may katangkaran ang kapatid niyang si Darius. Naitanong ko rin kung ilang taon na sila, ang sagot naman niya ay 20 years old na siya at 19 years old naman si Darius.
Ilang sandali pa ay natanaw ko si Sir Axron. Nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib habang pinagmamasdan sila sa ilalim ng puno. Nakatalikod ang babaeng may mahabang buhok na aabot sa kaniyang baywang, habang si Sir Axron ay nakaharap naman dito sa aming direksyon. ‘Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.’
Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit ilang hakbang pa lamang ay narinig kong sumigaw si Felix. Akala ko hindi nila napansin si Sir Axron.
“Ax! Akala ko ba ay sasama ka patungo sa bayan?”
Unti-unti akong lumingon sa kanila. Nangunguna si Sir Axron papalapit sa kinatatayuan namin. Nakasunod naman ang babae.
“Sasama nga ako.”
Umiwas ako ng tingin nang mapadako ang mga mata niya sa ‘kin. Hindi ko alam pedo parang naiinis ako sa kaniya na ewan.
“Pagbati sa inyo, mahal na Prinsipe Felix.” Yumuko ang babae na nasa harap na namin ngayon.
Hindi ko siya matingnan at sa paligid lang ako tumitingin-tingin.
“Sa ‘yo rin, binibining itinakda. Ako si Mhara at ikinatutuwa kong makita ka.” Mahinhin ang bawat salitang nanggagaling sa kaniya. Parang nakonsensya ako dahil tinignan ko siya ng masama kanina.
Doon ay nagawa ko na siyang tignan. Napansin ko na may katangkaran siya at... maganda rin.
Ilang segundo na katahimikan ang namayani sa amin. Anim na kaming magkakasama at ilang sandali pa ay naglakad na kami.
Isinama namin si Mhara na tahimik lang sa likuran kasabay si Denley. Nauuna akong maglakad at hindi ko na napansin.
Napahinto kami sa tapat ng gate nang makita namin sila Levi at Jinro, kasama nila ang dalawang kasama ni Mhara na papalabas na rin.
“Oh Levi, Jinro, saan kayo pupunta?” tanong ni Felix.
“Sa bayan, hindi ba ay maraming pagtatanghal ang masisilayan ngayong gabi?” Si Levi na ang sumagot.
‘Pupunta pala siya, bakit hindi niya ako inaya?’
Napakunot ang noo ko at kinusot-kusot pa ang aking mata dahil baka mali lang ang nakita ko. Sa likod kasi nila Levi ay naroon si Tegan at isa pang Tegan.
Si Tegan at ang isa pang lalaki ay magkamukha!
“Hey, Shanny? Masama ba ang pakiramdam mo?” napatingin ako kay Levi nang magsalita siya.
Umiling lang ako at ibinalik ang tingin sa dalawa.
“Kambal sila. Kambal itong ma kapatid ko.” Nagsalit si Mhara at humakbang sa harapan.
“Magandang gabi, binibining itinakda.” Si Tegan ba ‘to?
Hindi ko alam dahil talagang magkamukha na magkamukha sila, dagdag pa na pareho silang naka-itim na damit. Noong hapunan ay hindi ko napansin na kambal sila dahil magkaiba naman ang pananamit nila at hindi ko sila tinignan sa mukha.
“T-Tegan?”
‘Hula lang, sana tumama.’
“Ako nga, binibini. Mabuti at natandaan mo ako.” Rinig ko ang pagkamangha sa kaniyang boses.
‘Kung lotohan pang ‘to, milyonaryo na sana ako.’
Nasa tabi ni Levi si Tegan kaya tumingin ako sa kaliwang dulo sa tabi ni Sir Jinro. Sino siya?
“Ako si Tegene, ikinagagalak ko kayong makilala.” Pareho rin ang boses nila.
Kaya lang ‘pag nagsalita ‘tong si Tegene ay bakas na bakas ang pagkaseryoso.
“Hello!” unang lumabas sa bibig ko matapos matitigan si Tegan—ay si Tegene pala.
“A-Ah ano, ibig kong sabihin magandang gabi!”
Sampu kaming lumabas ng palasyo. Ilang minuto lang ay nakarating kami.
Maraming tao ang naririto. Hinila ako ni Denley sa may mga nagtatanghal at nanuod na rin. Napansin ko ang panay na pagdikit ni Mhara kay Sir Axron na siyang ikinairap ko sa hangin.
Iba-iba rin ang mga palaro na mayroon doon kaya para mawala ang pagkainis ko ay sinubukan ko halos lahat ng laro. Kasama ko si Denley, Darius, at si Felix sa aking tabi. Halatang nag-eenjoy naman sila. Hindi ko na nakita kung saan nagpunta sila Levi.
Mga alas nuebe y media ay nagpasya na kaming bumalik sa palasyo para na rin makapagpahinga na.
Nagkita-kita rin kaming lahat na sampu. Sabay-sabay na lumakad pauwi.
“Ah!” Napatigil kami sa paglalakad nang marinig ang pagdaing ni Mhara.
Nahuhuli sila ni Sir Axron sa paglalakad kaya lahat kami ay tumingin sa bandang likuran. Napabusangot ako nang makita na nakakapit siya sa braso ni Sir Axron.
“Anong nangyari sa ‘yo, Prinsesa Mhara?” tanong ni Felix.
“Sumakit ang aking mga paa.” Napansin ko ang paghigpit ng kaniyang pagkakahawak kay Sir Axron.
“Maaari bang tulungan mo ako, mahal na prinsipe?” Doon ay hindi na ako nakatiis at hinila na si Denley upang magpatuloy sa paglalakad.
“Ako na ang tutulong sa ‘yo, Ate Mhara.” Narinig kong nagsalita ang isa sa kambal.
“Mas mainam na sa ‘yong kapatid ka na lamang magpatulong, prinsesa.” Si Sir Axron na may malamig na boses.
Sa narinig ay napalingon ako sa kanila. Kita ko pa ang pagbabago ng ekspresyon ni Mhara.
“Hindi na, Tegan. Kaya ko pa naman. Magpatuloy na tayo.”
Napangisi ako nang palihim dahil akala ko ay tutulungan siya ni Sir Axron, ayon tinanggihan naman.
***
“Oh Shanny, mukhang masaya ka?” tanong ni Meya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pagkatapos ay bumalik siya sa pag-aayos ng higaan ko.
“Oo, sobrang saya ko, Meya!”
“Masaya rin akong masaya ka, Shanny. Siya nga pala, maayos na ito. Maaari ka nang matulog.”
“Salamat, Meya!”
Nagpaalam na siya at doon ay pinatay ko na ang ilaw sa magkabilang sulok ng kuwarto. Lumundag ako sa malambot na kama at hindi ko mapigilan ang magpaikot-ikot dahil hindi ko pa rin makalimutan ang hitsura ni Mhara kanina. Kahit papaano ay nawala na ang pagkainis ko.

Komento sa Aklat (220)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    Visitor

    😊 😊

    17d

      0
  • avatar
    PunlaJohn jacob

    wow

    09/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata