ISANG SANDWICH at bote ng orange juice ang muling bumungad kay Sapphire pagkayari ng tutorial class nito sa 3rd floor, sunod na araw. Gaya ng dati'y mayroon muli itong kasamang yellow card na may isang tangkay ng fresh sunflower. Ang lakas lang sanang maka-secret admirer ng nagbibigay noon, if she's not jusy aware of the asshole's identity... Baka nga kiligin pa siya for all her life nobody dared doing such effort for her. Madalas kasi noo'y branded accessories, designer bags, imported chocolates at kung anu-ano pang kaya rin naman niyang bilhin ang madalas niyang matanggap. No one tried to make difference. Difference such as breaking the usual way, stop with the material things and be creative or more like expressive. Like the letters or maybe, subukan naman nilang alamin ang mga paborito nito... Haiissst! What could she expect? Lahat naman ng mga naging manliligaw nito'y gusto lamang ng panadaliang paghihirap at pangmatagalang ligaya. One week already passed since he hurt Will with her sharp words. Ang akala ni Sapphire ay tinamaan talaga ito sa kaniyang mga sinabi, she thought she'll finally stop from sticking with her because he finally realized that she's not the same Sapphire years ago. Their worlds are different from the old one, even their hearts. Oo at ilang araw rin siyang hindi lumapit sa dalaga but his presence and intentions could still be felt through this simple gifts he's been sending everyday, walang mintis. At wala ring mintis si Sapphire sa pandededma niya sa mga iyon, she even throw them in the garbage just to show even to herself that she doesn't care about him anymore. Sapphire chose to keep her silence despite it, she wants to keep professional in her own way because first of all, they are colleagues now. She just can't curse him, shout on him when she wants to. Kailangan niyang magtimpi kahit pa madalas ay nais niya nang sugurin si Will dahil sa pagpapaka-martir nito. Hindi nito bagay, kung inuusig siya ng kaniyang konsensiya ay magsimba na lamang siya't mangumpisal. Dahil wala siyang aasahan kay Sapphire, her mind was made up long time ago, she will never give her forgiveness to him. Hindi na nito hahayaang maka-pasok pang muli sa puso niya si Will kaya't gagawin ni Sapphire ang lahat for him to realize how worst it will be to be in her life again and to incorporate it with some fun— ipapadama rin niya sa binata ang ipinaramdam nito sa kaniya back when she was his crazy-stupid-student who's deeply in love with him... And speaking of the devil, palabas na siya ng faculty room nang salubungin siya ni Will. He's with his some sort of books in her hands, but he still managed to help Sapphire with her loads. Inagaw nito ang bag ng dalaga, ang laptop nito at ilang libro pang dala. Hinayaan lang ito ni Sapphire, wala na rin naman siyang magagawa dahil bago pa siya makapag-react ay nawala na sa kaniya ang mga gamit. Kailan pa naging snatcher si Will? Hindi na niya hinintay pang magtanong na naman ang binata ng tungkol sa araw niya. Sapphire started walking fast, neverminding if Will's running after her, asking her to slow her pace. "Baka mahulog ko itong mga gamit mo?" he said. "I'll kill once you do." Umirap siya't ngumisi bago bumulong sa sarili, "you wanted that in the first place. Panindigan mo." Ilang hakbang na lamang patungo sa gate ay nakasalubong naman nila ang magkaibigang sina Ms. Aila at Ms. Dina na mukhang may hinahanap. Nilapitan nila si Sapphire nang matanawan ang kasabay niyang naglalakad ngayon. "Hi Ms. Sapphire!" Ngumiti si Ms. Dina sa kaniya pagkatapos ay nagka-sabay naman sila ni Ms. Aila sa pagbati kay Will na ngayon ay huminto rin sa tapat ni Sapphire. "You look struggling, need help?" tanong ni Ms. Aila, tila hindi komportableng makita si Will sa kaniyang kalagayan. "No need, thank you but I can handle." "Mga gamit mo ba iyon, Ms. Sapphire?" baling ni Ms. Aila sa kaniya. "Bakit mo naman ipinadala lahat kay Mr. Silva?" "Ah, I volunteered. Ayos lang! Kayang-kaya ko ito," singit nito sa usapan. Subalit napapangiwi pa rin si Ms. Aila, hindi kombinsido sa sinabi ni Will. Bakit hindi niya ipagpilitan ang pagtulong niya? "Pauwi na ba kayo?" si Ms. Dina. "Ammm, Yeah. Pauwi na’ko. Hindi ko lang alam dito kay Mr. Silva..." Simpleng nilingon ni Sapphire ang binata, peke siyang ngumiti rito. Mas nagliwanag ang kaniyang mukha nang may maisipang gawin. "Mukhang wala pa kayong sundo, ah? Do you wanna take a ride in his car? Maluwang naman 'yun and I think his daughter Sunny will love it." Nahuli ni Sapphire ang matalas na pagtitig ni Will sa kaniya. What? Ayaw ba nito? Hindi ba't gentleman siya? Everyone looks up on him because he has all the good traits a every man should possessed. It's his pleasure to take care of every girls, maliban lang kay Sapphire. Tsss! Napa-palakpak si Ms. Aila dahil sa narinig. Seems like one of her whishes came true. Si Ms. Dina nama'y medyo nag-aalagan sa ideya ni Sapphire. "What about you? Saan ka pala sasakay?" Ms. Dina asked. "May sundo naman ako. I can handle myself, don't worry," aniya bago lingunin si Will para kuhanin ang gamit niya mula rito. She smiled sweetly to him, hindi ito nagpa-apekto sa galit na naka-guhit sa mukha ni Will dahil sa panunubong ginawa niya rito. "Be nice to them and drive safely." "Siya nga pala, Ms. Sapphire. Sasama kaba sa teacher's gad natin next week? I heard hindi naman siya compulsory, pero resort daw ang pupuntahan. It will gonna be relaxing, sana makapunta kayo." "Oh, I heard about it. Pero pinag-iisipan ko pa, e." Kung sasama lang din si Will, tiyak na hindi rin ma-rerelax doon si Sapphire. But if he won't come, then, Sapphire will do. "May mga reports pa’kong kailangang yariin. Alam mo na, late akong nakapag-umpisang magturo." Bahagya itong napa-simangot. "Oh, I see. About that if you need some help, you could ask me." "So, let's go na?" singit ni Aila hindi na makapaghintay makasama sa iisang sasakyan si Will. "Bye, Ms. Sapphire! Sa front seat ba umuupo si Sunny? Kung hindi, puwede bang doon ako umupo?" "Bye!" Iritado man si Sapphire sa asal ni Ms. Aila ay sinikap niyang panatilihin ang ngiti sa kaniyang labi. Nagpasya siyang magpatuloy na sa kaniyang paglalakad patungo sa parking area kung saan siya madalas na naghihintay sa kaniyang driver...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
16/07/2024
0I want dis story
15/07/2024
0goods👍
26/06/2024
0Tingnan Lahat