Homepage/Reincarnation of Center Empire Princess/
50. How do men think?
Farrah//pov
"Kamahalan, oras na ng inyong agahan."
Nagising ako sa boses ni Dominique. Bumangon ako at tumingin kay Dominique na nasa pintuan saka lipat ng tingin kay Liam na abala sa lamesa nito.
"P-patawad kung na-istorbo ko ang iyong pag-tulog, mahal na prinsesa.." Pagyukod nito.
"Ayos lang, Dominique... susunod kami sa ibaba." Sabi ko.
Muli s'yang yumuko bago lumisan.
Umalis ako sa kama at nilapitan si Liam na abala pa rin sa pag-susulat. Nakatulog ata ako sa kalesa at binuhat n'ya ako papunta rito. Tiyak na hindi pa natutulog ang lalaking 'to.
Pinanood ko lamang s'yang mag-sulat at ilang segundo bago s'ya tumigil at itinuon ang atensyon sa'kin.
Hinapit n'ya ang bewang ko papalapit sa kanya,
"ano ang kailangan ng mahal ko?" Tanong ko.
"Halik." Maikling sagot nito.
'Anak ng tokwang prinsipe na ito, adik.'
"Sige, tutal napagod ka kaka-aliw sa'kin kagabi." Sambit ko at hinalikan s'ya sa labi. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi n'ya kagabi at tumatak talaga ito sa isip ko.
"Bumaba na tayo upang makapag-almusal." Aya ko.
Muli n'yang kinuha ang panulat at nag-sulat na, "susunod ako, magpakabusog ka kasama ang iba."
"Sigurado ka, mahal ko? Pwede ko namang sabihan ang inyong mayordomo na hatiran ka ng pagkain dito." Pag-laro ko sa kanyang buhok.
"It's alright, tatapusin ko lamang 'to upang wala na akong gagawin mamaya maliban sa magpagulong-gulong sa kama kasama ka." Pilyong sabi nito na ikinatawa ko.
"Ikaw talaga... sige, bababa na ako." Muli akong humalik sa kanyang pisnge bago lumabas ng silid.
Hindi kalayuan sa labas ng pinto ng kwarto ay tanaw ko sila Aifrel at Julia na parang may pinag-aawayan. Pababa na sila ng hagdan at parang nag-kakainitan na.
'Naku, Aifrel... malalagot ka talaga riyan..'
Tsaka ko lamang narinig ang kanilang pinag-uusapan nang makalapit ako sa kanila.
"T*ngina."
"Naiintindihan ko ang galit mo sa'kin ngunit-"
"Tangina, kailan pa? Kailan pa nag-simula? Kasi kingina ka Aifrel! Galit ako sa mga lalaki! Lalong-lalo na sa'yo!"
Tinulak ni Julia si Aifrel.
Alam ko namang kapag tinulak ni Julia si Aifrel wala nang sakit na mararamdaman ang lalaking 'to, halata namang nahumaling na s'ya kay Julia.
Bago pa man mahulog si Aifrel ay mabilis kong hinablot ang pulsuhan nito.
"Huwag na huwag mong gagawin iyan Julia, isa pa ring prinsipe ang iyong kausap." Paalala ko. Halata namang naguguluhan pa rin sa mga nangyayari 'to si Julia pero...
...gusto lang naman tumulong ni Aifrel. Sa ibang paraan nga lamang.
"Hana, hinalay ako ng lalaking 'yan, nanghina lamang ako ay-"
"Kagustuhan ko iyon at gagampanan ko ang lahat ng responsibilidad kahit ito'y magiging resulta ng kamatayan." Seryosong sambit ni Aifrel.
'Pinagsasabi ng lalaking 'to? G*go ba 'to or ganito lang talaga s'ya umibig?'
"Nakakadiri ka Aifrel."
Tila'y bumagsak ang balikat ni Aifrel sa katagang sinabi ni Julia. Pansin ko sa mga mata nitong parang nasira ang mundo nito.
Naunang bumaba si Julia at naiwan kami ni Aifrel sa itaas ng hagdan.
"T-talaga?..." pag-kausap nito sa sarili.
"Totoo, isipin mo ang kahihinatnan bago mo simulan ang kilos, kapatid ko." Bilin ko at hinawakan s'ya sa braso.
"Tara na, mag-almusal ka na." Aya ko. Tila'y wala s'ya sa sariling sumunod na lamang sa'kin.
'Iyan napapala n'yo sa pag-ibig na 'yan e.'
"Bakit kasi s'ya pa, Aifrel? Jusko." Usal ko. Hindi naman iyan sasagot kasi nagp-proseso pa sa utak n'ya ang sinabi ni Julia.
Binati namin ang hari at ang iba nang pumasok kami sa kainan. Narito na rin pala ang duke na si Cain, ang Prinsesa Thana, at ang dalawang kapatid nito.
"Ang prinsipe?" Tanong ng hari.
"Susunod na lang daw dito, kamahalan." Sagot ko.
Umupo kami sa bakanteng upuan. Kinunsulta ko ang kalagayan ng aking kapatid dahil ayokong mag-mukha s'yang katawa-tawa sa harap ng iba.
Inayos ko ang buhok nito at ang kanyang kwelyuhan.
"Mukhang hindi maganda ang pagkakagising ng Prinsipe Aifrel." Sambit ng hari pagkatapos uminom ng alak.
"Kulang sa tulog, kamahalan. Tiyak na pinapatawag nanaman kami ni ama sa emperyo." Rason ko.
"Balita ko nga'y kararating lamang ng iyong ama mula sa Amekrana, nakipag-kalakalan nanaman ba s'ya upang may bago kang kerida?"
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig kong sinabi ni Crishen ngunit hindi ako nag-pahalata.
'Tangina, sa dami ng lugar na pwedeng puntahan ni ama... bakit sa Amekrana?'
"Kahanga-hanga, kambal ang makakatunggali ng aking anak?" Mapag-larong sabi ng ama ni Liam.
'This is so bad...'
'Isa o dalawa lang ang tao na aasikasuhin ko dapat at nadagdagan nanaman... kambal pa!'
"Hindi alam ni ama na ikakasal ka na?" Tanong ni Aifrel sa'kin.
"Maski ako'y walang alam na may kasalang magaganap." Tugon ko sa kanya.
Lahat ng atensyon nila'y napako sa'kin.
"Prinsesa Farrah, alam mo naman na kapag hindi ka pa kinasal ay patuloy kang maghahanap ng kerida?" Parang hindi sang-ayon ang duke sa pag-tugon ko kay Aifrel.
"Sa ganitong krisis na nangyayari ngayon? Malabong may kasiyahang magaganap."ani ko.
Pumasok ng silid si Fergus at hinahanap ako, "p-paumanhin sa istorbo." Yuko nito sa lahat.
"M-mahal na prinsesa, mensahe." Itinaas nito ang sobre na may pulang wax. Importante ba...?
Agad akong tumayo at yumukod bago lumapit kay Fergus.
"Kanino galing?" Tanong ko.
"Ang sobre na 'to ay nakita ko lamang na ibinato ng isang lalaking naka-takip ang mukha sa harap mismo ng palasyo at kumaripas na ito ng takbo paalis. Akala ko ay kung anong bagay lamang ang ibinato n'ya ngunit nakita ko na nakapangalan ito sa'yo." Paliwanag nito.
Binuksan ko ang sobre at binasa ang nasa loob nito.
Kung hindi ka makakadalo sa pagpu-pulong, babagsak ang emperyo ng norte.
Huling babala,
Adam
'Bwesit, bakit responsibilidad ko nanaman ang bagay na ito?'
"Ihanda ang kabayo ko." Utos ko kay Fergus.
"Masusunod, kamahalan."
Julia//pov
Lumipas na ang halos tatlumpung minutong kakaupo sa ilalim ng puno ay naisipan kong bumalik sa palasyo dahil kumukulo na ang tyan ko.
"Tsk! Bwesit s'ya!"
Inis kong sinipa ang maliit na batong humaharang sa aking dinadaanan. Dahil bawal lumabas ng silangang palasyo, narito lamang ako sa malapad na damuhan at nililibang ang aking sarili.
Napatampal ako sa aking noo, "bakit ba inis na inis ako sa kanya..." Usal ko.
Sumulpot sa aking isipan ang mukha n'ya kanina nang sabihan ko s'ya ng— katagang iyon.
"Bakit..." napapikit ako sa kahihiyan, "bakit ako, prinsipe." Pumadyak-padyak pa habang naglalakad.
"Tila'y malalim ang iniisip mo, binibini. Mag-isa ka lang ba?"
Pagka-alala ko, kapatid ng Prinsesa Thana ang lalaking 'to.
"May nakikita ka bang naririto maliban sa'tin?" Iritang tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sandali." Hinawakan n'ya ako sa pulsuhan.
"Mapuputol 'yang kamay mo kapag 'di mo ako binitawan." Banta ko.
Bigla na lamang sumirit ang dugo mula sa kanyang kamay nang daanan ito ng isang espada.
'S'ya nanaman.'
Hinila ako ni Aifrel palayo mula kay Prinsipe Crishen.
"Isa ka pa, bitawan mo nga ako!" Irita kong inalis ang kamay ni Aifrel pero nagmamatigas s'ya.
Nakahawak si Prinsipe Crishen sa kanyang pulsuhan na duguan. Nagliliyab naman sa galit ang mga mata ni Aifrel. Galit na galit s'ya na halos higpitan n'ya ang pagkakahawak n'ya sa'kin.
"A-Aifrel—!" Sigaw ko.
"Hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa'yo kapag ginalaw mo pa ang pagmamay-ari ko, Crishen." Gigil ang boses nito.
Hinila ko ang tainga nito upang lingunin ako, "t*ngina Aifrel! Bitawan mo ako! Masakit!" Sigaw ko.
"A-Aray! Oo, ito na! Patawad!" Tugon nito at agad akong binitawan.
Napatawa si Prinsipe Crishen, "bagay kayo."
"Manahimik ka!" Sigaw ni Aifrel sa kanya.
"Ano ba ang ginagawa n'yo rito?" Tanong ko.
"Nagpapahangin—"
"May importanteng pinuntahan si Liam at Farrah kaya gusto kong mahimasmasan muna sa pag-iisip kung ano ang maaaring mangyari sa kanila." Paliwanag ni Aifrel.
"Umalis si Hana?" Bulong ko sa kanya.
"Hindi n'yo talaga ako papansinin—"
"Oo, hindi ko nga alam kung may away na nangyari kasi wala silang kibuan hanggang makaalis silang dalawa." Sagot ni Aifrel.
"Bagay nga talaga kayo—"
"Manahimik ka na Crishen, lubayan mo na ang binibini na 'to." Seryosong sambit ni Aifrel.
"Psh, sige, paalam." Dismaya ang tono ni Prinsipe Crishen bago lumisan.
Bumuntong hininga si Aifrel bago mag-simulang mag-salita, "galit ka pa rin ba?"
'Bakit n'ya ba tinatanong 'yan? Kakalimutan ko na dapat ang bagay na iyan.'
"Patawad sa kahangalan ko, prinsipe." Yuko ko. Kahit galit ako sa nangyari, dapat ginagalang ko pa rin s'ya.
"H-hindi, ako dapat ang humingi ng tawad." Yumuko rin s'ya.
Natawa na lamang ako sa aming ginagawa, "hindi na ako makikipag-talo pa." Ani ko.
"Kung gayon..." Usal n'ya.
'Hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa'min...'
"M-mauuna na ako." Nasabi ko na lamang at nilagpasan s'ya.
"S-sandali, Julia—"
"Bakit?" Tanong ko nang pigilan n'ya ako.
Tila'y naputulan s'ya ng dila at hindi na madugtungan ang susunod na linya.
"W-wala, huwag na lamang." Bitaw n'ya sa'kin.
"Sige, mauuna na ako, Prinsipe Aifrel." Yuko ko bago s'ya talikuran. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat