Chapter 39

TAYLA'S POV
Nandito ako ngayon sa Rainbow Escape, kumakain habang palinga-linga sa paligid baka biglang pumasok isa sa kanila. 5:30 PM nang mapagdesisyunan ko na pumunta ulit dito. Mga ganitong oras na ako pumupunta dahil palagi silang sumusunod sa akin. Ilang araw ko na silang nilalayuan kasi hindi ko na alam kung anong nangyayari. Gumugulo lang lalo isipan ko kapag kasama ko sila.
Tinetext at chinachat pa rin ako ni Edvin pero hindi ko siya nirereplayan. Naalala ko ‘yong huling kita ko sa kanila na sinapak ni Edvin si Green at hindi ko alam kung bakit.
"Ma'am, stress ka po? Nakailang kain ka na po niyan eh," Sabi ni Nikka at tinuro ‘yong plato ko.
"Paano hindi masstress si Ma'am? Gulong gulo na raw siya sa buhay niya pati sa mga kaibigan eh," Sabat naman ni Cessy.
Silang dalawa tinatanong ko kung pumupunta ba 'yong lima rito at kung hinahanap ako. Sinasabi ko sa kanila na huwag sabihin sa kanila na mga ganitong oras ako pumupunta rito. Araw araw may mga balita silang nasasagap kaya nakakakuha rin ako ng impormasyon sa kanila. Lahat ng mga empleyado ko ay maasahan ko pero silang dalawa lang tinatanong ko kasi sila talaga 'yong mga chismosa sa kanila.
"Pero bakit ganoon sina Ma'am Adaly at Sir Green, Ma'am Tayla?" Tanong sa akin ni Nikka.
Napakunot ako ng noo ko at binaba ang tinidor na hawak ko, "Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang sweet po kasi nilang dalawa. Noong nakaraan ko pa po napapansin 'yon eh," Sagot ni Nikka.
Pumalakpak naman si Cessy na parang may naalala. "Nakita ko rin 'yon, Ma'am! Magkaholding hands nga po sila noong nagserve ako sa kanila tapos nilalagay pa ni Ma'am Adaly 'yong ulo niya sa balikat ni Sir Green. Minsan nga po nakalingkis iyong kamay ni Ma'am Adaly sa braso ni Sir Edvin," Tapos dinemo niya pa kung paano.
"Ay! Nakita ko rin po iyon, Ma'am. Nakakapagtaka po talaga. Ang sabi niyo po may relasyon sina Ma'am Adaly at Sir Edvin pero bakit po mas may relasyon sina Ma'am Adaly at Sir Green?" Tanong sa akin ni Nikka pero kibit balikat lang ang sinagot ko kasi maski ako hindi ko alam.
"Pero si Sir Edvin po parang may gusto sayo kasi iyong mga tingin niya po sayo iba eh. Kung paano po titigan ni Sir Green si Ma'am Adaly, ganoon po yung paraan ng pagtitig sayo ni Sir Edvin, Ma'am," Dagdag ni Cessy.
Napasandal ako sa upuan ko at pinagkrus ang braso sa dibdib. Nasa harapan ko sila habang nagkukwento at nakikinig lang ako sa kanila. Ina-analyze ko 'yong mga sinasabi nila sa akin at pinoproseso ko pa sa utak ko. Hindi ko napapansin 'yong mga sinasabi nila kaya hindi ko alam kung totoo ba mga pinagsasabi nila pero alam kong hindi sila gagawa ng kwento.
"Pakiramdam ko po may gusto sayo si Sir Edvin, Ma'am Tayla," Napaubo ako bigla sa sinabi ni Cessy. "Okay lang po kayo, Ma'am? Kukuha po ako ng tubig."
Akma siyang tatayo nang pinigilan ko siya, "Huwag na. Alam niyo tamang tama lang talaga na kayo iyong inatasan ko sa ganito kasi ang dami kong nakuhang impormasyon galing sa inyo. Mga marites talaga kayo noh?" Natatawang sabi ko sa kanila.
"Tinutulungan lang po namin kayo, Ma'am," Sambit ni Nikka.
Tumango ako at nginitian sila, "Sina Feya at Grant ba... Walang issue sa kanila?"
"Wala naman po akong nakikitang mali sa kanila. Hindi ho sila sweet eh," Tumango ako sa sagot ni Nikka.
"Silang tatlo lang po talaga 'yong napapansin namin. Si Sir Edvin po pala palaging pumupunta rito tuwing umaga para hanapin ka. Minsan po kasama 'yong mga kaibigan niyo pero minsan siya lang po mag-isa," Dagdag pa ni Cessy.
Pinalandas ko 'yong mga daliri ko sa buhok ko, "Kung naalala ko lang talaga 'yong nangyari noong gabing iyon sa bar baka hindi na ako maguluhan pa. Bakit ba kasi ako naaksidente?!" Reklamo ko sa kanila.
"Subukan niyo po kayang tanungin sina Ma'am Feya, Ma'am Tayla?" Suhestyon ni Nikka.
"Para naman sasabihin nila sa akin. Lahat nga sila may sikreto eh!" Nakangusong sumbong ko sa kanila.
"Ang gawin niyo po kapag magkasama kayong anim, magmasid po kayo. Pagmasdan niyo po 'yong mga nangyayari sa lima niyong kaibigan. Panigurado po malalaman niyo at ano pong sabi nila palagi sa inyo? Huwag mag-overthink," Mahabang suhestyon ni Nikka.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi naman ako laruan na dapat paglaruan. Paano nga kung may relasyon sina Adaly at Green? Niloloko lang ni Adaly si Edvin? Posible nga bang may gusto talaga si Edvin sa akin?
***
"Wala ba kayong mga trabaho?" Tanong ko sa limang kaibigan ko na nandito na naman sa harapan ko.
"Kaya naman nila kahit wala kami noh," Natatawang sabi ni Feya, inirapan ko lang siya.
Nandito kami sa Rainbow Escape at nagulat ako nang dumating sila rito. Usually mga umaga sila pumupunta rito base sa sinabi nina Nikka. Mag-6 PM na noong dumating sila rito at tuwang tuwa sila dahil nakita nila ako rito. Matagal na akong hindi nagpaparamdam sa kanila dahil pakiramdam ko ginagawa lang nila akong tanga.
"Umuwi na kayo," Malamig na sambit ko sa kanila.
"May problema ba, Tayla?" Nagtatakang tanong ni Adaly.
Seryoso akong tumingin sa kaniya, "Tanong niyo sa mga sarili niyo."
"Binibini, a--"
"Huwag mo akong matawag na ganiyan! Hindi ka ba nahihiya?" Galit na tanong ko sa kaniya. "Hindi ako laruan na pwede niyong paglaruan kaya tigilan niyo na ako."
Nagtinginan silang apat maliban kay Edvin na mariin lang siyang nakatingin sa akin. "Sabi namin sayo, huwag kang mag-overthink," Mariin na sambit ni Edvin.
"At ano? Aasa ako? Aasa ako na tama nga iyong nasa isip ko? Edi sasaktan ko rin iyong sarili ko!"
"Ma'am, okay lang po kayo?" Napatingin ako kay Nikka na lumapit sa amin.
"Oo," Tipid kong sagot sa kaniya. Tumango siya at umalis na sa amin.
Nakatingin lang ako sa kanilang lima habang nag-iisip at ganoon din ang ginagawa nila. Tumingin ako kina Adaly at Feya at umismid sa kanila. "Kaibigan ko ba talaga kayo?" Paninigurado ko sa kanila.
"Oo naman," Mabilis nilang sagot.
Umiling ako sa kanila, "Parang hindi eh kasi may sikreto kayong hindi ko alam. Pinagmumukha niyo akong tanga. Ilang beses niyo akong tinatanong tungkol sa gabing 'yon pero hindi niyo man lang sinasabi kung ano nga bang nangyari sa bar na 'yon. Kailangan ko pa bang maaksidente ulit para maalala ko? Hanggang kailan niyo itatago sa akin ha?!" Galit na tanong ko sa kanila.
"Litong lito na ako. Sinisisi ko na 'yong sarili ko at nakokonsensiya ako sa mga pinaggagawa ko kaya please... Sabihin niyo na sa akin," Pagmamakaawa ko sa kanila. Naramdaman kong tumulo 'yong mga luha ko dahil sa inis na nararamdaman ko. "Ano bang meron?"
Pinahid ko 'yong mga luha na na sa pisngi ko at pinalandas ko iyong mga daliri ko sa buhok ko. Naghihintay ako ng sagot nila pero wala. Wala akong nakuhang sagot sa kanila kaya tumayo na ako at kinuha ko 'yong gamit ko. Nakatalikod na ako nang biglang nagsalita si Edvin.
"Wala talaga kaming relasyon ni Adaly," Gulat akong napatingin sa kaniya. Narinig ko pang tinawag nila Feya ang pangalan ni Edvin na parang pinipigilan nila. "Bakit? Habang buhay niyo bang itatago 'yon kay Tayla? Hindi niyo ba nakikita na gulong gulo na siya?" Iritableng sabi ni Edvin.
"Ano sabi mo?" Mahinang tanong ko habang nakaharap ako sa kanila.
"Hindi totoong may relasyon kami ni Adaly. Ang totoo niyan ay sila talaga ni Green."
Napaawang ang bibig ko at napatingin sa gawi ni Green. So, sila nga talaga ni Adaly? May relasyon talaga sina Green at Adaly? Mas lalo akong nakonsensya noong hinalikan ko si Green noong pumunta ako sa bahay nila.
"Tayla, magpapaliwanag ako," Sinubukan akong hawakan ni Green pero hinawi ko lang ang kamay ko.
"Ang sama ko pa lang kaibigan kung ganoon," Natatawa kong sambit habang tumutulo ang luha ko at nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kaya umalis na lang ako roon. Hindi ko kayang harapin sila ngayon.
Pumasok ako sa sasakyan ko at umuwi sa bahay. Mabilis lang ang byahre kaya nakarating ako sa bahay agad. Naabutan kong nanonood ng tv sina mama at nagulat sila sa itsura ko ngayon.
"Anong nangyari, anak?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin kaya tuloy-tuloy na pumatak 'yong mga luha ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Umiyak lang ako sa balikat niya habang hinahagod niya ang likod ko. "Nandito kami ng papa mo. Kami ang magiging karamay mo kapag malungkot ka."
"Ang dalaga namin," Natatawang sambit ni Papa at naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. "Ano bang nangyari, anak ko? Sino nang-away sayo? Resbakan ba namin ng mama mo?"
Humiwalay ako kay mama at umupo sa sofa, pinagitnaan pa nila ako. Pinupunasan nila ang pisngi ko na puno ng luha.
"May relasyon pala sina Green at Adaly. Alam niyo po ba na iniisip ko na ang sama sama ko kasi hinahayaan ko na maging sweet sa akin si Edvin pero ang totoo pala ay wala silang relasyon ni Adaly. Noong pumunta ako sa bahay nila Green, naghalikan pa kami nun at niyakap tapos malalaman kong sila pala ni Adaly. Kaibigan ko 'yon eh. Bakit parang wala lang sa kanila? Bakit parang hindi nila naiisip na sinasaktan nila ako?" Reklamo ko sa kanila.
Kinuha ni papa 'yong kaliwang kamay ko, "Alam kong ilang beses na sumagi sa isip mo na hindi talaga sila Edvin at Adaly. Minsan paniwalaan natin 'yong instinct natin tsaka halata mo sa kanila na hindi talaga sila."
"Alam mo bang palaging nasa kwarto mo si Edvin noong nasa hospital ka? Imbes na binibisita niya si Green ay ikaw iyong binibisita niya. Ang sabi sa akin nila Feya ay type ka raw ni Edvin pero dakilang torpe kaya ayon... Hindi niya magawang aminin na type ka niya," Paliwanag ni Mama.
Nag-usap kami nina mama at pinagaan nila ang loob ko. Mabuti na lang nandiyan sila para sa akin sa tuwing kailangan ko ng karamay. Sa kanila ako palaging pumupunta kapag may problema ako. Pagkatapos namin mag-usap, pumunta na ako sa kwarto ko. Padabog akong humiga sa kama at pagod akong magpalit muna ng damit. Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bag at tiningnan ito. Maraming notif akong natanggap galing sa kanila pero kay Edvin lang 'yong binuksan ko.
From: Edvin
Noong una kitang nakita sa bar, sabi ko sa sarili ko na type kita. Lumapit kami sa table niyo at nakilala ko 'yong pangalan mo. Sabi mo sa amin noon na type mo ako kaya natawa ako noong narinig ko iyon kasi parehas lang natin type ang isa't isa. Pero naaksidente ka kaya hindi na ulit kita makausap. Araw araw akong pumupunta sa kwarto mo at nagdadasal na sana magising ka na kasi gusto ko na ulit marinig iyong boses mo. Noong nagising ka na, laking tuwa ko nun kasi nagising na 'yong mahal ko.
From: Edvin
Hindi ko alam pero natotorpe ako pagdating sayo.
From: Edvin
Magpapaliwanag ako pero gusto ko sa personal para makita ko 'yong mukha mo at mahawakan ko ang mga kamay mo.
From:
Mahal kita, Tayla.

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Rayieh Quiroz

    super ganda

    30/03

      0
  • avatar
    AurelRonrick

    Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Fa Rid

    love 💞

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata