Farrah//pov "Who did this?" Pag-buhat n'ya sa'kin. Narito na sina Cain, kasama ang asawa n'ya at ang dalawang kapatid nito... si Crishen at Krishanj. Nagtataka ako kung paano sila nakarating nang mabilis sa Killaro... Nilingon ko sina Adam na halos pilayin na ang kapatid ko. "Mabuti na lang ay nandito ka na." Pag-yakap ko kay Liam. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating na sila. "Sino ang lalaking iyan?" Baling ng Prinsesa Thana kay Lupin. "Ano lang... magnanakaw lang." Kapilyuhan n'ya. "Crishen." Pagtawag ni Liam. Lumapit ang lalaki at nakinig sa sasabihin ni Liam. "Bawiin mo si Aifrel, patayin mo ang sagabal." Tumango si Crishen at kalmadong nag-lakad papunta kila Adam. May humarang na tauhan at nagulat ako sa sumunod na nangyari. "Shh, magpahinga ka na... dugo ang ating lagda, aking tangi ." Pag-haplos ni Liam sa buhok ko nang maramdaman n'yang ikinagulat ko ang ginawa ni Crishen. Dinurog ni Crishen ang ulo ng lalaki gamit lamang ang kanyang kamay. 'Anong klaseng tao ang makakagawa n'yan?!' "Nakapag-isip-isip ka na ba, prinsesa ko?" Bulong ni Liam sa'kin. Niyakap ko s'ya nang mahigpit, "oo, deal is a deal." "Mahal na mahal talaga kita." Bulong n'ya na ikinagulat ko. "G-g*go? anong mahal? akala ko trip mo lang yung kondisyon na 'to?" Taka ko. "Kailan pa ba ako nag-biro, prinsesa?" Sarkastikong tanong n'ya habang nakatingin sa'kin. 'Seryoso? Sa sitwasyon na 'to?! Tsk! Pwede namang mamaya na sa palasyo...' "TANDAAN MO ADAM! MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN!" Galit na sigaw ni Aifrel habang hinihila s'ya ni Crishen papunta sa'min. "Tara na, hindi naman na sila makakasunod kung naririto ang Prinsipe Liam." Sambit ni Crishen. "Kumusta?" Pag-aalala ng Prinsesa Thana sa'kin. "Maayos lamang, kamahalan." Ilang ko. Naiilang talaga ako sa Prinsesa Thana. Nagpatuloy ang pag-sabog sa Killaro kaya nagmadali kaming lumabas. "Kamahalan, patawad at salamat sa lahat..." yuko ni Lupin. "Sige na, mag-ingat ka sa iyong pagbabalik at 'wag mo na ulitin ang pag-nanakaw." Sabi ng duke. Pinanood lang naming makaalis si Lupin. "Paano kayo nakarating agad dito?" Pag-tataka ko, "ang ibig kong sabihin.. ang mga kapatid ng Prinsesa Thana?" Dugtong ko pa. "May mga mabilis na ruta papunta sa iba't ibang emperyo. Bilang lamang sa daliri ang mga taong nakakaalam no'n." Paliwanag n'ya. 'Katulad ng dinaanan namin ni Aifrel...' "Isa pa, hindi paalam ang mensahe na sinulat ni Aifrel... pag-hingi ng tulong iyon. Sinabi n'ya rin sa mensahe kung ano ang trato ng heneral ng silangan sa'yo." Mahabang sambit nito. "Sa tingin mo, ano ang unang hihiwalay sa katawan n'ya?" Tanong n'ya. Iniyukom ko ang kamao ko, gusto ko i-torture yung lalaking 'yun nanggigigil ako. "Paa." Sabi ko. "Mali, ulo." Anito. Nilingon ko s'ya na nakataas ang kaliwang kilay, "ang sama mo naman mag-biro." "Kailan ba ako nag-bibiro, prinsesa ko?" He scoffed. "Seryoso? Nasaan?" Tanong ko. "Nariyan lang sa tabi-tabi." Pamimilosopo n'ya. Ewan ko ba kung nag-bibiro s'ya o ewan. Iniangat n'ya ako upang makasakay sa kabayo, "ako na ang sasabay sa kapatid ko." Paghila ni Aifrel kay Liam palayo mula sa'kin. Napatawa si Liam, "kalma, teka magpapaalam muna ako sa mahal ko." Bahagyang napatawa ang iba sa sinabi ni Liam. "Ano ba Liam, pwede naman natin 'to pag-usapan mamaya..." Bulong na may diin sa tonong sambit ko kay Liam. Ngumiti s'ya, "okay, my love..." bulong n'ya rin. Sumakay si Aifrel sa kabayo habang ako ang nasa harapan nito. Agad n'yang pinatakbo ang kabayo na ikinagulat ko, "k-kinginang Mustafa 'yan—" "Isa ka rin, pinairal mo 'yang sama ng loob mo edi natalo ka ngayon." Sabi ko. Pinahinga n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko hanggang sa bumigat ang pakiramdam ko. "Nakakangalay naman 'to." Usal ko. Pansin ko ang kamay n'yang dahan-dahang bumitaw sa tali ng kabayo kasama ang katawan n'ya kaya agad akong umalalay at pinatigil ang kabayo. Mabuti na lamang ay nakasunod ang iba kaya tumigil din. "Anong nangyari?" Ranong ni Crishen na nakasakay sa kabayo n'ya. Kasabay n'ya lamang si Liam. "Nawalan ng malay." Aniko. Bumaba silang dalawa sa kani-kanilang kabayo at inalalayan si Aifrel papasok sa kalesa. "Maayos ka lang ba r'yan sa kabayo?" Tanong ni Liam sa'kin. Tumango ako, "nga pala, isasauli ko na 'to." Iniabot ko ang mapa na kinuha ko kanina mula kay Aifrel. "Walang anuman, 'wag kang mauuna't sumabay ka sa amin ni Crishen." Bilin n'ya at tumango ako. "Nga pala Liam, pwede bang lumipat ako sa kalesa? Nakakaramdam kasi ako ng antok." Sambit ko. "Naku Prinsesa Farrah, walang pwesto sa loob dahil sinakop na ng prinsipe ang bakante." Sagot ni Crishen. "Dito ka na lamang sa'kin at si Crishen na ang bahala sa kabayo." Sabi ni Liam at bumaba sa kabayo upang buhatin ako. Inalalayan naman n'ya akong makaakyat sa harapan n'ya, "there, maayos na?" Paninigurado n'ya. Nang handa na rin si Crishen ay nagpatuloy na ang aming byahe. Naramdaman kong sumisipa na ang antok kaya yumuko ako. 'Inaantok na me..' Hinila ni Liam ang ulohan ko at pinahiga sa dibdib n'ya, "magpahinga ka muna, gigisingin na lamang kita." Pag-halik n'ya sa noo ko. Hindi na ako tumugon dahil inaantok na talaga ako. Penelope//pov "Prinsesa ko... prinsesa ko... ano na? may nangyayari na ba?" Tanong ni ama. Nakayukod ako sa tapat ng kanyang trono. Iniyukom ko ang palad ko bago tumayo, "tiyak na inaasikaso na ng prinsesa ang isyu n'ya, wala na s'yang tatakasan." Ngisi ko. "May nakarating na balita sa'kin na papakasalan n'ya ang Prinsipe Liam? Hmm? Kilala mo naman ang prinsipe... tiyak na mauurong nanaman ang plano." Anito habang pinaglalaruan ang ginto sa kamay. 'Kingina, ano nanaman ang plano ng prinsesa na 'yon? hindi matapos-tapos ang buhay n'ya.' "Tsk," mahinang inis ko, "ano ang gagawin ko?" "Ensnare the prince with your beauty." "Prinsipe?" Pagtataka ko. Tumango si ama, "ang kambal ng Amekrana." "Dumalo ka sa kaarawan ng prinsesa at surpresahin mo ang lahat sa iyong presensya kasama ang kambal. Ako ang bahala sa plano." Anito. "Anong plano?" Ang dami kong ipinagtataka. "Pinili kong piliin ang kambal na akitin mo dahil hindi dadalo ang Prinsipe Liam sa kaarawan ng asawa nito, sayang lamang dahil s'ya sana ang aakitin mo... at ibabalita mo sa lahat na s'ya ang ama ng batang nasa sinapupunan mo."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
19/12/2024
0yvucygub
15/12/2024
0kkkk
09/10/2024
0Tingnan Lahat