Special Pov 2

( A T A S H A )
Nakaupo ako sa Couch habang karga karga ko si Khainiel, ang baby boy ko. Nanunuod kami ng Nursery Video sa Youtube channel ng Flatscreen TV. Madalas namin itong gawin kapag kami lang dalawa.
Kasalukuyang nasa work si Niel at mamayang gabi pa ang uwi kaya mag isa lang kami ni KN sa bahay.
Saglit kong ibinaba si KN sa Sofa bed na napapaligiran ng mga pillow para hindi malaglag.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng Juice, pagbalik ko ay tumunog ang Doorbell ng gate kaya inilapag ko sa center table at lumabas.
" Deliver po, maam "
" Para kanino? " nakangiti kong tanong. Baka kasi kay Niel ito. Hindi ako nag bubukas kung hindi para sa akin.
" Asha po "
Pinirmahan ko yung papel para sa receipt. saka kinuha ang package at pumasok sa loob ng bahay.
Naka cartoon iyon, medyo mabigat. Inilapag ko iyon sa mini table ar chineck si KN na tulog na pala, inayos ko ang mga unan na nakaharang sa kanya. Baby pa kasi sya kaya antukin pa.
Ininom ko ang Orange juice at ibinalik sa kusina ang baso, hinugasan pagtapos ibinalik sa lagayan.
Wala kaming kasambahay, ayaw ni Niel dahil hindi siya madaling magtiwala, for me it's okay dahil sanay din naman ako gumawa ng gawaing bahay.
Siya ang nagluluto, bago pumasok ay magluluto na sya ng lunch ko tas iinit ko nalang, sa gabi naman ay take out kapag pagod siya. Minsan magluluto kapag hindi.
Gamit ang cutter ay binuksan ko ang box na naka wrap sa dilaw na tape.
Nanlaki ang mata ko ng mabungaran ang kumikislap na mga pearl.
" Omygosh " natataranta kong react.
Napatayo pa ako at napalakad lakad at muling tinignan iyon. Napasabunot ako sa sarili ko.
Baka na wrong padala lang sa akin. What if sa druglord to? paano kung bawiin nila ito tapos saktan nila ako. My goodness!
" Calm down, Asha. " pag aalo ko sa sarili ko.
Maliliit na pearl lang iyon kaya dinakot ko at inilapag sa mini table. kumikinang pa iyon pag tinatamaan ng ilaw.
Pero nawala ang paningin ko doon ng maagaw ng scrapbook ang atensyon ko.
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang litrato naming dalawa ni Arielle.
Kay Arielle ba ito galing?
Binuklat ko bawat pahina puro mga litrato namin ang laman nun kasama ang grupo ng banda.
Ang ganda ko este ang ganda niya.
Sa huling pahina ay ang sobre na kulay dilaw.
naglalaman iyon ng sulat.
--
DEAR ATASHA,
Those pearl is for KN, gamitin mo iyan para sa magandang kinabukasan ng anak mo, hindi ko sinasabing hindi nyo kayang bigyan but I want to help. gawin mokong ninang ha.
Magpaalam na ako, hindi na kasi ako makakabalik pa, siguro kung papalarin. but I want to tell you something. First Thankyou for the friendship, second I love you kahit OA kayo ni Liah. Third I'm sorry for lying about my real idenity.
I'm a mermaid for godsake and I don't know what to say dahil alam ko hindi kayo maniniwala.
But those pearl is my Hair, I cut my Long Hair.
So, this is good bye!
-
Halos tulala ako ng umuwi si Niel, naabutan nya akong nakatunganga sa mga pearl. Nagulat nga ein siya ng makitang tunay iyon.
" Saan galing yan? " gulat na taong nya.
" Kay Arielle, para daw kay KN " wala sa sarili kong sagot.
" What the fuck, andami niyan, ganyan sya kayaman.? "
Tumango ako.
Sasabihin ko ba sa kanya.?
Huwag na...
Kahit asawa ko siya hindi ko alam kung ano ang magagawa niya. Don't get me wrong, may tiwala ako sa kanya. Pero ano nga ba ang kayang gawin ng tao para sa pera.?
Sikreto lamang iyon sa pagitan namin ni Arielle.
I wanted to protect her!
And i'll do it kahit itago ko pa sa asawa ko.
Asawa ko.
Nagpakasal kasi kami sa judge.
" Mayaman na tayo "
Tumango lang ako.
Pasimple kong nilukot ang papel at inilagay sa bulsa ko.
The next day ay nagpunta sa akin sila Esha at Ela pati na rin si Liah at lahat pala kami ay binigyan ng scrapbook ni Elle, kaming dalawa ni Yesha ay nakatanggap ng pearl.
Nalaman namin na totoo iyon dahil narin sa sinabi ni Ela, tahimik kasi sya at hindi pala kwento tas may alam na palang sikreto. Sarap sabunutan ni bruha.
- - - -
6 months later.
Inilapag ko sa Crib si KN dahil kakatulog lang. Lumabas ako para kumain ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.
MERLIAH CALLING...
" Hey Whats up "
" Afternoon " bati ko.
" Arielle is back, let's have a night out "
Arielle is back
Arielle is back
Arielle is back
" What? " nabingi ata ako.
" Let's have a night out " sabi nya.
" No! I mean Arielle what? "
" Arielle is back, kakatawag niya lang sa akin "
" Omygosh "
" Omygosh talaga "
" Akala ko ba hindi na siya babalik? "
" Sasabunutan ko siya later, ay bawal pala kasi baka jumulan ng pearl. sasampalin ko nalang "
Natawa ako sa sinabi nya.
Nothing change.
Ituturing parin namin na tao si Arielle.
To have a friend like Arielle, napaka swerte namin.
-
( A Y E S H A )
" baby may package ka " Si Rone iyon na kakapasok lang sa front door ng bahay, nakaupo ako sa sofa nanunuod ng movie.
Inilapag niya iyon sa harapan ko at siya na rin ang nag open dahil ayaw nya na gumagamit ako ng matalim na bagay.
Rone Nathan Imperial My First Love, My Boyfriend, My Soon to be husband, My future..
Highschool nang makilala ko sya, naging Crush ko siya dahil sa napaka amo nyang mukha unlike Rome na gwapo pero may kakaiba sa itsura nya.
Nakaka intimidate si Rome, while Rone is a cute and Soft guy. Naging boyfriend ko sya pero pinaghiwalay kami ni Daddy.
Then ipinakilala sa akin ni Daddy si Rome iyon daw dapat ang pakasalanan ko, kapag hindi ko sya sinunod ay ipapapatay niya si Rone that's why inakit ko si Rome kahit pa sa tuwing nakikita ko si Rome ay nasasaktan ako.
But in the end nalaman din ni Rome, hindi naman talaga sya ang iniiyakan ko eh. kundi si Rone, hindi din siya ang hinahabol ko.. Ayoko lang na maging sila ni Arielle nung una dahil isang mafia boss si Rome, natatakot akong masaktan ang kaibigan ko but everytime na magkasama sila nakikita ko yung kami ni Rone. Iyong masaya. Yung mahal ang isa't isa.
-
What the Fcck?
Nalaglag ang panga namin ni Rone ng makita ang laman ng box Package.
" WOW " namamanghang sabi ni Rone, dumakot siya ng maliliit na pearl na galing sa box.
kahit ako ay namangha. Nagulat.
" Oh, may scrapbook " inabot niya iyon sa akin.
Binuklat ko iyon at naluha ng makitang picture namin ni Arielle, nila Ela, Liah at Mikha ang laman non.
" Sssshhhh " pag aalo sa akin ni Rone, naupo ito sa tabi ko at patagilid akong niyakap.
" eh, kasi ang ganda ko dito tas ngayon antaba ko na " natatawa pero panay naman ang pagtulo ng luha ko.
Ganito talaga ang buntis masyadong emotional. Nakakamiss din pala ang mga bruha, halos hindi kami maghiwa hiwalay ng mga yun. almost 3 years ko din sila nakasama sa Condo.
Sa pinaka dulong pahina ay may isang sobre. kinuha ko ang isang papel dun at binuklat.
DEAR AYESHA,
Thankyou for everything, ibinigay ko sayo ang pearl na yan para magamit mo sa baby mo, masaya ako para sayo. Masaya ako na masaya kana.
And sorry for keeping my real identity.
I dont want to shock you but I'm a mermaid.
You're my friend, I know you will keep it a secret. Sorry kung ngayon lang ako nagkaron ng lakas na loob na sabihin ito at sa sulat ko pa idinaan.
I love you all, Good byeee..
" Mermaid? " nagugulat na tanong ni Rone.
" Kaya pala ganun sya kalakas ng magtuos kami "
-
Nang araw na nakidnap sila ay pinauwi ako ni Daddy sa Mansion, hindi ko alam kung nagkataon lang ba o importante lang talaga kay daddy ang babaeng ipinakilala nya sa akin na bago ko daw kapatid. Ampon na naman.
-
" Baby, dahan dahan ka " mahinahong sabi sa akin ni Rone habang naka abang sya sa ibaba ng hagdan, nagmamadali kasi akong bumaba dahil malilate na kami sa night out naming girls.
I am now 7 months pregnant. Malaki na ang tiyan ko at tumaba talaga ako ng husto na laging kong iniiyak pero sabi ni Rone maganda pa rin ako.
At ganun din ang magiging baby namin kung hindi ako stress. yes it's a babygirl. twin babygirl.
You know may lahing kambal si Rone.
Hinawakan niya ako sa bewang para alalayan na makalabas ng bahay, pati sa pagsakay sa sasakyan ay inalalayan niya ako, nilagyan pa ng seat belt. Alagang alaga niya ako.
Nakarating kami sa bahay ni Asha dahil dun nalang daw ang welcome party ni Arielle.
Ano kayang bago dun sa babaeng iyon.?
Alam ko okay na sila ni Rone, siya pa ang gumawa ng paraan para makalaya si Rone and I'm thankful for that. Hindi nga lang naka attend ng kasal ni Arielle at Rome si Rone dahil inaasikaso pa nga ang kaso nya.
Nakipag beso ako kay Liah at Asha. palagi talagang early si Liah. Paniguradong late na naman si Ela.
" Ang laki na ni KN , cute cute pa" sabi ko saka nilapitan ang baby ni Asha.
" Mana sa akin " mayabang na sabi ni Liah.
Inirapan ko siya na ikinatawa ni Asha.
" Kelan kaba magjojowa? " pang iintriga ko.
Bagkibit balikat lang siya.
Siguro ay may itinatago itong Jowa.
" I'm here naaaaa " masayang sabi ni Ela. Lumapit siya sa amin at nakipagbeso. Hindi na siya tulad ng dati na tatahi-tahimik, nakikipagkwentuhan na rin sya. Ganon siguro kapag namiss namin ang isa't isa.
Nagkwentuhan kami habang hinihintay sila Arielle. si Rone at Niel nasa Rooftop, baba nalang daw kapag magdidinner na.
Napaangat kami ng tingin sa babaeng pumasok, natulala kami sa itsura nya. Maikli na ang buhok niya, medyo maumbok na din ang kanyang tiyan. pero maganda pa rin. Walang pinagbago maliban sa napuna ko.
" Arielle " sabay sabay naming banggit sa pangalan nya.
Lahat kami ay napatayo at lumapit sa kanya.
Niyakap namin siya pero hindi mahigpit kasi baka maipit ang tiyan nya. Sa likod niya ay naroon si Rome at isang dalagang babae.
" Hindi kayo galit sa akin? " tanong nya ng makaupo kami sa couch.
" Lets move on " madramang sabi ni Liah kaya natawa kami.
Siguro hindi pa kami komportableng pag usapan ang bagay na sikreto, o siguro masyado naming nirerespeto ang katauhan ni Arielle kaya naiilang kaming pag usapan.
" Ilang buwan na yan? " tanong ni Asha. Nagkibit balikat siya.
" What? " sabay sabay na React namin.
" Haha, hindi naman kasi katulad ng isang tao kami magbuntis " ipinakita nya ang paru paro sa pulsuhan nya.
" Kapag ito nawala sa pulsuhan niya ibig sabihin manganganak na siya " si Ela ang nag explain.
" Wow ang cool " exaggerated na react ni Liah.
" Thankyou guys for accepting me " nakangiti nyang sabi.
" by the way, this is Aster. Our adopted daughter "
Masayang kaming nagsalo salo ng hapunan, parang walang nagbago, ang kaibahan lang meron na kaming mga partner at anak o magiging anak.
Masaya ako na kabilang sila sa buhay ko, kahit sobrang daming problema na nangyare andiyan pa rin sila, walang iwanan.
Sabi nga nila ang buhay palaging may choices, choose what makes you happy and contented.

Komento sa Aklat (174)

  • avatar
    Koya Rommel Anire

    akin enjoy the story

    06/07

      0
  • avatar
    PerdigonesFrancis

    ganda

    28/03

      0
  • avatar
    Mary Ann Cantor

    Hopefully my iba k png story n completed n I'll save your name to my list pra mafollow q mga story mo thank you for your wonderful story!

    16/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata