Homepage/The Lost Memories/
Chapter Seven
Xiv Marco's POV
F*ck. Ang dilim na, nandoon pa rin kaya sya? Hindi ko na nga sya sinipot kanina tapos ngayon ay late pa ako. Umuwi na siguro sya. Takte, nakakainis naman si Coach. Ugh.
Kanina pa natapos ang practice hours ng ibang team at kanina pa siguro silang nakauwi. Samantalang kami, eto katatapos lang magpractice. Katatapos lang nilang magpractice. Oo NILA. Kasi nga banned ako sa practice ngayong linggo. Walang awa si Sir.
Nung ikinuwento ko eto kay Max, t*ang-na ang g*gu, sa halip na damayan ako ay tinawanan pa ako ng walang-hiya. Grabe lang talaga.
Tulad ng sinabi ni Sir, bawal akong umalis hangga't hindi pa sya naalis. Andito lang ako sa bodega ng gym at inaayos ang mga bola at iba pang kagamitan sa iba't ibang sports habang isa-isa nang nagpapaalam sa akin ang team mates ko. Tss. Tinanguan ko na lang sila at hindi ko na sila masyadong pinagtuunan ng pansin. Kailangan matapos ko na kaagad ito para mapuntahan ko na sya. Though hindi ko alam kung nandoon pa nga ba sya. Pero, sana hindi pa sya umaalis at iniintay ako.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang marinig ko ang pagbuhos ng ulan. Palakas ito ng palakas. Sh*t. Nataranta ako. Iniisip ko sya. Sana umuwi na sya. Sh*t lang.
Mas lumakas pa ang buhos ng ulan kaya mas lalo akong nataranta. Nagtatalo ang isip ko kung pupunta ba ako sa likod ng building namin at titignan kung andun pa sya o itutuloy ko na lang ang paglilinis ko ng makauwi na rin ako. Tae gulong-gulo na ako.
Nasa kalagitnaan pa rin ako nang pagtatalo nang mas lalong lumakas ang ulan. Takte. Bahala na. Maganda na ang sigurado. Kaysa manatili ako dito titignan ko na lang sya. Mas lalo akong hindi matatahimik kung hindi ko sya pupuntahan.
Nagmamadali akong kumuha ng payong at nagtatakbo palabas ng gym. Hindi na ako nag-abalang buksan ang payong, para sa kanya iyon just in case na hindi pa sya umaalis. Paksh*t. Ngayon kinainisan ko kung bakit ang layo ng gym sa classroom namin. Noon kasi hindi, dahil nga nasa pagitan ng gym at building namin ay ang field kung saan kami nagpapractice.
Hinihingal akong nakarating sa gilid ng building namin kung nasaan ang daan papunta sa likod nito. Napahawak pa ako sa aking tuhod dahil sa pagod Naglakad na lang ako papunta sa may puno. Nagtatalo pa rin ang puso't isip ko. May isang parte sa akin na umaasang nandoon pa rin sya at ang isa naman ay sinasabing sana wala na sya doon.
Pagtingin ko sa malaking puno, sa ilalim nito may nakita akong bulto ng katawan ng babae.
Si Elisa. Hindi sya umalis. Inintay nya ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kanya dahil nanatili pa rin sya doon at matyagang naghihintay. Tahimik akong lumapit sa kanya habang binubuksan ko ang payong na hawak ko kanina pa.
Nasa likod na nya ako at hindi pa rin nya ako napapansin. Itinapat ko ang payong hawak ko sa kanya. Tumunghay sya at luminga-linga sa paligid tila nagtataka. Nang mapagtanto nyang umuulan pa rin ay tumingala sya. Nagkatinginan kaming dalawa.
Nakita ko ang natuyong luha sa pisngi nya. Sh*t umiyak na naman sya. Napansin ko ding basang basa sya nang ulan. Takte namang babaeng ito. Dahil sa pag-aalala napagtaasan ko sya ng boses.
"Baliw ka ba? Kita mo nang ang lakas-lakas ng ulan hindi mo man lang naisip na sumilong? Kanina pang nagsiuwian ang mga tao bakit hindi ka pa umalis? Hindi man lang ba pumasoksa isip mo na baka hindi na ako dumating? Wala ka bang pakealam sa sarili mo?" Sigaw ko sa kanya. Pero sa halip na matakot sya sa akin ay ngumiti lang sya at bigla-bigla akong niyakap. Sa sobrang pagkagulat ay nabitawan ko pa ang payong na hawak ko.
Mas humigpit pa ang yakap nya sa akin nang sinabi nyang, "Pero dumating ka pa rin. Nanditoka pa rin.Pinuntahan mo pa rin ako. Hindi mo ako pinabayaan. Salamat. Sobrang saya ko kasi nandito ka. Salamat ng sobra. Salamat talaga." F*ck. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nag-iinit ang pisngi ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Takte, ano ba itong nararamdaman ko?
Nanatili kami sa ganoong posisyon at hindi na ininda pa ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa aming mga balat. Dahil hindi ko na makayanan pa ang kakaiba kong nararamdaman ay binasag ko na ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
"I think we should go home."
"I have no home to go." Nagulat ako sa sinabi nya. Nakita ko ang pagngiti nya ng pilit sa akin. Eto ang ayoko eh. Ang makita ko yung ngiting pilit nya. Pero hindi naman maaring dalhin ko sya sa bahay. At hindi din pwedeng manatili lang kaming dalawa dito sa ulanan at baka magkasakit pa kami kaya nag-isip ako kung saan kami pwedeng sumilong. Naalala ko ang classroom namin.
Iniya ko sya papuntang classroom. Nung una ay ayaw pa nya kasi natatakot daw sya pero napapayag ko din naman sya. Umupo ako at tumabi sya sa akin.
Namumuo na ang katahimikan sa aming dalawa nang bigla syang nagsalita.
"So. Uh bakit ka pala na-late?" Nag-aalinlangan nyang tanong. Shete nawala na sa isip ko iyong mga dapat kong gawin. Hala bahala na. Ikukwento ko muna sa kanya ang mga nangyari para makapag-sorry na din ako sa kaniya.
"Uhm. Ganito kasi iyon." Pagsisimula ko at ikinuwento ko na sa kanya ang mga nangyari simula nung maghiwalay kami kaninang recess.
Flashback:
Pagdating ko sa classroom, nandoon na ang teacher ko. Well, expected ko naman na iyon kasiang motto ni Ma'am Cassanova ay 'Time is gold'. Ma-late ka lang sa kanya ng isang minuto aynapaka big deal na. Kung anu-ano na agad ang mga sasabihin nya sa'yo. Hindi ko na langpinansin iyon. Humingi na lang ako ng dispensa at sinabi kong nakatulog ako at hindi ko namalayan ang oras. Pinagbigyan naman nya ako kasi unang beses ko palang naman daw na-late. Huwag na lang daw ulitin. Well, wala naman sa mga kung anu-anong sinasabi nya ang utakko sa totoo lang. Noon lagi akong on-time, pero ngayon hindi ako nakaramdam nang kung anong uneasy feeling nang na-late ako. Maybe because being with her is worth enough reason to be late.
After nya akong sermunan at sabihin nang kung anu-anong bagay ay pinaupo na rin nya ako sapwesto ko. She's our History teacher pero madalas nyang ituro sa amin ay Religion. Bago akomakarating sa likod kung nasaan ang upuan ko ay dadaanan ko pa ang pwesto ni Maximillian nangayon ay nakatingin sa akin ng makahulugan. Nginisian ko na lang tuloy sya. Hahahaha. Halatako ang pagtataka ni Max sa mga ikinikilos ko ngayon araw. Unang-una, hindi ako umattend sapractice kanina, ikalawa, tulala ako sa classroom at hindi nakikinig, ikatlo hindi ako sumabay sakanila kaninang recess at ikaapat ay ang pagka-late ko ngayon. Kaya hindi ko sya masisisi kung nagtataka sya sa akin.
Umupo na ako sa aking upuan katabi ni Miranda. Ang pwesto ko ay sa likod malapit sa may bintana. Ang ayos namin ay naka-divide into 5 groups. Each group may 2 column at 5 rows. Gets nyo ba? Hahaha sorry hindi kasi ako marunong magdescribe pagpasensyahan nyo na ako.
Teka nga pala, hindi pa ako nagpapakilala sa inyo ng matino. Ako nga pala si Xiv Marco Arguelles, 16 years old, NGSB as in No Girlfriend Since Break. Hahaha kidding. No Girlfriend Since Birth. Reason? Love isn't worthy of my time. Hahaha. Ang lame ko. Para tuloy akong baklaneto. Hahaha Anyway, I'm on my fourth year high school now. Currently the captain of Baseball Team of our school. Popularity? I'm not that quite popular. I'm just a typical normal student. Aside from playing baseball, I also can play basketball. Who wouldn't? I'm a guy and basically, basketball is a guy's first love. No joke. I also can play guitar but I never did play a girl's heart. Hahaha kidding. Ang bakla ko na. My best friend's name is Maximillian Adante. I often called him Maximillian, but you can call him Max. Si Max? Kasama ko na iyan eversince pumasok ako. Nababakla ata iyan sa akin kaya kung nasaan ako andun din sya. Hahaha biro lang. Magkapitbahay din kasi kami noon. Ngayon lang hindi kasi lumipat na kami sa kadahilanang huwag na lang natin alalahanin dahil hindi ko din talaga mataandahan ang dahilan kung bakit.
Sa totoo lang walang pumapasok sa isip ko kaya nagkukwento na lang ako sa inyo. Gusto ko nakasing matapos ang morning class para mapuntahan ko na sya. Hahaha tama kayo. Sya angnasa isip ko. Ni wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Ma'am Cassanova. Ni hindi ko nga alam na nakaalis na pala sya at si Sir Santiago na ang teacher namin ngayon. Lutang na lutangtalaga ako ngayon. Nandito nga ako sa loob ng classroom pero iyung isip ko nasa kanya. Langya ang korni ko na. Nakatingin lang ako sa relo ako at iniintay ang oras ng kinalabit ako ni Miranda. Nilingon ko sya at tsaka tinanong.
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"Uh. May Seatwork kasi tayo. By partners." Paliwanag nya sa akin.
Tumingin ako sa paligid ko at lahat nang kaklase ko ay gumagawa na kami na lang ang hindi pa nag-uumpisa. Oh sheet of paper. Sobrang lutang ko ba talaga?
"Uhh. Sorry. Ano bang gagawin?" Aniya ko na nakangiti.
"Okay ka lang ba? Mula kanina hanggang ngayon lutang ka. May nangyari ba?" Nagtatakang puna nya sa mga ikinikilos ko.
"Wala. Wala. Okay lang ako. Huwag mo akong intindihin. Puyat at pagod lang siguro ito." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Magsimula na tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Okay. Okay. Ganito ang gagawin." At ipinaliwanag na nya sa akin ang mga gagawin. Naintindihan ko naman agad ang gagawin. Kaya napagdesisyunan ko na lang na.
"Okay sige. Ikaw na lang ang magsulat, ako ang magsasagot." Aniya ko. Taka nya akongtinignan na tila nag-iisip at nagdududa. Napatawa na lang ako ng mahina.
"Huwag kang mag-alala. Alam ko kung paano sagutan iyan. Napag-aralan ko na iyan last week. No worries." Nginitian ko na lang ulit sya na parang nagsasabing 'huwag mag-alala at magtiwala lang sya'.
Matapos ang ilang pagkumbinsi ko sa kanya ay pumayag na rin sya. Kaya kahit nahuli kamingmagsimula kaysa sa iba naming kaklase ay mas nauna pa kaming natapos. Ipinasa na namin itokay Sir at naghihintay na lang na mag-time.
Papalit-palit ang tingin ko sa relo at sa labas nang bigla ulit nagsalita si Miranda.
"Ay oo nga pala Xiv." Pagkuha nya sa atensyon ko kaya napalingon ako sa kanya. Taka ko syangtinignan na parang sinasabing 'bakit'. Kaya itinuloy nya ang kanyang sinasabi.
"Sabi ni Max,pinapasabi daw ni Sir Flores na makipagkita ka sa kanya ngayong lunch break."
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam. Iyan lang ang sabi ni Max sakin e." Sh*t naman.
"Huwag na huwag mo daw maiisip na hindi puntahan si Sir. Malalagot ka daw." Pahabol pa nito bago tumayo at lumapit kay Max. Nagpaalam na pala si Sir kaya nag-ingay na ang mgakaklase ko.
Double sh*t.
Palabas na si Max at Miranda nang tinawag ko ang mga ito, kaya napatigil sila.
"Bakit daw ako hinahanap ni Coach?" Naiinis kong tanong.
"Hindi ko din alam. Iyan lang ang sabi sa akin ni Coach eh. Puntahan mo na lang ng malaman mo." Ang huli nyang sinabi at tuluyan na silang lumabas ni Miranda na girlfirend nya. Oo girlfriend nya iyon.
Lumabas na din ako ng classroom na naiinis. Dumeretso agad ako sa Gym kung saan naglalagi siCoach Flores. Nang makita ko ito ay may kausap pa itong ibang estudyante.
Nang makita kong nagpaalam na sya sa mga iyon ay lumapit naman ako sa kanya.
"Coach? Bakit nyo daw ako hanap?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Aba kahit naman naiinis ako ay hindi pwedeng hindi ko irerespeto si Coach.
"Syempre. Hindi naman pwedeng palampasin ko na lang ang hindi mo pag-attend sa practice kanina. Hindi ako bias Arguelles." Malokong ngiti sa akin ni Coach. Uh oh. Ayoko ng mga ngiting iyon ni Coach. Kasi kapag ngumiti sya ng ganyan kabahan ka na dahil matinding parusa talaga ang ibibigay nya.
"A-a-no i-yo-n C-coach?" Nauutal kong tanong. Takte sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ngayon lang ako makakaranas ng parusa.
"You're going to clean the whole gym and all the equipments today until Friday Mr. Arguelles.Every morning, lunch and afternoon. Understand?" Nalunok ko ang sarili kong laway dahil hindi yata kinaya ng sistema ko ang sinabi ni Coach.
"Understand Mr. Arguelles?" Nakakatakot na tanong ulit sa akin ni Sir kaya napatango na lang ako sa kanya.
"Good. One more thing, you can't practice this week, but you should be here in school before I came, and you can only leave the school ground after I left. That's all. You may start." Ang sabi pa nya bago nya ako tuluyang tinalikuran.
Ang tindi ni Coach. First time kong mapaparusahan tapos ganito pa katindi? Nasaan ang hustisya?
To Be Continue.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (137)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good story
09/02/2025
0omygoshh, i feel the pain huhu napaiyak moko 😭
18/07/2024
0Ganda
11/04/2024
0Tingnan Lahat