Farrah//pov "Nasaan na ba kasi 'yon?" Nanghahalukat nanaman ako sa mga gamit ni Liam. "Nasaan ang alin?" Hindi ko napansin na lumabas na s'ya mula sa banyo. Nauna akong naligo kaysa sa kanya kaya agad akong nanghalukat habang nasa banyo s'ya. Naka-pantalon na ito ngunit walang pang-itaas at pinupunasan pa nito ang kanyang buhok. "W-wala." Aniko at lumayo mula sa kanyang lamesa. Lumapit sya sa lamesa at tiningnan ang mga gamit n'ya. Iniangat n'ya ito at ibinagsak na lumikha ng malakas na ingay. "Magtapat ka nga, ano ang tinatago mo sa'kin?" Tanong n'ya at ibinagsak ang sarili sa kanyang upuan. "Lumapit ka sa'kin nang mas marinig kita." Sabi pa nito. Huminga ako nang malalim. "Paano ko ba sisimulan 'to..." Usal ko. "Kasi..." "Farrah." "Oo! Eto na!" Sambit ko at pinakalma ang aking sarili, "balak kong umalis sa pwesto bilang prinsesa upang makalayo sa mga responsibilidad kaya pumayag ako sa hukuman upang mapatalsik na ako." Pagsasabi ko ng totoo. "Nabalitaan ko na ginawan mo ng paraan ang mga isyu ko kaya nagulat talaga ako." Sabi ko. "Iyan din ba ang rason kung bakit hindi ka masaya na mag-kasintahan tayo?" Tanong n'ya. "H-hindi sa ganoon, Liam... ang ibig kong sabihin ay dinadahan-dahan pa lamang natin ang nangyayari at mas mabuti iyon. Walang kasinungalingan ang pinagsasabi ko kanina sa gubat, totoo iyon." "Nang maalala ko na may maiiwan ako sa emperyo... hindi ko na itinuloy ang plano." Dugtong ko pa. "That's all I want to hear, ito ang hinahanap mo." Inabot n'ya sa'kin ang kontrata. Tinitigan ko nang mabuti. Nagdadalawang isip sa aking gagawin. "Punitin mo kung may balak kang umalis, halikan mo ako kung mananatili ka sa tabi ko." Malambing ang kanyang tono. Tapos na akong magdesisyon sa ganitong bagay, kanina pa. Nirolyo ko ang kontrata at mabilis s'yang hinalikan sa kanyang labi. "Aah... napakaganda talaga ng asawa ko, ikamamatay ko ito." Pagyakap n'ya mula sa aking bewang. Isinubsob n'ya pa ang kaniyang mukha sa aking dibdib, "ang lambot..." "What do you think you're doing?" Tinaasan ko s'ya ng kaliwang kilay. Iniangat n'ya ang mukha n'yang nasa pagitan ng aking dibdib, "namamangha sa'yo, mahal ko." Sinuklay ko ang kanyang buhok at hinalikan s'ya sa noo, "marami ka pang gagawin, tama na ang lambing." Another thing, hindi ko pa nakikita ang kapatid ko... "Asan si Aifrel?" Tanong ko kay Liam. "Yun na nga..." Usal nito, "nawala ako sa sarili nang malaman kong wala ka sa palasyo..." anito. "Pinauwi s'ya ni ama para sa kanyang kaligtasan." Dugtong pa nito. "Maayos na ba ang lagay mo? May nasaktan ka ba sa palasyo?" Tanong ko. "Si ama... kakausapin ko s'ya mamaya." Sabi n'ya at kumawala mula sa pagkakayakap. Nakarinig ako ng ingay mula sa pasilyo. Tiyak akong boses ni Julia at Aifrel na nagbabangayan iyon. "Wala namang nangyayari, manahimik ka nga babae." Boses ni Aifrel na kakaraan pa lamang sa pintuan ng silid ni Liam. "Naririto sila?" Pagtataka ko. "Hinahanap tayo." Seryosong sabi nito. "Pupuntahan ko sila, babalikan kita." Mabilis akong humalik sa kanyang pisngi at tumakbo palabas ng silid upang habulin sila Aifrel. "Kapatid ko!" Pag-tawag ko sa kanila. Lumingon sila at ilang segundo bago sila tumakbo pabalik sa dinaanan nila kanina. Niyakap nila akong tatlo, "pinag-alala mo kami, prinsesa!" Tila'y nakahinga nang maluwag na si Fergus. "Maayos lang ba ang pakiramdam mo, prinsesa ko?" Pag-aalala ni Aifrel at sinuri pa ako. "P-paano ka nakabalik?" Tanong naman ni Julia. "Relax, maayos lang ang lagay ko. Sinundo ako ni Liam doon." Nginitian ko sila. "W-wala naman s'yang sinira sa kagubatan diba?" Tanong ni Fergus. "Wala naman maliban sa mga peste." Malapad pa rin ang aking pag-ngiti. "Tigilan mo nga iyan at natatakot na ako sa ngiti mo." Saway ni Julia sa'kin na ikinatawa ko. "Kumusta naman ang prinsipe?" Tanong ni Aifrel. Bumuntong hininga ako, "maayos naman s'ya pero muntik n'ya na raw masaktan ang hari?" Tumango si Aifrel, "wag kang mag-alala, ama n'ya iyon at alam naming hindi iyon masasaktan ng sarili n'yang anak ngunit kailangan n'ya pa ring humingi ng tawad dahil baka kumalat ang isyu na 'to sa emperyo na ikasira ng reputasyon n'yo." Paliwanag n'ya. "Bwesit na isyu." Usal ko. "Wala tayong magagawa, nasa imperyalismo tayo." Sambit ni Julia. Tama s'ya. "Nga pala, nung araw na dinukot ka ni Mustafa... may mga sinabi ba s'ya sa'yo?" Tanong ni Aifrel. "Kung hindi raw ako sasama sa kanya ay papatayin ka n'ya. Wala akong nagawa, nasa kama ka lamang at mas malapit s'ya sa'yo, mabilis s'yang kumilos kaysa sa'kin kaya wala akong nagawa." Paliwanag ko. "Bakit hindi mo kasama ang prinsipe? Binalita sa'kin ni Zariyah na alam n'yong dalawa na umaaligid si Mustafa sa palasyo, bakit hindi mo kasama si Liam papunta sa silid ko?" Inis na tanong n'ya. "Kalma, prinsipe Aifrel." Sabi ni Julia. "Hindi, sagutin mo ako Farrah. Alam mong naroon ang kalaban?" Tanong n'ya. Hindi ako nakasagot. Oo, alam kong naroon si Mustafa dahil ang alas lang naman ang gusto n'yang patayin ngunit ako ang pakay ng kanyang ama. Lumabas na rin ng silid si Liam at ngayo'y pinapalibutan nila ako. "Oo alam kong naroroon s'ya, alam ko nga rin na nakikinig ka sa buong usapan namin, Aifrel." Kalmadong sabi ko. Natahimik ang kapatid ko. "Naroon din sa likod ng pinto si Liam." Paglingon ko pa sa prinsipe. "Narinig n'yo ngunit alam n'yong ayaw ko ang pinapakialaman at mabuti naman ay nagawa n'yo ang simple na bagay na iyon." Sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sumagot ng ganito sa kanila. Ngunit ang boses ko ay nananatiling kalmado at inosente. "Sa tingin n'yo? Sino talaga ang sinungaling dito?" Tanong ko. Natahimik sila. Walang nagtangkang mag-salita. "Sa mundo ng katotohanan ay alam n'yo namang may kasinungalingan, kaya 'wag na natin lokohin ang ating mga sarili." Makahulugang sabi ko. "Magpapahangin muna ako, hindi ako makahinga sa atmospera ngayon." Inunahan ko sila mag-lakad. 'Nai-stress na ako sa buhay na ito, girl.' "Dapat kasi hindi na lang ako nakipag-sagutan sa kanila... mahal na mahal ko na sila e. Nagui-guilt tuloy ako." Usal ko habang naglalakad. "Liam..." "Anong gagawin ko..." Bumuntong hininga ang lalaking nasa aking likuran, "humingi ka ng tawad upang mabawasan ang tinik na nararamdaman mo sa iyong puso at gayundin sa kanila." "Ikaw? Hihingi ka ba ng tawad sa hari?" Tanong ko. Iniluhod n'ya ang isang paa sa tapat ko na parang nagp-propose at hinila ang palad ko upang humingi ng tawad. "Patawad sa hindi ko pagtulong nang makuha ka ni Mustafa, ayaw mong pinapakialaman ka at hindi ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo, mahal ko. Patawad." Lubos ang lambing sa kanyang boses. "Patawad din at salamat sa pag-tulong sa'kin sa lahat." Niyakap ko s'ya. "Mahal kita." Bulong n'ya. "Mahal din kita." Tugon ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat