JERON'S POINT OF VIEW Biro lang 'yon 'di ba?? Biro lang 'yon 'di ba?? Biro lang 'yon 'di ba?? Paulit-ulit pumapasok sa aking utak ang salitang 'yon. Mukha ba ako nagbibiro?Mahirap ba paniwalaan 'yon? Akala ba niya lahat ng sasabihin ko biro lang? Ang sakit! Parang daig ko pa na reject sa ginawa niya sa akin at hindi pa nagiging kami nasaktan na ako. Biro lang 'yon 'di ba??? "Waaaaaaaaaaa----" napatayo ako sa sobrang inis. Tumahimik ang mga classmate ko ng marinig ang aking pagsigaw. Kinalabit ako ni Felix sa braso habang nakangiti. "Anong problema?" Tila huminto ang paligid ng pumasok si Kelly. Hindi niya ako tinitingnan pero alam kong nakikiramdam lang ito. Naupo siya sa tabi ko sabay inilabas ang mga aklat at ang project namin na hindi pa natatapos. "Uhmm, Kelly." tawag ko ngunit ayaw mamansin. "Uy, Kelly-Kelly." sinamaan ako ng tingin, "Tapusin na natin 'yan ha? Hindi mo lang nalalaman na ako palagi ang nauunang matapos pagdating sa project." "Okay." "Teka, kung gusto mo sa unit mo na lang tayo gumawa niyan baka kasi maistorbo natin si mama." "Bahala ka." bakit ba ayaw akong tingnan nito. Panget ba ako? "Uhmm, 'yung tungkol kanina----" tumayo ito at may ibinigay sa mga classmate namin. Hindi ko alam kung ano. "Wala 'yon sanay na ako sa iyo." ngumiti sa akin pagkatapos maupo muli at kinalabit si Ferd. "Ferd, samahan mo ako mamaya mag-lunch bago magpunta sa library, puwede ka ba?" "Sure palagi naman ako free pagdating sa iyo." Tila namula si Kelly nang sambitin 'yon ni Ferd. "Salamat, ililibre kita ng lunch." yung ngitian nila parang may iba. "Wow talaga!? Tamang-tama nagtitipid ako ngayon." "Bakit ka nagtitipid?" "May gusto akong bilhin sa darating na linggo." "Anong mayroon at bakit kailangan mo pa mag-ipon? Ang yaman-yaman mo nga." "Especial kasi ang pagbibigyan ko." At sino especial naman iyon? Tumingin sa akin si Ferd, "Mayroon kasi ako nais ligawan." "May Girlfriend ka 'di ba? Bakit may liligawan ka pa." Protesta ni Kelly. "Wala akong girlfriend pero coming soon." "Grabe ka." Sige, mag-usap lang kayo. Ako na lang makikinig sa walang kwenta niyong usapan. Inabot kami ng lunch na wala man lang dumating na guro. At dahil dito sinundan ko sila papuntang library. Ang nakakainis tawanan sila nang tawanan na hindi ko man lang marinig ang usapan. "Ganyan ang tamang pagbasa niyan." inabot yata ako ng limang minuto kasusunod. "Mr. Cortez, ano ba ginagawa mo riyan?Bakit nakatayo ka lamang?" Usisa ng guro. "Ah, eh, may hinahanap po akong aklat dito." Kunwari may hinahanap ako. "Eh, ano ba pamagat?" "Uhm, teka po nakalimutan ko." nakuha na lamang ako simangutan ng guro bago iwan mag-isa. Nawala kaagad ang dalawa sa paningin ko pero dumiretso ako sa canteen nagbabakasali nandoon na sila. Suspetya ko talaga mayroon gusto si Kelly kay Ferd. Hindi maitatangging masaya siyang kasama ang lalaking iyon habang kumakain ay nagngingitian. "Bakit nakatayo ka lang dyan, hindi ka ba magla-lunch?" tanong ng kung sino. "Uhmm, busog pa ako." hinila niya ako sa bakanteng lamesa. Umorder ito, "Alam mo kanina pa kita napapansin na sunod nang sunod kila Kelly." "Hindi ah!" Depensa ko "Hindi ba talaga?" "Claire,kailan ba ako nagsinungaling sa iyo?" "Okay." minadali ko ang pagkain nang makarating ito sa lamesa namin. Naiinis ako, nakakainis may pa hawak-hawak pa sa kamay ni Kelly itong si Ferd. Ano ba akala nila rito music video? Badtrip. "Bakit hindi mo sila lapitan at awatin?" "Ha?" tumingin ako kay Claire. "Halatang-halata ka." Inirapan ako, "Akala ko ba ay okay na tayo? Bakit parang mas gusto mong sundan-sundan ang babae na yan?" Galit na naman siya. "Claire, tumigil ka nga. Hindi ko sila sinusundan okay? Tapusin mo 'yan bago tayo bumalik sa classroom." Pabagsak niyang ibinaba ang kutsara at tinidor, bago ako iwan mag-isa. Mas okay na rin 'yun para maiwasan ko ang mga pansin niya sa'kin. Pagalit nitong binagsak ang kutsara't-tinidor bago ako iwan na mag-isa. Mas mainam na siguro umiwas ito sa pakikipagtalo para hindi na ako mainis pa lalo. "Kelly." "Kelly?" "Kelly!" Para akong baliw na paulit-ulit ibinubulong ang pangalan niya. Matapos kasi nila kumain kanina inakbayan niya si Kelly. Hindi inisip kung ano sasabihin ng ibang estudyante na makakakita sa kanila. Nakakagigil, nakakaselos. NAGSESELOS AKO. OO, NAGSESELOS AKO. "Mr.Cortez, anong iniisip mo?" "NAGSESELOS PO." parang tanga! Sagutin ko ba naman ang seryosong tanong ng adviser namin. Takang-taka ang ilan sa sinabi ko habang nakatingin sa akin with matching patayo-tayo pa ko. Hibang ka na Jeron. "What?" Parang naiinis patanong ni ma'am. "Ang ibig ko po sabihinnagseselos po si Felix." Tumingin ako kay Felix habang siya kunot-noo. "Tama, nagseselos po siya sa nagkakagusto sa crush niya 'di ba Felix?" hindi pa rin magets ni Felix ang sinabi ko kaya dinilatan ko ng mata. "Ahhhh---Opo, opo! Alam niyo na ma'am --- 'di ba? kapag may crush ka natural na magseselos ka." Tumayo na rin ito upang damayan ako. "Tigil-tigilan niyo nga ang crush-crush na 'yan. Wala kayong karapatan magselos dahil WALANG KAYO at hindi magiging kayo dahil hindi ka crush ng CRUSH mo." Lahat sila nag-angalan sa sinabi ni ma'am. Palakpakan pa 'yong iba na parang hanga sila sa hugot nito. Sinamaan ako ng tingin ni Felix, mukhang patay na naman ako nito. "Malay mo naman ma'am kung crush ka rin ng CRUSH mo baka tulad mo ay itinatago lang niya ang feelings niya para sa iyo." Buwelta ng isa naming classmate. "Mahirap mag-assume. Kaya marami nasasaktan kasi UMAASA kayo kahit wala naman talaga." Aba, talagang humuhugot si ma'am, ah. "Ma'am okay na rin 'yon kaysa naman hindi namin maranasan ang sumaya. Pusong bato ka kung hindi mo 'yon naramdaman." Tugon ng isa. "Puwede ba mag-aral na lang kayo? Jeron and Felix kayo ang magsolve sa one and two." Naiinis pa rin ako. Hindi ko maisip ang tamang sagot kaya naupo akong walang gana. "Ma'am question." Tumayo ang isang babae nakaupo sa harapan. "Dapat o hindi ba dapat aminin sa tao na crush mo siya?" Taas kilay si ma'am. "Well, kung ikaw mismo aaminin parang panget yata 'yon. Hayaan mo ang mga lalake umamin eh di kapag umamin na siya saka ka magsabi ng nararamdaman." Nalingon ako kay Kelly na nakatingin pala sa akin ngunit kaagad inilipat ang tingin kay ma'am. Tumaas ako ng kamay, "What if kaming lalake na nga ang nagtapat ng nararamdaman tapos hindi pa naniwala kasi akala nagbibiro lang, paano 'yon?" Napa-ismid si ma'am. "Eh kung ikaw lang din naman pala 'yong nagtapat mapapaisip talaga ako roon." Kunot-noo ako, "Mahilig ka kasi magbiro kaya tingin ko hindi siya maniniwala." nagtawanan ang lahat. "Sagutin mo ang number on sa board." Kakamot-kamot akong nagpunta sa harapan para sumagot sa board. Si Kelly, pasimple na naman tumingin ngunit kaagad din binawi "Eh ma'am paano kung ---" "Mr.Cortez tama na yang tanong. Kung naguguluhan ka pa rin subukan mo magbago ng ugali, at isa pa bawasan mo kasi 'yang pagiging kengkoy mo." Hindi naman 'yon ang itatanong ko, itatanong ko lang naman kung puwedeng ako na rin magsagot sa number two. "Sabay na tayo." wika ng kung sino matapos sabihin ng aming guro na uwian na.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat