Suot ko na ang damit na regalo ni Merlyn, tiyak na matutuwa 'yon kapag nakita niyang lalong bumagay sa akin. Bago pa man ako dumalo sa malaking pagtitipon sa aming pagtatapos ay naki-usap sa akin si Mrs. Rivera na harapin ko si Sir Jerald at may ideya ako kung ano ang pag-uusapan namin and of course si Jeron na naman. Dumating ako sa usapan nandoon na siya at nakakurbata pa halatang kagagaling lamang sa graduation day. Napaka aliwalas ng restaurant na ito, makikita kasi sa labas ang mga halaman at ibat-ibang bulaklak. Naupo ako sa katapat ng kanyang inuupuan. "Magandang umaga po." Inayos lamang ang necktie saka tumikhim. "Akala ko pa naman hindi ka na makikipag-usap sa akin." "Hindi po ako bastos na tao gaya ng iniisip niyo. Bakit niyo nga po pala ako gustong maka-usap dahil pa rin po ba ito sa anak niyong si Jeron?" "Uhmm..." "Kung tungkol po doon puwede na kayong matulog nang mahimbing. Isang buwan na po kaming wala. Isang buwan na rin po akong hindi pumapasok dahil inayos ko ang gusot sa kumpanya namin." "Hindi---" "Sir Jerald, wala na po sa akin lahat tanggap ko na rin 'yon. Kung magpapakasal po si sina Jeron and Ashley magiging happy ako para sa kanilang dalawa." "Sigurado ka ba riyan?" Tila hindi siya makontento sa mga binitawan kong salita. "100% sure po masaya na po akong mag-isa at kasama sina mom and dad sana kayo rin." "Actually, tanggap ko na rin naman. Nakapag usap na kami ng mom and dad mo kasama ng kua mo, okay na kaming lahat. Wala na kami samaan ng loob mabubuhay na kami ng tahimik." Mabuti. Mabuti pa nga kayo happy na pero ako heto lugmok at talagang di maunawaan kung saan nga ba lulugar. Until now ,still heavy in my heart the past Jeron.It is still shut in the past that I had not been able to escape. Hindi ako makatakas sa nakaraang di ko kayang iwan. Oo, mahirap sabihing naka move on na ko pero ang totoo? Ang sakit pa rin talaga hnayaan ko na lang ng ganoon kahit alam ko naman na mahal pa namin ang isat-isa. Siguro, bahala na ang tadhana, kung kami eh di kami, kung hindi eh di hindi THATS LIFE! KAILANGAN MO LANG SUMABAY SA AGOS ! "Nabalitaan kong ikaw na ang namamahala ng kumpanya niyo, it is true?" Muntik ko na pala makalimutan na kausap ko pa pala siya. "Yes its true kasama ko si kuya sina dad and mom kailangan nilang mamahinga kahit man lang ilang taon mga pagod din kasi yun sa kani-kanilang social life." "Hindi tugma ang natapos mong kurso sa trabaho mo." Tila nag aalangan. "Hindi kasi ako ang magfofocus sa company namin of course si kuya pa rin talaga. May inapplyan ako sa isang bank." "It's a teller?" "Yep." "Sounds good." Kaagad kong tinanggap ang pakikipag-kamay niya. "Congratulations, magna cum laudehindi talaga kayo nagkakahiwalay ni Jeron pagdating sa mga honor's." "Thank you Sir Jerald nakikita lang talaga natin na mas matalino siya kaysa sa akin." Pareho kaming tumawa, Ewan ko ba. Biglang gumaan ang pakiramdam ko ngayong nagka-usap na kami ni Sir Jerald. "I'm so happy dahil okay na tayo, okay na ang pamilya ko at pamilya mo." Same lang pala kami ni Sir Jerald. "Me too." "So paano? Sasabay ka na ba patungong University? Nandoon na kasi ang Summa Cum laude natin." "Same lang din naman ang pupuntahan natin kanina pa po ba tapos ang graduation nila?" "Nakalipas na siguro ang dalawang oras.So paano, ikaw naman?" Tumango ako at sumama sa kanya. Masaya kaming sumakay ng kanyang kotse patungong University. Sa pagdating namin kaagad ko nakita ang Math nag-paalam ako kay Sir Jerald na ka kausapin ko ang mga ito. "Umayghad, totoo ba itong nakikita ko?" Bungad ni Alma. "Your look so pretty!" Atungal naman ni Merlyn sabay yakap. "No, alam ko naman maganda si Kelly hindi naman yan ang tinutukoy ko..." Satsat pa rin ni Alma. "Eh ano?" Taas kilay na tanong ni Thelma.Sa palagay ko, okay na rin siya pero minsan bakas pa rin dito ang kalungkutan dahil wala na ang kapatid niyang si Iris. Sayang ...kasabay sana namin siyang grumadweyt. "Si Sir Jerald, kasabay mo pumunta rito okay na kayo?" Di makapaniwalang usisa ni Alma. "Siguro..." Nakangiti kong tugon. "So ibig sabihin ba nito okay na siya for you?" Ngumingiting wika naman ni Hanna. "Hindi pa rin, tuloy ang kasal ng dalawa." "Ouch !" Panunuya ni Merlyn, "Its okay, madami kapang makikilalang gaya niya." "Ayoko na nang gaya niya." Demanding pa ako. "Well, sana nga huwag ka makakita ng gaya niya dahil I'm sure kakainin mo lahat ng mga sinabi mo." Hay nag uumpisa na naman si Thelma. Sumisigaw na ang professor namin hinayaan kong iwan muna sila at naupo sa pwesto. Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinariwa ko ang unang araw ng pagpasok ko sa Bloodstone. Aaminin kong hindi naging madali para sakin ang lahat, nandoon at suki ako ng clinic dahil sa pagpapahirap sa akin ni Iris and Claire ngunit hindi ako sumuko pinatunayan kong kaya ko lumaban lalo at ako ang nasa tama. Isang tao lang naman ang maaalala ko rito ang lalaking sobrang kulit, nandoon at tinawag ko pa siyang surot na bubuntot -buntot hindi ko inakala na ang pagiging makulit niya ang magiging dahilan para mahalin ko siya. Dahil sa pagiging palabiro niya ay hindi ko ito pinaniwalaan noong umamin siya. Lahat naman yun tinanggap ko hanggang sa maging okay pa kami at ang dami nang nangyari, ang dami nang nagbago, buhat ng makilala ko siya at ang bloodstone. Kung mayroon man akong dapat ipagpasalamat yun ay ang nakapasok ako sa university na ito. Madami man ang nangyaring hindi maganda, maraming naging pabigat sa buhay ko at kahit hindi na siguro ako nag-aaral dito ay babalik at babalikan ko ito. Naging manhater ako dahil sa ex kong si Ivan, pero dahil kay Ferd bumalik ang pagiging inspirado ko iyon lang hindi naman lahat dapat iasa mong mag wowork ang relasyon kaya naghiwalay kami. Kung tutuusin, wala naman problema sa amin ni Ferd talagang di lang talaga itinadhana itong chances na ito pero sa huli inibig ko ang lalaking akala ko sa biruan lang magaling yon naman pala seryoso na siyang tao. Akala ko siya na talaga dahil mahal namin ang isa't-isa pero wala rin pala pinatunguhan. Tulad din nila Ivan at Ferd naging madali ang lahat kaya na uwi lang sa salitang walang Forever. Kailangan kong baguhin itong paniniwala na hindi ako dapat maatat na makapag asawa dahil sa totoo lang mahirap makahanap ng taong seryoso to be settle down. Nagsimula na kaming maglakad at tawagin ang pangalan. Saludo talaga ako sa mga estudyante na hindi sumuko kahit ang daming hamon sa buhay. Ngayon may bagong lalakbayin sisikapin namin na lumaban at kung madapa man ay babangon. Nakapag talumpati ang summa cum laude saka sunod ako. Nakita ko sina mom and dad na nakatanaw sa akin habang yakap aking diploma. Sobrang sarap sa pakiramdam na may magulang akong gaya nila kahit sabihin nating naging abala sila sa kani-kanilang trabaho,hindi naman nila kinalimutan na may pamilyang inaasahan ako. Nilapitan ko sila ng matapos nga ang pagtitipon. "Congratulations daughter, I'm so proud of you. Natapos mo na ang iyong takbuhin bilang isang estudyante nawa'y pagpalain ka ng Dios upang magawa mo ang lahat nang iyong naisin. Anak, sorry sa lahat ng kapabayaan namin ng daddy mo. Hindi man kami perpektong magulang ngunit nanatili kang mabuting tao. I salute you!" Tears of joy si mommy, habang si dad nasa likuran niya at nagpapahid ng luha. "Malaki po ng utang na loob ko sa inyo dad and mom kung hindi dahil sa sipag at tiyaga niyo sa paghahanap buhay malamang hindi natin makakamtan ang lahat ng mayroon tayo." Kinuha ko ang diplomang hawak ni mom, "Itong diploma na ito? Walang tutumbas dito dahil para sa akin isa itong achievement na hindi mapapalitan ng yaman sa mundo.Im so proud of you mom and dad huwag sana kayo magsawang magpaalala sa amin ni kuya, ate at Peel dahil kami hindi magsasawang unawain kayo."Inakbayan ko silang dalawa. "So, ako naman ha? Ako naman ang gagawa ng paraan para alagaan kayo lahat ng sakripisyo niyo sa akin ay ibabalik ko ng may pagmamahal." Sa puntong ito ay nag-iyakan na kami ni mommy. "Mag-ina nga kayo" Basag ni kuya ngayong kasama si Ate Sydney at Peel. "Ang OA mo kuya." Natatawa kong wika. "Ang kuya kasi nagtatampo, bakit walang hug?" Nilapitan ko sila ni Ate Sydney at inakbayan, "Sabi ko hug hindi akbay." Depensa pa nito. "Kuya, ate thanks sa inyong dalawa ha? Kung hindi dahil sa inyo baka naloka na ako noong panahon na kailangan ko ng pamilya. Napaka swerte ko dahil ikaw ang Kuya Benjie ko, suporta sa lahat ng gagawin ko, taga payo at taga tuwid ng mali." Kiniss ko si kuya sa Pisngi at ngumiti ito sabay yuko, "Sa iyo naman ate Sydney, ay grabe salamat talaga ha? Napag-tiyagaan mo ang kuya ko! Naku kung kami nga nag-aasaran, napipikon kaagad ako, naku, naku mabuti na lang talaga mahaba ang pasensiya mo sa mga mongoloid na gaya niya." Tawa naman nang tawa sina ate, mom and dad habang si kuya taas ang kilay. Lumayo ako sa kanila at kinuha si Peel, "At ikaw naman sa ka isa-isa kong pamangkin love na love ka ni tita gusto mo na ba ng kapatid? " "Opo saka PINSAN!!" nanlaki ang mata ko. Lahat sila nakita kong tawa nang tawa lalo si kuya, I'm sure tinuruan niya ito. "Mas mainam siguro Peel kung kapatid muna ang ibigay sa iyo ng mama at papa mo para dalawa na kayo." "Nandoon na kapatid ko." Itinuro ang tiyan ni Ate Sydney. "Oo Peel diyan manggagaling ang kapat-----" muli akong lumingon sa tiyan ni Ate Sydney. Pilit kong inaaninaw kung malaki ba ang damit niyang suot o talagang malaki ang tiyan niya. Kinalabit ako ni Peel, "Tininang, may kapatid na ako, Yehheey!" Tiningnan ko si kuya. Parang nagmamalaki itong yumakap kay Ate Sydney. "May bago na tayong miyembro." Aniya. Ibinaba ko si Peel saka lumapit kay Ate Sydney, "Really, ilang months na?" "Four months." Magiliw na tugon ni ate. "Five months na lang lalabas na. Uhm. Congratulations !" Niyakap ko siya, "Masaya ako para sa inyo ni kuya." "Yehey! Gusto ko ng bebegirl." Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Peel habang karga siya ni kuya. Bebegirl. Bigla ko tuloy naalala si Jeron. "Hello Kuya Benjie." Nauligan ko ang boses niya. Hala. "Oh, Jeron nandito ka pa pala." Tumuwid ako ng tayo. Alam kong nandito siya sa likuran ko. "Pinanuod ko muna kasi ang graduation bago kami umalis." Nakatingin ito sakin habang nakangiti, "Congratulations, magna cum laude." "Congratulations din Summa cum laude." Bati ko. "Pauwi na po ba kayo?" usisa niya kina M mom and dad. "Kakain sa labas." Mahinang tugon ni Dad. "Sabay-sabay na tayo para naman makapagkwentuhan." Biglang dating ni Sir Jerald. "Oo ba tara?" Masayang sagot naman ni daddy dito. Nauunang maglakad sina mom, dad and Sir Jerald and Mrs.Rivera habang kasunod sina kuya, ate at Ate Beth, kami ni Jeron ang nasa huli habang akay ko si Peel. "Masaya sana kung kasama natin si Ashley." Wika niya. "Bakit di mo isama?" "Umuwi na." "Dapat sinama mo, tsk." "Hayaan mo na nandito ka naman." Pa-Fall ang putek! Lumapit si kuya para kunin si Peel saka sila nag-usap at bahagyang lumayo sa akin pero lumapit si Mrs. Rivera sa akin. "Congratulations." "Salamat po Mrs. Rivera." "Maganda sana kung mama kaya lang wala rin pag-asa." Until now ay umaasa pa rin pala siya sa amin ni Jeron maski naman ako, eh. Hmm. "Malay niyo naman kaya lang malapit ng ikasal ang dalawa." "Ah oo nga, punta ka ha?" "Po?" "Magpunta ka para naman hindi isipin ng madami na hindi ka pa rin nakaka move on." "Hahahah..." Madami pinag m-usapan ang pamilya Cortez at Pamilya Pascual. Iyon nga lang panay sulyap ni Jeron feeling ko lahat ng galaw ko pinapanuod niya. Nakakailang talaga. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang pagkain. After nun nagpaalam na ang mga magulang namin kaya ang na iwan kami nila Ate Beth, kuya at Jeron. Sumama na sina Peel at Ate Sydney dahil inaantok na raw ang bata. "Jeron na ipamigay mo na ba lahat ng invitation?" Napasulyap ako kay Ate Beth. "Oo bale ang iba i-chat ko na lang mula sa malalayo." Inabutan ako ni Ate Beth ng color blue na invitation. "Punta ka ha?" "Kailan ba io?" Binasa ko ang nasa loob maganda ang pagkakagawa nito halatang pinagkagastusan. "Next week na yan." "Ah," Parang kakaibang kasal naman ito. Nakakagay kasi na dapat lahat ng abay ay naka white gown tulad sa bride. "Abay ka." "Po?" "Abay ka raw." Ulit naman ni Jeron. "Bakit?" "Ayaw mo ba?" Natatawa wika ni Ate Beth. "Ano eh." "Huwg ka na tumanggi dahil nagawa ka na namin ng gown na susuotin." "Bakit kasi white gown? Eh di parehas ng sa nride?" "Nope! Para maiba naman sa bride ang isusuot Red Gown." "Ayos kakaiba nga." Nakita kong nagbulungan sina kuya at ate habang si Jeron ay abalang kumakain pa rin. "Mauna na ako." Tumayo sina kuya, " Kelly ,samahan mo muna si Jeron. " "Saan?" "May bibilin lang sa mall." "Bakit ako?" Reklamo ko. "Hindi ako puwede." "Mas lalo naman ako." Depensa ni Ate Beth. "Ikaw na lang sumama saglit lang naman, eh." Wala rin naman akong laban sa tatlong 'to tsk kaya nagpunta nga kami sa mall lakad lang kami nang lakad hanggang sa may tumatawag sa phone niya. "Hello Ash na saan ka na?? Ouch! Paano yan? Paano ko malalaman na gusto mo yung bibilin kong ring? Okay, ako na lang bahala. Alam ko naman sukat ng daliri mo." "Tara," aya ng patayin ang cellphone "Bibili ka pala ng ring?" "Oo," "Sa susunod na lang kapag puwede na si Ash." "Hindi puwede, gusto ko kasi okay na lahat ng gagamitin namin." "Bahala ka." Sinundan ko na lang siya at pumasok kami sa isang shop. Pumipili ito ng mga ring ng biglang nagsalita ang babae. "Sir ito pong ring lalong bagay sa inyo ng soon to be wife niyo." Ipinakita sa kanya ang isang ring na sobrang ganda at titiyak kong napaka ganda rin ng presyo. "Sukat niyo po ni ma'am." Naka ngiti sa akin. "Sorry pero hindi po ako ang bride." Depensa ko. "Ay sorry po! Akala ko kayo ang girlfriend ni Sir pero bagay po kasi kayo." Taas kilay ko siyang tiningnan. "May I see?" Isinukat ni Jeron ang Ring saka tumingin sa akin, "What do you think?" Ipinakita niya ang daliring may ring. "Maganda naman, bagay sa kamay mo." "Babagay din ito Kay Ashley 100% sure." Naka ngiti niyang kinuha ang partner ng ring, "Anong size ng daliri mo? 6 kasi size ni Ashley." "Uhm...6 pero....." Isinuot niya bigla sa akin. "Ayan! Kasya! Nakakatuwa magka-size kayo ni Ashley." Hinubad ko kaagad ang ring at ibinalik sa lalagyan na box nakaka insulto bakit naman kasi magka-size pa kami.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat