Versace

KELLY'S POINT OF VIEW
Umagang-umaga may tumatawag sa cellphone ko.
"Pssst..."
"Oh?"
"Good morning bebegirl ko."
"Ang aga mo manggising." inis kong sabi sa kanya.
"Heto naman, anong maaga usapan natin maaga tayong magpra-practice nakalimutan mo na ba mamaya na tayo sasayaw?" minulat ko ang mata para tingnan ang oras sa cellphone.
"Seven pa lang naman bigyan mo pa ako ng isang oras." nakiki-usap kong sabi sabay subsob sa mahabang unan.
"Teka nga, hindi puwede ten o'clock ang sayaw!"
"I know, I know. Sige na, babangon na ako. Pilit kong pinapaalala sa iyo kagabi puyat ako ikaw may kasalanan nito."
"Sorry na bebegirl nag-enjoy ka naman kagabi 'di ba?"
"Ewan ko sa iyo sige na,"
"Anong gagawin mo?" Napasinghap ako.
"Babangon na ako tapos maliligo, tapos magbibihis, tapos pupuntahan kita sa unit para dalhan ng almusal." walang gana kong sabi mula sa cellphone. Naiinis ako. Pinag-usapan na namin yan kagabi kailangan paulit-ulit.
"Bago mo gawin yan puwede ba pagbuksan mo muna ako ng pinto?"
Napabalikwas ako, "ANOOOOO?!?!"
"Huwag kang maingay dalian mo lalamig itong lugaw na niluto ni mama."
Dumapa ako, "Ay talaga? Anong sahog? May tokwa't baboy ba? masarap sana kung may suka--- ay teka, gagawa ako." hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
"Bago mo gawin yan baka puwede papasukin mo muna ako sa puso mo esteeee----sa unit mo."
Tumayo ako kahit nasa kabilang linya pa rin siya. Binuksan ko ang pinto bumungad kaagad sa akin ang amoy ng kanyang sabong pabango. He looks so cute and he was so adorable boy. Bagong paligo ito samatalang ako ay amoy laway pa galing sa pagkakatulog.
"Hindi ba na papagod laway mo?" Usisa niya sa akin.
"Laway?"
"Oo, tumutulo kasi laway mo." kinagat niya ang lower lip nito bago punasan kunwari ang labi ko na may tulo ng laway.
"Puwede na ba ako pumasok?"
"O-oo, ops!" napatakip ako sa bibig. Nakakahiya baka himatayin siya sa amoy ng bibig ko, "P-pasok." nakasimangot niya akong tinitingnan habang pumapasok sa loob.
"Mabaho ba ako?" inamoy ang sarili.
"Kulang pa ba ligo ko?" reklamo niya.
Todo iling kong sinagot, "Hindi! Sige na, dumiretso ka na sa kusina kabisado mo naman yan eh! GO!"
Natatawa akong naghahabol ng hininga dahil ang hirap pala takpan ang ilong at bibig na pigil na pigil na huwag maamoy ang hininga ko.
"Maligo ka na." sabi nito nang patungo na sa kusina. Pumasok muna ako ng kwarto para kunin ang tuwalya kaagad din lumabas para pumasok sa banyo.
Makalipas ang dalawang oras--- syempre, chos lang yun! Tatlong minuto lang naman. Mabilis pa dahil katok nang katok si Jeron hindi tuloy ako makapag-concentrate.
"Ohhhhhh ayan na po!" nakalabas na ako nang may humarang sa akin. Sa sobrang pagkabigla ko ay umatras ako pero di sinasadyang natapakan ko ang basahan. Lakas ng kalabog ng puso ko ng akala ko ay nakahiga na ko sa sahig. Syempre, hindi yun nangyari naging maagap si Jeron upang saluhin ako.
Ilang segundo yata kami nagtitigan bago siya magsalita.
"Naiihi na ako." nagmamadali itong pumasok ng banyo. Ako ay napa-sandal sa pader na parang may kilig na naramdaman.
Nagbihis ako ng isusuot namin para sa sayaw at umupo na rin para kainin ang Lugaw na dala nito. Mukhang ininit muli ni Jeron ito dahil sa umuusok-usok pa ang lugaw.
"Ang tagal mo sa banyo," reklamo nito.
"Pwede naman umuwi ka muna sa unit niyo para umihi 'di ba?" sabi ko. Sunod-sunod kong hinigop ang lugaw sa kutsara, "Ang sarap--- kumain ka na."
Tahimik siyang umupo at sinimulan ang pagkain ng lugaw.
"Last practice na natin baka magkalat tayo nito." natatawa niyang sabi.
"Thank you kay Mrs. Rivera dahil sa mga ibinigay niyang steps."
"Si mama pa ba dancer kaya 'yon." pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
"Oh, ayan ka na naman."
"Bakit mama tawag mo?"
"Mama naman talaga ano ba dapat?" Sarcastic niyang tanong.
"Dati kasi mommy tawag mo."
"Napansin mo pa yun? Well, mama talaga tawag ko sa kanya kapag tinotoyo lang ako tatawagin ko siyang mommy, may problema ba?"
"Mabuti ka pa nakakasama mo ang ang mama. Hay, si mommy kaya kailan ko makakasama kumain, matulog, at mamasyal?"
"Mukhang wala naman problema sa mommy mo."
"Mabait kung sa mabait kaso hindi yon ang inire-reklamo ko I miss her so much."  kagat ko ang lower lip.
"Next week open gate sila gusto mo samahan kita sa mommy at daddy mo."
"Wala sa bahay mga yon." Depensa ko.
"Ah sa office? Sige, game na game ako dyan para makita ko na rin si dad."
Namutla naman ako, "Uhmmmm..."
"Bakit may problema?"
"Bilisan mo riyan. Kape gusto mo?" alok ko.
"Sure! Alam mo na?"
"Ako pa ba?" Tumayo ako at pinag-timpla ng coffee.
"Kumusta kayo ni Claire?" Tanong ko matapos ko ibigay ang kape.
"Okay lang, bakit mo tinatanong?"
"Akala ko si Claire lang ang bruha sa University may mas malala pa pala sa kanya."
"Sino?"
"Iris? You know her right?"
"Bakit ginugulo ka ba? Sabihin mo lang lagot sila sa akin."
"Hindi pa naman pero naisip ko kung magiging boyfriend ko si Ferd baka hindi ako tantanan ni Iris."
Umupo ito ng tuwid sabay tumikhim.
"Kung ganoon, bakit papayag ka pa maging kayo?"
Wala akong maisip na tamang sagot ramdam ko kasi na anytime puwede ako magkamali ng isasagot.
"Gusto mo siya pero may isang Iris na hadlang pero kung sakali man maging kayo tiyak na hindi ka pababayaan ni Ferd." hinawakan niya kamay ko.
"At ako, nandito lang para sa iyo. Kung makita ko man na nasasaktan ka dahil sa kanya puwede mo kong lapitan."
Napa-isip ako kung bakit ang laki ng pinagbago ni Jeron. Hindi ko tuloy alam kung alin ang totoong Jeron. Iyong Jeron na gusto ako o yung Jeron na mahilig lang siya magbiro.
"Kung dati bubuntot-buntot ka pa sa akin, at umamin na gusto mo ko tapos ngayon bakit parang ikaw nagtutulak sa akin para kay Ferd? Alin ba ang totoong Jeron?"
"Ano ba sabi ko sa iyo dati titigilan kita kapag alam kong lumaki ka na." lumabas ang dimple niya kasabay sa pagkawala ng kanyang mga eyeball.
Ugh, intsik !
"Baliw, pero seryoso salamat ha? Thank you kahit ang sungit-sungit ko sa iyo at madalas na tinatarayan ka nandyan ka pa rin para sa akin na handa mong protektahan kapag nasasaktan ako."
"For you, I will. Ganoon talaga ang bestfriend 'di ba? Nandito lang kami sa tabi niyo, handa makinig---kahit masakit."
"Ha??" parang nag-isip pa siya ng isasagot.
"Tapusin na natin ito ang dami natin dialogue, may program pa mamaya para sa Mr. & Ms. Bloodstone."
"Aaminin ko mas kinakabahan ako para sa pageant kaysa sa sayaw natin." bulong ko.
"NANDITO LANG AKO."
                                            ***
"Goood morning Emerald!!!!!!"  masaya at may tuwang sabi ng adviser namin.
Dito gaganapin ang sayaw namin sa GYM. Kahit maraming tao ay hindi ko magawang kabahan. Sa tuwing hinahanawakan ni Jeron ang kamay ko at sasabayan pa niya ng ngiti ay parang lumalakas ang loob kong gawin itong kasama siya. Happy kami dahil pareho kaming masaya. Not yet, pero mas magiging masaya kami kung mismong sumasayaw na kami na maraming nanunuod na tao. Iyong lahat sila tahimik na nanunuod at sa amin lang ang kanilang atensyon.
Sobrang ingay ng ibang sections. Sabi pa sa akin ni Jeron mas sikat ang Emerald Section. Inaabangan ang bawat projects nito. Masayang maituturing na napa-bilang ako sa section na ito pero para sa akin kinilala ang Emerald dahil nandito na lahat ng gwapo at matatalino.
Tatlong grupo ang natapos bago umakyat sa stage sina Ferd at Claire. Maganda ang gayak nang kanilang suot na pang-ballroom. Suot ni Claire ang white dress na fit sa kanya na hanggang tuhod lamang habang si Ferd suot niya ang fitted shirt na naka-paragan sa kanya na kulay itim. Kaagad ako nakaramdam ng hiya kaya tiningnan ko ang suot namin ni Jeron. Black and Red ang combination na suot kong dress habang lutang na lutang ang ka-gwapuhan ni Jeron sa suot niyang black fitted shirt na naka-paragan sa pants niyang kulay pula. Elegante kung titingnan pero parang nakaramdaman ako ng kaba dahil baka ihantulad nila kami kina Claire at Ferd.
Naputol ang iniisip ko ng marinig ang tugtog na The will of the wind.
Sa unang stanza pa lang ay hiyawan ang mga tao. Hiyawan ang mga Fans ni Ferd plus ang mga boys na nagkakagusto kay Claire. Seryoso lamang ang dalawa habang dinarama ang sayaw tugtugin.
Nag-cross-arm ako.
"Kinakabahan ka?" bulong ni Jeron. Sasagot pa lamang ako ng hawakan niya ko sa braso.
"Hindi-----" kasi nandyan ka sa tabi ko kaya walang kaba akong nararamdaman.
"Ang galing nila pupusta akong mas magaling pa rin tayo." desidido niyang sabi. Naiiling na lamang ako dahil sa kabila nito ay nakukuha pa niyang magbiro.
Hindi ko inalis ang tingin kay Ferd mula sa una at huling sayaw nila. May sinabi si Jeron kaso hindi ko naman maunawaan dahil sa lakas ng hiyawan ng mga estudyante. Naramdaman ko na lang may humawak sa palad ko.
"Hi sweetheart." lutang pa rin ang ka-gwapuhan niya kahit pawis na pawis ito. Kinuha ko ang bimpo sa bag para punasan siya.
"Pawis na pawis ka huwag ka magpatuyo ng pawis para hindi magkasakit ha?"
"Ahh, ang sweet naman ng sweetheart ko mas na iinlove ako kapag ganyan ka." Nang gigil na naman sa mukha ko.
"Sira ka talaga, congrats ang galing mo." Lumingon ako kay Jeron kausap na pala niya si Claire bitch. May pahaplos-haplos pa sa tiyan ni Jeron. Hindi ko naiwasan pagtaasan sila ng kilay sa pagiging PDA nila.
"Good luck sweetheart panunuorin kita."
"Thank you." nahihiya kong sabi.
"Kung pwede lang isigaw na girlfriend kita gagawin ko kaso hindi naman pala tayo."
"Marinig ko lang ang boses mo mamaya mawawala na ang kaba ko." kahit hindi talaga ako kinakabahan.
Natapos na ang isang group kaya susunod na kami.
"Good luck sweetheart." cheer sa akin ni Ferd.
"FIGHTING ~ FIGHTING !" Sigaw ko para pampalakas muli ng loob.
Nilingon ko si Jeron upang tawagin na siya kaya lang ang panget nang na sight ko. Ang sakit sa mata na halikan ni Claire si Jeron sa labi. Kaagad akong umiwas ng tingin ng mapansin ni Jeron na nakatingin ako sa ginagawa nila pero bago ko umalis may humila muna sa akin para halikan ako sa pisngi ko. Totoo pala yung parang may paru-paro sa tiyan? Tapos parang na tatae ka lang parang ganoon? Ayiiiieeeee---
"Jeron," hindi na niya kasama si Claire ngunit hindi maipinta ang mukha.
Nag-nod kami sa isa't-isa at umakyat ng stage.  Ang hiyawan kina Ferd at Claire ay na talo ng mga fans ni Jeron. Nakita ko  ang MATH may dala silang banner na nakalagay ay GO JERKELL ~ GO ! GO!
Jerkell?
Sino si Jerkell?
"JERKELL means Jeron and Kelly." bulong niya sa akin.
"Pinagsama ang name natin ang cute naman."
Hawak kamay kami ni Jeron at doon nagsimula patugtugin ang Versace of the floor.
Hindi ko maiwasan na mangiti habang sumasayaw na nakatingin sa kanya. Alam niyo yung feeling na slowmo ang buong paligid? Tila nagiging kabisado ng aking katawan ang galaw at awitin ng sayaw. Namamagnet ng mga mata niya ang isipan ko. Parang sinasabi nito na 'Hindi mo kailangan isipin kung ano ang nakikita ng ibang tao ang mahalaga kasama kita. Nagsasayaw na may kasamang puso.' Kakaiba rin ang kanyang mga ngiti. Sa tuwing magtatama ang aming mga mata hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding ligaya. Ano bang kakaiba itong nararamdaman ko? Masyado nga lang ba ko nadadala sa tugtugin kaya ganito? Bakit parang may iba akong nakikita sa kanya na ngayon ko lang nakita?
Umikot ako bago niya sinalo nagawa kong lumunok dahil sa ginagawa niyang paninitig.
"Napaka-ganda mo Kelly ibang-iba ka sa lahat ng nakilala ko at mas maganda talaga kung wala kang contact lense dahil nagingibabaw ang iyong ganda."
Hindi ko pansin na tapos na pala kami sumayaw. Hiyawan at kilig ang nakita ko sa mga estudyante. Lumapit kaagad ang MATH at niyakap kaming dalawa.
"Oh my gosh! Bagay na bagay kayong dalawa." kinikilig na sabi ni Thelma.
"Grabeee, sana sa Mr. & Ms Bloodstone kayo ang manalo." yakap ni Hanna ang pompoms.
"Salamat sa inyo MATH." sabay sabi namin ni Jeron.
Nagkakahiyaan pa kami no'ng dumating sina Ferd at Claire.
"Congratulations babe ang galing mo mas maganda siguro kung ako ang ka-partner mo." nagmayabang na naman si Claire. Pabida na naman kapatid niya siguro si Jollibee, masyadong pa-bida.
"Sweetheart?" Parang nahihiya pa si Ferd na kausapin ako, "Ang galing niyo ni Jeron. The best, feeling ko kayo na ang mananalo." nahihiya nitong sabi.
"Magaling din kayo." Pagtatama ko.
"Sus, pabebe." Bulong ni Claire akala naman niya papansinin ko siya.
Ganda mo! Inggit ka lang ,etchuserang FROG!
"Babe, I think you can rest na kasi after nito mag-uumpisa na ang program." ang malanding Claire.
"Ikaw din, mag rest ka na." malambing na sabi ni Bebeboy kay Malanding Claire.
"Tama mag-rest ka na yung tipong wala ng gisingan, rest in peace na lang sa iyo." Ops, sorry! Ibubulong ko nga lang sana bakit bigla kong nalakasan?
Nakita ko ang pagtawa ni Ferd habang si Malanding Claire yumakap sa braso ni Jeron na nagsusumbong pa.
"Babe ohhh -- nag-umpisa na naman si Kelly hindi ko inaano, eh."
Ang landi talaga kung batas lang dito sa Pilipinas ang malayang pumatay baka siya ang uunahin kong patayin saksakan ng landi, eh.
"I think you can rest na rin talaga kung anu-ano na naririnig mo, ikaw din matatalo ka sa pageant."
Narinig ni Jeron yun 'di ba? Bakit parang kinampihan niya ko? Kung sa bagay, sabi niya ay pro-protektahan niya ako baka heto na yung sinasabi niya.
"Hindi ako makakapayag na matalo nang ganoon-ganoon lang lalo na kung mas lamang ako ng ganda sa isa riyan."
"Okay, alright tara na." tumatawa si Jeron nang akbayan siya paalis sa pwesto namin. Binelatan niya ko ng dila bilang pang-aasar sa akin. As if naman maaasar niya ko. Itinaas ko ang kamay at itinapat sa mukha sumenyas ako ng 'You can see me', at sabay pagpag sa balikat ko. Signature style ni John Cena yun. Ang sarap asarin lalo ngayon pulang-pula na siya sa inis. Hilig mang-asar ah? Pero siya yung pikon. Pathetic!
"Hey, stop na nag-aaway na naman kayo." Awat ni Ferd.
"Ms. Kelly, mas maganda ka roon at tiyak kayo na rin ang mananalo ni Jeron sa pageant." Ani Thelma.
Tumingin kaming lahat kay Ferd baka kasi sumama loob niya dahil walang may gusto for him. Sa totoo lang Team Jerkell kasi ang MATH. Nag-peace sign na lang ang apat sa amin bago umalis at iwan kami.
"May  gusto ang mga iyon kay Jeron kunwari pa natutuwa sa inyong dalawa ni Jeron." satsat nitp.
"I think, mababait sila," Pagtatanggol ko.
"Oh, tibgnan mo nga pinagtanggol mo pa ang Team Jerkell, ah, sige hahanap ako ng mga Team Ferlly."
"Ibig sabihin ba nun ay yung pangalan natin?"
"Yup, FERLLY." Ngiting-ngiti niyang sabi.
"Nice," Nag-umpisa na kami maglakad upang ayusin ang susuotin namin na damit para ipakilala ang mga Contestant ng Pageant.
Na ikwento niya sa akin about sa na pag-usapan nila ni Iris noong nakaraan. Ilang araw ko kasi hindi nakita si Ferd dahil may meeting sila ni Jeron sa PTA Hall o Guidance. Nagkakaroon lang naman ng oras si Jeron para sa practice namin kaya ang dami niyang sakripisyo rito. At kung sakali man na kami ang manalo ay ipapaubaya ko sa kanya ang lahat ng ito.
"Good Day, Bloodstone! Ready na ba kayo makilala ang mga Ten Candidates?!" Sigaw ng emcee sa stage.
Halos hiyawan ang mga tao na may hawak na banner. Kabilang na nga rito ang bawat section ng fourth year. Kinakabahan man ay nanatili pa rin akong kalmado.
"Hindi ko na patatagalin ang bawat eksenang ito. Our Ten candidates! Palakpakan na may kasamang hiyawan!" dagungdong ang kabuuan ng Gymnasium. Halos hindi mo makilala ang mga taong nanunuod dahil sa dami ng tao.
Lumabas ang ibang section, at dahil panghuli kami ay panay pakawala ko ng hangin. Pilit pinakakalma ang sarili na sana maging okay ang umpisa ko sa pag-rampa.
"THE SECTION PEARL is here and ready!" unang pinakilala ng emcee. Rumampa ang Representative ng Section Pearl.
"THE SECTION RUBY is here too, in default!" halos magunaw ang mundong ko dahil sa matitinding sigawan. Maganda at gwapo nga ang section nila, may laban ang mga ito.
"THE SECTION SAPPHIRE, also opposed to the fight!" Rumampa ang mga ito na may confident sa sarili. Kahit paano ay may ibubuga ito.
"And the last section, not only beautiful but ahead of being smart, no other than SECTION EMERALD!"
Sabay kaming lumabas ni Ferd mula sa back stage habang nasa kabilang side naman sina Jeron at Claire na rumarampa na rin. Unang naglakad ako patungong unahan hanggang sa sundan ako ni Ferd, Claire at ang huli ay si Jeron.
Tila nabibingi ako sa mga hiyawan ng mga tao. Iba kasi ang impact nung kami na ang nasa itaas ng stage. May humihiyaw, nagkakalampagan ng upuan, at kung anu-ano pa. Hindi mo maiisip na galing sila sa maayos at striktong University. Matapos nun ay sabay-sabay kaming apat rumampa na may free style in short kanya-kanya kami ng post. Dinig na dinig ko kung paano nakakabingi ang tilian ng mga babae habang kumakaway si Ferd sa mga ito. Mayroon akong narinig isinisigaw na FERLLY ! FERLLY ! FERLLY!
HETO SIGURO SINASABI NI FERD NA HAHANAP SIYA NG MGA FANATIC'S NAMIN.
Sa kabilang banda, hindi ko mawari kung contest pa ba ito o live show na. Nakakadiri kasi ginagawa ni Claire kay Jeron. Biruin mo gusto uata halikan si Jeron parang balewala lang ito sa mga nanunuod dahil mas kilig na kilig sila sa kanilang nasasaksihan.
"Yan ang pinanghahawakan nila kung bakit sila palagi ang panalo." bulong sa akin ni Ferd.
So alam ko na, strategy nila na manlinlang ng mga tao para masabing okay pa sila at para mahatak nila ang fanatics ng Team JeClaire. Ang baduy!
Nagpalitan naman kami ngayon ng partner. Kung kanina si Ferd ang kasama ko rumampa ngayon ay si Jeron na. Una kong nahagilap ang MATH dahil na pukaw kaagad ng aking magagandang mata ang hawak nilang banner na nakalagay na Team Jerkell. Sumandal ako sa gilid ni Jeron at siya naman ay humawak sa bewang ko. Habang nagpapakitang gilas kami bigla naman sumingit ang impaktang babae. Gumitna siya sa pwesto namin at ginawa niya ay ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ni Jeron. Habang si Ferd buong ngiting nakatingin sa mga audience na nakahawak sa balakang ko. Iyon ang finale, este ang finale pala ang strategy ng dalawang kasama namin. Ang maghalikan sa harap ng maraming tao. 'Di ko naiwasan tumaas ang kilay sa ginawa nilang nakakadiring paraan. Akala ko hindi ako makaka-get over sa hiyawan at kilig ng mga tao. Sa isang halik lang pala ako hindi makakamove-on. Tssk,
Lahat kami muling nagsama-sama nandito na ang ibang sections habang nagpla-flying kiss sa ibang judges. Taas na naman  ang kilay ko dahil kung ako ang gagawin judge hindi ko ipapanalo ang mga sipsip lalong-lalo na ang gaya ni Claire.
"Open na ang pagboto online I-Like niyo lang ang official fan page ng ating University then like lang din ang photos ng mga kalahok. Paramihan ito ng LIKES, COMMENTS, AND SHARES. Mahalaga po ang bawat boto sa online dahil ang kalahati ng boto nila ay magbibigay sa inyo ng pagkakataong manalo. Sa pangalawang categories, may chance pa naman kayong makahabol sa mga matataas ang like. Chance niyo nang gumawa ng flyers ng upang makilala kayo ng mga estudyante sa buong campus. May isang linggo para humingi ng simpatya ng mga tao, walang mandadaya, at walang siraan dahil ang lumabag,  automatically kick out sa pageant. Well, good luck  ten Candidates and be ready on next week for talent portion and coronation night. Have a good day everyone."
Hindi ko inaasahan maraming lumapit sa akin upang magpa-picture at yumakap. Iboboto raw nila ako for Ms Bloodstone. Nakakatuwa lang isipin na hindi pa man nila nakikita ang talent ko ay boto na kaagad sila sa akin at nangunguna nga rito ang MATH sa paghatak ng mga suporta namin ni Jeron.
Matapos ang event ay dumiretso ako sa locker. Hindi ko na kasabay sina Jeron at Ferd dahil may meeting pa ang mga ito. Pagkasara ko ng locker ay bumungad sa akin si Ivan, at isang himala ito dahil lumapit ito na may kusa. Of course, kasama niya ang dati kong bestfriend na ngayon ay best enemy na.
"Puwede ba tayo mag-usap?" Nakangiti niyang tanong. Naisip ko, minsan na pala akong na baliw sa manloloko na ito. Iyong minsan ko nang iniyakan.
"At ano naman pag-uusapan natin?" Sarcastic kong tanong.
"About me and you," kapal, may nalalaman pang Me and You !
"Sorry, wala na tayo 'di ba? Ano pa ba ang inaarte-arte mo riyan? Aalis na ako." Pilit niya akong ikinulong sa bisig niya.
"Bitawan mo ako!" utos ko.
"Hindi, ayoko. Please, makipag-usap ka lang. Alam mo ba na nagsisisi na ako sa lahat ng panloloko ko sa iyo?" kingina this, ang kapal ng mukha ah? Tapos walang pake lang itong si Denise habang nagmamakaawa sa akin ang boyfriend niya.
Humiwalay ako, "Talaga? Good, magdusa ka ngayon."
"Please, mahal pa rin kita I'm sorry..." natawa ako sa pinagsasabi niya pero  mas nakakatawa yata ang reaksyon ni Denise ng narinig yun. Ibig-ibig nitong manakit ngunit parang may pumipigil sa kanya na huwag gawin ito.
"Parang natutupad nang unti-onti ang sinumpa ko sa inyo noon natatandaan mo pa ba na balang araw ikaw naman ang magmamakaawa, at kapag nakamove-on na kayo saka ka iiyak sa harap ko. This is the right time na tinatawanan kita dahil wala na akong maramdaman para sa iyo."
"Pakiusap...." Lumuhod sa harapan ko.
"Ivan, puwede ba tama na hinayaan na nga kita magmakaawa sa kanya tapos gagawin mo pa lumuhod mismo sa harapan niya." satsat ni Denise.
"Alam mo naman 'di ba na mas mahal ko si Kelly?" umiiyak nitong sumbat kay Denise.
"Manahimik ka, ako ang mahal mo, ako lang."
"Bakit ba sinundan niyo pa ko rito? Hindi pa ba kayo masaya dahil nasaktan at na loko niyo ako?"
"Sorry, bestfriend." Ngayon naman parang iiyak si Denise.
"Simula nang mawalan ako ng boyfriend nawalan na rin ako ng bestfriend kaya don't call me bestfriend dahil hindi ako sanay makipag plastikan!"
Mga buwisit sila! Ugh, hindi na ako naghahangad na gantihan sila sa ginawa nila sa akin. Ipinauubaya ko na lang ang matinding karmang darating sa kanilang relasyon. Bilog ang mundo kung ngayon masaya pa sila pero sa mga susunod na araw, buwan, at taon mawawala na ang lahat ng feelings nila sa isa't-isa pero ngayon, naiinis pa ko. Ugh!
"NAKAKA HIGH BLOOD! BUWISIT! HOO RELAX KELLY! RELAX." Padabog kong inihagis ang bag sa plant box. Dito na muna ako habang wala pang klase baka makita ko sila sa room lalo lang masira ang ulo ko sa kanila.
"Sino ba kaaway mo riyan?"

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata