"Na save mo ba lahat ng aayusin mo sa video?" Kanina pa kami kinukulit ni Claire sa video. Bukas na kasi ang balik namin sa University kaya parang hindi makapag concentrate si Ferd. "Huwag kang mag-alala Ms Claire natapos ko na kaya relax-relax, chill-chill, okay?" Natatawa kami pareho ni Ferd habang pinapanuod si Claire na nag-pupush up. "Mamayang gabi panuorin natin sabay-sabay para makita ko kung okay na. Alam mo naman isa tayo sa mga inaasahan ng lahat." "Hello." Sabay kaming tatlo lumingon sa pintuan kung saan pumasok si Jeron na may dalang ice cream. "Palamig muna tayo ng ulo." Ulit nito sabay tingin kay Claire, "Ito oh bagay sa iyo walang araw na palagi ka nagtataray sa dalawa." Inabutan kami ng mga cup at kutsara. "Uyyy, ube sa akin 'yan, ah!" Kumikinang ang aking mata habang kumukuha si Jeron. "Pareho pala tayo favorite ang ube." Buong ngiti niya akong tini gnan pagka-abot ng ice cream. "Salamat." "Sa akin ang cookies and cream." Protesta ni Claire. "Tayo naman pareho ng paborito." Bulong ni Ferd. Nabawasan ng ngiti sa aking labi dahil sinubuan ni Claire si Ferd. Hindi ko maiwasan tingnan si Jeron baka kasi masama ang tingin sa dalawa pero hindi nagkamali ako dahil sa akin ito nakatingin at nakangisi pa. "Tutal bukas na tayo babalik puwede ba sama-sama na tayong matulog?" "Hindi puwede." Protesta ko sa suggestion ni Claire. "But why? no malicious." Nakakainis. Napapayuko na lang ako sa kaartehan niya. Buong linggo pamamalagi namin dito sa Bataan puro ang gusto niya dapat na masunod. Dapat ang gagawin niya ang tama, dapat ang naisip niya ang gagawin. Ang totoo kaya nakakainis ay dahil puro lang naman siya utos ni wala nga siyang ginawa. "No malicious intent." Suggest ni Ferd. "Huwag na guys baka hindi sanay si Kelly na may kasamang lalaki sa kuwarto." Pagtatanggol ni Jeron. "Eh ano naman tingnan mo naman sina Ferd at Jeron tatanggihan mo pa ba 'yan kapag sila na katabi mo?!" Naiirita ako sa mga pinagsasabi nito. KAINIS! "Claire." Saway ni Jeron. "OMG ! HUWAG MO SABIHIN NA VIRGIN KA PA RIN?!" Napakagat ako sa lower lip bago ubusin ang ice cream. "Wala ba nagkakamaling pumatol sa iyo?" kanina ka pa Claire. "Ano ba masama sa pagiging virgin?" Protesta ni Ferd. "Oo nga, iningatan lang niya ang bagay na dapat sa mapapangasawa lang niya ibibigay. Huwag mo siya gayahin sa sarili mo." Naiinis na sambit ni Jeron. "Kung magsalita ka parang hindi mo alam kung sino naka-virgin sa akin." Nagulat ako sa sinabi ni Claire papalit-palit kong tiningnan sina Claire at Jeron. Nagkatitigan kami ni Jeron binabasa niya siguro kung ano reaksyon ko sa mga narinig at sinabi ng babaeng 'yon. "Tama na nga 'yan huwag na natin gawin ang gusto mo Claire. Kung gusto mo kayo na lang ni Jeron magtabi." magandang suggestion ni Ferd sa dalawa. "Bakit hindi para may pangalawang beses pa."Makahulugan nitong pagsang-ayon ni bruha. "Magtigil ka nga." Tumayo si Jeron para ligpitin ang mga ginamit namin. Talak nang talak si Claire halos wala na akong maunawaan sa mga sinabi puro kalaswaan lang ang lumalabas sa bibig. "Ako na riyan." Pakiusap ko kay Jeron. "Ako na tatapos nito." "Hindi mo pa tapos kamo ang gagawin niyo ni Ferd kaya ako na lang." Kinuha ko ang mga hinuhugasan niya na may sabon na. Pumayag ito ngunit nakatitig lamang sa mukha ko. "Bakit!?" Umiwas ng tingin, "Wala lang." Pinagpatuloy ko ang paglinis ngunit siya ay nanatili pa rin may sabon ang kamay. Kinuha ko ang kanyang kamay at itinapat sa gripo para matanggal ang mga bula. "Sabi ko sa iyo ako na ang tatapos nito." "Kelly." "Oh bakit?" Pagtingin ko binasa niya ng tubig ang mukha ko. "Ano ba trip mo?" "Ang cute mo pa rin kahit mukha kang basang sisiw." tawa niyang sabi. "Abnormal! Umalis ka na nga!" "Ayoko nga, nag-e-enjoy pa nga kong asarin ka." Sinamaan ko ng tingin, "Iyan ang hirap sa iyo kaya wala na niniwala sa mga sinasabi mo dahil puro ka biro." "Ikaw lang naman diyan ang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko." "Hindi rin." Protesta ko. "Talaga naman, hindi mo man lang ako binigyan ng chance para ligawan ka samantalang si Ferd, getting to know each other kaagad kayo, kalokohan talaga." "Bawasan mo kasi ang panay biro mo." "Mas maganda na siguro ang ganito kaysa magsinungaling." "Ano ba ibig mong sabihin?" "Wala akong ibig sabihin doon ang point ko lang sana paminsan-minsan maniwala ka naman sa akin." "Susubukan ko." Pinagpatuloy ko ang ginagawa. "Gawin mo pero kung hindi mo naman kaya eh di sige don ka kay Ferd!" "Baliw." Bulong ko. "Ohh, paano maiwan na kita may date pa kami Claire." Tinapik-tapik ang balikat ko. "Teka!" Sigaw ko dahilan para tumigil sa paglalakad. "Bakit? Nagseselos ka?" "Asa ka pa!" Nawala ang ngiti sa labi, "Lalabas kayo ni Claire 'di ba puwede ba idaan niyo ko sa grocery ng napkin?" "Ha? Madaming napkin dyan, ah?" Ang slow! "Pang-ilang araw mo na ba Kelly?" Sabat ni Claire. "Three days." Nahihiya kong sagot habang nakatingin kay Jeron. "Tamang-tama dadaan din ako sa grocery." Lumapit kay Jeron, "Let's go, babe." "Mauna na kami." Hindi maipinta ang mukha ng isang ito. "Ingat at enjoy kayo sa date niyo!" "Salamat, kayo rin solo niyo ngayon dito ni Ferd." Pang-aasar ni Claire. Nahiya ako kay Ferd ng marinig nito ang sabi ni Claire. Hindi maipinta lalo ang mukha ni Jeron, ang haba ng nguso tapos panay sama ng tingin sa akin. Nakaalis na nga sila pero feeling ko ang prisensya niya nandito pa rin. Tingin ko nga nakahaba pa rin ang nguso no'n. After four hours. Natapos ni Ferd ang video. Nakapagligpit na ako ng gamit sa maleta ko. Maaga kong inayos para kung sakaling ma-late na naman ng gising ay hihilahin ko na lang. "Tara kumain na tayo mukhang nag-enjoy ang dalawa." "Susunod ako." Matapos ang ilang minuto ay sumunod ako dahil kumakalam na ang sikmura ko. "Ikaw ang nagluto nito?" "Yeap!" "Ayos," Tinikman ko. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko sa oras na ito, "Rapsa! Whoo! Werpa! Lodi !" "Rapsa ba?" Tila nahihiya tanong. "Nemen! Lodi na talaga kita ! Whooo." "Mabuti ka pa masaya." "Ohh, bakit?" "Haay." Nilapitan ko para marinig kung ano ang sasabihin. "May problema ka ba?" "Oo." "Tungkol saan? Puwede mo naman ako sabihan." "Salamat pero siguro saka ko na lang sasabihin. Sige na, kumain ka na baka parating na ang dalawa panunuorin pa natin itong video." "Are you sure?" "Sige na, okay lang ako." Kibit-balikat ako sa sinabi nito. Kung ano man 'yon sana maging okay na siya. Nakakalungkot naman kung may prinoproblema ito. "Nandito na kami!" Sigaw ni Jeron. Nandito kami ngayon ni Ferd sa sala dahil pinapanuod ang isang koreanovela. "Kelly, here na ohh." Inabot ang isang plastic bag. "Salamat, magkano?" "Huwag na para magkano lang, eh." Wow! Napapansin ko minsan okay din itong si Claire. Ano nga ba nakain no'n? "Salamat." Nakatingin si Jeron. "Bakit??" "Wala." "Okay." "Tara at ating panuorin ang video presentation." Ani Ferd. Napanuod na nga namin at halos perfect naman ang lahat. Excited na nga kami. Super! VIDEO PRESENTATION DAY! "Whoooooo ! Congrats sa atin!! petmalu!" Yes, isa kami sa nanalo at napili para i-present ang video sa mga susunod na araw. Hindi na sayang ang pagod, hirap, at puyat. Napayakap ako kay Jeron pero kaagad naman lumayo dahil nagulat ako sa ginawa namin. Iba talaga nangyayari kapag sobrang saya nawawala ka sa huwesyon. "Congratulations students! Masyadong ginalingan." Wika ni teacher. "Salamat ma'am." Ani Ferd. Tumingin sa akin, "Congrats." Holding hands kami. "Guys, sagot ko na lunch natin, ano? Tara let's!" Masayang aya ni Claire. "Whoooooo, gusto ko 'yan!" Nasabi ko bago tumingin sa dalawang lalaki. "Tara let's!" "Mauna na kayo sa canteen kukunin ko lang cellphone ko sa unit." Paalam ko. "Samahan na kita." Sabay sabi ng dalawang lalaki. Nakita ko nang irap si Claire dahilan para matawa ako. "Huwag na saglit lang ako." Nagmamadali akong naglakad dahil baka mangulit pa ang dalawa at ako na naman ang pag-initan ni Claire. Malayo rin ang lalakarin ko kaya halos malalaking hakbang na lamang ang ginawa ko upang makabalik kaagad sa kanila. Baka matatapos na sila kumain tapos ako pabalik pa lang. Kaso sa kalagitnaan ng paglalakad ko biglang umulan ng malakas. Malas! Kailangan ko maghanap ng masisilungan. Teka. May waiting shed ang bait talaga sa akin ni Lord. May mga estudyanteng nakasilong. Dalawang babae na nakatayo habang may binabasa na libro. Isang lalaki na nakaupo at may headset sa tenga, at isang lalaki na bahagyang malaki ang katawan na nakasandal sa pader. Pagsilong ko kaagad kong napansin ang kanyang mga mata, masama ito kung makatingin na parang lahat ng makakita sa kanya ay katatakutan talaga. "Excuse." Umusad naman ang dalawang babae dahilan para hindi na ako nabasa sa ulan. Mukhang matagal titila ang ulan dahil lalo pa ito lumakas. Wala pa naman akong dala na cellphone para warningan sila na hintayin ako. "Hello po," pareho silang lumingon, "May pang-text ba kayo or pang-tawag?" "Ay, sorry po ate ganda cut na po unli ko." tugon ng isa kaya tiningnan ko ang isa pa. "Hindi ko po dala ang cellphone ko." Tumingin ako sa likuran doon sa lalaking naka-headset pero nakakahiya naman kung kausapin ko at lalong doon sa lalaking 'yon na nakakatakot haaay..baka lapain ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (276)
Ana Bell Valderama
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0
RoseteJamby D.
nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.
23/01/2022
0nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕
19/01/2022
5umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍
21/11
0Tingnan Lahat