JERON'S POINT OF VIEW "Ma'am!" HALOS sabay kami tumawa ni Ferd dahil tinawag namin si ma'am. "Mr. Cortez and Mr. Cruz/ Chavez?" tanguan kami. "May meeting po kami ngayon saglit lang naman babalik kaagad kami." lakas loob paalam ni Ferd dito. Pinagmasdan ko ang bago namin classmates. Halata naman dito na mayaman at matatalino pero iba ang kutob ko. May hindi sinasabi si Kelly tungkol sa dati nitong paaralan. "By the way, before kayo umalis baka puwede magpakilala muna kayo sa bago niyong classmates." "Jeron Cortez, Mr. President." Tumango ako matapos ko magpakilala "Ferd Chavez Cruz, Vice President" Sunod na pagpapakilala nito sa dalawa. "Ang guwapo nila pareho." bulong ng babae dahilan para magpa-cute si Ferd. "Maupo na kayo sa tabi ni Kelly at kayong dalawa puwede na lumabas." "Salamat po." Nauna lumabas si Ferd kasunod lamang ako. "Saan kaya pumunta si Kelly." tanong ni Ferd habang naglakad-lakad sa sidewalk. "I don't know pero tingin ko may problema yon nakita mo ba na umiiyak?" "Kaya nga nagawa kong mag-sinungaling para lang malaman kung ano problema niya." "Mabuti pa maghiwalay tayo tapos magkita na lang sa court." "Okay." Lahat na yata napuntahan ko maliban sa field na madalas namin puntahan. Walang pag-aalinlangan hinagilap ko ang kanyang systema at hindi ako nagkamali sapagkat nandito siya. Tahimik at tila may iniisip. "Walang hiya ka Ivan, akala ko talaga okay na ako. Akala ko wala na sa akin ang sakit na ginawa mo pero bakit ngayon nakita na naman kita parang nadagdagan na naman ang galit ko." Ivan, si Ivan na bagong transfer ang tinutukoy niyang ex-boyfriend ay iisa? Si Denise naman ang dati nitong bestfriend ay iisa rin? Tadhana ba ang may gustong mangyari ito o ano? Sinadya nga ba ng dalawa para makitang naghihirap si Kelly? Mayroon siyang pinilas na kapirasong papel mula sa notebook pagkatapos inihagis niya sa 'di kalayuan. Pagkaraan niyang huminga ng napakalalim, pinunasan nito ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi. Nakatayo na siya ng makita ako mula sa kanyang likuran. "Kelly." nag-aalala kong tawag. Alam ko kasi yung feeling na nasasaktan. Ang feeling na akala mo okay ka na pero hindi pa pala. "Anong ginagawa mo rito?" hindi makatingin ng diretso. Dahan-dahan akong lumapit, "Mukhang hindi ka maayos kaya sinundan ka namin ni Ferd. May problema ka ba?" Ingat na ingat ako sa aking winiwika. "Buong buhay ko siya lang naman ang tinuring kong bestfriend pero hindi ko alam na dahil sa kanya kaya ako masasaktan. Kung tutuusin, lagi niya ako pinasasaya tuwing malungkot at kapag may problema lagi siyang nandiyan para bigyan ako ng payo. Pero isang araw, nawala ang lahat, ang tiwala,at pagmamahal lahat nang 'yon napalitan ng galit, galit na hanggang ngayon hindi ko maalis dito sa puso ko. Ang sabi ko pa dati kung darating man ang araw na ma-broken hearted ako nandiyan siya para damayan ako. Nakakatawa, hindi ko naisip siya ang magiging dahilan ng lahat." "Sina Ivan at Denise ba ang tinutukoy mo?" halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. Nagulat na lang ako dahil yumakap itong mahigpit. "Puwede ba kahit ngayon lang ikaw muna ang bestfriend ko? I realize that you are good friend." Sana. Sana hindi niya marinig na naghuhurementado ang puso ko ngayon. "Bestfriend mo na ako 'nong una pa lang. Hindi mo ba napansin na ako ang una mong nakilala sa section emerald? Kaya ako nga talaga ang bestfriend mo at hindi kita aagawan ng boyfriend kung sakaling magka-boyfriend ka ulit." "Salamat, salamat dahil kahit madalas tayong mag-away hindi mo ako iniwan, kayo ni Ferd." Napawi ang ngiti sa aking labi. "Oo nga, nandito lang kami ni Ferd." Alam ko naman na mahalaga rin sa puso mo si Ferd. Alam ko dahil hindi ako manhid. "Ano balak nilang dalawa?" humiwalay na siya sa pagkakayakap, "Baka naman hindi nila alam na dito ka nag transfer?" "Hindi ganoon ang nasa isip ko." "De bale kung may binabalak man sila nandito lang kami." Lakas loob ko. Upang mawalan ito ng lungkot. Hindi ako nagkamali dahil ngumiti kaagad siya sabay yakap muli. "Thanks, Jeron." Hahagkan ko sana ang kanyang likod ngunit may dumating. Inaasahan kong makikita niya kami na ganito ang eksena at sana siya rin ay inaasahan ang ganito. "Kelly." Ako na mismo ang lumayo. "Ferd," may mga bagay talaga na hindi mo inaasahan pero nangyayari. Tulad ngayon, para siyang bata na napayakap kay Ferd habang umiiyak. "Tahan na," pagpapatahan ni Ferd dito. Seryoso niya akong tiningnan. "Salamat, Jeron." Ano pa nga ba? Ano pa ba ang gagawin ko rito. Alangan panuorin ko silang masaya habang ang puso ko nasasaktan. Ganoon nga ba talaga ang rule ko sa buhay niya? Ang maging Plan B, second choice, at never naging first sa puso niya. Hindi ako nagpaalam sa babaeng mahal ko. Masaya na rin siya, at nandiyan si Ferd upang pagaanin ang kalooban niya. Nag-nod na lang ako kay Ferd, senyales na dapat na akong umalis dahil kaya na niya 'yon. Pero ako ba? Kaya ko nga ba maging masaya habang ang puso ko nasasaktan? Masakit pala, masakit magmahal na hindi ka man lang pinapaniwalaan. NAWALAN ako nang gana pumasok. Naisip ko mag-cutting na for the first ko lang ginawa. Ganoon nga siguro ang nagagawa ng taong broken hearted. Kahit kay Claire, hindi ko ito naramdaman tanging sa kanya lang. "Dre, hindi ako pumasok para makapagpahinga pero bakit nandito ka?" ngisi niyang bungad sa akin. "Alam mo ang sitwasyon namin ni Kelly." mahina kong paalala. Habang siya ay abalang may hinahanap sa refrigerator. "Ano ba hinahanap mo riyan?" "Eh di yong bestfriend ng mga brokenhearted." inihagis ang beer sa pwesto ko. Mabuti na lang naagapan ko kaagad. Matagal ko nang ginagawa ito, ang uminom ng beer kapag brokenhearted. Sa totoo lang, ginawa ko rin naman ito kay Claire pero hindi ganoon kalala. Pero itong kay Kelly, baka magawa kong maka-ubos ng isang case para lang mawala ang sakit. "Alam mo parang napapanuod ko lang 'yan sa mga telenovela. Iyong bidang lalaki kaibigan lang ang turing sa kanya ng bidang babae." "Seryoso ako." "I know, kilala kita pero hindi ka pa ba masaya? Bestfriend ka nga raw niya,eh. Ano pa ba hinahanap mo?" "Iyon nga, bestfriend, kaibigan lang. Try mo kayang ikaw gawing bestfriend ng nagugustuhan mo hindi ka ba masasaktan?" "Pero at least may titulo ka na." "Titulo?" "Yes, naka-pangalan ka na sa puso niya 'yon nga lang bilang kaibigan." Sa sobrang kalokohan niya nagawa ko siyang batukan. Kung minsan kasi ayaw seryosohin ang usapan. Puro na lang dinadaan sa kalokohan. Kung sa bagay, kanino nga ba niya natutunan 'yon? Eh di sa akin pa rin. "Totoo naman, eh. Maniwala ka na lang sa kasabihan na 'May himala' yan ang panghawakan mo. Dre, may chance ka pa na magustuhan niya " "Totoo ba?" "Ano ba sitwasyon niyo rati ni Claire? Hindi ba at kaibigan ka lang niya dati pero ngayon? Patay na patay sa iyo, si Kelly pa kaya?" "How I wish." "Ikaw pa ba si Jeron?" "Ha?" "Dahil hindi ka ganyan dati na totorpe-torpe. Bahala ka, ikaw din baka unahan ka ni Ferd." "Kaya ko ito!" malakas kong sigaw. "Go, Jeron!" sabay niyang tawa na malakas. Hindi ko alam kong seryoso ba siya sa nais kong mangyari dahil panay ito tawa ng nakakaloko. "Pumasok ka kahit sa huling subject." ibinalibag ang bag. "Oo na, bukas pumasok ka na ha?" patayo na sana ako ng magsalita ito. "Teka, hindi ka ba maaamoy kung papasok ka na amoy beer?" "Oo nga, tatawag na lang ako na hindi kami makakapasok." "Sino?" "Ay, oo nga pala baka pumasok na 'yong dalawa hindi bale tatawagan ko si Kelly." Kinuha ko ang cellphone at tinawagan siya. "Jeron, bakit?" "Nasaan kayo ni Ferd?" "Nandito sa gym." "Bakit?" "Nag-re-register ngayon sa Mr. and Ms. Blood Stone. Ikaw, nasaan ka ba?" "Sa unit ni Felix. Sasali ka na ba?" "Hindi, ah. Sabi ko sa iyo na hindi 'di ba?" "Try mo lang." "Ayoko talaga." kahit tumatawa 'yon seryoso pa rin 'yon. Pinatay ko na lang ang cellphone. Kinuha ko muli ang bag upang lumabas ng unit ng kaibigan ko. Kahit sigaw siya nang sigaw. Registration form. Ibinigay kaagad sa akin ni Claire ng makita akong papalapit sa puwesto niya. Ganda ng pasok nito. Wala pa naman ako sinasabi tungkol dito ay alam niyang game kami sa paligsahan. "Tayo pa rin ang partner." who care's. Kay Kelly lang nakatuon ang paningin ko kahit magsalita siya. Kasa-kasama niya ngayon si Ferd na sa palagay ko ay pinipilit niya itong sumali. "Mag-fill-up ka na ng form." "Hanggang kailan ang registration?" "This week lang, ano na?" "Bukas na ako." hindi mawala sa akin paningin ang dalawa na ngayon ay nagtatawanan. "Now na." mapilit nitong sabi. "Bukas na " nagmamatigas kong sagot. "Now na." "Bukas na." "Now na kasi!" iritable niyang bulyaw. "Okay." tila nagising ako dahil sa bunganga niyang umalingawngaw. Wala makakatalo sa katarayan niya. Abala akong nag-fi-fill up ng form, may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Halos namilog ang mata ni Claire sa babaeng naging dahilan ng paghinto ko sa ginagawa. "Bestfriend." halatang kagagaling lang niya sa pag-iyak. "Ano ba ginagawa mo?" pinabitaw ko muna bago ito sumagot. "Yumayakap. Hindi ba ako maaari yumakap sa bestfriend ko?" "At kailan pa kayo naging mag- bestfriend?" nakataas ang kilay ni Claire. "Matagal na." tumingin sa akin, "'Di ba Jeron?" "Ahhhh--- wala na ba tayong klase?" Pagbabago ko nang usapan. "Mayroon kaso ang alam ni ma'am may meeting tayo kaya bakit ako babalik doon saka alam mo naman na kailangan ni Kelly ng kalinga mula sa atin." sagot ni Ferd. "Anong kalinga naman ibig mong sabihin Ferd?" sabay ni Claire. "Next time ko na lang sasabihin. Sa ngayon, pinipilit ko itong isa na sumali." "Ayoko, wala pa nakakapilit sa akin para sumali sa pageant." "At ako pa lang 'yon 'di ba?" "Syempre, hindi pa rin." "Bakit ba ayaw mo? May talent ka, maganda big opportunity na 'yan." Sabay kami tumawa ni Claire na parang nang aasar sa dalawa. "Huag niyo na subukan baka masaktan lang kayo dahil kami pa rin ang win ni Jeron." taas kilay ni Claire. "Hindi natin masasabi." litanya naman ni Ferd Ngiti ang salita ko sa tatlo. Wala akong masasabi dahil magaling din naman si Ferd. Kaya tingin ko hindi siya patatalo. "Ganito na lang. Labanan mo ako at kung matalo kita sasali ka sa pageant. Kapag ako ang tinalo mo, ako mismo aalis ng kusa sa pageant. Deal?" hamon ni Claire kay Kelly. Ngumisi si Kelly, "Kalokohan." "Why not? Para na may trill ang pageant. Mas gaganahan akong sumali kung ikaw ang makakatapat ko." Tumingin siya sa buong paligid, "Attention everyone----" naglapitan ang lahat ng tao sa gym. Nakita ko ang MATH kaya ngumiti si Kelly sunod sa akin. "I have a deal with Kelly, kapag natalo ko siya kahit ayaw nitong sumali sa pageant automatic pasok na siya. Pero, kung ako ang matatalo niya, I'm quit being a Princess Blood Stone." Bulungan ang mga tao sa buong paligid. Mayroon nakasimangot, at mayroon din nag-agree na lang sa gustong mangyari ni Claire. May kanya-kanya silang kinakampihan pero syempre, papalagitna lang ako sa dalawa dahil ayokong masabihan na may pinapanigan. "Ano naman ang deal na 'yon?" usisa ng isang estudyante. "Basketball!" malakas na wika ni Claire. Bulungan na naman ang mga tao. Basketball? Seryoso, eh, kung ako ang tatanungin magaling si Claire maglaro 'nun, eh. How about Kelly? "Kalokohan, hindi ba unfair 'yon dahil ako hindi marunong mag-basketball tapos ikaw bihasa na?" "Hindi ako sanay mag-basketball." ito na yata ang sinasabi natin na masayadong pabibo si Claire. Idadaan niya sa kasinungalingan ang lahat para magamit niyang may laban siya. At kung sakali, matalo niya ni Kelly, automatic pasok siya sa pageant. "Ano deal or no deal?" muli niyang usisa. Wala gusto magsalita. Hinihintay ang sagot ni Kelly kung lalaban ba siya o babawi sa hamon sa kanya. Muli niya akong tiningnan bago sumagot. "Deal." mahinang sagot nito. "Alright, boys paki-labas ang bola." may nag-abot sa kanya ng bola at masamang nakatingin kay Kelly. "Good luck." Lumuwag ang pwesto ng dalawa. Seryoso lamang si Claire habang si Kelly ay halatang may kaba na nadarama. "Go Kelly!" cheer ni Ferd. Hinihintay yata ni Ferd na i-cheer ko si Kelly pero pinili kong huwag na lang magsalita. Ayoko maging issue ito lalo kay Claire. Baka mainis siya at sabunutan na naman nito si Kelly. "The game begin." wika ko, nagsimula silang maglaro. Unang shoot kay Claire, sanay siyang maglaro nito. Lakas loob niyang tatalunin si Kelly para makalaban niya sa pageant. Ang usapan kung sino ang maka-anim na puntos ay siya ang panalo. Sa oras na ito, apat na puntos na si Claire habang si Kelly ay dalawang puntos pa lamang. Desidido si Kelly na manalo para hindi makasali sa pageant. Muling hawak ni Kelly ang bola. Inihagis nito ang bola sabay three points. Sigawan ang mga tao na pumapanig kay Kelly. Palagay ko panalo na siya. Limang puntos na siya, habang si Claire ay apat na puntos. Halatang naiinis si Claire habang nakatingin kay Kelly. Dahil naka-shoot si Kelly ay sa kanya pa rin ang bola. Ngunit sa hindi sinasadya naagaw ni Claire ito sa kanya hanggang sa i-shoot nito sa ring kahit hindi inayos ang paghagis. Ang tadhana na rin ang nagsabi. Makakasali si Kelly sa pageant dahil nanalo si Claire, naka-three points siya sa paghagis ng bola. Kaya ang majority, na ipanalo ni Claire ang laro. Gusto ko sana magprotesta pero hindi ko ginawa. Mas pabor akong talo siya sa pustahan nilang dalawa. Makakasama ko si Kelly, at higit doon, makikita ko kung paano siya lumaban. Double celebration. Pawis na pawis at hinihingal si Kelly ng lapitan ko pero mas mabilis kumilos si Ferd kaysa sa akin dahil naabutan kaagad nito ng tubig. Tumigil ako sa paglakad hanggang sa lapitan ako ni Claire na siyang kuha ng mineral na hawak ko. "So, sabi na at matatalo ko siya." kinindatan ako. "Nagsinungaling ka." "Kung hindi ko gagawin 'yon malamang hindi ka magiging masaya." itinulak niya sa akin ang mineral water sa inis. Nawalan ako ng kibo sa sinabi nito. Alam niyang masaya ako dahil sa pagkatalo ni Kelly. Marahil, parang transparent lang ang utak ko dahil kabisado na niya ang naiisip ko. Papalapit ang dalawa kaya umayos si Claire ng mukha. "Congrats." wika ni Ferd. "Thank you. Congratulations, Kelly. Be ready para sa rehearsal natin." Naka-smirk na sabi niya kay Kelly. "Fine." "Hindi ka masaya? Ihanda mo na rin ang partner mo." she crossed armed. "Mayroon na, at ako 'yon." malakas na wika ni Ferd sa amin lahat. Parang paulit-ulit na may sumasaksak na kutsilyo sa dibdib ko. Masakit makita na okay sila habang ako, heto malungkot dahil kaibigan lang niya. Sana hindi ako nahirapan nang ganito. Nauunawaan ko kung bakit si Ferd ang mas angat sa puso niya kasi si Ferd, seryoso at ako hindi. Sana lang ay mawala kaagad itong nararamdaman ko para sa kanya. "Ferd." mahinang tawag ni Kelly. "Wow, that's great. Good luck Kelly. So mauna na ko, magpapalit pa ako ng damit." paalam ni Claire. Humalik muna ito sa pisngi ko bago tuluyan umalis. "Late na ako." siyang tingin ni Ferd sa relo, "Hindi na kita maihahatid sa unit mo Kelly, may practice kami ngayon, eh." Hindi na sila nag-usap pa, umalis kaagad si Ferd upang magpractice. Kaming dalawa na lang naiwan. Inilahad ko ang aking kamay, sabay tingin nito na may kunot sa noo. "Congrats." "Salamat." nakangiti ngunit pilit. "Tanggapin mo na lang. Huwag kang mag-alala kahit hindi ako ang partner mo nandito lang ako para tulungan ka." Wala nga pala ako dapat panigan pero hindi ko maiwasan na siya ang kampihan ko pagdating sa pageant. Malakas ang paniniwala kong si Kelly ang mananalo. Mukhang may makakatapat na itong si Claire. "Salamat." Pagod na siguro siya kaya inaya ko na itong umuwi. Tahimik kaming nagsabay sa paglalakad, maging sa paghihiwalay. Parang bitin ang pagkikita kaya binalak kong i-text ito para ayain na rin kumain sa labas. Kaagad siyang nagreply pero isang malungkot na sagot na hindi raw siya puwede dahil may tatapusin ito. Nakasimangot kong ibinaba ang cellphone. "Hi, anak." bungad ni mama nang pumasok. "Hello, ma." hinalikan ko sa pisngi. "Ba't parang wala kang sigla?" pansin nito. "Wala lang po." "Nasa labas si Kelly." "Talaga po? Sino kasama? Anong ginagawa?" Sunod-sunod kong tanong. "Bakit kapag naririnig mo pangalan niya sumisigla ka? Aba, anak iba na 'yan ah?" "Hindi po, ah." Nahihiya tuloy akong tumingin. "Nakausap ko siya hinahanap ka nga, eh. Tingnan mo kung nandiyan pa." Kumaripas ako ng takbo palabas pero nakita ko siya palayo at kasama si Grey. Hindi niya dapat kinakaibigan 'yon. Malaki ang plano ni Grey kay Kelly. Akala yata ni Grey ay hindi ko nakakalimutan ang pambabastos niya rito. Sinundan ko ang dalawa hanggang sa makalabas ito sa building. Kahit gabi, marami pa rin mga tao na naglalakad patungo sa patutunguhan. Hindi ko naiwasan na mag-isip ng hindi maganda. "Saan kayo pupunta?" hindi ko mapigilan tanong sa dalawa. Kapwa sila humarap sa akin. Gulat na gulat itong si Grey, habang si Kelly ay nakangiti sa akin. Wala siyang kamalay-malay na ang kasama niya ay masama. "Oh, nandiyan ka pala. Magpapasama sana ako sa kaibigan mo, eh." hindi ko siya tinitingnan. Kay Kelly lamang ako nakatitig. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Kelly. "Hindi puwede ngayon si Kelly. Kung puwede sa iba ka na magpasama." halos kaladkarin ko si Kelly papalayo kay Grey na 'yon. "Ano ba sabi ko sa iyo huwag ka sumama sa kanya!" Sigaw ko rito. "Ano ba masama kung sumama ako sa kanya? Wala naman ginagawa yong tao,eh." Depensa nito. "May masamang tao sa una ipapakita kaagad ang masamang pakay? Wala naman 'di ba? Susubukan muna nilang maging mabait tapos kasunod 'nun saka ka ipapahamak." "Siguro nung una parang hindi katiwa-tiwala sa itsura niya pero tingin ko mabait naman siya katulad mo." "Hindi ko tatanggapin 'yon." "Bahala ka nga, basta friend na kami ni Grey." "Huwag mo sabihin sa akin hindi kita binalaan, ah?" Inirapan niya ako sabay layo sa pwesto namin. Sinundan ko kung saan siya pupunta at doon kami dinala sa cafeteria. May live band ngayon. "Galit ka pa ba?" Usisa ko ngayong umiinom kami ng cappuccino. "Ewan." masama pa rin ang timpla ng kanyang mukha. "Paano ba pangingitiin ang isang Bettina Kelly?" Malumanay kong tanong habang nakangiti. Sa malayo ito nakatingin. "Alam ko na, I'm not sure kung effective pero susubukan ko." nagtungo ako sa small stage ng cafeteria. "Sorry na, Kelly. Ayoko lang napapalapit ka sa ibang tao lalo kung hindi mo pa kilala ang ugali." Pinagmamasdan ko rin kung ano ang reaksyon niya ngunit parang wala naman epekto. Itong gagawin ko ang pinaka panlaban ko pagdating sa babae. Kengkoy kung tawagin pero mamahalin mo rin. Yay yay ya ..... Yay yay yay ya ya ... Yay yay yay ya ya .. Yay yay yay ya .. 'Pag ang puso ko ay nagmahal Garantisado na magtatagal Pero kung ito'y masasakal Hindi mo 'to matitikman Hindi mo 'to matitikman, mahal Kahit na mayaman ka't sosyal Kung 'di ka rin marunong magmahal Hindi mo 'to matitikman Pagkamulat ng aking mata nakita ko kung paano siya humagalpak sa pagtawa. Pakiramdam ko, okay na kami. Kahit sobrang korni ng kinakanta ko ay todo lamang ako sa paghataw. Kung katawan ko lang ang habol n'yo Na kung gumiling pa'y lumiliko Masusunod pa rin ang puso ko Ang puso na Don Romantiko Ugh! Ugh! Kakisigan ko'y hindi biro Parang langit na nga yata ako Kung ako ay lolokohin n'yo Hindi mo 'to matitikman Matatawag din akong D' One Dahil 'di kayo iiwan 'Pag ang puso ko ay sinaktan Hindi n'yo 'to matitikman Ugh! Ugh! 'Pag naglambing si Don Romantiko Malilimutan n'yo pangalan n'yo Pero kung hindi ka totoo Hindi mo 'to matitikman Ugh! Ugh! Ahh [Chokes] Excuse me ( CREDIT TO THE OWNER OF SONG ) Sa kalagitnan ng mini concert ko mas dumami ang mga tao. Nakikisabay sa kanta at sayaw. Napansin ko siyang palapit sa stage pero hindi makasingit dahil may ilan na nagtutulakan para lang makarating sa stage na kinatatayuan ko. "Lodi! Ang galing mo!" "Ang gwapo mo pa rin kahit kolokoy ka!" "I love you na talaga ! Sobra-sobra!" "Petmalu ! WerPa! Lodi ! Whoooooo..." "Salamat, salamat. Ginawa ko 'yon para sa kanya!" Sabay turo ko kay Kelly na ngayon ay nakatayo papalapit sa amin. "Sorry, girls parating na ang reyna." natatawa kong paalala sa lahat binigyan siya nang maluwag na daanan. Isang dangkal na lang malapit na kami magkapalit ng mukha. "Kapag nakaramdam ako ng lungkot palagi ko itong panunuorin." humahalakhak nitong ipinakita ang cellphone. Tulala kong pinanuod ang video ko. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil para akong artista na pagkaguluhan ng mga tao habang nag-co-concert. "Gusto mo ipasa ko sa iyo para mapanuod mo rin? Huwag ka mag-alala, hindi ko ipagkakalat ito." "Burahin mo 'yan." "Oh, akala ko ba gusto mo ko pasiyahin?" "Nandito lang ako para paligayahin ka. Patawanin kung gusto mo. Kahit hating-gabi puwede mo ko tawagan para kumalma lang 'yan puso mo. Kahit tanghaling tapat puwedeng-pwede mo ako gawing sandigan sa sikat ng araw. Pagkakatandaan mo, ako lang makakagawa niyan." "Kung sa bagay, ganyan ang tunay na bff." Pinisil nito ang dalawang pisngi ko. Hinampas niya ako sa braso. Lahat ay bulungan sa mga nakita nila at narinig na usapan namin dalawa. Sige, issue na naman ito, panigurado. "Kumain na tayo." aya ko rito. Inalalayan ko siyang patungo sa dati namin pwesto. Kung hindi ko siguro ito kilala, malamang mapagkakamalan ko itong baliw. Panay ang ngiti habang kumakain pero inferness, ang cute-cute niyang nakangiti. "Hindi maka move on?" Pang-aasar ko. "Alam mo, sobra mo talaga ako napa-saya ngayong gabi. Hindi ko talaga buburahin ito." Iiling-iling ko siyang tinginan. Hindi ko maitatanggi na natatawa rin ako sa sarili kong kalokohan. Hindi na bago sa akin ito, pero syempre marunong akong mahiya. "Mukhang nagkakasiyahan kayo huh?" natigilan kami pareho nang dumating si Ferd. "Hello, Ferd kumain ka na ba? Tara na." aya nito kay Ferd. "Nagugutom na nga ko mabuti na kita kita." Tumingin sa akin, "I mean, kayong dalawa." Hindi talaga kami close ni Ferd. Sa katunayan nga niyan ay pallagi kami magkalaban pagdating sa pagiging top at kung saan pang-activities dito sa school. Umupo siya at umorder. "So, tayo na, ha?" pareho kami natigilan ni Kelly ng sabihin ito ni Ferd. Nakangisi tumanaw sa akin si Ferd, "Tayo na ang partner sa pageant, ayaw mo ba?" Sabay tumingin kay Kelly. "Ahh, hindi --- gusto ko nga, eh." Namumula naman ang isang ito. Kinikilig siya? "Gawin natin ang best para makuha ang korona na nasa dalawa pa." muli ay tiningnan ako. "Sa akin ay okay lang kahit matalo ay importante si Kelly ang manalo." bulaslas ko. "Tiyak pagbibigyan tayo ng dalawa." lakas loob niyang inakbayan si Kelly habang nakatingin sa isa't-isa. Hindi ako nasisiyahan makitang ganyan ang dalawa. Masyado na sila obvious sa pareho nilang nararamdaman. Eh di, sige kayo na in-love sa isa't-isa. Ang gusto ko lang naman ay 'yong ako ang umakbay sa kanya, humawak sa kamay o yumakap. Hindi ba puwedeng ako na lang ang gumawa nu'n? "Bukas, ipapakita ni ma'am kung sino nasa top." pagbabago ko ng usapan. "Oo nga, alam kong ikaw pa rin at hanggang pangalawa mo lang ako." pahapyaw ni Ferd. "Kahit na sino pa sa inyo, alam kong pareho kayong matalino kaya ngayon pa lamang i-congratulate ko kayo." masayang sabi ni Kelly. Nagkatitigan kami ni Ferd sabay sabi namin na... "Alam namin ikaw pa rin ang nasa top one."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat