32. Find a way

Farrah//pov
Hindi kalayuan mula sa palasyo ay tumigil na kami upang simulan ang plano. 
Binuksan ko ang mapa na mula kay Liam at tiningnan ang kabuuan nito, tugma ang iginuhit n'ya.
'Nasa balete ang lagusan, hindi kalayuan mula sa likuran ng palasyo.' Pag-isip ko nang makita sa mapa.
"Tara." Aya ko kay Aifrel. Sumunod naman s'ya hanggang makarating kami sa aming pupuntahan.
Nakatuon lamang ang mata ko sa papel nang bigla akong hinablot ni Aifrel, "gusto mo tumalon?" Tanong n'ya. 
Napatingin naman ako sa harapan ko sabay atras dahil sa takot, "s-salamat." Sabi ko. 
'KINGINA MUNTIK NA AKO MAHULOG SA BANGIN.'
Nanginginig akong kumapit sa braso ni Aifrel dahil sa nerbyos, "tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, akin na." 
Inilayo ko ang papel nang balakin n'ya itong kunin.
"Ano? kalma, wala ang pagkanulo sa bokabularyo ko." May halong palalo ang kanyang tono.
Agad ko namang ibinigay sa kanya ang papel, "ang sulat kamay na ito... 'wag mong sabihin na ang tinutukoy mo kaninang papakasalanan mo ay si Prinsipe Liam?"
Nanlaki ang aking mga mata.
'P-paano n'ya nalaman ang mga ibang detalye sa pamamagitan ng pag-tingin lamang sa sulat kamay?!'
"Papaanong—"
"Alam mo naman siguro na magiging hari rin ng gitnang emperyo ang papakasalan mo? At opisyal na mamumuno sa gitnang emperyo?" Tanong nito.
"O-Oo."
"At iyon ang kapalit ni Liam para ibigay n'ya ang mapa na 'to sa'yo?" 
"Oo— TEKA, PAANO MO NALAMAN LAHAT NG IYAN?!" Gulantang ko.
"Hinaan mo nga ang boses mo. Hana, hindi mo ba alam kung gaano ako katalino? 'Wag mo na alamin, manliliit ka lamang." Pagmamayabang n'ya. Ang gago talaga nito.
"Oo na, tara na, nagmamadali ako." Pag-irap ko sa kanya.
Natawa s'ya, "kung ano ang gusto mong gawin, Prinsesa Farrah." Sarkastikong sambit n'ya. 
"Ang lakas mo pala mang-asar ano? Halika nga rito yakapin kita sa leeg, isa lang." Banta ko.
"Shh, mamaya ka na lumambing, may misyon tayo rito." Pagpapatahimik n'ya pa sa'kin. 
'Ang lakas ng loob, lamutakin ko kaya mukha nito.'
"T-teka bakit si Liam ang mamumuno kung narito ka naman?" Pagtataka ko. 
'Alam ko namang nasa batas nila ang pagbawal sa mga babae na mamuno.. ewan ko ba kung bakit.'
"Hana, wala akong dugong bughaw kaya hindi ako maaaring umupo sa trono." Anito.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.
"Sampung taong gulang ka pa lamang noong inampon ako ng reyna, itinago tayo mula sa lahat at inilabas lamang tayo sa publiko nang maging labing-lima ka. Nagulat ang lahat nang malaman na walang tagapagmana ang gitnang emperyo dahil ipinanganak kang babae. Maliban sa pamilya natin ay wala nang nakakaalam na hindi ako tunay na prinsipe." Paliwanag n'ya. 
"Para sa'kin, depinisyon ka ng isang prinsipe... standard ka kaya Aifrel." Sabi ko at hinanda ang mga gamit namin papasok sa balete. Natahimik s'ya. 
"Dito.." aya n'ya nang makapasok na kami sa lagusan.
"Maghihiwalay tayo, ikaw ang papasok doon at magpanggap ka na naroon ka ilang araw na at ako ang magbabawas sa kanila." Bilin n'ya. 
Tumango ako, "paano yung mga kabalyero ng silangan?"
"Sila ang gagambala sa mga Jakisha na nasa labas upang sila ang atakihin, wala na tayong pakialam kung ano ang mangyayari sa kanila." Sagot n'ya. 
Tumigil kami sa maliit na pinto, "pagkalabas mo rito, pangalawang palapag ito at hanapin mo ang silid ni Cain, wala kang pagtatanungan maliwanag? Ikaw mismo ang maghahanap." Bilin n'ya.
Tumango ako at itinulak ang pinto. 
"Teka." Pigil n'ya at hinila ako.
Bumuntong hininga s'ya, "mag-iingat ka, maliwanag?" Yakap n'ya at hinalikan ako sa noo.
"Mag-iingat ka rin." Yakap ko pabalik bago na ako nagpatuloy lumabas ng pinto. 
Inayos ko ang aking kasuotan at naglakad-lakad sa pasilyo.
May nakasalubong akong dalawang lalaki kaya tumayo ako nang tuwid.
"Ayokong may humaharang sa daanan ko, tumabi kayo." Bilin ko.
"Anong ginagawa ng isang prinsesa rito?" Tanong ng lalaki.
"Hindi n'yo alam na nananatili ako rito sa Killaro pansamantala? Tumabi kayo kung ayaw n'yong bumaon ito sa lalamunan n'yo." Banta ko hawak ang pana.
Tumabi naman sila kaya dumaan ako at binilisan ang paglalakad.
'Muntik na 'yon...' 
Nakarating ako sa isang pintuan, "Please... please... be Cain's room..." Usal ko.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay nadatnan ko ang isang nakatalikod na lalaki habang walang awa n'yang sinasaksak ang isang kabalyero.
I gasped,
Sa tingin ko narinig n'ya yun dahil ang mga mata n'ya ay mabilis na tumuon sa'kin.
Mabilis s'yang umalis sa kama at ako naman ay kumaripas ng takbo dahil sa takot.
Sumulyap pa ako sa likuran kung saan nagtagpo ang nanlilisik n'yang mga mata sa aking paningin.
Hindi ko napansin ang dinadaanan ko kaya ako natumba at napaharap sa kanya. 
"HINDI KA MAKAKATAKAS SA'KI—"
"Enough, Mustafa." 
Bago pa bumaon ang espadang hawak ng lalaki ay may pumigil sa kanya mula sa aking likuran.
"Pasensya ka na mahal na prinsesa, masyado lamang talagang kulang sa kontrol itong alaga ko." Anito at kinuha ang espada bago ako inalalayang tumayo.
Huminga ako nang malalim at hindi pinahalata ang takot ko.
"Tsk, 'wag ka nga pumasok sa kwarto na may kwarto, iniistorbo mo 'ko." Sabi pa nito at tumalikod.
"Hindi pamilyar ang mukha n'yo, kilala ko ba kayo?" Tanong ko, hindi ko alam kung bakit ang mga salitang ito ang lumabas sa bibig ko. Malamang hindi mo sila kilalang lahat self.
"Adam." Pakilala ng lalaking may katandaan na. Yung lalaking pumigil kay Mustafa na paslangin ako.
'Adam? S'ya ba yung tinutukoy ng kapatid ko?'
"Prinsesa Farrah." Tugon ko.
"Ang prinsesa ng gitnang emperyo? Hindi ko alam na mas maganda ka sa malapitan..." lumapit si Mustafa at pinaglaruan ang aking buhok.
"Wala akong oras para makipaglaro sa'yo munting ginoo," sabi ko kay Mustafa at yumuko kay Adam, "mauuna na ako."
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinihit ang mga doorknob pero ang iba rito ay nakasara, "sh*t." Kalampag ko.
Ang hirap kapag may responsibilidad talaga, kingina.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa nang may humila sa'kin, "shh."
Bulong ni Aifrel at pumasok sa bakanteng silid, "wala na ang duke rito, hindi ba nakarating sa'yo ang mensahe na nasa lagusan na sila? sinabi ng duke na naibigay iyon kasabay ng mensahe na nabasa mo kanina." Paliwanag n'ya. May irita sa kanyang tono.
"H-hindi, isang papel lamang ang natanggap ko." Sabi ko.
Pumasok s'ya sa aparador kung saan may sikretong lagusan, "halika rito." Aya n'ya at inalalayan ako.
"Hindi ba kaya i-depensa ng Killaro ang Jakisha? ang laki ng Killaro." Sabi ko.
"Nag-sanib pwersa ang Jakisha at si Adam kaya lumakas sila." Tugon ng kapatid ko.
"Mabuti na lamang ay maayos ang lagay mo, kamahalan." May sumalubong sa'king lalaki at mahigpit akong niyakap.
May hawak s'yang lampara upang may ilaw s'ya sa madilim na lugar. Tanaw ko ang bughaw n'yang mga mata at ang kanyang mahabang itim na buhok.
"Si Cain." Bulong ni Aifrel.
"Oo, ayos lamang ako." Inayos ko ang tindig ko upang magpanggap.
"Ama ng kambal?" Bulong ko kay Aifrel nang makalayo ako kay Cain.
Umiling s'ya, "pangalawang asawa iyan ng Prinsesa Thana, taksil ang ama ng kambal.. nagpakalayo-layo mula sa emperyo." Sagot n'ya. 
"May naiisip ka bang plano, mahal na duke?" Tanong ni Aifrel at umupo sa lapag.
"Marumi riyan, tumayo ka nga." Saway ko sa kanya.
"Ayoko nga, kapagod.. halika rito umupo ka rin." Pag-hila n'ya sa'kin at mabilis na ipinatong ang cloak n'ya sa ibaba ko upang maupuan ko.
'Mapang-alaga ka rin pala kapatid ko. 'Yan goods tayo.'
"Hindi kakayanin ng heneral mula sa silangan ang labanan na 'to, may mahihingan pa kaya tayo ng tulong? Mabagsik ang isa sa mga tauhan ni Adam, inubos n'ya ang mga kawal ko." Paliwanag nito.
"Bakit ayaw mo humingi ng tulong sa asawa mo? Kung wala nang paraan, hihingi ka talaga ng tulong." Sabi ni Aifrel.
"Sang-ayon ako kay Aifrel." Sambit ko.
"Ayokong mapag-alala sila... hindi pa maayos ang relasyon namin sa isa't isa lalo na sa kambal at ang dalawang kapatid n'ya." Paliwanag nito.
"Ano ka ba Cain?! Iniisip mo pa 'yan e mas mahalaga ang Killaro!" Tumaas ang boses ko sa kanya.
"Cain, kung wala ang Killaro ay hindi mo maaaring pakasalanan ang Prinsesa Thana kaya kung ako sa'yo ay 'wag mo pairalin ang emosyon mo sa ganitong sitwasyon, kung maaari ka ngang mamatay sa pagkabayani dapat ginawa mo na." Paliwanag ni Aifrel. 
"Isa kang duke, Cain.. hindi mahina ang loob ng isang duke. Isang prinsesa ang asawa mo, ayusin mo naman ang iyong sarili." Sabi ko.
Nananatiling nakatungo si Cain at tila'y nainis sa pinagsasabi namin ni Aifrel kahit totoo naman, "naiintindihan ko..." pagyukom n'ya sa kanyang kamao.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Felizardo Francisco

    nice

    19/12/2024

      0
  • avatar
    Tareko Pomuy

    yvucygub

    15/12/2024

      0
  • avatar
    Tristan Jacob

    kkkk

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata