**KELLY'S POINT OF VIEW** MAGHAPON kong pinanuod ang video ni Jeron. Nakakatawa talaga ang tulad niyang guwapo tapos babanat ng ganoong kanta. Marahil panlaban niya 'yon sa mga kababaihan dito sa school. Makalaglag panty ang ginawa niyang performance. Mahirap yata maging girlfriend ng gaya nilang sikat dito sa echool. Siguro araw-araw ka may pagseselosan na mga fan girls. Paano na nga lang kung maging kami ni Ferd? Makakatanggap ako ng death treat tapos katakot-takot na pamimintas sa mga girlalo. Keri kaya 'yon? parang hindi yata baka mapilitan pa ko lumipat ng ibang school kung saka-sakali. Katulad nang katabi ko ngayon, bakit sa akin pa tumabi ang mga traydor puwede naman sila 'don sa likod 'di ba? Anong balak ng mga ito? Baka sasaktan na naman nila ang damdamin ko. "Everyone, hawak ko na ang top natin for this grading." ikinabit ni ma'am sa blackboard ang isang pink cartolina. Nakatanggap ako nang mensahe mula kay kuya mamaya ko na lang siguro titingnan kung kanino kina Jeron at Ferd ang mas umangat. "Wow, ang galing niya!" someone shouted from my back. "Siya pa rin ang top one natin." someone commented. Pagkatapos ko basahin at replayan si kuya ay hinagilap ko kaagad ang cartolina pero wala na ito sa blackboard. "Congratulations." bulong ni Ivan sa akin. Problema nito? Papampam lang puwes,akala niya papansinin ko siya baka nakakalimutan niyang may atraso pa sila ng Denise na 'yan. "Congrats, ikaw na naman ang top one." masayang bati ni Ferd. "Ha?" "Top 1 ka, bebegirl." masayang dugtong ni Jeron. "Ako ba? Di nga? Ako na naman?" Joke time na naman ba ito? "Mz Pascual, inaasahan ko na ito kaya mas mainam kung mula noon and last grading ay ikaw pa rin ang mangunguna." bati sa akin ni ma'am habang ikinakabit ang cartolina sa gilid ng blackboard. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakasulat sa Cartolina. Top 5 1. Kelly Pascual 2. Jeron Cortez 3. Ferd Cruz 4. Claire Hans 5. Felix Jones I can't believe this, ako pa rin ang nasa top. Bakit parang walang kahirap-hirap sa akin ang lahat ng pinag-aralan namin? Kung tutuusin, may isang project kami ni Jeron na hindi nagawa tapos ako pa ang top one sa third grading. Hindi pa rin pumapasok sa utak kong sabaw ang nangyari, gayong hindi naman ako gaano nag-aaral ng puspusan. "Extended tayo ng two hours." Maikling wika ni ma'am. Ang lahat ay nagka-ingay at tila nais magreklamo. "Bakit po?" tumingin si Jeron sa relo, "Alas sais na." "May two pages pa tayong hinahabol na dapat matapos kaya mga eight pm na tayo uuwi." "Napapagod na ako." bulong ko. "Eto, oh." Inabutan ako ni Jeron ng chocolate, "Para may energy ka pa." "S-salamat." Kumain kaagad ako, "Gusto mo?" Tanong ko naman. "Sige." ang kaso niyan mas marami pa siyang na kain kaysa sa akin. Binigay pa, kung siya rin pala ang makaka-ubos. KAKAIBA! SAKTONG ALAS SYETE NG GABI NANG BIGLANG----- Waaaaaah block out! Maaaaaammm .... "Hoy, buksan ninyo bintana!" "Maaaam, I can't breathe! Maaaam~" "Hoy! Sino nang batok sa akin?! T*ngina malaman ko lang kung sino." "Omg! Where's my bag! nandoon ang phone ko!" "Magsitigil nga kayo babalik din ang liwanag." Kalmadong satsat ni ma'am. At dahil masyadong madilim walang nagtangka magbukas ng bintana. Hinahanap ko ang aking bag dahil hindi ko matandaan kung saan ko ito inilagay. Hindi pa naman ako sana'y sa madilim na lugar. Baka mamaya nito ay mawalan na ko ng malay. Ipinikit ko na lang ang mata, iisipin ko na lang na natutulog lang ako nang biglang may naramdaman akong dumampi sa aking labi. Iyong lambot at amoy ng labing humalik sa akin ay hindi ko maitatangging malambot at mabango pero kahit anong tutol ko na dapat akong magalit ay hindi ko magawa dahil mahirap manisi ng ibang tao na wala akong ideya kung sino may sala. Naunang bumukas ang ilaw at sunod-sunod ang ibang appliances sa loob ng kuwarto. Tulala pa rin akong nakatingin sa blackboard. "May ilaw na." sabi ng kung sino. Nakita ko si Ferd na nakatingin sa akin habang nakangiti. "Okay ka lang ba Kelly?" nag-aalala niyang tanong. "Oo." pinagmasdan ko ang kanyang mukha baka sakaling siya ang gumawa ngunit wala akong makitang patunay na siya ang may kasalanan. Napatingin ako kina Ivan at Denise na ngayon ay naglalampungan. I swear, hindi nakakakilig ang ginagawa nila kung hindi nakakasuka dito pa nila napiling mag-landian. Iniwasan kong huwag silang intindihin dahil baka masira lang ang buong gabi ko. Hindi sinasadya na nakita ko si Jeron, abala ang kanyang mata sa kakatitig kay Claire na ngayon ay abalang nakikipag-usap kay Ferd. Hulaan ko nagseselos 'yan tingin pa lang alam kong nasasaktan siya kapag may ibang lalaking kasama si Claire. Kunwari pa siya, alam ko naman na may feelings pa rito ayaw pa kasi aminin. Maganda si Claire, at sino ba hindi magkakagusto sa tulad niyang maganda na matalino pa. Nakataas ang kilay nito nang tingnan ako, "Bakit?" Todo iling ako nang tignan sina Ferd na ngayon ay nakatingin sa amin ni Jeron. Nahihiya ako dahil silang tatlo ay nakatingin sa akin. Ano ba mga problema ng mga ito? "Ms. Top, okay ka lang ba? Bakit namumula yang mukha mo? Huwag mo sabihin natakot ka sa dilim? Oh my gosh." inirapan ko na lang ito bago ibalik ang tingin kay Jeron. Todo ngiti ang loko batural na ngumiti siya kasi inaasar na naman ako ng love niyang si Claire. Magsama pa kayo. Tumayo si Ferd. Ang akala ko ay lalabas ito pero lumapit sa akin upang kunin sa lapag ang bag ko hinawakan niya ang kamay ko bago ngumiti. "Okay ka lang ba?" nakakalusaw ang kanyang tingin at nakaka praning ang kanyang ngiti. "O-oo naman." "Here," inabot ang bag. "Sa susunod na mawalan ulit ng liwanag tatabihan kita para walang maglakas loob na pagsamantalahan ka." ang talim ng titig nito kay Jeron. Tumingin din ako rito may kung anong nakita akong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin kay Claire. Baka naman yong ngiti na 'yon ay isang kilig dahil kaharap niya si Claire. Ayoko mag-assume na siya ang gumawa 'nun pero batay lang sa sinabi ni Ferd ay parang siya nga ang tinutukoy nitong lumapastangan sa labi ko. Iyon nga lang matagal kong makakalimutan ito siya kaya ang first kiss ko malaman ko lang kung sino. "Sarap." Bulaslas ni Jeron dahilan upang tingnan ko siya na may halong kaba. Napasalo ako sa aking dibdib nang makitang may nakapasak na lollipop sa bibig nito. Akala ko siya 'yong---- hindi! No! Hindi puwede 'yon, ba't niya gagawin 'yon? Sige nga? "Gusto mo?" nakangiti niyang abot. "Nakatingin ka kasi baka kako gusto mo." "Balak mo talagang ibigay sa akin 'yang nalawayan mo na?" sayang siya, ang guwapo pa naman pero may pagka-dirt-dirt. "Ang sarap talaga, whoooooo!!" lahat kami na nandito ay nakatulala sa kanya. Parang timang! Abnormal na surot ito! "SORRY PO." Tumayo siya para humingi ng paumanhin sa lahat. Kakamot-kamot sa kanyang batok nang umupo muli. Pagpatak ng alas otso ay nagpaalam na kaming lahat upang bumalik sa kanya-kayang unit. Naiwan kami ni Jeron dahil inayos namin ang mga upuan. "Kelly-Kelly, dumiretso na tayo sa canteen." aya nito nang palabas na kami sa room. "Sorry, pero nag-promise ako kay Ferd na sabay kami kakain." Nakasimangot itong umalis at hindi na nagsalita pa. Sobra naman ang pagiging over acting niya ngayon. Kanina lang ang saya-saya tapos ngayon may pa-emote-emote pang nalalaman. *** "Kelly, gutom ka na?" Ani Ferd. "Oo, kanina pa." "Ako na ang taya rito." Hindi na lang din ako kumibo. Iniisip ko kasi kung sino sa kanila ang lapastangan humalik sa virgin lip ko, at kung malaman ko lang ay humanda siya. Tubuan sana ng maraming tigyawat ang hinayupak na gumawa nu'n. Kung si Ivan, hindi ko pinayagan na halikan ako noong kami pa tapos may isang lalaki na pagsasamantalahan ang kahinaan ko. Pero kung si Ferd ang gumawa no'n ay walang kaso dahil crush ko naman siya. At kung si Jeron, aba, baka mapatay ko siya nang wala sa oras. Matagal kong alam na may gusto sa akin si Ferd pero kung si Jeron lang din ang pag-uusapan ewan ko lang kung dapat ba paniwalaan baka madala ako sa mga biro niyang palagi ina-araw-araw. Justice, please. "Dapat ipagdiwang natin ang pagiging consistent top mo, sweetheart." Nagulantang ako sa sinabi niya, "Kung maka-sweetheart ka, ah." "Syempre, sweet ka at sa iyo na rin heart ko----tingin ko matamis 'yan." Ngumuso sa labi ko. Omg! Ferd, ikaw ba ang humalik sa akin?! "May tanong ako kanina nawalan ng kuryente." tumigil siya sa pag-nguya ng pagkain, "Anong ginawa mo nang time na 'yon?" "Hinahanap ka, I mean, iniisip ko kung okay ka lang hindi kasi kita makita 'di ba?" sumilay sa akin ang maputi niyang ngipin. "Ah okay." Sumimangot na lang ako sa maganda niyang sagot, "May itatanong pa sana ako sa iyo." nagulat siya nang muli ako magsalita, "May first kiss ka na ba?" Nagtama ang mga mata namin naghihintay lang ako ng sagot niya nang bigyan ako ng nakaka-insultong ngiti. "Kapag ba sinabi kong mayroom na bawas point na ba 'yon sa iyo?" "Ah, hindi naman." nawalan ako ng sasabihin at para hindi na rin sya ma-turn-off. "Yeap, may first kiss ako pero hindi lang first, may second, third pa and etc.," "At si Iris 'yon?" Sarcastic kong tanong. "Ah oo, ganoon na nga." "You mean si Iris lang ang naging ex-girlfriend mo?" paniniguro ko. "Siya lang wala nang iba at kung saka-sakali, ikaw ang second and last girlfriend ko." Sabay kindat nito. Parang nawalan ako ng tubig sa katawan kaya nagawa kong ubusin ang inumin. Humalakhak ito kasabay ng paghawak sa aking kamay. Huwag sana nito mapansin na nanginginig ang kamay ko dahil kung hindi---NAKAKAHIYA baka isipin niya masyado akong patay na patay sa kanya. "Relax..."bulong nito, "Ako naman magtatanong may first kiss ka na ba?" Ngumiti ako, "Wala pa nga, eh." Yumuko ako sa hiya. "Talaga?" Niyugyog pa kamay ko para lang tumingin sa kanya, "Akala ko ba may naging boyfriend ka at si Ivan 'yon 'di ba? Ibig sabihin, hindi ka man lang niya hinalikan noong kayo pa?" "NEVER and I don't care about that. At least walang nawala sa akin." natatawa kong sabi. "Tama ka. Matalino ka nga dahil sa panahon ngayon karamihan sa kababaihan ibinibigay kaagad 'yong bagay na dapat sa magiging asawa nila. Katulad ng kiss, noong panahon pa ng mga lolo at lola natin ni-kiss o hawak sa kamay hindi nila magawa." "Tama, iba na rin siguro ngayon ang kabataan na gaya natin mapupusok na at hindi iniisip kung ano maaaring mangyari kapag nasa sitwasyon na sila." "Hindi mo naman kailangan gayahin ang panahon nila. Maaari nga nasa modernong panahon na tayo, at maaari ka pa rin makapag-isip ng maayos. Kahanga-hanga ka dahil napangalagaan mo ang iyong sarili." "Ang swerte ng magiging boyfriend ko kung sakali." "Sounds good." Napagmasdan ko ang adams apple niya na nagtaas baba sa paglunok. "Very good." "Feel good," "Morning good?" Sabi ko kaya nagtawanan kaming dalawa. Wala na kong maisip na may good sa huli. Naturingan nga kong TOP 1 pero tatanga-tanga kung minsan. Hahatid na sana niya ako sa building kaso nagrequest akong kung puwede magpahangin muna kami. Binigyan niya ko ng idea na maganda raw tumambay sa oval dahil makikita doon ang maraming bituin sa langit. Kahit minsan din weirdo ang isang ito masarap naman siyang kasama. Iniwan muna niya ko sa oval tanging mga ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag at ang mga bituin at buwan. Pagkabalik niya may dala na itong sapin, at mahiga raw kami para mas kitang-kita ang buong kalawakan. "Madalas ka ba rito?" "Opo." "Maka- opo ka naman mas matanda ka pa yata sa akin." Sarcastic kong wika. "Isang taon lang po agwat natin." "Okay, ganon din naman 'yon mas matanda ka pa rin." "Oo na, sige na." Tapos nag-buntong hininga ito. Ilang minuto kaming natahimik at marahil pinapakiramdaman kung sino unang magsasalita. "Inaantok ka na ba?" Sabay kaming tumawa, dahilan para umalingawngaw ang tawanan namin sa oval. "Hindi pa ako inaantok." Sagot niya. "Ako rin." Tumigilid ako nang paghiga, "Mag-kuwento ka naman tungkol sa mga magulang mo." Tumingin lang saglit tapos sa langit ulit nag focus, "Pang-ilan kang anak?" Patuloy ko. "Nag-iisa lang ako. Ahh ~ hindi," kunot noo akong nakatitig sa kanya. "Hindi ko gets," reklamo ko. "Ang totoo hindi nila ako totoong anak." "Ampon ka?" gulat na gulat kong tanong. "Hindi rin," hindi siya tumitingin sa akin, "Mommy ko ang kapatid ni mommy ko ngayon." "Ibig sabihin aunti mo yong kinikilala mong mommy. Anong dahilan bakit nasa kanya ka?" Napansin kong kumuot ang noo niya kaya ako na lang din ang tumigil sa pagtanong baka hindi nya talaga bet na mag-kwento lalo kung tungkol sa kanyang buong pagkatao. Para hindi ako magtanong pinagmasdan ko na lang ang gwapo niyang mukha. May pagkaka pareho sila ni Jeron 'yon ay ang pagiging gwapo at....yummy! Oo, yummy sila, ewan ko lang kung may abs itong si Ferd 'yong kay Jeron kasi napansin ko na 'yon minsan. "Walang kuwenta kasi ang totoo kong mommy." "Ha?" sumilip sa akin sabay balik muli sa pagtanaw ng mga bituin. "Si Tita Emy ang panganay sa kanilang magkakapatid habang ang mommy Fely naman ang bunso. Bata pa lang nang mabuntis si Mom Fely kaya dahil wala pang alam ibinigay niya ko kina Tita Emy." "Naging bukas naman sila sa akin tungkol doon. Wala silang itinago kahit ano. Lahat-lahat alam ko na at kahit ang totoo kong daddy kilala ko rin." paliwanag pa nito. Hindi siguro na kontento kaya humarap na rin siya gaya ng higa ko. "Bakit mo sinasabi sa akin yan? Akala ko aware ka tungkol diyan kaya tumahimik na lang ako kanina." bulaslas ko. Ngumiti siya kasabay ng paghimas sa pisngi ko, "Pinagkakatiwala kita Kelly, matalino kang tao at mabuti. Hindi ako natatakot kung malaman mo man ang totoo." Natahimik kami pareho habang pinagmamasdan ang mukha. "Ang swerte mo dahil kahit hindi mo sila tunay na magulang naging maayos naman ang buhay mo at hindi ka nila pinabayaan." "Totoo yan." "Pero bakit dito ka tumutuloy? Ang alam ko required lang ang patuluyin sa boarding ang walang time ang magulang o yong malayo talaga ang bahay." "Kagustuhan ko na rin 'yon. Gusto ko kasi maging independent. Hindi habang buhay may makakasama ako." "Mali ka riyan, may makakasama ka sa panghabang-buhay. Ang magiging asawa't-anak mo." "Matagal pa naman yon." Pinagmasdan na naman niya ako. Nakaka-ilang, nakaka-inlove, bakaka-inis. Basta, nakaka-baliw ang titig niya sa akin. Palapit nang palapit ang mukha niya. Balak niyang halikan ang labi ko. Teka, papayag ba ako o papayag? Puwede ba both? Napapikit na lang ako dahil sa hiyang nadarama. Handa ko na siyang saluhin sa halik niya nang marinig kong tumatawa siya. "Anong nakakatawa?" Naiinis kong tanong. "Masyado yata tayong mabilis hindi pa naman tayo kaya bakit kita hahalikan siguro kapag sinagot mo na ako." marahan akong tumango. "Pero ang tanong, sasagutin mo kaya ako? Gusto mo rin ba ako?" Diretsa niyang tanong. Kumakalabog ang puso ko habang seryoso niyang tinitingnan ang mukha ko. "O-okay lang," kinakabahan kong sabi. "Anong okay lang? Ang labo mo." "Okay lang kung gusto kita ganoon ang ibig ko." Kunwari kong sinabi baka kasi magtampo. "Kung may takot ka na baka maging tayo kaagad. Puwes, hindi rin puwede dahil ayoko ng ganitong eksena. Gusto ko kapag sinagot mo ako maraming taong saksi para maipagsigawan ko sa lahat na AKIN KA LANG AT WALA PUWEDENG UMAGAW SA aiYO." "Kikiligin na ba ako?" natatawa kong tanong. "Bahala ka, maganda ka naman kaya may karapatan kang kiligin." "Ah ganoon? So kapag panget walang karapatan?" "Hindi naman, qng ibig ko lang sabihin ay iyong siguraduhin nilang sila ang pinakikilig nang nagugustuhan nila dahil baka mapahiya lang sila." Tawanan kami ng malakas. Nakakatuwa siyang kasama. Pinatatawa niya ko kahit anong bigat na problema ang dumating. Parang si Jeron lang, kung minsan ang hirap intindihin ang ugali niya pero nagagawa niya kong patawanin. Salamat sa dalawang ito dahil magiging maganda ang High school Life ko. Hinatid niya ako pauwi sa unit. Inabutan kasi kami ng curfew. Kailangan alas-onse nasa kanya-kayang unit na kundi ay suspended ka sa lahat ng subject mo at higit doon isang linggo kang maglilinis ng gym. Hindi ko yata kayang maglinis ng buong gym tapos isang linggo pa parang ang hirap nun ah! De bale, hindi naman mangyayari na maabutan ako ng curfew dahil mabait kaya ako. Tatlong oras lang yata ang naitulog ko dahil magka-chat kami ni Ferd pagkatapos itong si Jeron ay panay din tanong kung bakit hindi pa ako natutulog. Hindi ko na nga nireplayan ang isa sa kanila ng naramdaman kong 'di na kaya ng mga mata ko sa sobrang antok. Bumangon ako kasabay ng pag-unat ng katawan. After ng ilang minuto ay naligo na. Inilabas ko ang rubber shoes, at damit na pang-jogging. Hindi na ako madalas pagpawisan sa umaga kaya ngayong may pagkakataon ay gagawin ko na tutal afternoon class naman kami may time pa para rito. Health is wealth dapat. Nakalabas na ako ng unit ng makasalubong ko si Ms. Ivy na may hawak na papel. "Good morning Kelly." "Good morning Ms. Ivy. "Ano na ba wala sa iyo?" Ang tinutukoy niya siguro yong pagkain, "Magdadala ako para marami kang stocks." "Marami pa kong stocks dahil madalas sa labas kami kumakain nila Jeron at Ferd kaya wala gaano bawas." Malungkot niya kong tiningnan. "Okay ka lang Ms. Ivy?" "Oo, hayaan mo ipagluluto kita para naman hindi masayang ang mga stocks mo." "Maraming salamat." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Tumakbo na ako at huminto sa tapat ng elevator. Dumiretso ako sa field dahil baka sakaling maraming mag-jogging doon. Syempre, sino pa ba maaabutan ko roon na tambay nakasuot ito ng jersey pinaghalong kulay na violet and white katulad ng uniform namin. May mga kasama itong kalalakihan habang nag-uusap at pinaglalaruan ang bola. Papalapit ako ng biglang tumingin sa akin ang mga kasama niya dahilan para lumingon din siya. Parang ang blooming niya parang may kakaiba sa mukha nito ngayon. "Hi," Malawak kong pinakita ang aking ngiti. Nagpaalam ang mga kasama nito at nang maka-alis saka ako nilapitan. "Kalalabas mo lang ba?" napansin kong ang lapad ng kanyang ngiti. "Oo, ikaw ba Jeron?" "Kalalabas ko lang din may practice kami ng basketball." Tumingin siya sa direksyon ng mga kaibigan nito. "Ah, mukhang ikaw yata hinihintay sige na, tatakbo na rin ako para pagpawisan." Tinitigan lang niya ko kasunod ng paghawak sa aking kamay. "Mag-iingat ka magkita na lang tayo mamaya." wala nang salita pa kong binitawan bumalik na siya sa mga kasama at tuluyan lumayo. Pinili kong sa oval na lang tumakbo para surebol ang pawis ay tumatagaktak. Naglagay ako ng headset sa tenga para mas kompotable ang pagtakbo. Limang ikot sa oval ng makaramdam ako ng pagka-uhaw, mabuti na lang mayroon dito na parang kubo sa ilalim ng bleachers nagtitinda ng mineral water and candy. "Ate," tawag ko matapos niya ako suklian. Tumingin naman ito, "Mabuti po pinayagan kayo ng school para magtinda rito?" Pag-aalala ko. Ang alam ko kasi ipinagbabawal sa loob ng school ang magtinda ng maliit na tindahan. "Oo nga, pinaki-usapan ko lang si Ma'am Ivy. Ang bait niya sobra kaya nagpapasalamat ako dahil may mabuti pang anak si Mr. Chan na gaya ni Ma'am Ivy." Sa sobrang tuwa ko bumili ulit ako ng isa pang mineral. "Totoo po yan ate kaya mag-iingat kayo wah?" nag-nod siya bago ako nagpaalam dito. Nagmuni-muni ako kung bakit si Ms Ivy ang taga ayos ng ibang kwarto sa estudyante samatalang puwede naman maghanap sila ng iba na maaaring gumawa. Nakakapagtaka pero masaya na rin ako dahil close kami ni Ms. Ivy pero huwag lang mag-cross ang landas namin ni Harvey baka kasi kung ano gawin na naman niya sa akin. "Eheeeem...." Ow, speaking of Harvey nandito siya hinarangan ako sa daraanan ko. Kinakabahan man ay parang mas nangibabaw ang inis at galit ko para sa kanya. Ang dami puwede makita 'di ba? Bakit ang tukmol na ito pa ang makikita ko? Nakakasira siya ng umaga, promise.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat