Homepage/Seduced By A Mafia Boss/
Hongkong
•• ARIELLE ••
Nagising ako ng umaga na iyon na nakangiti, Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Rome sa Ferris wheel, wala man akong naging sagot, alam ko sa sarili kong may nararamdaman na ako sa kanya.
Bumaba ako sa kusina dala ang camera ko, naabutan kong nagluluto si Ela habang tumutulong naman si Jessa.
Umupo ako sa pwesto ko at inilabas ang cellphone, nag book ako ng ticket patungo sa hongkong, mamayang 7 ang flight na pinili ko.
ME
let's go to Hongkong.
Sinend ko iyon kay Rome.
Nagprepare sila ng breakfast at nagsimula silang kumain habang abala ako sa pagcheck ng mga picture sa camera. nang mag beep ang phone ko ay ibinaba ko saglit ang camera at chineck ang reply nya.
ROME :
I'm not available later,
Pwede ba sumunod nalang ako bukas?
ME :
alright,
3 days naman kami doon
" Lagyan mo naman ako ng Nutella sa bread Jessa, thanks " muli akong nag scroll sa camera.
m
May mga picture kami doon na nakatalikod kami ni Rome habang hawak nya ang kamay ko,
kumakagat ako sa tinapay na inilalagay ni jessa sa plato ko.
May mga picture na nakatingin sya sa akin pero malayo ang tinatanaw ko. May mga picture na nakasakay kami sa rides, nakaupo sa bench.
May mga picture na naka akbay sya, may mga nakangiti kami pareho sa isat isa, may mga tumatawa kaming pareho, may nakabulong sya sa akin, minsan pa ay hawak nya ako sa bewang.
pero ang pinaka gusto kong part ay yung nakatingin ako sa kanya na nakangiti habang sya ay may itinuturo sa kung saan.
" ehem, mukang ang saya mo ata " panunukso ni Liah kaya naman inilapag ko ang camera saka nagpunas ng tissue sa bibig at tumikhim.
" Liah, can you text manager, punta tayo sa hongkong mamayang 7 ang flight, 3 days yun, ipacancel mo lahat ng naka line nating schedule "
sabay sabay silang nag angat ng tingin sa akin.
" wow! excited nako, sige sige " kinuha nya ang cellphone nya at mabilis na nagtype.
" Kasama kami? " tanong ni Ela
" Oo naman Ela, isama mo boyfriend mo Asha " nakangiti kong sagot.
" sige sige "
" libre ba lahat? " nagugulat akong tumingin kay Esha,
first time kasi na ngumiti sya sa akin since nung nag usap kami ng gabi na nauwi sa sagutan.
" Yes! my treat, kahit pang shopping nyo " nakangiti kong sagot.
" Okay raw sabi ni manager, kasama raw ba sya? " tanong ni Liah. excited talaga.
tumango ako.
matapos kumain ay excited na pumanhik ang lahat. Nadatnan kong nakaupo si Jessa sa kama ko.
" bat hindi kapa nag aasikaso? "
" wala naman akong dadalhin eh "nahihiya nyang sabi.
Oo nga pala, mga damit at gamit ko ang ginagamit nya.
" Ow! Let's go to mall mag shop tayo ng damit mo "
kita kong napangiti sya.
bumunot sya ng isang piraso hibla sa buhok nya at naging perlas ito.
Ang pinaka iniingatan naming buhok ang naglalabas ng yaman sa aming kaharian. Sa bawat hibla nito ay katumbas ng isang perlas.
" maari ko ba itong ipambayad? "
Isang ngiti ang sumilay sa labi ko.
" hindi na kailangan, at wag mo gagawin yan sa harap ng ibang tao baka kalbuhin ka nila dahil sa perlas na inilabas mo " pananakot ko sa kanya.
agad siyang ngumiwi.
" may pera naman ako, pero maaari natin yang maibenta "
" pupunta kaming mall " anunsyo ko ng makalabas kami ni Jessa ng kwarto. agad dumungaw si Liah.
" sama ako "
tumango ako, bumaba kami at naupo sa couch.
Narinig namin ang mga yabag nya na tipong nagmamadali,
Sakay ng kotse ko ay nagpark ako sa pinaka malapit na Mall, nagshopping lang kami for Jessa, dahil madami naman na akong gamit.
matapos mag shopping ay umuwi din kami. lunch time na iyon napagpasyahan naming magtake out ng food, dumiretso si Jessa sa kwarto ko para asikasuhin ang gamit nya.
mamaya nalang siguro ako mag aasikaso.
Dinala ko ang take out food sa kusina, inasikaso ko rin ang lamesa dahil feeling ko busy sila.
" oh, bat di mo nalang ako hinintay? " tanong ni Ela, sya kasi talaga ang nag aasikaso sa kusina. nginitian ko lang sya saka nagpatuloy.
" Nakapaghanda ka na ba? " tanong ko sa kanya.
" hmm... yeah, excited na nga ako eh " nakangiti nyang sabi.
" Pakitawag naman sila, para makapaglunch na "
" sige " lumabas sya ng kusina, umupo ako sa pwesto ko saka inilabas ang phone. May isang text mula kay Rome.
ROME :
What time ang flight nyo?
itotour ko kayo doon sa hongkong,
7 in the morning.
ME :
7pm. Sige See you!
--
" Agoy, Inlove si Bruha " pang aasar ni Liah ng maabutang nakangiti ako sa cellphone ko, umupo na sila saka kami nagsimulang kumain.
Nagpalipas kami ng oras sa panunuod ng Horror Movie, pagkaen ng Pizza, Fries at Shake.
4 ay nagsipag ligo na kami para sa flight namin. 2 hours before dapat nasa airport na raw.
Nagsuot lang ako ng Blue Sweetheart top, at Blue Jeans, pinatungan ko iyon ng White trench coat na hanggang tuhod, with Knee high boots, inilagay ko sa White Sling bag ang Wallet ko na naglalaman ng credit card, passport, visa's, Money, ID's . my phone , Alcohol and liptint.
Isinabit ko sa leeg ko ang camera ko. At hinila palabas ang maleta. Nasa baba na sila kaya naman ng pababa na ako ng hagdan ay sabay sabay silang nag angat.
" Ang ganda " papuri ni Liah.
nginiwian ko lang sya.
" Let's go " aya ko sa kanila.
" Hongkong here we gooooo " sigaw ni Liah at Asha.
Bumaba kami sa parking lot kung nasaan ang Van, nandun na si Manager at si Niel, may kasamang driver si Manager para idrive ang sasakyan pauwi.
Sumakay na kami at bumyahe patungo sa Airport.
Ang iingay nila at halata talaga ang excitement sa muka, lalo na si Asha at Liah.
My Last trip with them before going back home!!
× / × / × / × / × / × / ×
@Hongkong Hotel
I booked 2 Hotel Room, with 4 bedrooms
kasama ko si Ela, Liah at Jessa sa Room,
while Esha, Manager, Asha and Niel.
Nasa room na kami nila Liah, Jessa at Ela
" wag nyo na ilabas yung mga gamit nyo sa maleta, dahil magtatravel din naman tayo "
Nasa Couch ako samantalang nasa kwarto sila. hindi naman nakasara ang pinto kaya for sure maririnig nila ako. Tumawag ako sa near restaurant para magpareserve ng table for 8 people.
" nagpareserve na ako ng table sa restaurant sa baba, pakitext sila manager na magdidinner tayo " sigaw ko.
" okay " sigaw pabalik ni Liah.
Manila to Hongkong is 1 hour flight,
pumasok muna ako sa kwarto para mag hot shower, dahil medyo malamig na dito.
Nagsuot lang ako ng Violet sweater at White Pants, rubber shoes. bukas na siguro kami mamamasyal.
Sabay sabay kaming bumaba sa restaurant,
pahaba iyong lamesa, umupo ako sa dulong parte, katabi ko si Liah, Si Ela at Yesha sa dulo, on the other side is Jessa, Asha, Niel, and our Manager.
Sumenyas si manager na agad namang nilapitan ng waiter, binigyan kami ng tag iisang menu.
" Order All you want guys "
" Ako na bahala " presenta ni Liah, nagtawanan ang lahat dahil hindi man lang talaga nahiya.
" Go ahead, Liah " natatawa kong sabi.
" Sure oy? Biro lang, order kayo ng gusto nyo " natatawa nyang sabi.
" Ako nalang oorder, let's try all their best food "
tumango sila, sumenyas ako sa waiter na lumapit.
" four Sweet and Sour Pork, 2 Wontons, 2 Roast Gooses, 2 Wind Sand Chicken, 3 Shrimp and Chicken Balls, 4 Steamed Shrimp Dumplings, 1 Rice chow bowl, 8 Apple shake "
inulit nya ang order ko saka umalis.
" matagal ka na bang nakapunta dito? " tanong ni Asha.
" My first time " ngumiti ako.
" Ah, pare pareho pala tayo " nakangiti nyang sabi.
" Ocean Park unahin natin bukas ah " excited talaga si Liah dahil andami dami nyang sinasabi.
nagkwentuhan kami habang kumakain,
nag enjoy sila sa pagkaen at nagpasalamat sa akin.
KINABUKASAN humihikab pa ako ng binuksan ang pinto dahil kanina pa iyon tumutunog, ng buksan ko ay nanlaki ang mata ko at tumalikod.
Shet si Rome!!
" Pasok ka, mag aayos lang ako "
Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. after an hour lumabas ako ng nakaayos na, suot ang White Long neck shirt, White Pants, pinataungan ko iyon ng blue trench Coat na hinayaan kong hindi naka belt, blue thigh high wedge boots ang suot kong pang paa,
" ikaw ang tour guide namin? " narinig kong pang uusisa ni Liah ng makalabas ako ng kwarto, nakita ko sa gilid ng mata ko ang paninitig ni Rome,
" Ay, ang ganda " papuri ni Liah.
" Yeah, sobrang ganda " sang ayon ni Rome kaya nilingon ko sya at ganon nalang ang pagpipigil kong ngumiti ng makitang nakatitig sya sa akin.
" May dala kang sasakyan? " tanong ko.
napaupo sya ng tuwid.
" Yeah, Van "
sabay sabay kaming bumaba ng hotel, inalagay namin sa likod ang mga Maletang dala namin, Nasa Shotgun ako, samantalang si Rome ang driver namin. nasa unang seat sila Liah, Jessa, Ela, at sa 2nd Seat ay sila Manager, Esha, Asha and Niel.
" Ano gusto nyong kainan? " tanong ni Rome habang nagmamaneho sya.
" Suggest ka naman Rome " si Liah iyon.
" italian food? " tanong ni Rome.
" Ay bet ko yan, hindi pako naka kakain don " si Asha iyon.
" I think that's good " sang ayon ni Ela, nilingon ko si Esha, naka headset ito at nakapikit.
Huminto kami sa Lan Kwai Fong Street kung saan maraming sikat na Restaurants. Nagsibabaan kami saka pumasok sa BrickHouse isa iyong italian food.
Iginaya kami ng waiter sa pang sampung tao na lamesa, hindi ganon kadami ang kumakain, sakto lang na halos may mga upuan pa for no reservations.
Nagbigay agad sa amin ng menu ang waiters.
" you guys can order all you want, " si Rome iyon na nakatingin sa Menu.
nagtaas ng kamay si Liah kaya iyon ang nilapitan ng Waiter.
" 1 caffè latte and fette biscottate " nag angat ako ng tingin kay Liah dahil fluent ito magsalita. Kumindat ito ng makita ang tingin ko.
" No, pasta here? " tanong ni Asha.
" Do you want pasta? " tanong ko sa kanya, tumango naman sya.
" Me too " sabay na sabi ni Manager at Ela
" Akin katulad nalang kay Liah " si Esha iyon.
tinignan ko si Jessa at Niel.
" Katulad nalang din ng kay Asha " - Niel
" katulad ng iyo " nakangiting sagot ni Jessa,
nag angat ako ng kamay para lumapit sa akin yung
waiter.
" what do you want babe? " tanong ko kay Rome.
nakayuko ako sa menu kaya nag angat ako ng tingin dahil hindi sya sumagot, gulat na expression ang nakita ko sa kanya habang nakatingin sa akin.
pinasadahan ko naman ng lingon ang mga kasama ko na may nagugulat na reaction.
" What? "
" katulad nalang din sayo " nangingiting sagot ni Rome.
" Okay, Ms. 2 Caffe Lattè and 2 Fette biscottate " naglista sya sa papel,
" 5 Hot Chocolate, 2 Plain Coffee, guys do you want salad? " narinig kong sumagot silang lahat ng yes.
" 9 Caprese Salad with Pesto Sauce, 9 Focaccia Bread, 7 Pasta Carbonara. 5 Margherita Pizza. that's all, please bring us water thank you " tumango ang waiter saka umalis.
" Selfie tayo " naglabas ng Cellphone at monopad si Liah. lahat kami ay tumingin sa cellphone nya ng maiayos nya iyon. ilang click ang nangyare. Bago siya makuntento.
Ilang minuto lang ay naiserve ang breakfast namin.
" Mag bistek tayo later for lunch Elle " suggest ni Liah.
" I want that too " si Ela iyon.
" alright " nakangiti kong sagot habang sumusubo ng pasta, pinunasan ni Rome ng tissue ang gilid ng labi ko, nasa center kasi ako ng table, nasa left side ko sya, kasunod nya ay si Niel, Asha at Manager, sa right side ay si Liah, Jessa, Ela at Yesha.
nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagkaen.
after namin magbreakfast ay nagtungo na kami sa Ocean Park, nagpicture picture kami sa malaking aquarium, nag eenjoy ako panuorin ang mga isda sa paglangoy.
Sa tuwing hahawak ako sa salamin ay napunta doon ang mga isda, napangiti ako.
Kumakain naman ako ng seafood, nakasanayan ko na iyon pero never a fish.
Never. Any kind of fish.
Inakbayan ako ni Rome saka ko narinig ang pagclick ng cellphone nya.
after ocean park ay nag lunch nga kami ng bistek.
and the next destination is the big buddha, Wong Tai Sin temple kung saan pede kang magwish sa napaka gandang garden nila, ang last na pinuntahan namin ay Hongkong skyline, pagod na
pagod kami ng makapasok sa hotel na binook namin. It's a combination of tired and happiness. Worth it yung pagod lalo na at nag enjoy naman.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
akin enjoy the story
06/07
0ganda
28/03
0Hopefully my iba k png story n completed n I'll save your name to my list pra mafollow q mga story mo thank you for your wonderful story!
16/10
0Tingnan Lahat