“I caught her doing a crime on my apple tree and I want her to serve me as her punishment,” he said directly while still looking at me intently with his usual cold look. Just like the first and second times we met, he always have that cold expression on his face. He always has that dangerous aura with him. I gulped as he looked at me. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakipagtitigan sa prinsepe. Napansin kong agad na nilingon ako ng mga kaibigan ko nang sinabi niya kung bakit narito siya ngayon at sinusundo ako. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko bago iniyuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan at dahil na rin hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. The ambiance in the room is scary. It filled with silence for a minutes. I know that my friends are waiting for my explanation but I didn’t want to explain yet. Kailangan ko munang ikalma ang sarili ko dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin sa padalos-dalos na desisyon ko. I’m reckless, I know. I should have thought many times next time before making a decision to avoid putting myself in danger so like this wouldn’t happen again. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng lalaking may malamig na mga tingin. “She will move out with me,” he said in a cold tone which made my world stop for a moment with mixed reactions at a time. Shocked at confusion. Teka… move out? And with him? “Is that even necessary?” agad ko namang angal nang makabawi. Pu-puwede naman kasing puntahan ko na lang siya kapag kailangan niya ako. Nilingon na naman ako ng mga malalamig niyang mga mata. “You will serve the Prince so… yes.” “Teka lang naman,” awat ni Ash na napatayo na dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ngayon lang yata nag-sink in sa utak na kung ano ang nangayayari. “She will move in to the mansion?” she curiously asked. “Just in my dorm,” paliwanag naman ng prinsepe habang prente pa rin itong nakaupo. Dahan-dahan na lamang na tumango ang pinsan ko sa sinabi niya at wala ng sinabi pa. Natutop na rin ako sa kinauupuan ko dahil wala na rin akong magagawa. Desisyon na iyon ng prinsepe at walang makakapigil dito. Myra faced my direction, “I bet you haven’t pack your things yet. Move now,” she commanded me which made me shock. Ganoong na lang iyon? Hindi ba sila aangal? Wow ha. “Kumilos ka na, Thalia,” muli nitong wika pero bahid sa boses nito ang pag-aalala. I already stand up as what she wanted me to do. I was about to turn my back to them when my cousin glared at me. “We deserved an explanation.” Nanghihina na lamang akong tumango kay Ash. Si Bryan naman ay wala namang sinabi at tahimik lang sa tabi ko. As what the Prince said earlier, I will move out with him and will leave with him on his dorm so I packed up my things. I know that the boys dorm in on the other two building. Dalawang building kasi ang dorms ng mga babae at ganoong rin sa mga babae. At least maari pa rin naman akong pumunta at bisitahin rito sa dorm sina Myra at Ash. Wala naman akong ganoon karaming damit kaya naman ay mabilis lang din namana kong natapos sa pag-iimpake. Wow, talaga bang hindi na ako rito uuwi? Parang kailan lang noong mag-dorm kami tapos mapapahiwalay na naman ako kina Ash at Myra. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng kwarto ko at isinara ang pinto. Hinarap ko ang tatlo kong kaibigan upang magpaalam. “Ash…” I called her. Alam kong nagagalit sila lalo na siya sa akin dahil sa nangyari bunga ng hindi ko pag-iisip ng maayos. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. “Pasensya na kong hindi ko agad nasabi sa inyo,” nakayuko kong wika. “Masyado ring mabilis ang nangyari. Hindi ako nag-iisip ng maayos kaya ganito ang kinalabasan. Alam kong galit ka sa akin ngayon,” huminga pa muna ako ng malalim bago muling nagpatuloy. “ Magkita na lang tayo kapag walang klase at saka ko ipapaliwanag sa iyo,” dugtong ko kaya naman ay tumango siya sa akin. “Hihintayin ko ang paliwanag mo,” marahang aniya sa akin. “You’re my cousin, I can’t bear to lose you too. Pumunta ka lang dito kung kailan mo gusto. Just tell me if you need anything, okay?” Mabilis akong tumango sa kanyang sinabi. Kahit na alam kong galit ito sa akin ay mas pinili pa rin nitong unawain ako. Hinarap rin ako ni Myra at saka binigyan ng mahigpit na yakap. “Nasa boys dorm ka lang rin naman, hindi naman malayo kaya kapag free time mo bisitahin mo kami ah?” Ngumiti ako rito saka tumango. “Ang pinagkaiba lang naman eh hindi na rito matutulog at kakain pero tiyak naman akong magkikita pa rin tayo kapag walang klase.” Nilingon ko naman si Bryan at ganoong din ang ginawa ng dalawang babae na kasama ko. Lumapit ito sa amin nang matapos siyang kausapin ng prinsepe. “Magpakabait ka sa kanya. You have to bear with his cold attitude unlike me,” he then wink at me which made me laugh. Siniko rin siya ni Myra at saka sinamaan ng tingin ngunit hindi siya pinansin ni Bry. “Pero seryoso, cold personality ang prinsepe pero sa katagalan naman ay alam ko namang masasanay ka rin,” aniya kaya naman ay binigyan ko ito ng isang ngiti bago niyakap. “I’ll just explain to you guys if I bump into you. Thank you for not judging me despite of my situation right now.” Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako pinilit sa sabihin ang totoong nangyari kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. I’m lucky to have them as my friends. Muli ay isa-isa ko silang tatlo na binigyan ng mahigpit na yakap dahil mahihiwalay ako sa kanila. Hindi ko na sila makakasamang kumain at pumasok. Mami-miss ko iyong bangayan nila rito sa dorm na ‘to. ”Sige na, naiinip na ang prinsepe. Ayaw niya ang naghihintay ng matagal,” ani Myra nang humiwalay ako ng yakap rito. Tango alng ang isinukli ko bago naglakad kung saan kanina nakaupo ang prinsepe. Without a word, he stand up, “We’ll be going,” he shortly said to them and my friends just nodded before he turned his back. I faced my friends once again and smiled at them. “See you guys around.” Nagsenyas pa ng isang kamay niya si Bryan na sumunod na ako sa prinsepe at pinapaalis na sa dorm. Sa lagay na ‘to ay parang tinataboy na ako ni Bryan. Umangat pa ang gilid ng labi ko na ikinatawa lang nito bago ako tumalikod sa mga kaibigan. This is it. It feels like it’s a new life again living with the Prince. I guess new struggles huh? Just like Bryan said, I’ll be dealing with the cold personality of this prince. Iniisip ko pa lang na ako lang mag-isa ang gagawa ng mga gawain sa dorm niya tapos wala pa akong makausap dahil nga sa personalidad ng prinsepe at tanging kami lang dalawa ang magkasama ay mukhang mababaliw yata ako ng maaga. Ipinagdarasal ko na lang talaga na may kasama ko roon na makakausap ko maliban sa kanya na tahimik at nakakatakot. Naiisip ko pa lang na nagluluto ako tapos kinakausap ko ang mga sangkap at gamit sa pagluluto ay nababaliw na ako. Ayaw ko namang dumating sa puntong iyon. Susko! Nakarating kami sa Building A4. Nasa third floor ang dorm niya. Halos malula pa ako nang makapasok na kami dahil sa laki niyon. My lips was slightly parted when I roam my eyes around the room, looking surprise. Who wouldn’t anyway? Kahit sino naman ang makapasok sa silid ng prinsepe ay magugulat ka na lang sa laki niyon. “Dorm ba talaga ito? Parang bahay na sa laki e,” hindi ko na napigilan at wala sa sarili ko na lang na nasabi habang namamangha pa ring tinitignan ang kabuuan ng silid na iyon. Okay, he is a prince so it wasn’t surprising for him to have a huge room unlike the other normal students here. But I didn’t expect that his room would look like this. It is it was huge as a house! Parang nagmukha iyong VIP condo! Kami lang talagang dalawa rito? Huwag lang sana akong mabaliw ng maaga dahil sa pakikipag-usap sa mga gamit rito. Napahinga na lamang ako ng malalim at mahigpat na nakahawak sa bag na dala-dala ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. I pray that I’ll survive here without causing any trouble. Starting this night, I’ll be dealing with him more. I have to be a good girl. I have to be a good servant or else he might continue to kill me for trying to steal his yummy apple. For now, that will be my goal while staying in the same room with the Prince. Ilang sandali pa akong nakatayo roon at abala pa ring iginagala ang mata sa paligid ng silid na may pagmamangha samantalang prente ng nakaupo ang prinsepe. Maya-maya rin ay may pumasok na isang lalaki at pumunta sa harap ng prinsepe habang bahagyang nakayuko ang ulo nito bilang paggalang. “Prince Evan,” the guy said while he bowed his head. “Orient her what she needs to do,” the prince ordered and the guy slightly bowed again before walking towards my direction. Prince Evan, huh? He didn’t even personally introduce himself to me and directly tells that I need to serve him as my punishment. Rude. Nakakahiya naman kasing magtanong dahil awra pa lang niya ay ramdam mo na ang takot at panganib na dala niya. “Hi, Thalia, I’m Mike,” he simply introduced himself. I smiled at Mike after he introduced himself to me. “Hi, Mike,” I greeted while smiling. He looks friendly though. I could remember Jayson from him. Iginaya ako ni Mike kaya naman ay sumunod ako sa kanya at huminto kami sa isang pinto. Nang buksan niya ang pinto ay nalaman ko na isa iyong kwarto. “Relax yourself for at least a couple for minutes. Pumunta ka na lang sa sala pagkatapos at doon na kita hihintayin para sabihin ang mga dapat mong gawin,” paliwanag niya sa akin kaya naman ay tumango ako rito. “Okay, thanks.” Pumasok ako sa kwarto at sakto lamang ang laki niyon para sa isang tao. Hindi masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit, sakto nga lang ‘di ba. Nilapag ko ang bag na dala-dala ko at napansin ang isang kabinet kaya naman ay tinungo ko iyon at binuksan para makita ang laman. Nang makita ang laman niyon ay hindi ko mapigilang magtaka at magulat. May mga damit roon at kumpleto pa! Nagdesisyon akong ilagay na roon ang hindi gaano karami kong damit na dala. Tama na rin siguro ito dahil hindi marami ang damit ko. Saka na lang ako magpapasalamat. Napansin ko rin ang isang pinto sa gilid at tama ang hula ko nang buksan ko iyon ay banyo iyon. Kumpleto rin ang mga gamit roon. Hindi ko mapigilang mamangha. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ito o kung nasa hotel na ba ako. Paano pala noong wala pa ako rito? Mag-isa lang si Evan rito kaya naman walang gumagamit ng kwartong ito. Hindi kaya siya nalulungkot? Wala ba siyang mga kaibigan? Sa ugali niya ay mukhang anti-social ang prinsepe. May bigla namang pumasok sa ideya sa isip ko kaya wala sa sarili akong napangiti sa ideyang naisip. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagdesisyon na kong lumabas dahil baka mainip na sa kahihintay iyong si Mike sa akin. Naabutan ko itong nakaupo sa sala kaya lumapit ako rito. Napansin ko ring wala na roon ang prinsepe kung nasaan ito nakaupo kanina. “You’re done?” I nodded as a response. I sit at one of the vacant chairs beside him. “So… the Prince wanted you to serve him,” he started and I nodded my head slowly. “You will be in charge of cooking and be with the prince if he wants you to when he is going somewhere. Don’t worry about the stocks on the fridge and cleaning here, someone is in charge of it.” Tumango-tango ako sa mga sinabi ni Mike sa akin. Parang hindi naman ako mahihirapan dahil pagluluto lang naman pala ang gagawin ko. “Alright! That’s all. Get yourself comfortable here, okay?” And I jus nodded. Paano ako magiging komportable rito eh mayroon akong kasamang pinaglihi yata ng nanay niya sa yelo. “Salamat, Mike. Ano nga pala ang pangalan ng prinsepe?” usisa ko pa rito. “Princ-” “Prince Charles Evan Caesar,” someone cutted Mike off. Nagulat ako at muntik ng mapatalon nang magsalita ang prinsepe at banggitin ang buo niyang pangalan. Napakurap pa ako nang tignan ko ito. Wala yata itong balak magpakilala kung hindi pa ako nagtanong e.Tsk. Naglakad papasok si Evan sa isang pinto at hula ko ay iyon ang kwarto niya. “Don’t mind Prince. May Prince talaga iyong pangalan niya kaya…” paliwanag sa akin ni Mike kaya naman ay napatango na lamang ako. Mike tapped my shoulder and stand up. “Fix yourself. Papasok tayo,” aniya na siyang ipinagtaka ko. “T-tayo?” Nauutal kong tanong sa kanya ng tingalain ko ito. Tumango siya sa akin. “I’m also studying, Thalia, and so as the Prince,” he explained. “Don’t worry, you’ll be with Prince in class starting today,” dugtong nito. Mukhang close siya kay Evan at minsan ay mismong Prince na na pangalan ni Evan ang tinatawag ni Mike sa kanya. I nodded and sighed. This night will be a new struggle. You can do it, Nathalia! :)
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
your story is amazing 😊
29/03/2024
0🫶🫶
26/03/2024
0yay
20/12/2023
0Tingnan Lahat