Bisita

JERON'S POINT OF VIEW
"Sa palagay mo, okay lang Si Ate Sydney sa akin?" Nandito kami sa kusina para linisin ang pinagkainan.
"Baka may problema lang sila mag-asawa. Huwag mong intindihin 'yun."
"Parang galit, eh."
"Ako magagalit kapag hindi ka tumigil." Tumigil sa paghuhugas ng baso sabay ngiti, "Joke lang." Pinagpatuloy ang ginagawa.
"Maganda panahon ngayon parang masaya mag-roadtrip."
"Roadtrip? Saan punta natin?"
"Ibig sabihin sasama ka?" Ngiting aso kong sunod sa kanya habang ibinabalik nito ang mga plato sa isang cabinet.
"Iba rin trip mo tanghali na masyado para mag-ayos ng mga dadalhin."
"Madali na 'yun saka kahit saan puwede ka naman sumama hindi ba? Isang araw na lang babalik na ulit tayo sa University." Saglit itong huminto bago bumalik sa pagbabanlaw ng mga kutsara at tinidor.
"May ideya ka ba bakit imbes tatlong linggo ang bakasyon ay ginawang tatlong araw?"
"Walang sinasabi sa akin." Napansin kong nagkaroon ng bula ang pisngi niya dahil sa mabilisan kong paghuhugas.
"Ay, sorry!" tinanggal ko pero lalo lang na dagdagan ng bula ang mukha.
"Sadya mo na, eh." Dumampot ng bula saka inilagay sa mukha ko.
"Teka, grabe ka hindi ko sinasadya 'yun." Gumanti ako saka nilagyan ilong niya.
"Nakakainis ka!" Pinisikan niya ako ng tubig.
"Aha, gusto mo ng basaan." Nagsalok ako ng tubig sa dalawang palad bago isaboy sa kanya.
Punong-puno ng kasayahan ang ginawa naming basaan. Kahit damit ko ay hindi nakaiwas sa ginawa niya. Napaka daya, kapag ako magwiwisik ng tubig saka siya tatakbo nang makaiwas lang sa gagawin ko.
Ang daya.
Okay na sigurong madaya ako. Ang importante pareho kaming masaya. Kahit na kaibigan lang ako tanggap ko ito ng buong puso. Alam kong hanggang dito lang talaga kami.
"Magpalit ka ng damit." Inabot sa akin ang isang t-shirt na v-neck.
"Parang sa iyo pa yata ito eh ginawa mo pa akong babae."
"Kay kuya 'yan, kumuha ako sa room nila."
"Baka magalit na naman ate mo." nakuha kong kamutin ulo sa pag-aalala.
"Tingin ko hindi damit lang 'yan."
"Okay," nguso kong huhubarin ang basa kong t-shirt.
"Hoy, teka!"
"Bakit?"
"Diyan ka talaga maghuhubad? Doon po ang tamang bihisan." turo sa C.R.
"Tss, damit lang huhubarin ko huwag ka na lang tumingin baka maakit ka pa."
"Excuse me? Ako, maaakit? Malabo yata 'yang sinasabi mo dahil kay Ferd lang ako naaakit." Ouch, edi siya na.
Nakuha kong umiling, "Nasaan nga pala yung magaling mong boyfriend?"
"Lumabas sila ni Ate Sydney matapos kong pumasok sa kwarto nila para kumuha ng t-shirt. May pinag-uusapan sila pero nakakahiya kung magtatanong ako."
"Sus," hinubad ko ang damit dahilan umawang ang bibig nito pero kaagad tumalikod. Maasar nga. "Puwede ka na tumingin."
Ang kapilyuhan ko lumapit ako sa kanya kahit nakahubad pa. Hinatak ko kamay nito habang naninigas siyang nakatalikod sa akin. Bahagya kong pinahawakan sa kanya ang dibdib ko. Tila parang nakukuryente kamay niya sa pag-iwas.
"Hoy, ano ba? A-akala ko ba nakabihis ka na?" Gusto sana tumingin pero alam niya kung ano makikita nito.
"Ang sabi ko puwede ka na tumingin dahil nakahubad na ako." Pumalahaw ang malakas kong tawa.
"Sira ulo ka talaga!" Hampas sa dibdib ko. Sabay hatak ko dahilan para magkalapit kami ng husto.
Sa mga oras na ito gusto ko sana isipin may nararamdaman din siyang kakaiba para sa akin. Ganito nakikita ko sa ibang babae kapag gusto nila magtapat ng nararamdaman. Ang mga mata niya na para ba gustong magtapat. Ang mga labi niyang nais may ibigkas. Ganito talaga ang feeling ko. May gusto nga ba siya sa akin, o baka parte lang ito ng ilusyon ko.
"Kissable lips."
"Huh?"
"Marami ng hinalikan 'yan." Pinagmalaki ko pa.
"Tingin mo hahanga na ako sa sinabi mo? Mas nakakahanga pa rin yung lalaking isa pa lang ang nahahalikan."
"Bakit may kilala ka ba? Ipakilala mo ko." Sarcastic kong usisa.
"Sa ngayon wala pa akong nakikilalang ganoon." Kuha niya ang ibig ko kaya ito ngumiti.
"Isang kasinungalingan birhen pa labi ng isang lalaki or else walang nagkaka interest sa labi dahil hindi kaguwapuhan.
"Sobra ka naman." Inirapan ako.
"Kahit marami na akong na halikan naka reserve lang ito sa babaeng minamahal ko."
"Sino, si Claire ba?" Smirk akong tumitig nang----
"Babe."
Dinig namin boses ni Ferd lumayo kami sa isa't-isa. Nagbibihis pa lang ako ng makarating sa kusina ito. Hindi ko magawang tumingin sa dalawa dahil sa guilt. Feeling ko nakagawa ako ng pagkakamali.
"Tapos na kayo mag-usap ni ate?" Bulaslas ni Kelly.
"Oo."
"Ganoon ba, so, wala ka ba gagawin ngayong araw?"
"Wala, kaya nga ako nagpunta rito para makasama ka."
"Puwede ka ba ngayon sumama sa amin ni Jeron?"
"Saan?"
"Roadtrip."
"Saan?" Ulit nito.
"Kahit saan, ano, game ka ba?"
"Walang problema basta kasama ka." Niyakap niya ito.
"Samahan niyo ako sa mall." Pakiusap nito.
"Bakit?"
"Ofcourse, mga kailangan kong dalhin sa Korea and sa roadtrip natin ngayon."
"Tss, nakalimutan ko," naupo ako sa stool chair. "Hindi na tuloy ang flight natin going Korea."
"Ano? Bakit??" dismayadong tanong sa akin.
"Focus sila ngayon sa issue ng school."
"Aw, sad. Excited pa naman ako."
"It's okay, babe. Maaari tayo makapunta 'ron, anytime." Sabat ni Ferd.
Nakatuon ang tingin ni Kelly sa puwesto ko, "Okay sana kung kasama si Jeron."
Palihim akong sinamaan nang tingin ni Ferd. Sa isip, pinapatay na niya ako.
"And isa pang bad news," paninira ko ng katahimikan.
Parehong kunot ang noo nila na para ba handa silang makarinig ng kung ano mula sa akin.
"Mag-e-exam tayong lahat, at kailangan maipasa natin 'yun at kung hindi, good bye bloodstone na."
"Bakit kailangan gawin 'yun?"
"Nagrereklamo ang head ng college mainam raw siguro kung kahit kaonti lang estudyante papasok sa mga susunod na taon."
"Pero, paano kung hindi naipasa ang exam, automatic kick out ka na sa University after vacation ganoon ba? So tayong fourth year students lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Ferd.
"Ganoon na nga, tayong mga fourth year students lang talaga dahil tayo ang gra-graduate para sa kolehiyo." Sagot ko.
"Nakakalungkot naman paano kung tayong buong section emerald lang ang makapasa? Paano na yung ibang sections?" Nag-aalalang si Kelly.
"May nakaabang daw na ibang University para sa kanila kaya huwag mo na pag-alalahanin ang sarili bebegirl."
"Kasi nakakalungkot lang."
"Hayaan mo babe, magre-review tayo para sa exam at para sama-sama pa rin tayo sa college."
"Oo nga, bebegirl sabay-sabay tayo mag review may dalawang araw pa naman para makapaghanda."
"Masyado ako na pre-pressure-- kaya tara na boys para makapagroad trip na." Tawa nitong sabi.
"Excited ang bebegirl ko." Kukurutin ko sana sa pisngi kaya lang inilayo siya ni Ferd.
Ang damot.
"Ano pala gagamitin natin kotse?" Usisa ni Ferd.
"Jaguar F-type SVR convertible." Tugon ni bebegirl.
"Woow, ang yaman talaga, mayroon kaming ganyan kaya lang ayaw pagamit sa akin ni daddy kaskasero raw kasi ako mag drive."
"Regalo sa akin nila daddy and mommy."
"Oo nga pala January 18 ang birthday mo at eighteen years old ka na rin." Masayang ani Ferd.
"Malapit na pala birthday, so may last dance ka na ba?" Usisa ko naman.
"Of course, boyfriend ko." pagmamalaki niya sa akin.
"Eh, ako ba?"
"Second to the last."
Second to the last ang ibig sabihin mauuna akong isayaw ni bebegirl bago ang boyfriend niya. Pero masaya sana kung ako ang LAST DANCE. Sayang.
Nagpaalam kami kay Ate Sydney na pupunta kami sa mall and diretso sa isasagawa namin Roadtrip. Halata kay Kelly ang saya habang patungong mall.
Inabot kami ng isa at kalahating oras kakabili ng kung ano. Si Kelly lang naman ang marami binili kumpara sa amin ni Ferd. At mabuti na lang talaga Boyfriend niya pinagdrive dahil kung ako ang nag presinta sigurado lagot ako sa daddy niya.
"Hoy! Maupo ka nga!" Hiyaw ni Ferd Kay Kelly habang nakatayo sa convertible Car. On the way na kami kung saan.
"Ang kill joy mo sinusulit ko lang dahil bukas sa school na naman tayo."
"Kapag hindi ka umupo bibilisan ko ang pagmamaneho!" Inis niyang banta.
"Huwag kang kill joy nagsasaya lang ang girlfriend mo. Hawak ko naman ang kamay niya, oh..." Itinaas ko ito upang makita niya sa rear mirror.
Sadyang makulit lang talaga si Kelly kaya hindi ito nakikinig kay Ferd. Hindi ko inaasahan na tototohanin ni
Ferd ang banta nito na bilisan ang pagmaneho, at ito ang naging dahilan bakit nabuwal si Kelly at nadaganan ako.
Nasa kalagitnaan kami ng highway ng ihinto niya ang kotse.
"Kelly, ikaw na ang magmaneho!" Bumaba ito sa car saka binuksan ang pinto malapit kay Kelly.
"Ha? Bakit?" Pagtataka nito sa boyfriend.
"Bumaba ka riyan at sundin mo na lang ang inuutos ko." Kalmado man ngunit halata sa kanya ang bahagyang inis. Hindi na lang nagsalita pa si Kelly at sinunod niya ang kagustuhan ng boyfriend.
Kung ako ay nilalamig dahil sa ginagawang paninitig ni Ferd, siya namqn ay nag-aapoy sa galit pero nakisabay na lang ako sa tugtugin ng kotse. Kunwari masaya,at kunwari walang nakikitang nag-aapoy na lalaki. HAHAHA.
"Alam mo naman siguro kung saan ka lulugar 'di ba?" Inis niyang tanong sa akin.
"Anong ibig mong---"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Jeron Cortez." Masamang-masama ang tingin sa, "Huwag mo ako susubukan dahil ayoko sa lahat yung inaagawan ako ng harap-harapan." Umigting ang panga nito.
Natingin ako kay Kelly na walang kamalay malay sa nangyayari, at muli kong sinulyapan si Ferd na nakangiti.
"Si Jeron Cortez ako, at si Ferd Chavez ka, ibang-iba tayo pagdating sa babae. Ikaw yung ideal man ng mga kababaihan. I know that, but you forget that na hindi ako basta-basta nagpapatalo lalo kung na gugustuhan ko." Sabay kami tumingin Kay Kelly.
"Subukan mo Jeron hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iyo." Tumawa ako ng malakas. Balewala Kay Kelly dahil abala ito sa pinakikinggan na music.
"Hindi ako masamang tao. Pansin mo naman sigurong ako ang hinahabol ng mga babae. Wala na kong kasalanan kung sa akin sila babagsak kahit ikaw pa ang ideal man. Siguro na sa iyo ang problema." Sarcastic kong sabi.
"What?!" umiigting ang panga nito nang hatakin ang kuwelyo ko.
"Kalma, Ferd hahayaan mo na lang ba masira ang araw ng girlfriend mo?" Pinanuod namin si Kelly.
"Hey, may problema ba?" Pinatay ni Kelly ang ingay ng stereo.
Bumitaw kaagad si Ferd sa kuwelyo ko bago lumayo ng bahagya sa akin.
"Wala bebegirl nagkakatuwaan lang kami nitong boyfriend mo 'di ba Ferd?"
Isang titig lang ginawa niya sa akin bago niya ipahinto kay Kelly muli ang kotse. Naupo ito sa tabi nito at ako ay na iwan mag-isa sa likuran.
"Okay, enjoy." Bulong ko.
Sa Antipolo kami napadpad.
Maganda tanawin dito. Isama mo pa sa magandang tanawin ang malamig na klima. Ito pa naman ang gusto ko, malamig at very komportable katawan ko.
Nag check in kami sa Hote at habang naghihintay sa lobby hindi ko naiwasan magtanong.
"Magkakasama ba tayo sa isang kuwarto?" Nagkatinginan ang dalawa na parang nagkahiyaan.
"Hindi na siguro magbubukod ako ng kayong dalawa na lang magsama sa isang kuwarto." Namumulang tugon ni bebegirl.
"Babe." Tawag naman ni Ferd.
"Bakit?"
"Isang room lang kukunin ko." Pabalik- balik kaming tinitingnan ni Kelly.
"Hindi puwede yun." Awat nito sa boyfriend.
"But babe mas mainam kung makikita ka namin I mean, mas maganda kung mag bonding tayo na magkakasama 'di ba?"
"Kaya lang..."
"Don't worry, tatlong beds naman yun. Akala mo ba tatabi kami?"
Namula si Kelly, "Baka hindi komportable si bebegirl hayaan na lang natin siya na mag-isa sa isang room." Pakiusap ko.
"Okay lang Jeron, ako na magbabayad."
"Hindi naman yata ako papayag na ikaw pa magbabayad sa room natin." Awat nito sa girlfriend.
"Ako na," Sakto dumating ang cashier kaya inabot ko kaagad ang credit card ko. Natahimik sila pareho sa ginawa ko.

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata