KELLY'S POINT OF VIEW "Heto na test paper mo magpunta ka sa library, good luck." Masayang abot ni Mr. Chan ng papel. "Thank you po, thank you po talaga!" Masaya kong tinahak papalabas ang guidance office. "Sandali," nahinto ako sa paglalakad sabay lingon kay Ferd na ngayon ay nakasimangot, "I'm sorry." tumalikod na lang ako bago tuluyan lumabas ng office. Masakit para sa akin na ang boyfriend ko ay kasama sa kalokohan ni Iris. Magdedenial na lang siguro ako, kunwari wala siyang alam, at kunwari okay kami sa ngayon. "Ms. Kelly tapos ka na po ba?" Tanong ni Ms. Ivy ng nakatapos ako sa pagsusulit. "Yes po bakit?" "Pinakukuha sa akin ni Mrs. Rivera ang test paper mo kailangan ng macheck." "Okay tapos na ako salamat." "Walang ano man masaya ako dahil nalaman din ang totoo." "Oo nga, eh." "Punta na ako sa guidance office nasa field mga classmates mo." "Bakit po?" "Hindi ko alam pero tingnan mo na rin." Umalis ito dala ang test paper. IPINAPASOK ko sa locker ang ibang gamit ng may nagsalita sa gilid ko. "Bait-baitan ka talaga, ano? Ano bang balak mo?" "Sino ba sa atin ang palaging may balak? Puwede ba Iris tigilan mo na ako hindi ka pa ba masaya dahil sa mga pinaggagawa mo?" "Hindi pa, tanga mo talaga, ano?" "Wala akong paki-alam kung anong sasabihin mo." Umiwas ako pero mahigpit niya kong hinawakan sa braso. "Kinakausap pa kita! Hayop ka talaga Kelly! Kailan ka ba mawawala sa buhay ko?!" "Nasa iyo naman kasi problema kung hindi ka ba naman tanga rin hahabol-habol sa boyfriend ko malamang hindi magulo ang buhay mo!" "Ah talaga? May boyfriend ka pa pala, teka what I mean may boyfriend ka pala." "Ewan ko sa iyo, kahit pagbalik baliktarin mo man ang buong University ako pa rin ang gusto ni Ferd dahil tinatakot mo lang naman siya!" "Sure ka ba na ikaw ang pipiliin niya?" "Oo dahil sa ugali mo pa lang isusuka ka na niya." inirapan ko saka tinalikuran. "Hindi pa ako tapos!!!" Sinabunutan ako pero dahil nandito na away na ito ay papatuluyan ko siya. Umabot yata sa bente segundo pagsasabunutan namin ng may umawat na dalawang lalaki sa akin habang kay Iris ay si Ferd. "Babe," tawag ko. "Hindi ka makontento, at talagang nakipag-away ka pa." Galit na sabi sa akin. "Ang sakit Ferd." Reklamo ni Iris hawak ang balikat. Nag-aalala itong hinawakan ang bruhang babae. "Akala ko ba ay ayos na ang usapan natin? bakit nakikipag-away ka pa?" Tanaw sa kinatatayuan ko "Siya naman itong nanguna, eh! Pinagtanggol ko lang sarili ko." "Baka gusto mong ipamukha sa ibang tao na kami ang may kasalanan? Oh, eh di sige para sumaya ka sige kami ang may kasalanan!" "Ako ang biktima rito, di ba dapat ako ang ipagtanggol mo dahil girlfriend mo ako?" "Tama na sawang-sawa na ako!" "Ferd, sabihin mo sa akin na ako ang pinipili mo kaysa sa babae na 'yan." Pinipigilan kong huwag maiyak. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtahimik ng mga tao sa paligid, at kung maririnig man nila kung ano ang nasa puso ko malamang kanina pa sila nabibingi sa ingay nito. "Kasalanan ko kung bakit ginugulo ka ni Iris, kasalanan ko ang lahat kaya dapat ako ang tumapos nito." Yumakap si Iris sa kanyang beywang. "Bago pa kami magkabalikan ni Iris tinatapos ko na ang relasyon natin Kelly siguro hindi talaga tayo ang para sa isat-isa." Kagat labi akong yumuko pinipigilan na huwag tumulo ang mga luha. "Salamat dahil naging masaya ako ng panandalian, salamat dahil pinaalala mo sa akin at pinakita mong dapat maging matatag ako kahit ano mang pagsubok sa buhay ang dumating. Thank you Kelly pero this is my last time na sabihin sa iyong mahal kita pero tama na." Humihikbi akong tumingin sa mga mata nito. Wala akong masabi dahil sobrang sakit. This is my second time na masaktan dahil sa pag-ibig. Ang isa pa sa mas masakit kung paano nasaksihan ng mga tao ang pahingi niya sa matamis kong oo ay ganoon din pala ang sitwasyon sa masakit na pagkakataong mahihiwalay kami. Sa katotohanang tatanggapin ko ng buong puso dahil mahirap makipaglaban kung alam mo na ang taong pinaglalaban mo ay sumusuko na. Alam kong minamahal niya ako dahil kitang-kita sa mga mata niyang nasasaktan siya pero bakit, bakit kailangan humantong kami sa hiwalayan? Sana lamunin na lang ako ng lupa dahil sa mga bulungan nang iwan ako nila Ferd, at Iris. At isang kamay, kamay na may hawak na panyo ang nakita ko. Pinasadahan ko ng tingin ang taong handang damayan ang kapighatian ko pero imbis na kunin ang panyo ay niyakap ko siya, niyakap ko ito ng sobrang higpit habang lunod na lunod sa luha. "May mga taong dapat iyakan pero sige isipin mo na lang na sila talaga ang para sa isa't-isa." After ng matagal na iyakan ay nandito kami ngayon sa canteen. "Galawin mo na 'yang pagkain mo baka magklase na tayo." "Wala akong gana." Mahina kong sagot. "Ipapakita mo talaga sa kanya na kawalan siya? Grabe, ikaw nga dapat magpatunay na isa siyang tanga dahil pinakawalanan niya ang babaeng dapat inaalagaan." "Hayaan mo na lang ako Jeron masakit isiping hanggang dito lang kami." "Malay mo may ibang lalaki na deserving for you huwag mong sayangin ang luha sa taong hindi karapat-dapat." "Paano kung siya pala?" "Hanggang ngayon ba naman umaasa ka pa rin?" "Hindi naman ganoon kadali 'di ba? Hello, kanina lang kami nag-break I mean siya lang pala nakipag-break." "Kahit sino sa inyo ang nakipaghiwalay, break na talaga. Huwag ka ngang ganyan hindi ako sanay na makakita ng taong nasasaktan dahil sa taong walang kuwenta. Mabuti pa kung bumalik ka sa pagiging manhater mo malamang maniniwala pa ako." "Gusto mo bang bumalik ako sa dati?" "Kung gusto mo pero huwag mo ako idadamay sa mga lalaking kaiinisan mo."Sabay kaming natawa. "Pero bebegirl, tandaan mo na nandito lang ako para sa iyo." "Alam ko 'yon dahil itinuturing kitang matalik na kaibigan, at puwede rin maging---Kuya!" "Anong kuya!!! Hoy, ka age lang kita!" Reklamo nito. "Mukha ka kasing matanda na." "Ako? Sa guwapo kong ito???!" "Ikaw lang 'yong guwapo na mukhang matanda." Tawa ako nang tawa Actually hindi naman siya mukhang matanda baby face nga siya. Nakaka attract ang itsura niya. Nahinto ako sa pagtawa dahil sa paninitig nito. "Bakit??" "Ako lang pala ang makakapagpangiti sa iyo bakit hindi mo subukan na ako naman ang jowain mo?" "Hahahahaha.." Tawa ko. "Anong nakakatawa??" "Biro yon 'di ba??" Pumait ang kanyang mukha matapos kong tanungin. "Kimusta ang exam mo?" Binago ang usapan. "Super dali." "Malaki tiwala kong makakapasa ka." "Sa iyo rin sa guwapo mong 'yan?" "Anong kinalaman ng kaguwapuhan ko sa exam?" "Kasi dinadaan mo lang sa papogi ang test easy-easy lang ganoon." Umismid pero halatang natawa sa joke ko kahit hindi talaga joke. "Kapag nakapasa tayo pareho puwede ba ako ang kasayaw mo sa prom?" Kaagad?? "Ayaw mo ba?" Ulit nito. "Daya mo malamang makakapasa tayo niyan." "Eh paano kung may isa sa atin ang hindi makapasa??" Nag-isip ako sandali, "Uhm, magiging boyfriend kita!" Naibuga nito ang iniinom na juice. "S-seryoso ka ba dyan??" Nanlaki mata nito. "Malaki ang tiwala kong makakapasa tayo pareho kaya malabong maging boyfriend kita." Pinanuod ko ito kung paano punasan ng tissue ang table habang nakangiti. "Sabagay hindi talaga mangyayari 'yon dahil bukod sa broken hearted ka pa eh malabong magustuhan mo ako." Inubos nito ang pagkain, "Mas masarap magmahal ng walang sapilitan dapat kusang nararamdaman." Patuloy niyang sambit bago tumayo at uminom ng juice. "Ate pa-take out!" "Ay, Jeron bawal ang take out ngayon." "Bakit po?" "Bagong proyekto ng school lahat ng mag-te-take out ibibigay sa charity." "Talaga po?" Mangha kong tanong. "Oo kaya kung puwede pumayag kayo na huwag ng kunin dahil malaking tulong din ito." "Wala po problema." Tugon ko. "Pero huwag kayong mag-alala ang mga kumain lang naman dito ang bawal mag take out pero yung omorder lang ng take out puwede naman." "Wala naman pong problema doon baka po naghahanap pa kayo ng volunteer puwede po ako." "Sure mas marami mas masaya." "Kailan kayo ate nagpupunta ng charity nila puwede po akong sumama." "Hindi na kailangan dahil every saturday may charity event dito sa University, at sa oval namin gaganapin ang event." "Wow, nakakatuwa naman yan. Oh, Jeron mag volunteer ka rin!" "Ano?" "Sabi ko mag volunteer ka rin tutal every saturday lang naman yon malilibang ka pa dahil maraming bata." "Pag-iisipan ko," "Anong pag-iisipan? Ay naku ate isama mo na sa listahan si Jeron." "Salamat, paano iwan ko na kayo at maraming kumakain." paalam nito. "Kunin mo na bag mo." Utos niya sa akin. Kinuha ko at sinundan siyang lumabas ng canteen, tahimik lang kami pareho ng tahakin ang side walk. May mga first year students kaming nakakasalubong na panay ang kurot sa braso ni Jeron. Palihim akong tumatawa dahil sa sobrang guwapo nito ay kinagigiliwan siya. "Ate ang swerte mo naman kay Jeron sana magkaroon din ako ng boyfriend na gaya niya." Bulong sa akin ng isa "Hind ko siya boyfriend!" Sa gulat nalakasan ko tuloy ang sinabi. Tumingin sa akin si Jeron pero umiwas din kaagad. "Sus, denial pa si ate sa guwapong yan dapat ba itanggi? Ay, naku ate kung ako sa iyo di ko siya pakakawalan." Napa-isip ako habang pinagmamasdan siyang nag seselfie kasama ang ibang estudyante. "Tumutulo na laway mo." Hinawakan niya ang aking kamay palayo sa mga first year student. "Bebegirl." "Oh?" "Mangako ka sa akin." Huminto kami sa paglalakad, "Mag-momove on ka na okay?" Natulala lamang ako, "Bebegirl." "Oh?" "Bebegirl don't cry okay?" Sinagot ko lamang siya ng matamis na ngiti. I'll try Bebeboy, I will try. Kung kay Ivan ay nagawa kong makapagmove on kay Ferd pa kaya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat