Manhater

**Kelly's Point Of View **
Malamig na gabi para sa puso kong nawawalan ng init. Ilang araw ang bubunuin ko para makabawi sa mga nawala kong grades. Kumusta naman yong pagiging un -updated sa class, ewan ko na lang.
Umaasa akong magigising si kuya para sa kaniyang pamilya. Napaka lungkot ng lugar na ito akala mo wala kang malalapitan na ibang tao. Biruin niyo bihira lang magpunta sina mom and dad dito. Kahit yata pag-usapan ang kalusugan ng pamilya ang kumpanya pa rin ang mahalaga.
Pero ang palagi pinapaalala ni dad ay pumasok na ako sa lunes dahil marami akong hahabulin na lecture at baka ito pa ang maging dahilan para bumaba ang grades ko. Ang hindi nila alam may isang subject akong tiyak bababa dahil hindi namin naipasa ito sa takdang oras.
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganoon mag-isip si Jeron. Kahit man lang sana unawain ang kalagayan ni kuya pero mas pinagpipilitan ang nararamdaman niya dahil nawalan kami ng grades. Kung makaasta akala mo siya lang magdurusa sa grado.
"Hi, kumusta ang kuya mo?"
"A-anong ginagawa mo rito? Paano ka nakalabas sa school, tumakas ka ba??"
"Para ka naman timang diyan!" nahiya naman ako sa sinabi nito.
Kagat labi akong tumalikod kasabay ng kaonting kilig.
"Hindi mo ba kakainin 'yan??" Usisa nito habang nakatingin sa pagkain ko.
"Wala pa kong ganang kumain baka kasi biglang gumising si kuya." Nilalaro ko ang pagkain.
"Baka ikaw ang sunod ma-hospital dahil pinababayaan mo yang sarili mo. Ang payat mo na kaya tingnan mo yang pisngi mo nabawasan ng umbok uh??"
Kinurot kurot ang pisngi ko, "Araaay---Jeron naman wala nga akong gana." Buntong-hininga.
"Ohh, susubuan na lang kita say--- Aaaaahhh---." Napapairap ako.
"Huwag ka ngang makulit isusuka ko lang 'yan!"
"Nawala ka lang ng isang linggo na buntis ka na. Sino ama ha! Sino! Si Ferd ba?! Ano----SAGOT!!"
BINATUKAN KO NG MALAKAS.
"ABNORMAL KA BANG LALAKE KA HA!? ANO BA PINAGSASABI MO RIYAN?!"
"Sabi mo kasi isusuka mo lang hindi ba pinag-aralan natin na kapag nagsusuka lalo kapag kumakain buntis, 'yon ang naisip ko." Naka pout pa.
"Ano ba akala mo sa akin cheap? No, I mean ...bakit ko naman gagawin 'yon! Sira ulo ka ba??"
"Bakit naman hindi? Alam ko naman na crush mo si Ferd, malay natin na----"
BINATUKAN KO NA NAMAN.
"ISA PANG SALITA MALILINTIKAN KA NA SA AKIN!"
Kakamot-kamot ng ulo, "Binibiro lang naman, eh."
"Hindi magandang biro 'yan." Inirapan ko.
"Namiss lang kitang inisin at makasama. Sorry, kumain ka na kasi." Pamimilit nito.
"Pagkagaling ni kuya saka ako babawi."
"Bahala ka nga kapag nakita ka ni Ferd mapapangitan siya sa iyo."
Sinamaan ko nga ng tingin. Sira ulo talaga nito. Pumunta ba rito ang isang ito para mambuwisit?
Ang takaw-takaw pa kumain. Hays, patay gutom ah? Kainis.
"Tingnan mo nga natatakam ka na sa akin----este sa pagkain." Susubuan ako.
"Ayoko nga." Tanggi ko.
"Isa lang, please..." Hay, bakit ba hindi ko siya matanggihan.
Isinubo ko na lang para hindi ako kulitin. Nagiging surot na naman. Kairita lang.
SINANIBAN NA NAMAN NG MULTONG SUROT.
"Ayan, tingnan mo nga ang ganda mo pa rin kahit ngumunguya."
Nasamid ako sa sinabi nito dahilan para bigyan niya kaagad ako ng tubig.
"Ngayon ka lang ba nababati na maganda ka??" Ani nito.
"Of course not! Hindi mo na naitatanong ako ang panlaban ng school namin sa mga Binibini---" Pagmamalaki ko.
"Talaga? Alam mo tamang-tama next month may Mr & Ms Blood stone isasali kita, kayo ni Ferd o kaya tayong dalawa partner."
"Ayoko."
"Bakit ang akala ko ba panlaban ka?"
"Oo pero ayoko na sumali dahil may naaalala lang ako."
"Ano naman 'yon??"
"Basta embarrassing moment hinding-hindi ko 'yon makakalimutan sa buong buhay ko."
"Natalo ka?? Alam mo natural lang may mananalo at matatalo."
"Hindi naman 'yon."
"Eh ano nga?"
"Basta ayoko."
"May involved na ibang tao?? Sino boyfriend mo? Ex-boyfriend?"
"BASTA."
"Mas maganda kung i-share mo 'di ba?? Para may idea ako. Ayaw mo ba na may kulay sa event? Ayaw mo yong mag-bibikini ka? Ayaw mo ng panget na partner?? Don't worry ,dalawa lang naman ang pagpipilian mo si FERD O SI AKO??"
"IKAW?" tumango siya.
"Puwede ba si Ferd na lang?" Natatawa kong sambit.
"Ganoon? Pinahahalata mo talaga ayaw mo sa akin." Masama ang tingin.
"Hindi ah grabe ka medyo lang." Biro ko.
"Okay, partner ko si Claire."
"Claire??"
"Kami ang panlaban sa school kaya kung ayaw mo sa akin sige doon ka kay Ferd." Inirapan ako.
"Hindi ka galit niyan?"
"Alam kong matatalo namin kayo."
"Yabang mo! Sige na sa inyo na ang korona. Hindi naman ako sasali. Kayo na lang tutal kayo rin naman ang mananalo."
"Ay naku! Grab it!"
"Ayaw."
"Ayaw mo?? Maganda pa naman ang premyo." Tiningnan ko siya.
"Ang mananalong Mr & Ms may trip to Korea kasama ang first runner up."
"No need nakapunta na ko riyan." Pagmamalaki ko.
"Sino ba hindi ang matindi rito 2 weeks at unlimited food hindi ka ba masaya?"
"Hindi dahil kung ipapakain lang sa atin ay Bibim Naegmyeon huwag na lang."
"Uy sarap nun ah!!"
"Hay basta ayoko ng spicy..."
"Bakit? Mas ginaganahan kaya ako kumain kapag spicy."
Natahimik kami pareho hindi alam kung sino ang unang magsasalita pero bakit nga ba ganoon? Gusto kong sumali na ayaw ko---ang dahilan...??
Gusto ko dahil kasali sila ni Ferd. Ang Ayaw dahil kasali si Claire. Eh ano ba kasi laban ko roon bukod sa pagiging maganda, I'm sure marami boboto rito sahil sabi nga ni Jeron sila ang pambato ng school. Ano ba laban ng isang transferee. NGANGA NA LANG.
"Ms, gising na po ang pasyente." Dali-dali kami nagtungo matapos sabihin 'yon ng nurse na naka-assign kay kuya.
"Salamat sa Panginoon dahil hindi niya ko binigo sa mga dalangin ko." Hinaplos ko ang kanyang buhok.
"May gusto ka bang kainin?"
Malamlam ang kanyang mata ng tumingin ito kay Jeron.
"Kuya, si Jeron nga pala classmate ko dumalaw lang din siya, uhmmmm ...may gusto ka ba kainin??" Tanging ngiti lang sinagot niya sa akin.
Dumating ang doktor, "Ma'am, maganda kung bigyan natin siya ng time para makapagsalita."
Pinagmasdan namin si kuya sabay ngumiti ito.
"O--okay lang po doctor ganyan lang talaga yang bunso namin madaldal. Salamat po pala doc." Masayang ani ni kuya.
Tumango ang doctor at umalis na susunod sana si Jeron pero pinigilan ko.
"Saan ka pupunta? Samahan mo muna si kuya ibibili ko lang siya ng pagkain." Hawak ko pa rin ang kamay ng surot.
"Kuya, sandali lang ako. Makipag-usap ka muna rito sa President namin mabait po 'yan at nakakatuwang kausap."
Bumitaw ako at binuksan ang pinto, "Beke ..." Natigilan ako sa tawag ni kuya.
Parang nabuhusan ako ng napakalamig na tubig. Bakit ba kailangan tawagin niya ako ng ganyan? Kainis, magaling na nga si kuya nang bubuwisit na, eh.
"KUYAAAAAA....."
Pigil tawa si surot. Kainis, tama nasa isip kong magkakasundo sila. Kainis, makalayas na nga.
Naku,paano na lang pala kung magkasundo 'yon? Tapos palagi nila ako pagtritripan? Si Ate Sydney lang naman kakampi ko kapag sinusumpong 'yang magaling kong kuya!
Hays...Nakahanap na yata ako ng katapat bukod sa kuya! Hayp!
Binilisan ko lumabas at bumalik kaagad sa loob ng room. Nadatnan kong nagtatawanan sila pagkaraan ay tumahimik ng nakita ako. May kutob ako na may usapan sila tungkol sa akin. Ayoko naman magpaka obvious na halata ko 'yon. Oo, pareho sila guwapo na parang aso.
"Nakakatuwa itong Class President niyo, Beke...." Tingnan mo ito! nakatulog lang yan ng ilang linggo ha?!
Kainis.
"Kuya, hinay-hinay naman." Sinulyapan ko habang inaayos ang lugaw na binili ko sa labas ng hospital.
Wala pa kasi nagdadala na food sa amin baka mga busy din mga kasambahay namin kakautos ng auntie namin. Ang maldita kong TITA.
"Huwag ka mag-alala tingin ko magaling na talaga kuya mo. Nakakatawa na nang malakas at dapat ipagpasalamat na lang natin." Sabat ni Jeron.
Kibit-balikat kong binigyan si kuya ng lugaw saka naupo sa sofa.
"Siyanga pala si Ate Sydney mo ba at si Peel?"
"Kakauwi lang ni ate pero babalik din. Si Peel naman nasa bahay lang daw at inaalagaan nila Ateng masing."
"Ilang araw ba akong tulog parang gutom na gutom at uhaw ako."
"Actually, huwag mo na alamin kumain ka lang para magpagaling saka ka lumabas dito. Oo nga pala, monday papasok na ko kuya ha?"
"I'm sorry Kelly sana hindi ako naging dahilan kung bakit hindi ka nakapasok." Yumuko na lang ako.
"Ang totoo kuya."
"Okay lang po 'yon Kuya Benjie makakabawi rin siya." nagulat ako sa sinabi ni Jeron.
Una, dahil okay na ba sa kanya na pareho kami walang grades?
Pangalawa, tinawag niyang kuya 'yong kuya ko?
Baliw na yata talaga ang isang ito. SINAPIAN NA NAMAN.
"Nakakatuwa ka talaga Jeron bagay din kayo ng kapatid ko. Nanliligaw ka ba?"
"Kuyaaaaa..." saway ko.
"Joke lang! Hindi ko pa ulit papayagan na magboyfriend 'yan dahil baka masaktan na naman. Alam mo naman tayong mga lalake, 'di ba?" Biro ba ni kuya 'yon? At isang ito naman ngiting-ngiti.
"17 years old pa lang naman siya okay lang po 'yon hintayin ko na mag-debut baka puwede na."
"Hinihingi mo na ba yong basbas ko??" Parang tangang tanong ni kuya ko.
"Kung babasbasan niyo." Mapangahas na wika naman ng isa.
Binato ko nga si Jeron ng pillow na hawak ko kanina pa. Hindi nga niya namalayan na binato ko kaya sapul siya sa mukha.
"Tigilan mo nga si KUYA." dinilatan ko ng mata para masindak .
"Oh? Bakit?"  Maang-maangan pa. Letchugas!
"Tumigil na nga kayong dalawa puwede ba last nuyo nang pagkikita 'yan dahil parang sasabog ulo ko sa inyong dalawa. Para kayo sina Sanguku at Begeta nag-sanib pwersa!"
"Wahahaha..." Oh kitam, duet pa sila sa pagtawa.
Kainis
Kairita
"Pero Kuya Benjie handa naman akong maghintay para sa kanya." Seryosong wika ng surot.
Tumayo ako hinampas-hampas siya.
"Heto talagang si president napaka kwela kaya idol kita. Wait lang kuya ha? Kakausapin ko lang itong president namin."
Hawak ko ang kanyang laylayan na mahigpit na mahigpit. Nakalabas kami sa room at bigla ko siyang sinamaan ng tingin.
"What??
Taas kilay ko siyang inirapan, "Don't say like that lalo kay kuya madaling mapaniwalain 'yon."
"Ano naman kung maniwala siya sa akin? No big deal,right ?"
"Right?? What----hah! "
"Liligawan kita, gusto kita kaya gagawin ko 'yon."
"Baliw ka na nga. Magpatingin ka na sa doctor tutal nandito ka na rin naman sa Hospital." Magwalk out sana ako kaso hinawakan niya kamay ko.
Nagtama ang aming mga mata at ilang na ilang ako sa mga titig nito.
"Hindi ako baliw, maybe galit sa iyo pero I let you know na---Gusto kita."
Tama ba yong naririnig ko?? Umamin na naman siya kahit alam niyang hindi naman talaga siya may laman nitong puso ko?
"Gusto kita ligawan." Bulong nito, "Gusto ko rin malaman kung pumapayag ka." Lumayo na siya sa akin at sa malayo naka tingin.
Pasimple tumingin sa akin kaya natawa ako, "Ikaw talaga Jeron na palabiro. Biro lang 'yon, 'di ba? Patingin ka ha? Sige mauna na ako pumasok."
De bale mabangga ako sa mga taong nakakasalubong ko ang importante malayo ko ang gaya niyang mukhang surot. Grabe siya, bakit ba palagi na lang niya ako binibiro ng ganoon? Baka seryosohin ko mga sinabi niya.
"Hey, bakit parang hingal na hingal ka?" Usisa ni Kuya.
"W-wala naman kuya."
"Si Jeron ba nandyan sa labas?"
"Uuwi na siguro dahil nagmamadali umalis."
"Tinakot mo?"
"Tinakot? Bakit ko naman siya tatakutin si kuya talaga." Naupo ako sa sofa para mag tablet.
"Alam mo payag ako." Tiningnan ko siya, "Payag akong siya ang magiging boyfriend mo."
"Kuyaaaaa, nagbibiro lang 'yon hindi ko siya magugustuhan. Ayoko sa gaya niya na sobrang kulit."
"Ohh, talaga?? Hindi ba't yong ex mong si ---- no to mention ay ganon din? Palabiro, patawa, makulit, at ka-close ko?"
"Kaya nga sa sobra niyang kulit at palabiro na kuha niya bestfriend ko. Sulutan lang naman ang labanan. Kahit gaano pa siya kabuting tao kapag may traydor sa barkada matutukso pa rin 'yon. Ikaw na nga, nagsabi 'di ba na ganyan kayong mga lalake? kaya hindi na rin ako magtataka na ganoon din si Jeron."
"Gising ka na pala mahal....." Bungad ni Ate Sydney at hinagkan kaagad si kuya.
Nangibabaw ang kaba sa dibdib ko ng makita ko si Jeron nakatayo sa pintuan. Papalit-palit kong tiningnan sina ate Sydney at Jeron. Tumayo ako para lapitan si JERON nguni't pilit itong ngumiti.
"Kuya, ate mauna na po ako may practice po kami sa basketball ngayon. Kelly, mauna na ako magkita na lang tayo sa monday."
"Sige Jeron salamat sa pagdalaw kapag nadaan ako sa school niyo maglaro tayo ng basketball." Kuya.
Yumuko ito at tuluyan ng umalis, "Kuya, hatid ko lang po." tumango na lang ang dalawa.
"JERON!" nguni't hindi ito lumilingon, "HOY SUROT !" Aba ayaw talaga ako tingnan.
"HOY!" hinatak ko ang kanyang balikat at nagkatinginan na kami. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pang-snob nito.
"Bakit?" walang buhay niyang tugon.
Nakipagtitigan muna ako, "May nakalimutan ka bang sabihin??" nag-pout ako, "Ah alam ko na, GOODBYE KISS BA??" hahalikan ako.
"Uy! Uy! Abnormal ka wah! Sira ulo nito. Goodbye kiss ka riyan." Inirapan ko nga.
"Ano ba kasi dahilan bakit sinundan mo ako?" Iritable nitong tanong.
"Narinig mo ba yong ...alam mo na----hindi ko naman intensyon na saktan ka pero kasi-----"
"Alam mo Bettina, ngayon alam ko na kung bakit noong una galit ka sa mga lalake dahil nasaktan ka sa huli mong relasyon pero sana naman huwag mo akong idamay sa lalake naging dahilan ng kabiguan mo. Iba ako sa kanya, at iba siya sa akin pero sabi nga nila hindi kita dapat pilitin kung ayaw mo. Sorry kung makulit ako, at lalong palabiro. Sorry talaga."
Niyakap niya ako ng ubod nang higpit. Hindi ko na magawang makakalas. Pagkaraan ay hinimas niya ulo ko na nakangiti.
"Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon ha??" Hindi kaya siya galit? Nakangiti siya sa harapan ko eh. O baka naman pakitang tao lang nito upang di ko isipin na saktan ko siya.
"Sorry."
"...kukutusan talaga kita kapag inulit mo 'yon."
"Kahit babae ako??"
"Kahit babae ka pa." Bulong niya saka ako muling niyakap, "Haaay...Bettina ...na miss kita make sure na papasok ka na sa monday na mimiss ko na kasi yong katabi kong maganda."
Hampas sa braso at dibdib ang tinamo niya mula sa akin, "ABNORMAL."
"Baka nga abno ako."
"Ha??"
"Wala, sige na. See you on monday. Babush!" parang bata itong tumakbo palayo sa akin.
"Ano raw babush?! Kakaiba rin ang isang ito eh." IIiling-iling akong pumasok sa Hospital.

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Ana Bell Valderama

    thank-you dahil ang ganda po ng kwento Na to sana lang sila ni jeron at Kelly ang makatulyan sa dulo hnd ko pa kasi tapos bahasin naubosan Na ako ng load.

    23/01/2022

      0
  • avatar
    RoseteJamby D.

    nice, ang lakas lang like naaalala ko yun mga kilig moment sa school, mga School crushes, puppy love, asaran nakaka-miss tuloy face to face class. Cover palang ng story and title nakuha agad atensyon ko then yun intro palang na-feel ko yun kilig kahit sobrang ikli lang. Gusto ko basahin yun story mukhang dadalhin tayo nito sa f2f class and kilig moment literal yieee excited much. thank you author 💕

    19/01/2022

      5
  • avatar
    catorAngelita

    umpisa palang maganda na ang kwento 🥰😍

    21/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata