logo text

Examination paper

KELLY'S POINT OF VIEW
"Good morning section emerald." Bungad ng adviser namin.
"Good morning ma'am." Sabay-sabay tugon.
"How was your day?" Sabay-sabay din kami tumingin sa pintuan.
"Good--" aatras na ito ng makita si ma'am. "Sorry, ma'am late na po," tumalikod na upang makalabas ng room.
"Saan ka pupunta?" Pigil sa kanya.
"Late po ako," nakanguso  niyang dahilan.
"Huwag ka na lumabas, nag-i-inspekyon ibang guro sa labas. Isa pa, malapit na exam ninyo. What I mean, tomorrow na pala," bulungan kaming lahat.
"Manahimik," tumingin kay Jeron. "Maupo ka na." tumango lang siya sa guro namin saka naupo sa tabi ko.
May tampo pa rin ito kahit hindi niya sabihin. Ang nakakalungkot lang hindi na niya ako kinikibo o tinitingnan man lang.
"Minamadali ang exam dahil umaapaw ang mga aktibidad na gagawin sa school. Plano na rin sa huling akribidad ang Js Prom."
Nabingi yata ako ng magsigawan ang lahat dahil pare-pareho excited sa gagawing JS.
"Class, class, quiet. Biibigyan ko kayo ng pagkakataon para mag review."
Walang alinlangan kong tiningnan katabi ko na may ngiti sa labi.
"Sabay tayo mag-review?" Nakipagtitigan lang bago umiwas ng tingin.
Galit pa rin.
Para hindi mapahiya kinalabit ko na lang si Ferd.
"Babe, review tayo sa field."
"Okay."
Muling nagsalita si ma'am na mag review na raw kami. Pinapadala kay Jeron ang gamit niya palabas ng room. Walang emosyon sumunod si bebeboy dito.
"Anong problema mo, bakit tahimik ka?" Usisa sa akin habang patungo sa field.
"Wala naman,"
"Kinakabahan ka sa exam?"
"Hindi, may iniisip lang ako,"
"Sino, si Jeron na naman ba?" Ayoko na lang kumibo at tiyak magtatalo na naman kami, "Imbis problemahin mo ang exam bakit kailangan isipin mo ang ibang lalaki." Ismid niyang sabi bago hawakan kamay ko. "Sorry, nakikipagtalo pa ako. Sorry, for what happened last night."
"Okay lang,"
"I love you babe,"
"I love you too." Huminto kami sa paglalakad.
"Galingan natin ang exam dapat makapasa tayo para makapag-aral ng college."
"Dito ka na ba mag-aaral ang kala ko ba ayaw mo rito?"
"I have a reason why I need to stay."
"Hindi naman siguro ako ang dahilan 'di ba?" Sabay kami tumawa sa sinabi ko. Maya-maya may lumalapit sa amin.
"Ferd, pinatatawag ka ni coach."
"Bakit may exam kami bukas kailangan kong mag-review."
"Kakausapin ka lang, let's go."
"Okay lang, nandito lang ako sa field hihintayin na lang kita."
"Pasensiya na kung gusto mo mauna ka na mag-review."
Nag nod ako bago tuluyan umalis ang dalawa. Naglakad ako patungong field sabay upo sa damuhan.
"Hi, Kelly!" Tawag sa akin ng kung sino. Bago ako lumingon may tumamang bola sa ulo ko.
Ang sakit.
"Iris," inis kong tawag.
"Prinsesa ni Ferd mukhang  nag-iisa ka, basaan ang prinsipe mo?"
"Baka nagpunta sa isang prinsesa," natatawang sabi ng isang babae.
"Ako lang  nag-iisang prinsesa niya, booba!" Banas na sabi ni Iris.
Hinagis ko sa 'di kalayuan ang bola bago tumayo para umalis. Walang kuwenta kung makikipag-usap ako sa kanila.
"At saan punta mo? Hindi ka pa nga namin na pagtritripan."
"Sa gandang kong ito pag-aaksayahan ko ng oras ang mga walang kuwentang taong gaya niyo?" Todo irap kong sabi.
Palakpakan ang mga kaibigan ni Iris.
"Wow, taas ng pangarap." Natatawang sabi pa rin ni Iris.
"Baka puno ng kakapalan ng mukha," litanya ng lalaki.
"Puwede ba, magsitigil kayo? Kung wala kayong magawa ang mabuti pa mag-review kayo. Pagtatawanan ko na lang kayo kung naibagsak niyo pa ang exam."
"Ano ba pinagmamalaki mo?" Crossed armed lapit sa akin ni Iris. "Nawala ka lang sa paningin ko tumapang ka naman na parang aso."
"Ipinagmamalaki ko lang naman ang boyfriend ko na kinahuhumalingan mo."
"Shut up!" Sita niya sa mga kasama dahil nagtawanan.
"Mayabang ka rin, ano? Kung makapag salita ka parang proud na proud sa iyo si Ferd. Hindi mo ba alam na isa rin ako sa mga pinagmamalaki niya noon."
"Noon? Well, bukod sa magkaiba ng kahulugan ang noon at ngayon mas lamang pa rin talaga ang NGAYON dahil yung noon pinagsawaan na."
"Whoooooo..." Sigawan ng mga tao.
"Huwag kang mag-alala pagsasawaan ka rin niya." Todo irap nito.
"So, dapat ba ko ma-excite? Ikaw kasi masyado mo dinibdib kaya iniwan ka tuloy." Katakot-takot na mura ang sinabi niya sa akin. Halos namula mukha nito sa galit.
Parang walang pinag-aralan.
"Tandaan mo Kelly, hindi ako makakapayag na dito ka pa rin makakapag-college!"
"Pananakot ba 'yon?" Natatawa kong tanong.
"Sige lang Kelly, tumawa ka lang hanggat gusto mo dahil sa susunod iiyak ka na."
Hindi ko dapat maramdaman 'yon ngunit bakit kinabahan ako parang may gagawin na naman ang impaktang ito laban sa akin.
Sa pag-alis ng mga engkanto dumating ang MATH.
"Hi Ms. Kelly!"
"Oh? Bakit nakasimangot mukha mo?" Pansin ni Thelma.
"May masamang espiritu dumating kanina.."
"Ah, sino roon?"
"Bukod kay Claire at Iris, sino pa ba nakakapagpasira ng araw ni Ms. Kelly." Bira naman ni Hanna.
"Sabagay, sino nga ba sa kanilang dalawa?" Merlyn ask.
"Si Iris." Tugon ko.
"May na bago ba? Mukhang dala na niya 'yan mula pagkabata. Tama ba ako Thelma?" tanong ni Alma.
"Fact na fact!"
"Oh, tama na 'yan wala ba kayong klase?"
"Mayroon, papasok na sana kami kaya lang nakita ka namin." Alma.
"Nakasimangot ka kasi ang aga-aga." Si Thelma.
"Oo nga, ikaw ba wala pang klase?" Tanong ni Hanna.
"Wala, review lang namin para sa exam bukas."
"Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan si boyfriend mo saka si Jeron?"
"Si Ferd, pinatawag ng coach niya, si Jeron hindi ko alam kung nasaan na, eh."
"I think may problema 'yon." Sabat ni Merlyn na kanina pa tahimik.
"Bakit?" Alma.
"Nakasalubong ko kanina 'di ako pinansin."
"Baka naman 'di ka napansin." Sagot ni Hanna
"Tinawag ko,"
"Baka mahina tawag mo." Si Thelma
"Haller? Sa ingay kong ito hindi niya maririnig boses ko ganoon?"
"Baka nga may problema,"Tumingin kaming lahat kay Alma.
"Kayo 'di ba magkakasama kahapon?"
"Ha? O-oo," Paano naman niya 'yon nalaman?
"Eh, ano ba nangyari kahapon??" Si Thelma.
"Nag-away kasi yung dalawa." Tapat kong sabi.
"Oh em gee, sabi na nga ba, eh .Gusto ka pa rin ni Jeron!" Bulaslas ni Merlyn.
"Gusto?" Gulat kong tanong.
"Gusto ka niya 'di ba? Umamin siya 'di ba?"
"Pero binawi rin naman niya 'yon."
"Baka naman kasi binasted mo noon."
Naalala ko kasi nung nagtapat siya sa akin tanging sagot ko lang ang  malakas na tawa at sabay tanong ng niro lang 'yon di ba?
"Ibig lang sabihin nito pinili ni Jeron na bawiin 'yon kaysa ipamukha sa iyong nagugustuhan ka niya. Now, I know kung paano siya naging duwag pagdating sa babae. Sa dami ba naman nagkakagusto sa kanya ngayon lang siya naging ganyan." Mahabang sabi ni Thelma.
"Oh my, hindi kaya si Kelly ang kahinaan niya?" Buwelta ni Alma.
"Magsipasok na kayo at ako ay magrereview." Utos ko sa apat.
"Ayiie, umiiwas sa topic si Ms. Kelly, kung magiging boyfriend mo siya napaka swerte mo, bukod kasi sa sweet, guwapo, napaka bait pa. I'm sure matatakot lahat ng tao rito na saktan ka."
"Sweet din si Ferd saka prinoprotektahan siya nito kay Iris." litanya ni Thelma.
"But unlike Jeron, mas nakakatakot pa rin si Jeron kaya lahat tiklop ang tuhod sa kanya." Tanggol ni Merlyn.
"Tama na 'yan, mag-aral kayong mabuti para makapasa susunod na exam niyo." Awat ko.
"Sana magtagal kayo ni Ferd dahil kung hindi nandiyan si Jeron para saluhin ka at maghintay kahit na kay tagal." Ang kulit ni Merlyn, "Let's go, girls." aya nito sa mga kasama.
Dahil sa pagiging totoo ni Merlyn napapaisip tuloy ako sa pagkakaiba nila Jeron at Ferd.
"Nag review ka na?"
"Babe!" Pagharap ko nawala ang ngiti nito sa labi. "Sorry, Jeron akala ko si Ferd."
"Okay lang." Umiwas ng tingin, "Mag-review ka na." Aalis sana kaso pinigilan ko.
"Puwede ba samahan mo ako wala kasi ngayon si Ferd."
"Palagi na lang ba ako pang second choice?"
"Ha?"
"Wala, sige, sabay na lang tayo mag-review." Naupo ito sa damuhan, at binuklat ang libro.
"Tara na."
"Ah, O-oo, oo." Hindi ko maiwasan mag-isip kung gaano nga ba siya ka sweet maging boyfriend.
Hindi ko malalaman kung di susubukan 'di ba kaso traight lang ako kay Ferd hindi ako two timer.
"Mag review hindi para i-view ang mukha ko." Natatawang paalala nito.
"Ha?? Bakit ko naman i-vi-view mukha mo, asa ka." Tama mag review na nga baka kung ano pa lumabas sa utak ko, eh.
Umabot ng isang oras saka ko nagtanong sa kanya.
"Puwede magtanong?"
"Puwede basta related sa nirereview natin."
"Ganoon ba? Oh sige, huwag na lang." Yumuko ako ngunit alam kong nakatingin ito.
Pinagpapawisan ako dahil sa nadaramang kaba.
Ugh, bakit Kelly? Bakit ba nagkakaganyan ka? Hello si Jeron lang 'yang kasama mo, at hindi si Ferd kaya umayos ka!
"Hindi ka ba nagugutom?"
"Medyo kaya lang mamaya na lang siguro."
"Oh, ayan, kanina ko pa itinago sa bag baka madurog."
"Pizza??"
"Bago na ba tawag diyan?" Biro niya.
"Duh, I mean, siguro nagpabili ka na naman sa guard, ano?"
"Duh? Hindi ah dala nila mommy 'yan kagabi."
"Nila? Sino kasama ng mommy mo? Si ate mo ba??"
"Sana kaso hindi,"
"Eh, sino??"
"Si Dads, kumain ka na don't worry pinalagay ko 'yan sa oven para mainit kapag kinain mo."
"Salamat, sabay na tayo kumain."
Feeling ko nagpi-picnic kami tapos masaya kaming nag-uusap.
"Nandiyan pa ba daddy mo?"
"Nasa guidance office kasama ni mama, bakit?"
"Wala naman."
Naubos yata namin ang pizza na wala man lang tubig at ang kinalabasan kumaripas ng takbo si Jeron papuntang canteen habang ako tawa nang tawa.
"Nakakatuwa talaga siya." Iiling-iling kong sabi habang hinahabol siya nang tanaw. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko kapag siya kasama ko.
"Sino nakakatuwa?"
"Babe."
Naupo ito sa tabi ko, "Sino ba kasama mo?"
"Si Jeron." Tiim bagang tumingin sa 'di kalayuan.
"Oh, nasaan na siya?" Pilit pinapakalma ang sarili.
"Bumili lang ng tubig. Nakakatawa kasi nagdala ng pagkain walang tubig." Ang mali kong nagawa naipakita ko pa sa kanya na masaya ako sa mga nangyayari. Isang insulto sa mga lalaki kapag masaya yung mahal mo sa iba.
"Ganoon ba?"
"Ah, mag review ka na."
"Nakapag review na ako."
"Saan?"
"Sa oval,"
"Sino kasama mo?"
Tumingin muna bago sumagot, "Si Iris."
"Si Iris? Bakit kasama mo ang babaeng 'yun?"
"Eh, ikaw? Bakit kasama mo si Jeron??"
"Nag review lang kami 'di ba nga?"
"Eh di nag review nga lang din kami ni Iris." Inis na inis niyang binuklat ang libro.
"Teka nga, bakit ba nagagalit ka na naman magkasama lang kami mag-review, ah?" Naiinis kong tanong.
"Dahil hindi ka marunong makaramdam alam mong nagseselos ako sa kanya 'di ba?!"
"Pero hindi ko alam na nagseselos ka sa kanya saka bakit ka naman magseselos eh magkaibigan lang kami."
"Iyon na nga, magkaibigan kayo hindi malabo na magkagusto ka sa kanya."
Hinawakan ko kamay nito, "Ikaw ang boyfriend ko. Bakit ka matatakot na magkagusto ako sa kanya? Mahal kita, mahal na mahal."
"Sorry kung inaway kita naiinis lang kasi ko kanina kay coach."
"May problema ba?"
"May practice raw kami bukas sinabi ko naman kasi may exam, eh."
"Hindi ba sila marunong makaintindihin exam 'yun, importante sa atin 'yun."
"Sinabi ko nga kaya after ng exam natin diretso ako sa practice."
"Hindi tayo magkikita nang matagal."
"Sorry."
"Pangarap mo 'yan, magiging hadlang pa ba ako saka trabaho kong unawain ka."
Niyakap niya ko sabay halik sa noo, "Pangako babawi ko sa iyo okay? So paano, aalis na ko."
"Saan ka pupunta?"
"Uhm, magpapahinga na." Hindi makatingin ng diretso.
"Kaagad? Maaga pa sa library muna tayo or dito mag-usap muna tayo?" Pakiusap ko.
"Uhm, gusto ko sana kaya lang babe ...ano, eh. Uhm, gusto ko na sana matulog." Pilit kong hinuhuli ang tingin nito pero masyado siyang agresibo para makaiwas.
"Ikaw ang bahala magrereview ako rito." Walang salita akong narinig mula rito kundi isang yakap ang ginawa bago umalis. Naiwan na naman akong mag-isa.
"Bebegirl, what happened? Nakasimangot ka yata," pansin sa akin ng dumating si Jeron.
"Ang tagal mo kaya..." Dahilan ko na lang.
"Sorry, na daldal kasi ako sa canteen."
"Nino?"
"Hi, mine!" Sabay kami nalingon sa likuran. Sa palagay ko hindi ito estudyante dahil sa suot niyang damit.
Matangkad, morena, at napaka sexy. Halata sa pananamit na anak mayaman katulad namin.
"Bakit mo ako iniwan?" Nguso ng babae habang nakakapit sa braso ni bebeboy.
"Ah, Sitti si Kelly classmate ko and Kelly si Sitti kababata ko."
So required ba talaga sa magkababata na maging sweet o di kaya naman ay may call sign?
"Nice meeting you, Kelly ikaw pala binabanggit ni mine na iniwan dito mag-isa."
Sabi nila kapag daw mabigat ang pakiramdam mo sa isang tao ibig sabihin hindi mo siya gusto. Ganoon ang pakiramdam ko kaya naging peke ang ngiti ko rito.
"Let's go, mine hinahanap ka ni mommy, let's go!"
"Sitti, may exam bukas kailangan namin mag-review. Sa susunod na lang tayo magpunta sa mommy mo." Kusang layo niya bago sa akin lumapit.
"Pero ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Sabi mo sa akin susunod ka sa Sydney?"
"Alam mo naman nag-aaral pa ako."
"Sabi ko naman kasi sa iyo sa Sydney na tayo mag-aral ayaw mo pa. Ikaw lang ito hindi mabitaw-bitawan ang Bloodstone."
Naubo ako, "Maiwan ko na muna kayo mukhang seryosong usapan 'yan." Paalis na sana pero pinigilan ako ni bebeboy.
"Paalis na si Sitti, ituloy na natin ang pagre-review."
Ang sama ng tingin ni Sitti ng hawakan ako sa braso ni bebeboy para siyang manlalamon ng buhay.
"Sigurado ka ba na classmate mo lang siya, pinagseselos mo ako!" ang prangka niya harap-harapan.
"May boyfriend ako, wala ka dapat ikaselos sa amin dalawa." May ngiti sa labi kong depensa habang si bebeboy pailing-iling.
"Sure ka ba, ate? Kung may gusto ka sa kanya mas mainam kalimutan mo na siya dahil ikakasal din kami sa huli." Namilog mga mata ko sa pinagtapat nito.
"Okay," walang gana kong sagot.
"Bebegirl, ihahatid ko muna ang batang ito." Hinawakan sa braso na parang bata.
"Okay, go!" utos ko, habang pinapanuod ang pag-alis.
"Sila raw ang ikakasal sa huli? Kalokohan, akala ko pa naman seryosong babae pero isip bata pala."
Nagpatuloy ako sa pagre-review umabot ng isang oras hindi pa rin bumabalik si bebeboy, mukhang napikot na.
Gutom na tuloy ako.
"Ano kaya puwede kainin?" Pasensya na madalas ko talaga kausapin ang sarili lalo't nag-iisa.
Diretso ako sa canteen. Hindi ako makasingit sa mga lamesa dahil ang daming kumakain. Pinili ko na lang lumabas para sa iba kumain kaya lang nakita ko sina Sitti at Jeron nasa loob ng coffee shop. Hindi ko masasabing masaya si Jeron dahil halata rito ang pagkairita.
"Ms. Free taste." Alok sa akin ng babae. Sa kakatanaw ko sa dalawa hindi ko alam kumuha ako at kumain.
"Teka, ate!" Tawag ko papaalis na, "Saan ang store niyo? Ang sarap, ano ba tawag dito?"
Ngumiti, "Pancake with peanut butter po, sa likod ng oval po ang store namin."
"Talaga? Open ngayon?"
"Yes po."
"Okay pupunta ako masarap, eh."
"Salamat po." Tuwang-tuwa itong umalis samantala ako ay nagmadaling hinanap ang store nila.
Fresh shop.
Ito na siguro 'yon. Pagpasok hinanap ko kaagad ang Pancake With Peanut Butter nakadalawang order yata ako hanggang sa na busog.
"Ah, thank you Lord busog na po ako." Nagpahangin muna ko sa oval.
Since nandito na ako pupuntahan ko si Kitty pero nang nadatnan ko natutulog itong mahimbing. Hinawakan ko ulo sabay haplos.
"Manang mana ka sa daddy mo." Lumingon ako sa buong paligid. "Hay, bakit ba kaonti lang kaibigan ko rito?"
Tumayo ako nang maramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin. Lalo ako nangilabot ng marinig ko ang isang sigaw sa 'di kalayuan. Umalingangaw kasi kaya hindi ko malaman kung saan 'yon nanggaling. Sa pangalawang pagkakataon may sumigaw muli. May pagkakataon na ko para maghanap. Sa gilid ng oval may pintuan dito na parang luma. Pilit kong binubuksan kaya lang mahigpit ang pagkakasara kahit wala naman itong padlock.
"Anong ginagawa mo riyan?" Si Harvey.
"Wala, aalis na ako."
"Teka!" Itinulak niya ako sa pintuan dahilan para mapaaray ako sa sakit. Pakiramdam ko nawala sa ayos ang spinal cord ko. "Ano nga ginagawa mo!"
"Wala nga sinabi, puwede ba paraanin mo ko!"
"Ayoko, gusto mo malaman kung ano mayroon diyan sa loob? Curious ka?"
"Hindi," nanginginig ako sa takot.
Naalala ko kasi yung sinabi ni Mrs. Rivera na may ginahasa siyang estudyante dati.
"Talaga..." Lalo pa niya ko itinulak sa pinto habang hawak nito ang magkabilang balikat ko.
"Bitawan mo ako Harvey, sisigaw ako! Harvey!"
"Go, you shout? Go! Kung may makakarinig sa iyo." Nakangisi itong nakatingin sa akin.
"Harvey! Tama na nga kasi! Nanahimik ako ! Harvey!" Napakalakas niya. Hindi ko kayang lumabas dahil kakaiba ito manakit ng tao. Hahalikan niya ako pero mabilis gumana ang utak ko para sipain ang pagkalalake nito.
"Uggghhhh....Ughhhhgggg...."
Nagkaroon ako ng pagkakataon para makatakbo.
"Takbo, Kelly! Tumakbo ka, at siguraduhin mong hindi kita mahahabol!"
Naiiyak na ako sa takot. Hindi ko na rin alam kung saan ako nagpunta ang importante matakasan ko ang Harvey na 'yon. May nakabunggo akong tao, sabay hawak sa magkabilang balikat ko at pilit pinapakalma ako dahil sa hingal.
"Kelly, okay ka lang?" Sa takot ko dahil malapit na si Harvey na payakap ako kay Jeron. Pikit-mata akong napunta sa likuran niya.
"Tara rito Kelly!" Sigaw sa akin ng walang-hiyang Harvey.
Marami nang nakapansin sa amin maski si Jeron ay nag over protective para hindi ako malapitan ng Harvey na 'yon.
"At bakit mo pinalalapit ang girlfriend ko?" Iritadong tanong niya kay Harvey.
"May kagaguhan lang naman ginawa sa akin ang babae na 'yan kaya kung ako sa iyo lumayo ka kung ayaw mo madamay!"
"Bakit ko gagawin? Siguro balak mong saktan girlfriend."
"Wala ka na roon." Hahatakin na sana ako pero pilit humaharang si Jeron.
"Huwag kang magtago sa likod ng president!!"
"Tumigil ka na Harvey, hindi ka ba nahihiya ang dami nakakakita sa iyo, anak ka pa man din ni Mr. Chan."
"Karapatan kong magsiga-sigaan dito dahil kami nag mamay-ari ng University 'di ba? At ikaw, president ka lang naman 'di ba?"
Napahigpit yakap ko kay Jeron ng muli akong hatakin ng pilit. Sa gigil ni Harvey ay kay Jeron itinuon ang galit sinapak niya ito pero hindi tuminag si Jeron.
"J-jeron..." Tawag ko.
"Gumilid ka muna bebegirl may tatapusin lang ako."
Papalayo pa lang ako gumanti kaagad si Jeron ng sapak. Ilang minuto sila nagbabasagan ng mukha, at wala man lang gustong umawat. Maya-maya may lumapit na guard sa kanila para awatin. Sa takot ni Harvey tumakas ito at hindi na pinag-aksayahan ng panahon para habulin. Malaki takot ng ibang guard na baka mapaalis sa trabaho.
"Dalhin kita sa clinic."
"Huwag na,"
"May sugat ka,"
"Ayos lang, sa susunod huwag ka na lalapit sa kaniya delikado siyang tao hindi mo alam may binabalak na pala siyang masama sa iyo."
"Sorry, bigla kasi siyang sumulpot,eh."
"Ano ba ginawa mo?"
"Uhmm, sinipa ko lang naman 'yung ano niya."
"Alin?"
"Alam mo na dapat 'yun." Hindi ko magawang tumingin.
"I knew it, sana maging aral na sa iyo ang nangyari. Paano pala kung hindi ako dumating saka nasaan 'yung boyfriend mo hindi ba dapat siya nagliligtas sa iyo?"
"Ayaw mo na aka ko protektahan?"
"Hindi sa ganoon,"
"Sige sa susunod mag-iingat na ako." Marahan niya kong niyakap.
"Huwag mo isipin kaya kita niyayakap ay dahil sa gusto kita, natatakot ako sa tuwing nasa panganib ang buhay mo."
Pilit sa hinog akong ngumiti bago niya ako ihatid sa unit. Kaagad din akong nakatulog ng hindi namamalayan ang oras. Bago sumikat ang araw bumangon ako para mag-jogging, and after that nag-ayos ako para pumasok.
Ang lahat ay ganado sa isasagawang exam. Maging ang adviser namin ay maaliwalas ang mukha, malakas ang pakiramdam na makakapasa lahat ng Section Emerald.
Magsasalita pa lang ang adviser namin ng pumasok si Mrs. Rivera kasama ang ilang PTA council kasunuran nila sina Jeron at Ferd.
"Mabuti hindi pa kayo nagsisimula." Ani Mrs. Rivera.
"Ano po kailangan niyo principal?" Usisa ni advicer.
"May sisiyasatin kami." Sumenyas sa mga estudyante na kasama pagkaraan inisa-isang buksan ang bawat bag namin.
Wala akong maunawaan sa nangyayari.
"Ma, bakit?" Tanong ni Jeron. Abala sa iniinspeksyon na bag kaya hindi ito pinansin.
"Negative."
"Negative din po rito."
Bumuntong-hininga si Mrs.Rivera, "Okay, no choice kundi ibigay niyo sa akin ang susi ng locker niyo." Bulungan ang lahat maliban sa akin.
Parang iba ito kinakabahan ako.
"Sumunod na lang kayo kay Mrs. Rivera." ani Adviser.
Sabay-sabay namin ibinigay ang mga susi sa mga estudyante hanggang sa makaalis ito sa loob ng room. Hinintay pa namin ng ilang minuto bago magsimula ng exam.
"Ms. Pascual... " tawag ni Mrs.Rivera, "Ipaliwanag mo sa amin ngayon kung bakit mayroon kang ganito?" Hawak ang papel.
Tumayo ako, "Ano po yan?"
"Examination paper, lahat ng exam niyo nandito ang tamang sagot kaya ipaliwanag mo kung bakit nasa locker mo ito." Kalmado man ngunit disappointed ang mababakas sa mukha ni Mrs. Rivera.
"Wala po akong alam diyan, at paano po 'yan napunta sa locker ko?" Pag-aalala ko.
"Ikaw nga ang tinatanong ko bakit nasa locker mo ang examination paper!"
"Ma'am, wala pong alam diyan si Kelly." Siwalat ni Ferd na tumayo na rin.
"Ma, magkasama kaming nag review ni Kelly kaya imposible po 'yang sinasabi niyo sa kanya." Dugtong ni Jeron.
"Jeron, Ferd tumahimik kayo madadamay kayo kung na patunayan na balak mag-cheat ni Ms. Pascual." Nagmatigas ang dalawa nakiusap na sasama sa guidance office.
Desidido man ang puso kong malinis ang konsensya ko ngunit may parte na gusto kong mag-alala ng husto. Imposible nagkataon lang o ano pa man napunta ang examination paper sa locker. Sigurado akong may naglagay no'n at talagang gusto nilang masira ang pangalan ko sa Bloodstone.

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata