Homepage/Falling for Someone/
Chapter 29
Dumaan ang ilang buwan at January na. Tapos na ang pasko at bagong taon. Maraming nangyari noong nakalipas ang ilang buwan. Sinagot ko na si Green noong pasko at tuwang tuwa sila mama dahil sa naging balita ko. Bakit ko pa papatagalin kung mahal ko naman na siya diba? Ayun talaga ang balak ko na sasagutin ko si Green kapag pasko na parang regalo ko na sa kaniya iyon.
Nagulat sila Feya bakit daw hindi ko sinabi sa kanila iyong plano ko. Bakit ko sasabihin sa kanila eh ang iingay nila? Baka malaman agad ni Green na sasagutin ko siya kapag sinabi ko sa kanila. Sa ingay ba naman nila paniguradong malalaman at malalaman agad ni Green.
Simula noong nahimatay ako, pinapansin na ako ni Adaly at sobrang alaga silang dalawa sa akin. Hindi nila ako iniiwan at pinagsasabihan pa nila si Green na bantayan ako kapag magkasama kaming dalawa. Hindi ko alam kung may napapansin siya sa aming tatlo.
Simula noong nalaman namin yung nasa script, ginagawa namin ang makakaya namin na hindi mangyari ito sa totoong buhay. May mga sitwasyon doon na napipigilan namin at naiiba namin kung anong mangyayari talaga sa totoong buhay pero may mga sitwasyon din na hindi namin napipigilan dahil nakakalimutan din namin.
At sina Adaly at Edvin? Nagpapansinan na ulit. Balik ulit sila sa pag-aasaran at kulitan kaya naririndi na naman kami. Pero mas okay na iyon kaysa sa hindi sila nagpapansinan. Hindi talaga kami sanay kapag ganoon sila sa isa't isa.
“Bibili kami ni Edvin ng pagkain, anong gusto niyo?”
Napatingin ako kay Green na nakatayo sa gitna, nakabilog kasi itong upuan naming anim dahil wala naman kaming ginagawa kaya nagkukwentuhan lang kami.
“Corndog at tubig lang sa akin,” Sambit ko, tumango lang siya.
“Sama na lang kami ni Adaly.”
Kaya kaming dalawa lang ni Grant ang naiwan dito dahil bumili ng pagkain ‘yong apat. Naiilang akong umiwas ng tingin kay Grant kasi ang seryoso ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa kaniya kaya ganiyan siya makatingin sa akin. Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sa mga tingin niya sa akin. Yung tipong naghahanap lang siya ng tyempo para makausap ako.
“May gusto ka bang itanong o sabihin?” Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko na siya.
Sumandal siya sa upuan, pinagkrus niya ang mga braso niya sa kaniyang dibdib habang nakakunot ang noo, “Alam kong alam mo na yung tungkol sa script. Nangyayari ‘to sa totoong buhay diba?” Malamig na tanong niya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
Sa kanilang tatlong magkakaibigan, si Grant ‘yong suplado at masyadong seryoso. Tipong hindi mo gugustuhin kapag kakausapin ka niya kasi sobrang masakit magsalita. Si Edvin naman ‘yong palabiro sa kanila at palaasar na tipong mapipikon ka talaga sa presensiya niya. Si Green naman ay sakto lang parang pinaghalong Grant at Edvin.
“Oo.”
“Nabasa ko yung script kahapon. Hindi ko alam kung nangyari ba yung iba roon pero yung iba ay alam kong nangyari talaga. Wala ka bang balak sabihin sa amin?” Nakakunot ang noo niyang tanong, “Alam kong alam nina Feya at Adaly tungkol dito pero hindi mo ba ipapaalam sa dalawa kong kaibigan?”
Kailangan ba? Maniniwala ba sila kapag sinabi ko tungkol dito?
“Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanila tungkol dito. Hindi ko nga alam kung maniniwala sila sa sasabihin ko. Hinihintay ko lang sila na magtanong at magsabi tungkol sa script na ginawa ko,” Nagbuntong hininga ako, nakatingin pa rin siya sa akin. “Alam nina Feya at Adaly tungkol dito dahil sinabi ko rin sa kanila. Hindi rin sila makapaniwala na nangyayari talaga ito sa totoong buhay paniguradong hindi ka rin makapaniwala sa mga nalaman mo.”
Tumango siya, “Huwag kang mag-alala dahil ikaw ang unang nakaalam na nalaman ko na ‘yong tungkol sa script. Kaya humahanap ako ng tyempo para kausapin ka tungkol dito,” Paliwanag din niya.
Hindi ko aakalain na makakausap ko si Grant at magsasalita siya ng mahaba. Hindi ako sanay na mahahaba ‘yong mga sinasabi niya kasi madalas ay tahimik lang siya kapag magkakasama kami.
Magsasalita na sana ako nang dumating na yung apat, dala-dala nila ‘yong pagkain na pinabili namin. Binigay sa akin ni Green yung pinabili ko at umupo siya sa tabi ko. Hindi ako nagbigay ng bayad sa kaniya kasi palagi niya naman akong nililibre.
"Matanong ko lang," Napatingin kami kay Edvin na nagsalita. Tapos na kaming kumain at pinagpapatuloy lang namin ang kwentuhan. " Bakit ayaw niyong mag-group study? Hindi kasi pwedeng ayaw niyo lang eh."
Nagulat ako sa tanong niya maski sina Feya at Adaly ay nagulat. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin at ikwento kung bakit nga ba ayaw na namin mag-group study pa.
"Oo nga. Curious pa rin kami hanggang ngayon. Bakit nga ba?" Tanong din ni Grant.
Naghihintauy naman itong tatlong lalaki sa sagot namin kaya tumingin ako sa dalawa kong kaibigan at tumango lang sila sa akin.
Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Naggroup study kami kasama ‘yong ibang kaklase namin dati. Bale magkasama kaming tatlo tapos may tatlo pang lalaki kaming kasama. Doon kami sa bahay ng isa namin kasama na lalaki, nasa sala kaming lahat nag-aaral tapos pupunta si Feya sa banyo kaya sumama ako kasi naiihi na rin ako. Noong paglabas namin sa banyo..." Tinigil ko ang pagkukwento ko at tiningnan si Adaly pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong okay lang siya.
"Anong nangyari?" Curious na tanong ni Edvin, "May nangyari kay Adaly? Ginalaw ba siya? Hinawakan?" Ramdam mo sa boses nito na galit siya.
"Pagbalik namin sa sala, nakahiga na si Adaly sa sahig tapos yung isang lalaki ay nasa ulunan ni Adaly at nakahawak sa kamay nito samantalang yung isang lalaki naman ay nakahawak sa dalawang paa ni Adaly. Tapos yung isang lalaki naman, pahawak na sana siya sa dibdib ni Adaly pero buti na lang dumating kami kaya hindi natuloy," Pagtutuloy ko sa kwento ko.
Sinuntok naming dalawa ni Feya iyong tatlong lalaki buti na lang tinuruan kami kung paano mag self-defense. Nangangatog si Adaly noong araw na ‘yon kaya nagsisisi ako na iniwan ko siyang mag-isa.
"Sabi ni Adaly, pinapahawakan daw sa kaniya iyong private part noong isang lalaki tapos yung nakahawak sa paa nito ay nahawakan na niya dibdib ni Adaly. Yung nasa ulunan naman ay nahalikan niya na si Adaly kaso nagpupumiglas daw siya kaya hiniga siya sa sahig."
Napansin kong tinanggal ni Feya iyong kamay ni Adaly sa pulsuhan niya. Inaatake siya ng anxiety niya kaya ibabaon na naman niya yung kuko niya sa pulsuhan niya. Ganoon ang ginagawa sa tuwing inaatake siya ng anxiety niya kaya nag-aalala rin kami sa kaniya.
"Kaya simula noong nangyari ‘yon, hindi na kami nakikipag-group study kahit kanino dahil sa nangyari," Sambit ni Feya, "Noong nasa bahay niyo kami, inaatake siya ng anxiety niya pero sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi namin masabi ang rason dahil hindi namin alam kung maniniwala ba kayo," Paliwanag nito.
"Bakit naman naisip niyo na hindi kami maniniwala?" Kunot noo na tanong ni Green.
"May ibang tao na hindi naniniwala sa anxiety diba? May ibang tao na hindi sineseryoso yung nararamdaman nila. Wala lang sa kanila iyong mental health kaya hindi namin alam kung maniniwala ba kayo o baka pagtatawanan niyo lang," Sagot ko sa kaniya.
Tiningnan ko si Edvin na nakatingin kay Adaly pero nakayuko lang ito na para bang pinapakalma niya ang sarili niya kaya binigyan ko siya ng tubig. Hinahayaan lang namin siya kasi hindi rin namin alam kung paano namin siya kakalmahin. Sabi naman niya ay nawawala rin ito kaya binibigyan lang namin siya ng oras. Pero habang pinapakalma niya ang sarili niya, hinahawakan namin siya sa kamay.
Tumayo si Edvin, kinuha ang upuan niya at umupo sa tabi ni Adaly, "Sinong yung mga gagong ‘yon?" Kalmadong tanong niya pero halatang may inis sa boses nito.
Nagulat naman si Adaly sa tanong ni Edvin halatang hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito.
"Wala na rin sila rito sa school," Ako na ang sumagot sa tanong niya.
"Sorry," Malambing na sambit niya kay Adaly habang nakatingin ito sa kaniya. Hinuhuli niya pa ang mga tingin ni Adaly pero umiiwas ito ng tingin. "Ang insensitive ko sa part na ‘yon kaya sorry," Hinawakan niya ang kamay ni Adaly at hinaplos haplos.
Napatakip ako sa bibig ko, napatingin naman si Feya sa akin at sinabi niyang 'Sana all' nang walang boses na naririnig. Binatawan niya na tuloy yung kamay niya para si Edvin na yung nakahawak sa kamay ni Adaly.
"Para paraan... Ayan ka na naman," Kanta ni Grant pero mukhang hindi narinig nilang dalawa.
May sinasabi si Edvin kay Adaly pero hindi na namin narinig ito kasi ang hina ng boses ni Edvin. Sapat na para silang dalawa lang makarinig. Nilayo na rin ng konti ni Feya iyong upuan niya palayo sa kanilang dalawa dahil nagmumukhang third wheel daw siya. Totoo naman!
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko, nagtataka akong tumingin kay Grant dahil siya yung nagtext sa akin.
From: Grant
Wala ‘yan sa script, alam mo ba ‘yon?
Tumingin ako kay Grant na nakatingin sa akin at umiling siya habang nakangisi. Hindi ko rin maalala kung nasa scirpt ba ito o wala. Pasimple kong binabasa yung script at sinusuri kung wala nga ba talaga ito rito. Buti na lang busy sa cellphone si Green kaya hindi siya magtatanong tungkol sa ginagawa ko.
Nang nakumpirma ko na wala nga ito sa script, nireplayan ko si Grant.
To: Grant
Galing mo naman! Nakabisado mo ba yung buong script?
Pagka-send ko ay tumingin ako sa kaniya at nakita kong napairap siya sa reply ko. Sorry na hehe.
From: Grant
Ikaw itong gumawa ng script kaya dapat ikaw ang unang makakabisado nito.
To: Grant
Makakalimutin ako eh, paano ba ‘yon?
From: Grant
Hindi ko na problema iyon.
Masama akong tumingin kay Grant nang matanggap ko yung text niya pero mapang-asar niya lang nilapag yung cellphone niya sa armchair niya. Akala ko naman concern siya sa akin!
Napatingin tuloy ulit ako kina Adaly at Edvin na nag-uusap habang magkahawak ang kanilang kamay. Wow! Magjowa yarn? Sa tingin ko naman ay kalmado na talaga si Adaly. Si Edvin lang pala ang magpapakalma sa kaniya.
Iniisip ko tuloy kung alam na ni Edvin iyong tungkol sa script. Hindi kaya alam na niya tungkol dito kaya gumagawa siya ng paraan para hindi mangyari yung nasa script? Dagdag ito sa iisipin ko!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super ganda
30/03
0Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t
14/05/2025
0love 💞
15/03/2025
0Tingnan Lahat