Homepage/SEEKING IDENTITY/
The Twins
Chapter 23: The Twins
JAMES' POINT OF VIEW
NAPATINGIN KAMING lahat sa mga pangalang nakasulat doon sa nakalutang na monitor. Nandoon lahat ang mga pangalan sa kung sino ang kakalabanin mo. Ganoon pa rin ang setup. Rank SUPREMUS will only fight on that rank and no one else.
Ang bestfriend kong parang pader laban sa kakambal niya. Ang babaeng pilit kong itinatanggi na gusto ko laban sa'kin. Ang nakakatakot na boyfriend ni Hilary laban sa mahanging babaeng anak ni Prof. Kalbo. The girl who doesn't care to anyone versus the girl who becomes our instant friend because of Maureen. At ang magiging ka-duel naman ng bipolar na mangkukulam ay ang lalaking enhanced geek na kung tawagin.
Nabasa ko rin ang makakalaban ni Mau na paniguradong ang saya-saya na ngayon. Si Bea Desiree na inisang suntok niya lang at nawalan na ng ulirat. Katakot pala 'tong mairita! Mas nakakatakot pa kay Kendreck! Hindi ko alam kung paanong sila ang magkalaban pero mukhang pakana iyon ng pinsan ni Ella, si Bea.
A revenge, I guess? Pero pakiramdam ko hindi siya ang makikinabang sa paghihiganti niya.
Nasa red benches kami ng mga seniors at kitang kita ko kung paano ngumisi ng malawak si Maureen habang nakatingin sa screen ng monitor pagkatapos ay lumingon sa'kin. Napakurap ako nang kumindat siya. Pakshet! Jusmeyo mahabagin, ano na naman ba’ng kalokohan ang pumasok sa kokote ng babaeng ito?!
Ngumiti nalang ako ng alanganin na siyang ikinairap niya. Ang taray talaga ng maharot na 'to! Liligawan daw si bestie?! Sino naman kaya ang nagsuggest sa kaniya no'n? Wala talagang kahihiyan sa katawan! Ah, maliban nalang doon sa library pero parang mas tumapang na ito ngayon.
Anong kaya ang nakain nito? Para makain ko na rin at hindi na maging torpe...
"Natatae ka, James?" Narinig kong tatawa-tawang tanong ni Sofia sa gilid ko. Ha! Halikan kita diyan, eh! "O kinakabahan ka na sa'kin? You know, even though you're a boy, you can never defeat a girl like me,” she blurted out before leaving and sits beside Hilary. Hindi ko siya pinansin at baka asarin na naman niya ako.
Katabi naman ni Hilary sa kabila ang kapatid nitong nakabusangot at iritang-irita na sa tinitingnan. Tiningnan ko rin 'yon at nakita ko kung pa'no siya kinindatan at binigyan ng flying kiss ni Maureen. Napangiwi ako. Jusko naman! Kahit nasa malayo ay nagawa pang manlandi! Ano 'yan, long distance landian?
Lumapit ako kay Jack na parang kaunting pitik na lang ay bubuga na ng apoy, kahit mukhang mga lupa naman ang ibubuga. Napalingon ito sa'kin at sininghalan ako. "What?!"
Napaatras ako at kalauna'y tumawa ng malakas. "Anong mukha 'yan, bestie? Nilalandi ka na naman ba?" I tapped his back for him to get calm. Hindi pwedeng irita itong lalaban dahil baka mapuruhan ng sobra ang kakambal nito. Lagot talaga 'yan sa'kin ang Maulande na 'yan!
‘Are you jealous, dear James? Don't tell me, you like my husband?!’ Napaitlag ako sa sigaw sa loob ng ulo ko. Bakit niya ako nakakausap sa isipan gayong kami lang namang mga SUPREMUS ang nakamind-link? Sinubukan ko naman siyang sagutin pero hindi ko magawa-gawa.
Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na siya pinansin dahil mas kailangan ko ngayon mag-focus sa match. Unang maglalaban ang senior level hanggang sa junior level. The first ones to fight are the twins.
Bumaba na silang dalawa dahilan para tumili ang mga babae at magsigawan ang mga lalaki. This is gonna be an exciting fight like last year! Sino na naman kaya ang mananalo nito ngayon? "Hi, little bro..." I heard Hilary's greetings.
Hindi siya sinagot ni Jack at tumitig lang siya rito, nagpapakiramdam. Umatras ng kaunti si Hilary at nagsummon ng chain whip na may nagbabagang apoy sa kabuo-an nito, hindi man lang napaso. She can summon weapons through her fire, though. Hinampas niya ito sa sahig ng ilang beses at inambaan ang kakambal niya pero nakaiwas ito. The ground began shaking as Jack stomped his foot.
May naglalabasang naglalakihang puno at nanganak ang mga ito ng iba't ibang mababangis na hayop na tagalupa. Jack grinned, obviously mocking his sister but Jane just rolled her eyes. Sumugod ang mga hayop pero bago pa sila makalapit sa babae ay lumiliyab na ito sa apoy.
"Let's stop playing, Twinny. You might drain your stamina," mapanlokong aniya. Nawala ang chain whip niya at naunang sumugod sa kakambal. Her fists was burning with red-orange flames! Sinuntok niya si Jack at nakaiwas agad ang huli.
Jack fists becomes rock, literally. Sinuntok niya ang kinatatayuan niya at may nagsilabasan na mga lupa na may nakapulupot na vines dito. Hilary lost her balance but she managed to backflipped and kicked her brother. Jack caught her feet and throw her at the edge of the platform. Para namang balewala si Hilary ro’n pero ramdam ko ang sakit.
Sino ba naman ang hindi masasaktan kung taong bato ang gagawa sa'yo no'n?! Sila lang ‘ata.
Hilary immediately ran towards him and they both stumble on the ground. Sa likod ni Hilary ay may unti-unting nabubuo na taong bato at puno ang magkabilaang kamay. Nagsigawan naman ang mga tao sa pagkamangha. Nang mabuo iyon, hinampas niya ang likuran ni Hilary dahilan upang tumalsik na naman ito.
She gritted her teeth and raise her hand; and there, a burning blue flames is hugging the one-meter sword. Woah! So she already mastered the blue flames!? After that, a serpent-dragon appeard in her back and we heard it says 'mistress'. Again, people gasped in awe. You can only summon that serpent-dragon when you already mastered all your magic in fire!
The two beasts growled and starts fighting with each other. Naglabas din ng sandata si Jack, isang dagger ito na puno ng vines. Sumugod sila sa isa't isa, nadaplisan ang mukha ni Jane causing her to summon a medium fireball. Iniwasan ito ni Jack pero kusa itong sumusunod sa kaniya.
The stone giant deflected the fireball kaya naglabas ng libo-libong fire flickers si Hilary at ang serpent-dragon. Maganda ito na nagmukha ng nagf-fireworks sa loob ng platform. Ang fire flickers ay nakakapaso kahit maliliit ito. The stone giant got all the damages of the flickers causing him to vanished.
"Two versus one," Hilary stated and winked at her twin. Jack just scoffed and this time, siya na ang unang umatake. Jack managed to punch her face at sinaksak ang tagiliran ni Hilary. Nagalit naman ang serpent-dragon kaya binugahan niya ng apoy si Jack.
Jack immediately made a barrier but the flame is strong kaya medyo natamaan siya. The burnt is visible at his left hands. Jane keeps on teleporting using her fire at mukhang nililito nito si Jack. Jack, on the other hand, summoned his gumiho— a nine tailed fox mystical beast. Makakapag-summon ka lang rin nito kung namaster mo na ang kapangyarihan ng lupa mo. The gumiho immediately attack the serpent-dragon.
Nahuli ni Jack ang leeg ng kakambal niya kaya ibinalibag niya ito at nagpalabas kaagad siya ng mga poisonous earthly-vines. Ipinulupot niya ito sa kakambal niya at itinaas ito sa ibabaw niya. Nakita ko kung paano ngumisi si Jack at ibinalik naman ito ni Jane bago umirap.
Nagulat nalang kami nang ipinitik ni Jane ang kaniyang mga daliri at lumabas ang napakaraming blue fire flickers at spears na may nagbabagang apoy. It all directly to Jack at hindi niya ito naiwasan kaya nabitawan niya si Jane na nagiging ube na ang kulay dahil sa poisonous vines. Dahan-dahanin ka nitong kuhanan ng hininga and it was one of the deadly magic-weapon Jack has.
Jane stumbles on the floor at hinabol kaagad ang hininga. The mystical beasts continues on fighting at mukhang walang magpapatalo. Hindi naman naiwasan lahat ni Jack ang mga patalim at apoy ni Jane na itinanim niya pala noong nagt-teleport siya gamit ang apoy niya.
I thought she's allergic to teleportation? Baka sinanay na niya ang sarili para sa plan and strategy niya laban sa kambal. She eventually wished to lose his twin na ngayon ay namimilipit na sa sakit dulot ng apoy.
Dahil nanghihina na nga si Jack, hindi na niya makontrol ng maayos ang gumiho niya kaya kusa itong nawala. Jane immediately made her serpent-dragon disappear. Napaupo naman siya sa platform at pilit iniinda ang saksak niya sa tagiliran. Namumutla na rin ito dahil sa pagkakuha ng dugo.
The emcee announced the winner and that is Jane Hilary. Jack's points increases. From 84 to 86, siguro dahil napalabas niya ang mystical beast niya. Umangat naman ng lima ang puntos ni Hilary. Mula 82 ay naging 87. Tuwang-tuwa na siguro siya ngayon dahil sa wakas ay nalamangan niya ang kapatid pagdating sa labanan.
Baka hindi nakapag-concentrate si Jack dahil sa inis niya. Hahaha!
Dinala kaagad sila sa grupo ng mga healers na hindi na lalaban ngayon. Gumaling naman kaagad sila dahil magagaling naman ang manggagamot na mga sophomores. May royal doctors din na tumulong dahil utos iyon ng reyna.
Napabuntong-hininga ako. Ako na pala ang kasunod na lalaban. Sana naman ay may lakas ako ng loob na labanan siya. Pero dapat talaga ay meron. Last year ay nakapagpigil pa ako na hindi siya saktan ng todo dahil babae siya at nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Marupok ako, eh! Pero hindi na ngayon na mukhang lumakas na nga siya dahil nagawa pa niyang mangasar kanina.
Hindi pwede! Ako dapat ang manalo para hindi na ako asarin ng tukmol kong ama at kapatid. Palagi nalang nila akong inaasar na sobra daw akong marupok pagdating kay Sofia. Ano pa ba ang magagawa ko?
Eh, sa mahal ko siya!
@DiligentoryxI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
update pls
20/03
0good i like
26/07/2023
0nice
29/06/2022
0Tingnan Lahat