THE END

( R O M E )
She's so beautiful.
Undeniably gorgeous.
Nakita ko na siyang maging sirena pero iba pa rin pala yung pakiramdam kapag mismong nasa ilalim na kayo ng dagat.
Napaka ganda nya.
Nakakamangha.
Dinala nya ako sa kanyang Palasyo, kung saan sya ang Reyna, kung saan hindi sya pangkaraniwan na babae.
Nakakamangha kung paano siyang igalang ng lahat, nakakamangha ang ganda kanyang mundo.
Binigyan nya ako ng karapatan na maranasan ang pagiging isang Merman.
Nakakabaliw man pero totoo na nangyayare ito sa buhay ko. Nagkaron ako ng babaeng iba sa aming mundo.
Huling gabi namin sa kanilang Kaharian ay nagkaron ng isang salo salo, habang pinagmamasdan namin ang mga panauhin na magsaya ay narito kami sa veranda ng kaharian.
Yakap ko sya mula sa likod.
" Napakaganda ng inyong mundo, tila isang panaginip pa rin " nag iingat ako sa mga salitang aking binibigkas ayokong masaktan sya o ayokong isipin nya na hindi ko tanggap.
Kasi tanggap ko na, tanggap ko na..
Tanggap ko ng habang buhay kaming makukulong sa fairytale.
Tinanggap ko siya dahil mahal ko siya, tulad ng pagtanggap nya kung sino at ano ako ay ganun din ako sa kanya.
Halos ilang buwan din kaming nawala, at ng bumalik ay dumiretso kami sa bago naming bahay, naroon na si Aster ang Adopted daughter namin.
Pinag aaral namin sya ng grade 11, iyon kasi ang kanyang naipasang Exam.
" We're Home " masayang sigaw ni Arielle.
Narinig ko ang yabag ni Aster, nang makita kami ay yumakap ito sa amin. bago kasi kami umalis ay nagkakilala na sila,naasikaso na ang lahat bago namin sya iwan.
Maliit lang ang bahay na ito tulad ng gusto ni Elle, Mula sa sala kapag tumingala ka makikita mo ang isang kwarto na salamin lang ang harang ngunit may kurtina iyon sa gabi, ang hagdan nun ay ginawang Shoe Rock.
Kita din ang kusina na tanging Counter top lang ang harang, ang counter top na din ang ginawa naming dinning dahil tatlo lang naman kami, mula sa kusina kapag nag angat ka ng tingin ay makikita ang silid ni Aster na tanging Salamin na may Pink Curtain ang harang. ang hagdan nun ang ginawang bookshelf.
Sa likod bahay ay may Swimming pool at Playground, na gustong gustong tambayan ni Aster at Elle, magkasundo na sila. Sa harapan ng bahay ay may parking for 2 Cars, iyong isa ay para sa School days ni Aster may driver siya na umuwi rin aa gabi.
" Ma, anong pasalubong mo sa akin? "
" Nasa kotse pa " pabagsak na Umupo sa couch si Elle, pero bigla nalang syang napahawak sa pulsuhan nya. agad akong lumapit sa kanya.
" What happen? " nag aalala kong tanong.
Nangunot ang noo ko ng ngumiti sya sa akin.
" I'm pregnant "
Nalaglag ang panga ko, at nanlaki ang mata.
Paano nya nalaman.?
" Here "
Merong dalawang paru paru sa kanyang pulsuhan.
" Ang ibig sabihin nyan? "
" Kambal ang anak natin, kapag nagfade ang violet butterfly ay malapit na ako manganak, at kapag nawala na ng tuluyan iyon na ang sandaling isisilang ko ang ating anak " napanganga ako sa sinabi nya. nayakap ko syang mahigpit sa sobrang saya ko.
" Magiging mermaid din po ba ang mga kapatid ko? " tanong ni aster kaya nilingon namin sya.
Napawi ang ngiti sa aking labi.
Bakit hindi ko naisip iyon?
May posibilidad na mangyare iyon.
Mabilis na ibinalik ko kay Arielle ang atensyon, at habang nakatitig ako sa mukha niyang masaya. Napanatag ang loob ko.
Kahit anong maging anak namin ay okay lang.
Ipinaalam namin kay aster ang pagkatao ni Elle, gulat man ay naintindihan niya na kailangan niyang itago ang sikretong iyon upang hindi mapahamak ang kanyang Mama.
" Depende iyon Anak, Hindi kailanman namin nahulaan ang kaanyuan ng aming anak "sagot ni Elle.
" Dy, ano gusto mong gender? "
" Girl and Boy sana " nakangiti kong sagot.
" Ako din po " bakas ang pagiging excited sa kanya.
Pinagpahinga ko muna si Arielle sa kwarto namin, samantalang si Aster ay abala sa mga pasalubong namin. Naroon sya sa salla, nanunuod din ng TV.
NAGLULUTO ako ng bigla nalang umupo sa counter si Aster.
" Dy, anong Dinner natin? " tanong niya.
" Fried chicken and Chicken Soup "
Matapos magluto ay magkatulong kaming naghanda ng lamesa. Mabait na bata si Aster, masipag at matalino kaya sila magkasundo ni Elle, protective si Elle pagdating kay Aster, gusto nya palagi ang best para sa aming anak.
" Tatawagin ko muna ang mama mo. "
" sige po "
Umakyat ako sa hagdan, pumasok sa salaming pinto ng kwarto namin.
Lumapit ako sa asawa ko na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko siya noo, sa ilong saka sa pisngi. dinampian ko din ng halik ang kanyang labi. At bumaba iyon sa kanyang leeg.
" Hmmmm " daing nya. Ganito ko siya ginigising na palagi namang effective.
" Dinner is ready Wife "
Dumilat sya at sumilay ang ngiti sa kanya.
" After dinner, then. " nakangising sabi nya.
" Oh, my Wife is turn on. "
" naaaah " bumangon sya at sabay kaming bumaba, nakangiting pinagmasdan kami ni Aster, kinindatan ko pa sya na ikinatawa niya.
" Ang sweet talaga ni Daddy "
inalalayan ko kasi si Elle na maupo at ipinagsandok pa ng pagkaen.
" Yeah, ako lang ang sweet. "
Hinampas tuloy ako ni Elle sa balikat na ikinatawa ni Aster. Palagi niya iyong ginagawa tuwing binibiro ko siya tungkol sa pagiging sweet ko at hindi niya.
Masaya kaming nagsalo salo sa hapunan, ito ang buhay na pinapangarap ko. Iyong simple at masaya. Iyong kasama mo yung mga taong mahal mo.
In life it's not all about money, it's not all about Career, it's not all about mistake.
Ang pinakamahalaga sa buhay ay kasiyahan, kapayapaan sa puso.
-
( A R I E L L E )
" ASTER " sigaw ko mula sa kusina,
" Maaa, Comingggggg " sigaw nya rin pabalik.
Kailangan namin maghanda para sa pagdating ng bisita. May pool party kami mamaya dito sa bahay.
with mermaid tale, a real tale. hmm gusto daw nila ma-experience eh..
So, we decided to have a pool party.
Naririnig ko na ang yabag ni Aster.
" Careful baby " saway ko sa kanya dahil nagmamadali sya pababa.
" Ma, I'm not a baby anymore "
" Nah, still my babygirl "
" Argg, same with dad "
Tinawanan ko lang sya.. in a few months mas naging close kami sa isat isa, dahil palaging wala si Rome. May mission kasi ito tuwing gabi.
Pero he make sure na magdidinner muna bago umalis. We set dinner as our bonding.
Magkatulong kaming nagluto ng mga handa, hindi kasi kami nag hire ng maid or cook kaya kailangan namin matuto at sa dami naming palpak na luto ay natuto rin kami. Mas nag improve lang iyon dahil kami lang talaga nagluluto. Kahit minsan hindi maganda ang kinalalabasan ng luto namin still kinakain pa rin ni Rome. What a good husband.
" Ako na bahala sa Pool area, Rest Mama. " inalalayan ako nito paupo sa sofa.
" fine. " pagsuko ko, ngumiti sya saka humawak sa tiyan ko. Hindi man iyon ganun kalaki pero may umbok iyon. Naroon ang mga kapatid nya.
Si Jessa ang magpapaanak sa akin pero wala pa siya dito dahil may ipinaasikaso pa ako sa kanya sa palasyo, mamaya siguro ay nandito na sya.
11:50 am.
" Finish na, Ma. " pumasok si Aster galing sya sa likod, doon sa kusina ang daan patungo sa likod bahay. Tumayo ako pero inalalayan niya ako.
" kaya ko naman, Aster "
" Naaah! Baka madulas ka " pagtataray nya.
Ewan ko ba kung mataray talaga sya o namana niya lang sa akin. Palagi ba naman kami magkasama. Ako na nga ang nagdadrive sa kanya patungo sa school eh. Nagresign kasi yung driver niya dahil sa sobrang taray nya. hahaha.
" Wow " mangha kong sabi ng makita ang disenyo ng Pool Area. Yung pool namin may LED LIGHTs sa ilalim ng pool. Kulay Pink, Blue and Violet iyon. fave namin pareho ni Aster.
Hindi mainit dahil may Glass Wall iyon hanggang bubong. Kita namin yung araw pero hindi naman natagos ang init. Nagpalagay rin kasi kami ng aircon.
Ang mahabang lamesa ay may kulay Black na Cloth, ganun din ang upuan. May Vase sa ibabaw ng Lamesa at may makukulay na paper flowers doon.
Si Rome at Aster ang gumawa, iyon kasi ang bonding nilang dalawa. Inilagay niya na sa mesa ang mga pagkaen na inihanda namin habang ako ay pinagmamasdan pa ang paligid. May Playground din dito para sa mga bata.
Matapos ayusin ang mesa ay pinaupo nya ako sa isang chair. Kasabay non ang pagtunog ng doorbell.
" Ako na mag oopen, don't walk. please! be careful. " sabi nya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.
Protective talaga ito tulad ni Rome.
She's Asterielle Imperial.
Nagkataon man o hindi na magkapareho kami ng pangalan ay walang kaso sa akin, para ko siyang tunay na anak.
15 years old na siya in Grade 11, but her body is like Mine. Mas maliit lang siya ng kaonti sa akin. Kaya imbis na mag ina ay napagkamalan kaming magkapatid.
" Someone's Happy "
Napalingon ako kay Liah, nasa likod niya si Yesha na nanganak na ng nakaraang buwan. Si Asha naman ay hawak sa kamay ang Isa at kalahating taong gulang na anak, KN our babyboy. Naroon din ang mga asawa nila na si Niel at Rone. Si Ela na Solo flight. Solo flight din si Liah na until now walang jowa.
Nagsiupuan sila matapos magbeso sa akin.
" Feel at home guys, let's eat Lunch " sabi ko.
umupo sa tabi ko si Aster na pinagsilbihan.
" Thank You, baby. " bulong ko pero ngumiwi siya. Ayaw niya talaga na bini-baby siya dahil magkakaron na raw siya ng baby brother at sister.
" I love you, Ma. " nakangiti niyang sagot matapos ngumiwi.
She's not Sweet but I guess she's trying to be.
" Ang ganda naman ng bahay nyo, Elle. " puri ni Liah matapos pasadahan ang paligid.
" Si Rome ang nagdesign nito "
" Woaw! Engineer din pala si Kuya " React ni Rone.
Ngintian ko siya dahil parang hindi naman niya alam.
Napatingin kami kay Ela ng bigla nalang itong napatayo, nakatingin sya sa bahay.
" Jessa " banggit nya.
Lahat kami ay sinundan ang paningin nya, at doon sa pinto papasok sa bahay ay nakatayo si Jessa, nakangiti ito ng todo todo.
" I'm back " masayang anunsyo nya at mahinhin na naglakad patungo sa amin.
Kung may nagbago man sa kanya ay iyong marunong na sya magmake up at magdamit ng naayon sa mundong ito. Mas gumanda pa tuloy siya.
Isa isa siyang yumakap sa mga kaibigan ko, huminto sya sa harap ni Ela saka ito humalik sa pisngi. Napangiti ako.
Matapos non ay lumapit sa akin si Jessa at yumakap din sa akin at bumulong.
" Malapit na " hinawakan nito ang pulsuhan ko.
Nakita kong unti unting nagfifade ang paru paru.
" Ah! G-Guys " agaw pansin ko sa kanila.
Tumingin sila sa akin.
" Ahmm " bumuga ako ng hangin dahil kinakabahan ako.
" Manganganak ka na ba? " nanlalaking mata na tanong ni Liah, napatingin tuloy sa akin si Jessa na nagtatanong.
" Alam na nila " I mouthed.
Nakahinga siya ng maluwag.
Tumango ako kay Liah..
" Ahmm, kung gusto niyo magswimming feel free " nakangiwi kong sabi. Ramdam ko na ang unti unting pananakit ng pulsuhan.
" What's about our tale? " tanong ni Asha?
" Eh, baka himatayin yang mga Jowa niyo " si Aster iyon. Napangiwi ulit akong lumingon sa kanya.
" alam na namin " sabay na sabi ni Rone at Niel.
Hawak ni Rone ang isa sa kambal nila.. Ang isa ay na kay Esha.
" Ibigay mo na " sabi ko kay Jessa.
Naglabas siya ng kwintas at ibinigay iyon sa Apat na babae pati kay Aster.
" Enjoy guys, Papasok lang kami saglit "
Tumango sila at nag aalalang tumingin sa akin.
" I'm Fine, saglit lang ito. Hindi naman tulad ng tao na mahirap manganak, in a few hours babalik din ang lakas ko " nakangiti kong saad sa kanila.
Napabuga sila ng hangin na tila nakahinga ng maayos sa sinabi ko.
" Ako na bahala, Ma. " Paninigurado ni Aster.
" Isuot niyo yung kwintas kapag nasa tubig na kayo " Tumalikod ako at sabay kaming naglakad ni Jessa. Napahawak ako sa braso niya ng sumakit muli ang pulsuhan ko.
" Tiis lang Kamahalan " bulong nya.
Nanghihina at gusto kong sumigaw sa sobrang sakit. Mabilis akong inalalayan ni Jessa paakyat sa silid namin ni Rome, pinahiga nya ako sa kama.
Napahawak ako sa pulsuhan ko ng mas lalo yung kumirot.
" Aaaaaargggg " pag inda ko sa sakit.
kasunod non ay ang paglipad ng paru paru.
At ang magkasunod na pagluwal ko sa dalawang bata.
" A babyboy and a babygirl, Not a mermaid Not a Human but a Goddess of Fysi " anunsyo ni Jessa.
Matapos malinisan ni Jessa ang kambal ay itinabi nito iyon sa akin, nakangiti kong pinagmasdan ang aking kambal.
" Prins Arein and Prinsella Imperial " nakangiti kong binanggit ang pangalan na ibinigay ni Rome.
Nakita ko ang pagpasok nila Liah.
Lahat sila ay nakatutok sa kambal.
" Beautiful twins " Puri ni Ela.
" Ang Kyutiepatotie " nanggigil na sabi ni Liah.
" Wow kamuka nila shae, ang baby mo " Sabi ni Yesha.
Lahat sila humahangang pinagmamasdan ang kambal. Habang sa kanila naman nakatutok ang mga mata ko.
Ang mga taong ito na hindi nagdalawang isip na tanggapin ang tunay kong pagkatao. Ang mga taong ito na nagligtas sa akin ng mapunta ako sa mundong ito.
Ang ikalawang pamilya na masasabi ko, ang mga tunay na kaibigan. Sila iyon.
Masaya ako dahil sila ang nakakita sa akin. Masaya ako na nakilala ko sila. Masaya ako na nagkaron ako ng kaibigan na katulad nila.
Sa mundo na puro mapanghusga meron pala talagang tatanggap sayo ng totoo. Sa mundo na puro pera lang, meron pala talagang pagmamahal na hindi nabibili ng pera.
Ang mga taong ito hindi sila matutumbasan ng kayamanan, hindi sila matutumbasan ng kahit ano.
" I'M HOOOOMEEEE " rinig kong sigaw ni Rome kaya napangiti ako lalo.
And My Life is now complete.
With Rome, Aster, My Twin, Added by Liah, Ela, Jessa, Yesha, Rone, Roshaile & Roshaene, Asha, Niel and KN.
Mula ng iligtas ko si Rome sa dagat at gamuting ang sugat nito. Nang maganap ang trahedya at makita nila ako. Sa halos dalawang taon na makasama ko sila, Nang makilala ko si Rome at halikan. Mula ng alukin nya ako ng kasal, nang paulit ulit akong akitin ni Rome, hanggang maging kami. Hanggang sa ikasal kami, mula sa pag aaway namin hanggang sa ngayon.
isa lang ang natutunan ko, ang kasiyahan ay makakamtam mo sa tamang panahon.
Lahat ay may tamang panahon.
Just wait patiently.
It's the Waved of Goodbye of our Story.
Sana ay natutunan kayo.
•••••••
AUTHORS NOTE :
Kung nabasa mo ito, ibig sabihin ay natapos mo ang story na ito. At maraming salamat sa pagtyatyaga sa akda ko. Hindi ako magaling o sikat na manunulat. Sa katunayan ay libangan ko lang ito noon. Isang HI naman diyan mga Goddess.
Again, write to express, not to impress.
And please be part of my journey as a writer. To improve my writing skill.
Please, leave a feedback about this story. Sending hugs and kisses to all.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    Koya Rommel Anire

    akin enjoy the story

    06/07

      0
  • avatar
    PerdigonesFrancis

    ganda

    28/03

      0
  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Hopefully my iba k png story n completed n I'll save your name to my list pra mafollow q mga story mo thank you for your wonderful story!

    16/10

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo