Homepage/Reincarnation of Center Empire Princess/
60. Peace or War
Farrah
"Hmm...hm...hmm..." I'm humming a song while walking at the garden. Hinawakan ko rin ang mga halaman at bulaklak dahil napakaganda nito. Napaka-bango rin pala ng mga bulaklak, parang perfume.
"Aray." Sambit ko at agad na inialis ang aking daliri mula sa halaman nang matusok ako ng tinik ng bulaklak. Pinisil ko agad ang sugat ko at may lumabas na dugo mula doon.
"Magandang umaga, kamahalan. Maistorbo ko lamang po kayo, hinahanap ka ng iyong mga bisita sa kapihan ng palasyo." May dumating na kawal. Bumaling ang paningin n'ya sa aking kamay.
"A-Anong nangyari kamahalan? Nasugatan mo ba ang iyong sarili?" Nag-alala ito at nilapitan pa ako.
"Ayos lang ako, sino ang mga bisitang nag-hahanap sa akin?" Tanong ko.
"Ang Prinsipe Shin at ang dukesa ng Hashi na si binibining Alejandra kasama ang nakababata nitong kapatid na si Henry." Anito.
"Dideretso na lamang ako roon, nakahanda na ba ang tsaa at ang panghimagas para sa kanila?" Tanong ko at nag-simula nang maglakad pabalik sa palasyo.
"Ihahanda pa lamang, may gusto ka pa bang ipahanda maliban sa panghimagas, kamahalan?" S'ya naman ang nag-tanong.
Napatigil ako sa pag-lalakad nang mahagip ng mata ko si Christienne, nag-tagpo ang paningin namin ngunit s'ya ang unang lumihis. Hindi ko alam kung ano ang nag-himok sa'kin para habulin s'ya.
"Christienne." Banggit ko sa kanyang ngalan sabay hawak sa kanyang braso. Hindi ko na alam ang susunod kong linya.
"K-Kamahalan, may ipapagawa ka po ba o maaari mo na akong bitawan." Aniya. Ano ba ang relasyon ni Farrah at ang babaeng 'to?
"P-Patawad." Salitang lumabas sa bibig ko.
Gulantang ang ekspresyon nito at ikinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim, "kung ano man ang nasabi kong dahilan ng hnanakit mo, patawad." pag-hingi ko ng tawad at yumuko pa sa tapat n'ya.
Pinigilan n'ya pa ako, "K-Kamahalan, wala kang kasalanan. Pasensya ka na at inabala pa kita." Aniya.
Niyakap ko s'ya. Ito lamang ang magagawa ko para matapos ang hindi pagkakaintindihan sa relasyon ng babaeng 'to at ni Farrah.
Alam kong mababaw lang ang ginawa ko pero... sapat na iyon para matanggap n'ya.
"Ngayon, kung maaari sana'y dalhan mo ako ng panghimagas sa kapihan habang nagaganap ang maliit na pagti-tipon." Pag-ngiti ko.
Ginantihan n'ya ito ng malapad na ngiti at yumukod bago umalis sa kanyang pwesto.
Nang lumisan s'ya ay nawala na rin ang ngiti ko sa labi at nag-simula nang mag-lakad. Nakasunod lamang ang kawal sa'kin at inaantay ang ipag-uutos ko.
Nasa tapat na ako ng pinto sa kapihan. Bago ko buksan ang pinto ay nag-bigay muna ako ng bilin, "bantayan mo ang labas ng pinto, si Christienne lang ang papasok sa loob. Wala nang iba."
Sinulyapan ko ang kanyang pag-tango bago pumasok sa loob ng silid.
Nadatnan ko si Shin na kaswal na naka-upo sa kutson, naka-dekwatro pa ito. I assume, these other two person are Henry and the duchess of Hashi.
Nasa kutson din ang dukesa at base sa mukha nito ay bagot na bagot siguro s'ya sa kahihintay sa'kin. Si Henry naman ay naka-tanaw sa bintana.
"Paanong magpa-pakasal ka agad sa prinsipe ng silangan, Farrah?" Napatayo pa ang dukesa at nag-simula nang sumumbat.
"Paki-usap, kumalma ka lamang." Sambit ko at umupo sa malambot na upuan katapat sila.
"Tama ang prinsesa, kumalma ka lamang. Bukas na ang kaarawan ng prinsesa, hindi ka ba masaya para sa kanya?" Ngisi ni Shin at inakbayan ang dukesa.
"Aalisin mo 'yang kamay mo or I'll cut you in half?" Tumaas pa ang kilay ng dukesa kaya agad na inalis ni Shin ang kamay n'ya at dumistansya sa dukesa.
Habang nag-babangayan sila'y nag-timpla ako ng tsaa ko sa lamesa, "pinapunta n'yo lang ba talaga ako tungkol sa magaganap na kasalan? Plano pa lamang namin iyon, hindi pa mangyayari." Pag-lilinaw ko.
Napahawak s'ya sa kanyang noo, "hindi lamang iyon ang dahilan... ang norte..." hindi maipaliwanag sa ekspresyon nito ang kanyang labis na kalungkutan.
"Ang norte at ang dalawang malayang bayan sa gitnang emperyo..." Usal nito.
Habang nag-sasalita ang dukesa ay pinapanood ko ang ekspresyon ni Shin. Ikinasaya n'ya ba ang ganito, dahilan para ngumiti s'ya?
"Schadenfreude." Mahinang sambit ko. Lumingon si Shin sa'kin kaya nag-tagpo ang aming paningin.
"Ano iyon, prinsesa?" Tanong ng dukesa na tila'y hindi alam ang tensyon na nangyayari sa amin ni Shin.
Dumating na si Christienne at inilapag sa tapat namin ang panghimagas na prutas, cake, at tinapay at may dinagdag rin itong tunaw na tsokolate sa isang maliit na mangkok.
Nginitian ko si Shin sabay tugon kay Christienne, "salamat, Christienne."
"Ano ang inyong ginagawa?" Tanong ni Henry, nasa tabi ko s'ya at halos mag-dikit ang pisngi namin habang ngumunguya ito ng tinapay na sinawsaw sa tsokolate. May napkin din sa tabi ng mga pagkain.
"Sinusubukan ko lamang ang pasensya ng prinsesa ngunit mas mahaba pala ito kaysa sa aking inaasahan." Pag-tawa ni Shin at umiwas ng tingin.
"Hmm! Ang sarap naman nito." Kumuha ulit ng tinapay si Henry at kinain ito. Halos kumalat na ang tsokolate sa kanyang labi at pisnge.
"Kumain ka nga nang dahan-dahan, para ka namang bata." Pinag-sabihan ito ng dukesa.
"Bakit tiningnan ako ng ganoong mga mata mo, Farrah?" Shin's curiosity. He leans and look at me.
"Anong tingin ba, Shin?" Lumapit din ako at nakipagti-tigan.
"Pinagdududahan mo ba ako?" Tanong ni Shin.
Nginisian ko s'ya, "pinagdududahan saan?"
Wala s'yang naisagot at kumuha na lamang ng pang-himagas para kainin ito.
"Bakit hindi natin imbitahan ang kambal dito para sa kaunting salo-salo?" Suhestyon ni Henry habang ngumunguya.
"Kaya nga, maaari ba natin silang imbitahan dito?" Baling naman ng dukesa sa'kin.
Bumuga ako ng hangin at umalis sa pwesto ko atsaka dumeretso sa pinto. Lumabas ako at kinausap ang isa sa mga nagbabantay sa pinto.
"Papuntahin ang kambal na prinsipe papunta dito." Bilin ko at agad naman s'yang kumilos.
Bumalik ako sa loob ng silid at umupo sa aking upuan. Lumapit si Shin sa'kin at inilahad ang tinidor na may cake, "don't be shy." ani pa nito.
Tiningnan ko s'ya nang masama, pasalamat s'ya at wala akong kutsilyo dahil baka kilitiin ko ang tagiliran n'ya gamit iyon.
Tinanggap ko ang pang-himagas, "Ikinasaya mo na 'yan?"
Tumango ang loko, "ikinagagalak ko pa, kamahalan." Anito at binalak na hawakan ang buhok ko. Agad kong hinawi ang kamay n'ya, "humihiling ka ba ng kamatayan?"
Tumawa ito at bumalik sa kanyang upuan, "balita ko, balak kang ipakasal ng hari, kamahalan." Buntong hininga n'ya.
"Manahimik ka na." Sambit ko at humigop sa tinimpla kong kape.
"Sa kambal, isa sa kambal." Sabat ni Henry habang ngumunguya.
'Ano?'
"Kailan pa ang balitang ito?" Tanong ko.
"Noong umalis ang hari patungong Amekrana, iyon agad ang kumalat na balita at ayon sa mamamahayag, niliwanagan s'ya nito sa kumakalat na balita at totoo nga ang plano ng hari." Sagot ng dama.
"Henry, tawagin mo nga si Kaya para ibigay sa kamahalan ang dyaryo sa araw na tinutukoy namin." Utos ng dama sa prinsipe na agad namang nag-punas ng bibig at lumisan ng kwarto.
"Talaga nga palang abala ka, prinsesa. Ano ang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang buwan?" Ngisi ni Shin na animo'y alam ang mga kilos ko.
"Kumitil ng buhay, Shin." Diretsahang sagot ko upang manahimik na s'ya.
"Hindi ka talaga nag-babago Farrah, ikaw pa rin talaga ang dahilan ng pag-aaway-away ng limang emperyo." Tumayo si Shin at tinutukan ako ng espada, "nakakabighani talaga ang kagandahan mo." Ani pa nito.
"Maupo ka nga prinsipe, nakakabastos iyang ginagawa mo." Sambit ng dama. Hinawi ni Shin ang espada patungo sa dama, mabilis umilag ang dalaga at inilabas na rin ang kanyang espada upang maki-pagtalo sa prinsipe.
"Hindi ko na kasalanan kung makasira kayo ng pagmamay-ari ng gitnang emperyo." Usal ko at muling humigop sa kape.
Pinanood ko lamang silang mag-away.
Napalingon ako sa pinto nang kumalabog ang pinto at iniluwa ang kambal at si Henry na nakadungaw pa.
Lumapit sa dalawang naglalaban si Poisonus at lumapit naman sa'kin si Venomus, "kamahalan, maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" Pag-kunsulta n'ya at tumango ako.
"Have a seat." Inilahad ko ang kamay ko sa kutson kung saan maaari s'yang umupo at manood ng labanan.
"Mahal na prinsesa, hindi ito oras upang maupo lamang." Pinag-sabihan ako ni Poisonus.
Marahan akong tumawa at umalis sa kinauupuan ko at dumako sa dama at sa Prinsipe Shin, "Makinig." Pag-istorbo ko at lumaan naman sa'kin ang kanilang atensyon.
"Kapayapaan o digmaan, para sa inyong dalawa. Ano ang desisyon n'yo?" Mungkahi ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat