logo text

Biro lang 'yon Di ba?

Naiinis ako kapag ako ang topic sa usapan lalo kung nakakatawa ang issue.
"Galit ka ba?" bulong ni Jeron habang nilalagay namin ang notebook sa table ni teacher.
"Galit?? Sorry hindi uso sa akin 'yon." Umupo akong nakangisi.
"Bagay sila ni Ferd.
Pinanuod ko sina Ferd at Claire okay lang naman bgay kung bagay pero mas bagay sa akin si Ferd. De-Joke!
"Puwede rin."
"Tayo ba, bagay ba tayo?" Heto na naman ang Hari ng Asungot!
"Surot ka kaya hindi bagay ang surot sa isang Dyosa, kuha mo?" Nakakainis dapat mainis siya eh bakit kung makatawa parang wala nang bukas.
"Hindi ka ba nagtataka?" Kunot noo akong humarap sa kanya, "Ang guwapo ko maging surot. Ang hirap maging guwapo lalo kapag mamahalin ako ng isang Dyosa."
"FYI Mr.President hindi ako magkakagusto sa tulad mo. PROMISE." taas kamay ko para patunayan 'yon.
"Okay, huwag mo sana kainin yang sinabi mo."
"Don't me Jeron kapag ako nangako hindi mapapako."
"Talaga? Sige nga intindihin mo nga ito." pinakita sa akin ang isang solving problem sa math.
"Ang dali lang!"
"Sagutin mo."
"Bakit ko sasagutin? Eh di nagkaroon ka na ng sagot lokohin mo na lahat huwag ako." natatawa kong wika.
"Hindi mo lang talaga alam ang sagot." Mapangbuwisit.
"Alam ko yan!" Binatukan ko nga.
"Talaga? Mas matalino kaya ako sa iyo." panunuya nito.
"Sino kamo? Ikaw? Funny, sige ikaw na matalino, hala sige, sagutin mo 'yan."
"Talaga, tingnan mo at ako magiging top this second grading." Taas noo kahit kanino.
"Tingnan na lang natin." taas kilay kong sambit.
Tumayo si teacher may hawak na calk and notebook.
"Class, mayroon ng top one this second grading..." tiningnan kaming lahat, "Jeron Cortez ..." sinulyapan katabi ko nakangisi tumayo sa harap si surot.
Sumalyap sa akin na wari nang aasar pa. "Paano ba yan?" bulong niya.
Natatawa na lang ako sa inaasal nito, "Top 2." Nanlaki ang mata nito na halos hindi makapaniwala sa sinabi ni ma'am.
"Ho?? Bakit----top one ako 'di ba?" Depensa nito.
"Hindi sa buong gradings ikaw ang top. Minsan tanggap-tanggap din ng pagkatalo." Aw! Wasak ka ngayon ni ma'am.
Ang sama ng tingin ni Jeron sa akin kahit hindi dinig ng mga classmates ko ang pagtawa ko pero si Jeron alam niyang binubuwisit ko siya.
"Top one Ms. Pascual." hiyawan ang lahat except Jeron and Claire.
Syempre, tulad na ginawa ni Jeron taas noo rin akong tumayo at tumabi kay ma'am.
"Ang top three natin si Mr. Chavez." Palakpakan pa rin ang iba ng tumabi sa akin si Ferd sabay hawak sa kamay ko siguro napansin ni Jeron kaya dinig ang malakas nitong tikhim.
"Sana sa third grading ikaw pa rin ang top one." Napayuko na lamang ako sa bulong ni Ferd.
"Top four Felix Jones and top five Claire." Patuloy pa ni ma'am.
Pinaupo na kaming tatlo at matapos kong maupo ay nagsalita muli si Ferd.
"You're the best."
Kagat labi akong yumuko parang nag-init ang pisngi ko. Kinikillig ako dahil simula na matapos ang dalawang linggo parang humanga ako sa kanya dahil----- ewan ko ba, ang cute-cute kasi nito. Syempre si Jeron guwapo kaso tingin ko hindi siya magugustuhan dahil minsan mapangbuska.
"Salamat."
"Oh, kainin mo 'yan mamaya." Malawak na ngiti ang ginanti ko sa pag-abot niya ng toblerone.
"Ano ito, gift??"
"Puwede rin." Dahil sa tapos na ang klase ay dire-diretso itong lumabas ng room.
"Alam kong mestisa ka pero ang pamumula ng mukha mo kanina habang kausap ka ni Ferd iba na 'yan." Nasa likuran ko pala si surot ng makalabas ako ng classroom.
"Ano na naman yang iniisip mo?" Buwelta ko.
"Gusto mo siya?" huminto ako para tingnan ito pero siya ay tuloy-tuloy sa paglalakad. Nakapamulsa ito habang pinaglalaruan ang susi ng locker niya.
Nagtungo na lang din ako sa locker para iwan ang ibang book then pagsara ko sa locker nakasandal naman itong si Ferd.
"Pauwi ka na rin ba??"
"Hindi pa naman." sinagot ko ngunit ang mata ko ay na kay Jeron.
Sabi kasi niya sabay kami umuwi kaso kasama niya si Claire kaya hindi na ako aasa.
"Hatid na kita." I nodded.
"Mukhang dadalawin ka ng parents mo." bulaslas nito ng makarating kami sa food court.
"Ako ba?" sandali akong natulala sa ginawa niyang pagtawa.
Sabi ko, simula ng masaktan at iwan ako ng ex ko ay magiging isa akong manhater dahil wala na akong tiwala pero ngayon nang maging close kami ni Ferd parang ready na akong ma-inlove muli.
"Sino ba iniisip mo?" tawa pa rin nang tawa ang isang ito.
"Wala tapusin na natin ito." Hindi na lang niya ko tiningnan dahil may dumating na asungot.
Ang kalabog ng dibdib ko parang may iba. Pareho kasi nila akong tinititigan. Ang awkward.
"Ano ba pinag-uusapan nyo?"
"Wala." Tugon ko sa tanong ni Jeron.
"Wala o ayaw niyo lang iparinig sa akin?"
Ano daw? bakit namin gagawin yon? Baliw ba siya? Ano na naman ba sapak ng Hari ng asungot na ito?
"Bro, kumain ka na lang tapos umuwi dahil mukhang antok ka na." nagtawanan kami ni Ferd.
"Mabuti pa nga." Tumayo siya sabay hila sa kamay ko.
Pero dahil sa mabilis nitong paglalakad tumama ang hita ko sa ibang table.
"Hoy, dahan-dahan nasasaktan si Kelly!" Bulyaw ni Ferd. Ngunit sinamaan niya ito ng tingin bago bumulong sa akin.
"Sorry, mauna tayo umuwi." malambing niyang wika.
Pasikreto kami nagkawayan ni Ferd bago tuluyang malayo sa kaniya.
"Hoy." awat ko na nang dadaan kami sa short cut.
"Bakit?"
"Grabe ka, iniwan natin si Ferd hindi man lang natin isinabay." reklamo ko.
"Kaya niya umuwi mag-isa, bakit nag-aalala ka ba?"
"Ha? Hindi ah,"
"Ows? Alam mo halata sa mukha mo na crush mo siya."
"Hindi nga."
"Umamin ka rin kasi pag may time, tara na nga." Iniwan ako.
"Tingnan mo ito matapos akong kunin kay Ferd iiwanan din pala ako! Kaasar." May kumaluskos sa bandang dilim.
Halos patakbo akong sumunod kay Jeron ng magsalita ito.
"Hatid na kita."
"Huwag na, mauna ka na bumaba." Nasa elevator kami ngayon.
"Ayaw mo naman magpahatid." Ayoko talaga.
"Next time na lang po." Ngumuso sabay ngumisi.
Bumukas ang elevator sabay labas ito, "See you tomorrow, Kelly."
"See you, Jeron." naramdaman ko naman na parang kinabahan ako sa ngiti niya.
Ang alam ko si Ferd lang crush ko pero bakit parang ganoon din kay Jeron?
"Bye." Huling sinabi niya bago magsara ang elevator.
Anim na palapag pa lamang ay lumabas na ako ng elevator para lumipat sa kabilang elevator. Parang sira ang ulo ko nito pero sa totoo lang tama lang huwag ko ng sabihin sa kaniya ang totoo kong unit baka kasi guluhin ako mahirap na.
Mabagal akong naglakad patungong room ko. Napansin kong nakabukas ang pinto ni Mrs. Rivera gusto ko sana sumilip kaya lang baka kung ano pa makita ko.
5:00 am o'clock.
Rinig ko ang pag-iingay ng alarm clock hudyat na dapat akong bumangon. Pagbalikwas doon ko pinatay ang tv nakatulugan ko na pala ito. Plinantsa ko ang uniform sabay ligo na rin pagkatapos.
Nagsuot muna ako ng pang-Jogging para magpapawis muna pagkalabas ko naratnan ko si Mrs. Rivera na nakatayo malapit sa kaniyang unit habang may kausap na lalaki.
"Tinanghali ka na yata magising." Si Mrs. Rivera
"Alam niyo na po." Teka parang pamilya sa akin ang boses niya.
Yumuko ako para lumayo sana ng tawagin ako ni Mrs.Rivera.
"Ms. Kelly, mag-Jogging ka din ba?" Napamulat ako sa tawag nito.
Humarap ako.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang kasama at kausap ni Mrs. Rivera.
Tama ba itong nakikita ko si Jeron kasama ni Mrs. Rivera?
"Nandito ka pero bakit?" usisa ni Jeron.
"Anong bakit? Kapit-bahay lang natin 'yan." Si Mrs Rivera.
"Akala ko ba 7th floor ka! Niloko mo ko??" Binatukan ito ni Mrs.Rivera.
"Ang arte mo anak parang mag-syota lang eh, ano? " kakamot-kamot si Jeron.
"Sabi kasi niya 7th floor daw siya kaya pala ayaw magpahatid."
"Uy! hindi ko naman alam na magkapit-bahay tayo saka----" Tiningnan ko silang dalawa.
"Mag-ina po pala kayo." Sabi ko kay Mrs.Rivera
Hindi sila magkamukha dahil sobrang ganda ni Mrs.Rivera pero syempre guwapo si Jeron hindi talaga sila magkamukha.
Bigla na lang ako may naaalala noong nakausap kami ni Mrs.Rivera na tinawag kong malas ang anak niya. Sana wala siyang maalala dahil nakakahiya kung ganoon ang mangyayari.
"Oo." Natatawang sagot ni Mrs. Rivera.
"Nakakatampo." bulong ni Jeron.
"Ang arte mo samahan mo na lang si Kelly mukhang mag-jo-Jogging rin oh."
"Huwag na po makaka-istorbo pa ako sa anak niyo." tumawa ang dalawa.
"Baka kamo si Jeron maka-istorbo sa iyo." Aba, kilalang-kilala ang anak.
"Tara na." Hinila na naman ako ng hinayupak na ito.
Mahigit dalawang oras kami umikot sa kabuuan ng University. Hindi nga lang kami nag-uusap dahil tahimik siya. Type yata niyang hindi magsalita kapag ganyan ginagawa.
"Tara sa room namin ni mommy nagluto siya ng breakfast." Paanyaya nito.
Hindi na ako tumanggi pa dahil sa totoo lang nakakagutom ang magpapawis.
"Sino nag-ayos ng bahay niyo?" Tanong ko habang kumakain kami.
"Si Mama,  ang galing di ba?"
"Oo, ang cute. Oo nga pala--" Tumayo ako para tumanaw sa bintana nila. Tama nga ang sinabi ni Mrs.Rivera dito dumudungaw ang araw. Ang cute.
"Tapos ka na ba kumain??"
Tumingin ako "Busog na rin ako sa sikat ng araw." Pumikit ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ang weird mo." Bulong nito, "Ano ba mayroon dyan ha?" Tumabi sa akin.
"Yong sikat ng araw."
"Ano mayroon??"
"Feeling ko nawawala ang stress ko sa ganitong set up. Puwede ba ako palagi magpunta rito tuwing umaga?"
"Oo naman kahit gabi pa." Tinaas-taas ang kilay nito sabay kinagat ang labi.
"Sira-ulo." Umirap ako.
"Pagkatapos mo riyan sa tinatanaw mo lumabas tayo."
"Saan tayo pupunta??"
"Sa field ..." Kibit-balikat ko na lang tinanaw muli ang bintana.
"Alam mo ba may dalawang dahilan kung bakit gustong-gusto ko rito sa Field."
Matamlay niyang wika. Yes,nandito na kami sa Field habang nakatanaw kami pareho sa kalawakan nito.
"Ano naman yon? Bad and Good ba?"
"Yes, bad pero alam mo kahit bad 'yon dahil sa good nagiging okay na ako."
"Ano nga kasi yon??"
"Alam mo Kelly." Hinawakan ang kamay ko.
"Ano??"
"Gusto mo ba si Ferd?"
Kunot noo akong tumingin, "Bakit ganyan tanong mo?"
"Sagutin mo na lang." hinawakan niya ang pisngi ko.
"Ano ba palagay mo?"
"Oo, ramdam kong gusto mo siya kaya nga nakakainis, eh." Kumalabog na naman ang puso ko.
Naiinis daw siya? Eh bakit kaya? bakit ba??
"Ilang oras na lang may klase pa tayo." Lalayo na sana ako kaso pinigilan niya.
May kung anong kuryente akong naramdaman sa kamay nito simula ng humawak ito.
"Bakit ba kapag nagsasabi ako sa iyo palagi mo ako iniiwan, palagi mo iniiba ang usapan." Nakayuko lamang ako.
Gamit ang kanyang kamay kinuha niya ang baba ko upang tingnan siya ng diretsahan.
"Ang ganda mo Kelly, alam mo nasasaktan ako kapag nararamdaman ko na gusto mo si Ferd." may kaonting luha na pumatak sa kanyang mata.
"Aminado ako na mas malakas dating niya kaysa sa akin pero hindi kayo bagay dahil tayo ----tayong dalawa ang bagay, 'Di ba? Gusto kita Kelly, gustong-gusto kita."
Medyo awkward. Gusto ko sana maniwala pero naisip ko baka parte na naman ito ng malikot niyang pag-iisip. Natawa tuloy ako ng wala sa oras.
"Biro lang 'yon 'di ba??"

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata