52. Handling it

Farrah//pov
"Anong meron?" Pagtataka ko. 
Kakapasok lamang namin sa palasyo at ang mga katulong ay nagta-takbuhan sa pagmamadali.
"Hmm, mahal ko... pwede bang dumeretso na tayo sa kwarto? Napapagod na ako." Usal ni Liam.
"Bitawan mo na kasi ako!" Sigaw ko sa kanya. Nakayakap pa rin s'ya mula sa aking likuran, ayaw n'ya ako bitawan mula pa kanina.
"Hmm.." reklamo pa nito.
"Oo na, aakyat na! Tara na!" Nag-simula na akong umakyat sa hagdan kahit bigat na bigat ako sa lalaking 'to.
Bigla na lamang napatawa si Liam, "talaga bang bubuhatin mo ako hanggang kwarto? Tara na." Pinakawalan n'ya na ako at sumabay sa'kin mag-lakad.
"Ako ba ay sinusubukan mo, prinsipe? Baka gusto mo matulog sa lapag mamaya?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"May kasalanan ka pa." Sambit nito at binuhat ako na parang sako.
"A-ano ba Liam!" Inis kong hinampas s'ya sa likuran.
Nang makarating kami sa kwarto ay ibinagsak n'ya ako sa kama at pumatong s'ya, "ano kaya ang gagawin ko sa'yo ngayon?" Niluwagan n'ya ang suot n'yang sinturon.
'Jusko, hindi pa po ako handa, teka lang.'
Nawala ang kaba ko nang makita ko ang sugat sa tagiliran n'ya. Nainis ako.
Hinila ko s'ya pabagsak sa kama, "ack!" Usal nito.
'Si Liam? Nasasaktan physically?'
"What the hell..." Usal ko at pinadapa s'ya. Hinubad ko ang pag-itaas n'ya at bumungad ang kanyang mga peklat ngunit walang sugat.
Hinampas ko s'ya, "huwag mo nga ako takutin Liam, nakakainis ka!" Umalis ako sa kana dahil sa inis ko sa kanya. Minsan na nga lang mag-biro, yung mag-aalala pa ako.
May daplis lang naman s'ya sa tagiliran, ang ganoong sugat ay hindi nakakaapekto sa kanya. Halimaw kasi s'ya. 
"H-hindi ako nakikipag-biruan, Farrah." Anito habang namimilipit sa kanyang tagiliran.
Tiningnan ko ang sugat n'ya sa tagiliran. Dinaplisan ng espada ni Mustafa. 
"M-may lason... ang espada ni Mustafa, may lason." Hirap na hirap s'ya mag-salita.
Imbis na mag-alala ay kinutusan ko s'ya sa ulo, "huwag ka ngang gumanyan, g*go ka ba?"
"Hindi ka ba talaga mag-aalala? Sigurado ka?" Tanong n'ya. 
'Kita mo na? Ginag*go talaga ako nito minsan.'
"Pero seryoso, may lason ang espada n'ya. Magbababad muna ako sa bukal upang malinis ang sugat, mananatili ka rito?" Tumayo s'ya at hinalikan ako sa pisnge.
"Huwag mo ako kausapin, umalis ka nga sa harapan ko." Pag-irap ko sa kanya.
Humagikgik ang loko, "mahal din kita, prinsesa ko." Anito bago lumisan.
Napanguso ako, "jinojoke-time n'ya ba ako or what?" 
Napatampal ako sa aking noo, "anong petsa na ba?" Tanong ko sa sarili at bumangon mula sa kama.
Lumapit ako sa lamesa ni Liam kung saan ang maliit n'yang kalendaryo, "sa susunod na araw na ang kaarawan ko?" Tanong ko sa sarili.
Kailangan na pala naming makabalik ng emperyo mamaya.
"Mahal na prinsesa? Nariyan ka ba?"
Agad akong lumapit sa pinto upang pagbuksan ang katulong.
"Bakit?" Pagtataka ko.
"Hinahanap ka ng Prinsipe Aifrel sa kanilang silid, kailangan n'ya raw ang inyong tulong." Aniya.
Tumango ako at sumunod sa kanya, "may nangyari ba?" Tanong ko.
"Patawad kamahalan ngunit maski ako ay hindi alam ang nangyari. Bigla na lamang nag-wala ang prinsipe at pinatawag ang mga katulong upang kumuha ng kakailanganin n'ya." Aniya.
"Kakailanganin para saan?" Pagtataka ko.
"Mga bagay na kailangan para sa nag-dadalang tao, kamahalan." 
"Ano?" Napatigil ako sa pag-lalakad. Pinoproseso ko pa sa utak ko ang sinasabi ng katulong.
Nang matauhan ako ay dali-daling nag-lakad papasok sa kwarto ni Aifrel. 
"Kapatid ko—"
Binati ko s'ya ng malakas na sampal.
"Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ko. 
Yumuko ang mga katulong bago lumisan upang 'di na madamay sa away namin ng kapatid ko.
"G*go ka, Aifrel." Sinampal ko s'ya ulit hanggang sa mapunit ang gilid ng labi n'ya. Wala pa rin s'yang kibo.
"Gagampanan ko lahat ng responsibilidad, kung maaari ko s'yang pakasalan... gagawin ko para lamang maging ligtas s'ya." Anito.
"Anong pinagsasabi mong magiging ligtas s'ya kung papakasalan mo s'ya?! Gumagana ba talaga ang turnilyo mo sa utak, Aifrel?" Galit na tanong ko.
"F-Farrah..."
Napa-upo ako sa kama na inaayos ng mga katulong kanina, "ang daming gulo na nangyayari, Aifrel... parang nakaraan lamang ay hindi kayo mapag-kasundo diba? Paanong nakarating kayo sa punto na ganito?"
"Jusko, sa dami-dami ng bubuuin n'yo sa emperyo bakit bata pa?" Napahilamos na lamang ako sa aking palad.
"Paano n'yo palalakihin ang sanggol kung ngayo'y parehas kayong may tungkulin? At isa pa, hindi pa alam ng reyna na may relasyon kami ni Liam, sinapawan mo pa." Ani ko.
"K-kung maaaring lumiban ako sa aking tungkulin—"
"Hindi ka liliban sa tungkulin mo, manahimik ka." Putol ko sa kanyang tugon.
'Wala akong mapagkakatiwalaang tao na mag-aalaga sa magiging anak ng g*gong 'to, pag-iisipan ko pa ito nang maigi.'
"Aifrel, hindi dapat malaman ng publiko ang tungkol sa bagay na 'to. Sa ngayon, kailangan muna natin bumalik sa gitnang emperyo." Sabi ko.
"B-bakit?" Tanong n'ya. 
"Magulong kasiyahan ang magaganap sa aking kaarawan." Sambit ko.
"...Kumusta si Julia?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Binigyan s'ya ng kwarto ng kamahalan kung saan mas ligtas s'ya, may doktor na rin s'yang kasama upang asikasuhin s'ya." Paliwanag n'ya. 
"Bakit nagkakagulo ang mga katulong kanina? Unang araw pa lang naman ng kanyang pagbubuntis diba?" Pagtataka ko.
Tumango naman s'ya, "h-hindi ko alam ang aking gagawin kanina nung nawalan s'ya ng malay kaya pinatawag ko ang lahat, nalaman ito ng hari at tinulungan na rin ako."
"Puro ka kasi 'gagampanan ang responsibilidad' tapos hindi mo rin pala alam ang iyong gagawin." Pag-irap ko sa kanya.
"Kapatid ko... iingatan ko s'ya, pangako." Seryosong sabi n'ya. 
"Tsk!" Muling pag-irap ko, "may naisip na kayong pangalan?" Tanong ko. Alam kong unang araw pa lang ng pagbubuntis ni Julia pero gusto ko na alamin ang pangalan, malay mo cute yung name.
"K-kausapin ko pa s'ya tungkol d'yan,  kinakabahan nga ako..." Usal n'ya. 
"Kakabahan ka sa alin?" Pag-tataka ko.
"Na... baka ipalaglag n'ya ang bata dahil... alam mo namang galit na galit yun sa'kin." Usal n'ya. 
"Hindi ako komportable kung ganyan ka mag-salita Aifrel, para kang tanga." I grimaced. 
"Kinakabahan na nga ako!" Pag-hilamos ng palad sa kanyang mukha.
'Iyan napapala mo, bahala ka riyan.'
"Pero... Aifrel, kung babae ang magiging anak n'yo... baka pwede pa akong mag-provide ng kakailanganin n'ya hanggang sa lumaki s'ya pero kapag iyan lalaki, huwag n'yong ipapakita mukha n'yan sa'kin." Mahabang sabi ko. 
"Huwag naman ganyan, kapatid ko." Anito.
"Aifrel, magiging hari ang anak mo kapag lumaki kaya manahimik ka." Sabi ko.
"E? Ano naman? Ganoon naman talaga ang mangyayari. Hindi ka ba sang-ayon?" Pagtataka n'ya. 
"Ehem, anak ko ang mamumuno sa gitnang emperyo!" Pinandilatan ko s'ya. 
"Talagang— hoy, Farrah! Baka gusto mo umabot pa 'to sa agawan ng trono?!" Anito.
"E, ayaw mo nga mamuno sa gitnang emperyo tapos gusto mo pa mamuno 'yang anak mo? Jologs ka ba!" 
At nag-sigawan na nga kami.
"T-teka bakit ba ganito pinag-uusapan natin? Hindi pa naman niluluwal ni Julia yung bata." Natauhan s'ya. 
"Ah basta! Man hater ako!" Irap ko.
"Kapag iyan narinig ng asawa mo, malalagot ka." Pag-ngisi ng loko.
"Manahimik ka nga!"

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata