logo text

SPECIAL CHAPTER

"C'est beau à cause de ta nouvelle fille.( Ang ganda kasi ng bago mong babae.)" Pilyong sabi ng isa pang lalake.
Nagtama ang mga mata namin ngunit umiwas ito ng tingin.
"Hindi ko siya babae, brod." Tumatawang naupo sa tabi ko si Mr. Talavera.
"Nakakaintindi sila ng tagalog?" Namilog ang mga mata ko ng huling sabihin nito sa mga kausap.
Bahagya akong siniko ni Mr. Talavera sa braso. Close ba kami nitong G*G* na ito?
"Mga Filipino rin sila huwag mo sabihin mga mukha na itong mga Pranses?" nagtawanan silang lahat.
Hindi na ako nagsalita pa. Matapos ang dinner meeting umalis kaagad ang ilan dahil may kanya-kanya pa raw silang lakad. Uuwi na sana ako sa condo ng mag-aya sa labas sina Mr. Talavera at Wandro.
"Hindi ko na dapat sasabihin sa iyo ito kaya lang masyado akong naguguluhan." Bulaslas nito habang naglalakad kami.
"Ano 'yon?"
"Pamilyar ang mukha mo sa akin." Tiningnan ako saglit, "Nagkita na ba tayo before?"
Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya.
"Hindi, tingin ko ngayon lang tayo nagkita."
"Talaga?" Parang di makapaniwala.
"Oo."
"Siguro, akala ko lang pero baka may kamukha ka lang sa mga naging kaibigan ko sa Pinas. Ang tagal ko na kasi hindi nakakauwi o kung makauwi man ako sobrang bilis lang talaga at babalik din kaagad ako rito."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
Napalunok ako, "Bakit nagkukuwento ka sa akin ng ganyan?"
Tila na pipi ito ng tanungin ko tungkol dito. Ngayong araw pa lang kami nagkita pero bakit ganoon na lang ang pakiramdam kong matagal na kaming magkakilala.
"Sorry Mrs. Kelly kung bakit nag-open pa ko sayo ng ganito." Paumanhin nito.
"Its okay."
Lumingon siya kay Wandro, "Ma'am Kelly mauuna na po akong umuwi." Paalam ni Wandro
"Hindi ka na ba sasama para makapag coffee man lang?" Usisa ko.
"Hindi na po maraming pinagagawa sa akin si Sir Talavera."
Tiningnan ko si Mr. Talavera sabay balik Kay Wandro.
"Mag iingat po kayo sa pag-uwi." Paalala ko pa.
Naglakad-lakad pa kami sandali nito ng marating ang isang hotel pero sa lobby nito ay may coffee shop.
"Matagal ka na ba kaibigan ni Ms Thelma?"
"Since high school pa."
"Same lang pala kayo ng school?"
"Bloodstone University kilala yan sa Pinas."
"Yes, alam ko yon."
"Doon ka rin ba nag-aral?"
"Hindi na kukuwento lang ni secretary sa akin." Ibinaba nito ang kape.
Ung mga kilos niya hinding-hindi nagkakalayo sa kilos ni Jeron kaya masisisi ba ako kung mag-isip na iisa lang sila?
"Ganoon na ba kayo magkakilala ni Wandro?" Hindi ko na kaya itong tiisin kaya nagtanong ako.
"Kung hindi ako nagkakamali five years na kami magkakilala."
"H-hindi naman pala ganoon katagal."
"Pinakilala lang siya ng mga umampon sa akin."
"Umampon?"
"Yes, ampon nga ako ng mga parents ko. Actually ay nito ko lang din nalaman na ampon ako since noong na aksidente ako."
"Ah so na aksidente ka pala."
"Car accident?" Parang hindi sure sa sinabi nito, "I don't know nawalan kasi ako ng ala-ala."
Nasagi ko ang tasang nasa harap ko dahilan para kumalat ang laman nito sa table namin. Mabilis nitong pinunasan ng tissues at tumawag ng staff para ayusin ang table namin.
"Mrs. Kelly, are you alright?"
"S-sorry." Medyo natatawa ako sa sarili ko hindi lang ako makapaniwala na ganito ang pag-uusapan namin.
"Mukhang pagod ka na gusto mo umuwi na tayo?"
"Please." Sabay kuha ko sa aking bag.
Natatandaan kong inaaya pa ako kung saan pero tumanggi na ako hinayaan na lang nitong ihatid ako sa condo na tinutuluyan ko.
"Okay na ba sa iyo itong kaliit na unit?" habang tinatanaw ang bawat corner, "Kung gusto mo ipalilipat kita sa mas malaki para naman mas komportable."
"Hindi na okay na sa akin ito mas makakatulog ako ng maayos kung maliit ang tinutuluyan ko."
"Ganoon ba? Sige mauna na ako para makapagpahinga ka na."
Sinabayan ko siyang mag tungo sa pintuan isasara ko na lang ang pinto hinarangan pa niya.
"May sasabihin ka pa ba?"
"Tomorrow wala ka naman sigurong gagawin?"
"Wala siguro kung wala tayong meeting?"
"Samahan mo ako sa mga boutiques namin bukas para makita mo ang mga designs namin."
"Okay no problem, good night." Magiliw kong sabi.
Lumipas ang dalawang oras ngunit hindi ako madalaw ng antok.
Hindi ko maiwasan na pagkamalan talaga si Mr Talavera at Jeron ay iisa. Biruin mo na aksidente siya tapos nawalan ng ala-ala. Paano pala kung si Jeron nga siya? Paano? Ngunit sa kabilang banda, naisip ko na imposible ang mangyari yon. Nalaman lang naman niya na ampon siya nung na aksidente ito so ibig sabihin bata pa lang talaga ito ay kinilala niyang magulang ang nagpalaki rito.
"Hi." Video call with Ferd.
"Kumusta sa Paris?" Usisa niya habang nakahiga.
"Okay lang, sobrang lamig ngayon dito."
"Magpa-init ka." Pilyo nitong utos.
"Umayos ka nga." Tawa nang tawa ito hanggang nag seryoso ng napansin niyang nagbago ang expression ng mukha ko.
"May problema ka ba?"
"Wala."
"Pero bakit ganyan ang itsura mo?"
"Wala nga."
"No, Kelly gusto mo na ba umuwi sabihin mo lang at susunduin kita, ano?"
"Alam mo kung anu-ano yang naiisip mo parang napakadali lang gawin yon."
"Then why not? Ako pa ba ang hahamunin mo lahat kaya kong gawin para sa iyo."
"Ewan ko sa iyo." Iiling-iling ako.
"Siguro nag-away na naman kayo ni Claire, ano?"
"Ewan ko ba sa babaeng yon menopause na yata palaging mainit ang ulo sa akin."
"Ayaw mo kasing lambingin."
"Malambing naman ako ah di ba at alam mo yan!"
"Pero alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Ferdinand, minsan kasi family muna bago trabaho."
"Ginagawa ko naman ito para sa kanila para maging masaya ang pamilya."
"Pero masaya nga ba hindi, ni hindi ka na nga inuuwian ni Claire uuwi lang sa bahay niyo kapag naisipan lang niya. Ayusin mo kasi Ferd, napakalaki ng pinagbago ni Claire dahil sa iyo kaya naman huwag mo yun sasayangin."
"I know, eh ikaw hinahanap mo pa ba si Jeron?"
"Kailangan magmove on pero alam mo nananadya talaga ang tadhana sa amin."
"Oh bakit huwag mo sabihin nakita mo siya riyan sa Paris? Wow ha? Maniniwala na talaga ako sa pagbibiro ng tadhana sa inyo."
"I'm not sure pa kaya lang kamukhang kamukha niya talaga si Jeron eh sa mukha, sa katawan at kahit nga sa boses ay siyang siya. Kaya parang minumulto na naman ako ng nakaraan." Naka simangot kong sabi
"Hindi kaya ilusyon na naman yan dahil sobrang miss na miss mo na siya?"
"Kung ilusyon ko lang ito mabilis lang naman mawawala sobra talaga akong na didistrak Ferd, kamukhang-kamukha talaga niya."
"Well see, alam mo may flight ako papunta riyan sa France I'm not sure rin kung madadaan ako sa Paris. Tingnan ko nga kung ilusyon nga yan o makatotohanan."
"Ewan ko sa iyo bago mo ako intindihin iyang asawa't-anak mo muna ang unahin mo."
"Keri ko na yan, sige na Kelly mag-iingat ka riyan."
"Salamat kayo rin, ikamusta mo na lang ako sa pamilya ko."
Nawala na siya sa kabilang linya.
Kahit na sino sa pamilya ko ay ayoko munang makausap lalong-lalo si Kuya Benjie dahil siguradong sesermonan na naman ako no'n kesyo dapat magmove on na at maghanap ng bago. Ugh, bago raw, wow parang ganoon lang kadali makahanap ng bago.
Kinaumagahan kahit malamig ng bahagya rito sa kuwarto ko ay nakuha kong mag-exercise and after ay naligo na para makagayak ng maaga. Tuwing January, at February ang winter dito sa Paris, since February ngayon ay nagsuot ako ng coat, pants, necklace, boots, sweater, clutch, hat.
"This was the first us boutique in Paris. In the first super matumal but of they know and see the beauty of the designs we have grown to a customer. Until we met as most popular boutique." paliwag ni Mr. Talavera ng makarating kami sa boutique.
"Kahanga-hanga talaga ang mga designs nito." tinitigan ko ang mga damit na nakasabit sa bawat gilid ng boutique.
Maski ang tatlong maniking na nakaharap sa labas ng salamin ay nilapitan ko para siyasatin ang winter clothes. Matapos kong hawakan ay biglang dumagsa ang tao upang ako ay tumulong na rin para makipag-usap sa mga mamimili. Hindi ako nahirapan makipag-usap since mahusay naman akong mag-pranses. Tinulungan ko ang ibang babae sa pagpili ng babagay na damit para sa kanila.
"Mahusay ka pumili."
"Ang totoo ang hipag ko ay isang designer kaya pagdating sa disenyong damit ako palagi ang tinatawag ni Ms. Thelma."
"Ganito rin ba ang dini-design ng hipag mo?"
"Wedding gown."
"Ah..." Tumingin siya sa kamay ko, "Kasal ka na pala." Mahina niyang busisi sa daliri ko.

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata