Mabilis kaming nakarating sa Rainbow Escape, maraming tao ang bumungad sa amin doon. Akala ko aalis na siya pagkatapos niya akong ihatid pero sinusundan pa rin niya ako. Bakit ba talaga siya narito? Hindi naman na ako bata para may bodyguard pa akong kasama. "Hanggang kailan ka narito?" Kunot noong tanong sa kaniya nang makaupo na ako. Hinila niya yung katapat ko na upuan at umupo roon, "Aray! Pinapaalis mo na agad ako ha!" Hinawakan niya pa yung dibdib niya na parang sinasabi niyang nasaktan siya sa sinabi ko. Inirapan ko lang siya sa ginawa niya. Dami niyang arte. Akala mo naman nasaktan talaga, pakunwari! Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya nakapunta sa bahay at bakit siya naroon. "Paano mo nalaman bahay ko?" Curious na tanong ko sa kaniya. "Tinanong ko kay Adaly," Simpleng sagot nito. "Ano sabi ni Adaly? Hindi man nagtaka kung bakit mo tinanong kung saan bahay ko?" Natawa siya sa sinabi ko habang nakahalumbaba, "Bakit naman siya magtataka? Sa kaibigan niya ako pupunta," Parang wala lang niyang sinabi. Seryoso ba siya? Hindi man lang nagtaka si Adaly? O baka kung ano ano kang iniisip ko kaya napapraning ako? Hindi man lang ba niya tinanong kung bakit ako pupuntahan ni Edvin sa bahay ko? Pakiramdam ko may mali talaga sa kanila. Sa kanilang lahat! "Bakit hindi ka roon kay Adaly?" Masungit kong tanong sa kaniya at nilabas na yung librong binabasa ko sa bahay. "Bakit ako pupunta sa kaniya?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya na parang obvious ba, "Girlfriend mo siya kaya malamang dapat sa kaniya ka pumupunta ngayon!" Medyo pagalit na sambit ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang nandito pero baka anong sabihin ng ibang tao kapag nakita kaming magkasama. Malay ko ba kung sinong makakakita sa amin baka alam niyang girlfriend nito si Adaly edi mag-away pa kami ni Adaly. Ayoko kayang madamay sa lovelife ng iba. "Oh tapos?" Parang ewan niyang tanong. Sinamaan ko siya ng mata, "Girlfriend mo ba talaga si Adaly?" Tanong ko pero kibit balikat lang sinagot niya sa akin. "Kung anong sa tingin mo, ayun kami," Parang balewalang sagot niya sa tanong ko. Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib, "Well, sa tingin ko ay hindi kayo ni Adaly. Tama ba?" Para na akong detective nito. "Kami nga ni Adaly. Bakit ba hindi ka naniniwala?" Natatawang tanong nito. "Kung kayo ni Adaly, bakit ka nandito? Dapat nandoon ka diba?" Taas noo kong tanong sa kaniya at nginisian. Napakamot siya sa noo niya, "Samahan daw kita sabi ni Green," Malalim na boses niyang sinabi. Napukot ang noo ko sa sinabi niya. Samahan niya raw ako sabi ni Green? Bakit wala naman sinabi si Green sa akin? Tsaka bakit hindi siya ‘yong nasa harapan ko ngayon? Ilang araw niya na akong hindi kinakausap at wala akong balita sa kaniya tapos sasabihin ni Edvin na samahan daw niya ako kasi ayon ang sabi niya??? Kinuha ko ang cellphone ko at wala naman text or chat si Green sa akin. Totoo ba itong sinasabi ni Edvin? Bakit parang hindi? May trust issues tuloy ako! "Huwag mo na tingnan kung nag-text si Green kasi busy siya," Sambit niya na parang alam niya ang ginagawa ko. Edi don't. Pinasok ko na lang itong cellphone ko kasi sabi niya huwag ko na lang daw tingnan at tumingin ulit sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na maaliwalas ang mukha niyang nakatingin sa akin ngayon habang nakangiti. Napakurap ako ng dalawang beses dahil sa naramdaman ko ngayon. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Pamilyar itong nararamdaman ko ngayon. Ganitong ganito ang naramdaman ko noong ngumiti siya sa akin si Edvin sa panaginip ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya baka sakaling mawala itong nararamdaman ko ngayon. Pero hindi! Nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin at naiilang ako! Bakit ba nakatingin siya sa akin? Ginugulo niya isipan ko! Mali ito diba? Hindi dapat pwede ito kasi girlfriend niya si Adaly. Hindi niya dapat ako ganiyan tinitingnan kasi baka magselos si Adaly kapag nalaman niya na ganiyan ang paraan ng pagtingin ni Edvin sa akin. Inaamin kong malakas ang dating ni Edvin para sa akin. Kung papapiliin ako kung si Green o si Edvin, si Edvin ang pipiliin ko. Ewan ko sa panaginip ko kung bakit si Green ang naging boyfriend ko roon. Likeable naman si Green pero iba pa rin dating sa akin ni Edvin. Kaya medyo nagulat ako noong nalaman kong may relasyon silang dalawa. Nagbuntong hininga ako at nagbasa na lang ako ng libro ko. Maya maya, napansin kong nagse-cellphone na siya kaya hula ko na baka ite-text niya si Adaly. Pero maya maya, napansin ko rin na tinututok niya ang cellphone niya sa harapan ko kaya tiningnan ko siya at nakumpirma ko na kinukuhanan niya pala ako ng litrato. "Ano ba ‘yan?" Masungit na tanong ko sa kaniya. "Pinipicturan lang kita kaya ngumiti ka," Utos nito sa akin. Inirapan ko nga siya, "Nagbabasa ako rito. Manahimik ka," Tinuon ko na ulit yung tingin ko sa libro. "Ipapadala ko ‘to kay Green." Napatingin ako sa kaniya noong sinabi niya ‘yon, "Talaga?" Masigla kong tanong sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at hindi ko alam kung bakit. "Problema mo?" "Sumaya ka noong sinabi kong ipapadala ko ito kay Green," Seryoso niyang sambit. Hindi ko alam pero bakit para akong kinilig sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagseselos siya. Mali ‘yan, Tayla! "Single kaming parehas at pwede namin ipagpatuloy yung naudlot namin pag-iibigan," Masaya kong sabi sa kaniya at nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa sinabi ko. Kung hindi lang sila ni Adaly, iisipin kong nagseselos siya. Napailing na lang ako sa naisip ko at nagbalik na ako sa pagbabasa. Hindi ko na lang siya papansinin para hindi na ako mailang. Tutal aalis naman ‘yan kapag na-bored na siya. Kailangan kong maging masungit at maging cold sa kaniya para layuan na rin niya ako. Kailangan hindi ko na siya pansinin at baka kung saan pa mapunta ito. Itutuon ko na lang ang atensyon ko kay Green. Hindi pwede kay Edvin. Kailangan kong kalimutan kung ano man ang nararamdama ko ngayon kay Edvin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
Rayieh Quiroz
super ganda
30/03
0
AurelRonrick
Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t
super ganda
30/03
0Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t
14/05/2025
0love 💞
15/03/2025
0Tingnan Lahat