S A L V A T I O N // 08
JOY MIRACLE OLANDA [NEW BODY, NEW LIFE]
Almira's POV "Ito na yung after life?" I ask the 'angel' infront of me but he just raised his eyebrows on me. "Kung nasa after life ka. Bakit nasa ibang katawan ka?" "Aba malay ko sa'yo! Baka ikaw nagdala sa akin dito." "You're the one who brought yourself here. Not me." Huh? Ako? "Ako?" "Just forget about that. For now, you are Joy Miracle Olanda. Act as if you're her." "Hah? Bakit?" "Baka gusto mong magduda sila na hindi ikaw ang totoong Joy Miracle Olanda." "Bakit? Nasaan ba kasi siya?" "Paradise." "Wow! Ang galing! Nasa paradise siya tapos ako ang nandito sa katawan niya eh paano naman ang katawan ko, aber?!" "Tone down your voice. I already told you, may misyon kang dapat tapusin. Nakalimutan ko palang sabihin, ang babaeng may ari ng katawan na nasa iyo ngayon ay nakatakda ng mamatay at maliligtas siya kung magagawa mo ang misyon at makababalik ka sa katawan mo na kasalukuyang comatose kung magagawa at matatapos mo ang misyon mo." "You mean, paradise as in langit?" "You can say that." "Eh bakit ako ang pinili? Bakit hindi nalang yung Joy na yun?" "Everything has a reason. You need to learn your lessons. Be glad ikaw ang pinili, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon para turuan kung paano magsisi at magbago. Prepare yourself, your aunt is waiting for you downstairs." Prepare myself? My aunt? Waiting? "Teka! Sasamahan mo naman ako diba?" I asked him once again. "Yes. I'm bound to give you the task and to monitor you. Sa'yo nakasalalay ang pagkakaligtas ng may-ari ng katawang iyan..." Pinasadahan niya pa ng tingin ang katawan ko kaya medyo nailang ako, lalaki siya mga beh! "Sa'yo rin nakasalalay kung makakabalik ka pa ba sa totoo mong katawan para makasama ang mga magulang mo...then hindi lang sarili mo—at ng may-ari ng katawan na yan ang kailangan mong iligtas, kailangan mo ring magligtas ng iba pang kalukuwa, baguhin ang buhay nila at ihatid sa kanila ang mabuting balita." Mahabang paliwanag niya sa akin. "You mean... I'll save souls like makakakita ako ng mga kaluluwa?" My gosh! This is much more creepier now. "Not the literally one but kind of." Huh? Ansabe naguguluhan na ako! Huhuhu "Just do good things and everything will be alright." "Paano kita makakausap uli?" "I'm just around you. Just call my name and I'll be there." Lyrics ata yun eh hahaha. "Ano bang pangalan mo?" "I'm Archangel Sebastian." "Oww baste nalang tawag ko sa'yo ang haba ng name mo." "You should address me with my title." "Nah. Baste ang gusto ko. Bye." Then I grab the towel na nakita kong nakasabit malapit sa isang pinto na tingin ko ay banyo ni Joy err banyo ko? I'm her now I mean I'm in her body now so automatically what's hers is mine right? Right. Where's the shower here? Kanina pa ako naghahanap pero wala akong makita. Ang mayroon lang dito ay tabo at timba then sakto lang ang luwag. Nahati sa dalawa ang cr, the other side is the bowl and the other side is the bathing area I think... Kurtina lang ang naghahati dito. Tabo at timba ang gagamitin ko? Buti nalang may gripo! Akala ko need ko pang mag-igib sa pump! Nag-try na akong magbuhos. "Ahhhh! Ang lamig!!!" I shouted as the water dripped off my skin. 'Where's the freaking shampoo?!' Sachet? Binuksan ko yun dahil nakasealed pa pero hindi ko mabuksan dahil madulas. "Aarghh this is frustrating!" Then I bit the little portion of the shampoo's cover then it tear! Oh my gosh! Ang pait ng lasa! Acckkk pwe! Wala siyang body wash? Why naman ang poorita niya?! Kainis! Ugh anyways, okay na rin 'tong sabon niya. Safeguard. Tsk. Nang matapos na akong maligo ay itinapis ko na ang tuwalya sa katawan ko. Geez! Iisa lang towel niya?! Lumabas na ako ng banyo. Buti nalang wala na si Baste. Baka mabato ko ng tabo yun kung sakali. Maghahanap palang sana ako ng wardrobe niya pero napigilan agad kasi kitang-kita ko naman ang aparador niyang may salamin sa labas yung pinto. Napairap ako bago buksan iyon at tumambad sa akin ang mga damit niyang uh-how will I describe it? Pang manang? Baduy? Ugh! Basta ampanget ng mga damit niya! Wala ba siyang sleeveless? Ang init dito sa bahay nila, walang aircon duh. "Mira! Gising na! Handa na ang umagahan!" At nakarinig ako ng magkakasunod na katok sa pinto ng kuwarto ko. Mira? Why does it sounds like my name? Almira—Mira oww her name is Joy Miracle Olanda pala. I almost forgot. Namili nalang ako ng komportable akong damit at isang pinaka-maikling short niya—hanggang tuhod ko. Poorita na nga, manang pa! Bumaba na ako matapos kong mag-ayos. Nararamdaman kong gutom na rin ang aking mga alaga sa tiyan dahil hindi rin naman ako nakakain kagabi. "Good morning, auntie." Then I kissed the woman on her middle age na nakaupo sa center table. Uupo na sana ako nang may tumawag kay Joy Miracle Olanda...I mean sa akin! New body, new life! My goshness! "Mira?" Lumingon naman ako. "Bakit?" I asked her. Grabe naman siya makatingin sa akin! May mali ba akong nasabi or ginawa? 'You just forgot to pay respect' someone said from my mind. Omoo may split personality disorder na ba ako?! 'this is me, Archangel Sebastian.' Owww "Naririnig kita sa utak ko?" I asked him. "Huh?" Oiiishiiieee may mga kasama na pala ako! "I mean..." I cleared my throat, "good morning...po" my gosh! Why so hot here, is it because of me? "May sakit ka ba?" The woman na kalalabas lang ng kitchen asked me. Umiling naman ako, "wala...po," Ugh! I really sucks at saying po and opo. "Siya nga pala, nandito si Aling Nena," inilapag niya yung mga bitbit niyang pagkain. Nagugutom na ako :( Wait! Aling Nena who? "Aling Nena?" I unconsciously asked her. "Iyang binati mo kanina," akala ko yun ang auntie ko? "Eh sinong totong auntie ko sa inyo?...po" "Hah? Dalawa kami," nakakunot-noong aniya ng kanina ko pang kausap na babae. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit nakalimutan mo na ba kami?" She asked. What am I going to say?! "A...little?" I answered not really sure. Duh! Paano ko sila makakalimutan eh hindi ko nga sila kilala! "Ako ang Tiya Estheria mo, kapatid ng mama mo. Siya naman ang Tiya Nena mo, nanay ng matalik mong kaibigan, si Jennelyn." Oww thanks for the info! "Ah...I remember now!" The I awkwardly laugh. I think I look like a stupid now so I stopped laughing. "O siya! Kumain ka na ng umagahan nalate ka ng gising ngayon eh. Nasa pier na daw si Jennelyn, inaabangan 'yung bangka na pag kukunan ng ibebenta niyong isda ngayon sa palengke..." "Pier? Isda? Tinda?" Kauupo ko lang pero nang marinig ko ang sinasabi ni Auntie Estheria ay napatayo ako agad. Magbebenta ako ng isda sa palengke?! Yikes!!! To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Richard
29/07/2025
0ganda
25/08/2024
0nice
18/07/2024
0Tingnan Lahat