Chapter 27

KINABUKASAN, maaga kaming nagising dahil uumpisahan namin na maggala at gawin ang mga activities na pwedeng gawin dito. Nagdiving, horseback riding at iba pa dahil hindi ko na alam kung anong tawag doon. Kapag nakakaramdam ako ng pagod, uupo lang ako sa gilid para makapagpahinga. Hinahayaan na lang nila ako pero alam nina Feya at Adaly na bawal ako mapagod ng sobra.
Kumain muna kami bago namin pinagpatuloy ang galaan. Pagkatapos namin kumain, naglibot na agad kami dahil uuwi na kami bukas. Sinusulit namin ang maikling araw na bakasyon namin dito. Aminado akong nasiyahan ako sa ginagawa namin kaya hindi ko talaga ito makakalimutan.
Nakatambay kami ngayon sa Mykonos Cove Deck, nag-iinuman ang tatlong lalaki maliban sa aming mga babae dahil ayaw kaming painumin.
"Truth or truth tayo!" Masayang suhestiyon ni Edvin.
Hinihintay namin na tumutol at sumagot si Adaly pero nanatili itong walang imik. Hindi na rin kami nagtaka na magsasalita ito dahil hindi sila nagpapansinan ni Edvin hanggang ngayon. Nag-uusap naman sila pero hindi ko alam bakit hindi sila nagpapansinan kapag kasama kami.
“Truth or dare ‘yon,” Pagtatama ni Feya kay Edvin.
Ngumisi si Edvin, “Hindi masaya kapag may dare. Kaya truth or truth na lang para na rin makilala natin ang isa’t isa!” Tumango na lang kami sa pakana nito.
“Bakit pa truth or truth tawag doon?” Curious na tanong ni Grant.
Nagkibit balikat si Edvin, “Wala lang, trip ko lang para wala kayong choice kundi piliin ang truth. Ang talino ko noh?” Proud pa siya sa lagay na ‘yan ah.
“Gumagana pala ‘yang utak mo? Akala ko kasi hindi na,” Mapang-asar na sabi ni Grant pero sinamaan lang siya ng tingin ni Edvin.
Tumingin naman ako kay Edvin, “Pwede bang iba na lang?” Nag-aalanganin na tanong ko.
“Hindi pwede! Walang aangal!”
Wala na rin akong nagawa dahil pinaikot na ‘yong boteng hawak niya at hindi ko alam kung saan niya kinuha iyon.
Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko na kung anong mangyayari ngayon. Yung nasa script! Sabi na hindi ko mapipigilan kung anong mangyayari ngayong gabi.
Huminto sa harap ni Grant iyong bote kaya nagreklamo agad ito, “Ano tanong mo, gago?” Nakakunot na tanong niya kay Edvin.
"May napupusuan ka na ba ngayon?" Tanong nito habang tinaas baba niya ang kaniyang kilay.
Sinamaan ni Grant ng tingin si Edvin, "Malabong mangyari na magkaroon, " Sabi nito at pinaikot niya na ang bote at huminto naman ito kay Edvin, "Payback time!" Nakangisi niyang sabi kay Edvin.
"Tss! Akala mo naman matatakot ako," Mayabang sabi nito.
Hinawakan ni Grant ang kaniyang baba na parang nag-iisip ito tsaka ngumiti ng nakakaloko, "Bakit ka laging nakatingin kay Tayla?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Green, nahuli kong napailing ito dahil sa tanong ni Grant. Napatingin naman sa akin si Edvin kaya pinandilatan ko siya ng mata pero sinabihan ako ni Green na okay lang. Nagtataka ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong dahil napatingin ako kay Adaly na seryosong nakatingin kay Edvin.
“May gusto ako sa kaniya,” Seryosong sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin. Narinig ko ‘yong pagsinghap ni Feya, nanatili lang akong nakatingin kay Adaly para tignan kung anong reaksyon nito, “Umarin na rin naman ako kay Tayla, alam na rin mo na rin naman ‘yan. Nasabi ko na rink ay Green at Adaly tungkol diyan.”
Napansin kong umiba ang reaskyon ni Adaly para siyang nasasaktan ngayon dahil sa narinig niya kahit alam na niya yung tungkol dito. Alam ko na kung anong mangyayari at magiging reaksyon niya pero iba pa rin pala kapag nakita koi tong nasasaktan.
Papaikutin na sana ni Edvin ‘yong bote nang tumunog yung cellphone ni Adaly kaya nagpaalam ito na sasagutin niya raw muna yung tawag. Alam ko naman na wala talagang tumatawag sa kaniya, dahilan niya lang ito para makaalis siya. Nakatingin lang si Edvin kay Adaly na papalayo ngayon sa amin.
Nagpaalam ako na pupunta ako sa banyo pero ang totoo ay susundan ko si Adaly. Pumunta ako sa veranda dahil alam kong nandoon si Adaly at hindi ako nagkamali.
“Masakit ba?” Tanong ko rito nang pagkarating ko roon.
Tumingin sa akin si Adaly na halatang nagulat, “Paano mo nalaman na nandito ako?” Nagtatakang tanong ko rito pero nagkibit balikat lang ako. Lumapit ako sa tabi ni Adaly at sumandal sa railings.
"Masakit ba?" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina habng nakatingin sa kaniya.
Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko, “Anong pinagsasabi mo riyan?” Masungit na tanong nito.
“Kaya ka umiiwas kay Edvin kasi may ka sa kaniya, tama noh?” Usisa kong tanong sa kaniya pero umiwas lang siya ng tingin sa akin.
“H-hindi ah. W-wala akong gusto sa k-kanya,” Nauutal niyang sagot.
Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya, “Bakit ka umiiwas sa kaniya kung wala ka pa lang gusto sa kaniya? Bakit hindi mo siya pinapansin?” Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.
“Wala lang,” Dahilan nito.
“Bakit hindi mo ako pinapansin?” Hindi sumagot si Adaly, nakatingin lang ito sa baba kung saan may nagsswimming, “Kakalimutan mo na lang ba iyong pagkakaibigan natin?” Malungkot na tanong ko.
Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko, “Hindi sa ganoon…”
“Gusto kitang kausapin pero hindi ko magawa dahil hindi mo ako pinapansin! Grabe na iyong pag-intindi ko sa ginagawa mo pero curious na curious na ako kung bakit hindi mo ako pinapansin! Ano bang nagawa ko?!”
"Tayla, yung puso mo. Kumalma ka muna---"
“Kumalma muna ako? Umiiwas sa akin iyong matalik kong kaibigan kaya paano ako kakalma? Umiiwas sa akin iyong kaibigan ko dahil may gusto sa akin iyong taong gusto niya! Nakakapraning pala noh? Yung iniisip mo kung may ginawa ka bang mali dahil hindi ka niya pinapansin pero tangina…” Biglang tumulo iyong luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon at tumingin kay Adaly, “Pero hindi niya pala ako pinapansin kasi nasasaktan na siya. Nasasaktan ko yung kaibigan ko,” Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak.
“Tama ka…” Bigla akong napatingin kay Adaly habang humihikbi, “May gusto ako kay Edvin. Alam na rin ni Edvin na may gusto ako sa kaniya, alam kong walang magbabago kahit sabihin ko sa kaniya na gusto ko siya. Alam ko rin na hindi siya pumoporma sayo pero bakit ganun? Bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong nag-uusap lang? Gusto ko lang naman siya, hindi ko siya mahal pero nasasaktan ako,” Nagsimula na rin tumulo ang kaniyang mga luha kaya napatigil ako sa pag-iyak.
Tumingin pa siya sa taas para pigilan ang mga luha niya pero hindi rin nangyari, “Bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang masaya sayo? Nagseselos ako sa kaibigan ko,” Natatawang sabi nito pero patuloy pa ring dumadaloy ang kaniyang mga luha.
"Adaly---"
Hinawakan ni Adaly ang mga kamay ko, “Pasensiya na ha? Pasensiya na kung sinabi kong palagi akong nandiyan pero hindi ko napanindigan. Tandaan mo na mahal kita,” Ngumiti siya ng tipid bago ako iwan.
Umiiyak akong nakatingin kay Adaly habang naglalakad siya palayo sa akin, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Nahihirapan na akong huminga kaya pinapunta ko na si Feya rito.
“Anong nangyari?!” Napatingin ako kay Feya na mabilis nakalapit sa akin habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Wala naman," Tipid kong sagot.
Tiningnan niya ako ng buong pag-aalala, “Wala? Halos sumingkit ‘yang mata mo kakaiyak tapos nakahawak ka pa sa dibdib mo. Ano bang nangyari?” Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagkwento.
Wala rin naman akong magagawa dahil malalaman din nila ito sa mga susunod na raw. Kinwento ko kay Feya ‘yong tungkol sa script, pag-uusap namin ni Adaly kanina at lahat. Napasinghap siya sa kwento ko halatang hindi makapaniwala na nangyari ulit yung nasa script.
“Basahin mo ulit ‘yong nasa script at malalaman mo na hindi ako nagbibiro. Tara na, gusto ko na magpahinga,” Yaya ko sa kaniya.
***
FEYA’S POV
Inalalayan ko si Tayla habang papunta kami sa kwarto pero habang naglalakad kami ay hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya sa akin. Pagkahatid ko sa kaniya sa kwarto niya, mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at hinalungkat ito, hinanap ko iyong script na dala dala ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito dinala basta may nag-udyok sa akin na dalhin ko ito.
Umupo ako sa kama, inumpisahan ko na basahin yung script at napapakunot na lang ako ng noo habang nagbabasa dahil inaalala ko iyong nangyari. Nanlalaki ang aking mga mata nang nabasa ko ‘yong pangyayari na naganap kanina, nabitawan ko yung script na hawak ko at napatulala.
“Paano nangyari yun?” Nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
Alam kong imposible na nahulaan lang ni Tayla ‘yong mga nangyayari sa amin kaya hindi ako makapaniwala na iyong script na ginawa niya ay nagkatotoo. Magdamag kong binabasa yung script, tinapos ko hanggang dulo.
Gusto kong malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga araw.
***
ADALY’S POV
KINABUKASAN, maaga kaming nagising dahil ngayong araw kami uuwi. Halata pa rin sa mga mata ko na umiyak ako dahil hanggang ngayon ay mugto pa rin ito. Nagtanong si Green kung anong nangyari pero hindi koi to sinagot bagkus nginitian ko lang siya. Tumingin ako kay Adaly na nakatingin sa akin ngayon, nginitian ko lang siya at nagulat ako na nginitian niya pabalik.
"Tara na! Nakahanda na yung van," Pagyaya ni Edvin sa amin.
Sumunod kaming lahat at lumarga na. Tahimik lang ako buong byahe dahil nahihilo ako kasi kulang ako sa tulog tapos medyo stress pa. Hindi ko sinabi kila Green kung anong nararamdaman ko. Humilig ako sa balikat ni Green para magpahinga saglit, hinawakan ni Green ang ulo ko para hindi ako mahulog.
Tiningnan ako ni Feya at tinuro niya ang labi niya kaya alam ko na kung anong tinutukoy niya. Maputla ang labi ko dahil hindi nga ako okay ngayon. Napansin kong hindi siya mapakabi at para siyang nababalisa ngayon.
“Anong meron sa iyo?” Napatingin si Feya kay Grant na nasa tabi niya, “Kanina ko pa nakikita na parang balisa ka, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.
Gulat siyang napatingin kay Grant, “Ayos lang naman ako. Pwede bang isama ko si Tayla sa bahay namin?” Tanong nito.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Grant.
Umiwas ito ng tingin, "May pag-uusapan lang, "Sabay tawa ng pilit.
"Pre…" Tawag ni Grant kay Green. Lumingon naman si Green sa kaniya, "Sabi ni Feya, pwede raw bang isama si Tayla sa bahay nila. May pag-uusapan lang daw sila."

"Bakit hindi na lang ikaw yung bumaba sa bahay nila? Malapit na tayo sa bahay nila Tayla," Suhestiyon ni Green sa kaniya.
"Sama ako!" Gulat na napatingin si Feya kay Adaly, “Gulat na gulat?” Mataray na tanong ni Adaly.
Mapang-asar na ngumiti si Feya, “Nakakapagsalita ka pala?” Biro nito.
“Gago!” Asar na sabi ni Adaly kay Feya at inirapan.
"Nandito na tayo," Sabi ni Edvin.
Bumangon na ako at bumaba na ako, nagtaka naman ako dahil bumaba nga iyong dalawa kong kaibigan.
“Matulog ka ha? Chat kita kapag nakauwi na ako sa bahay,” Sabi ni Green sa akin. Tumango na lang ako at nginitian dahil wala akong lakas para magsalita.
"Gusto mo ba sa bahay muna tayo?" Tanong sa akin ni Feya.
Umiling ako sa kaniya, “Hindi na, matutulog na lang ako,” Ani ko.
Nasa tapat na ako ng pintuan nang nakaramdam ulit ako ng pagkahilo, hindi ko alam kung bakit pero alam kong matutumba ako kaya kakapit na sana ako kay Adaly at Feya pero bago ko pa magawa iyon ay nandilim na ang paningin ko.
Ang huli kong narinig bago ko ipikit ang aking mga mata ay boses nilang dalawa na tinatawag ako.

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Rayieh Quiroz

    super ganda

    30/03

      0
  • avatar
    AurelRonrick

    Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Fa Rid

    love 💞

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata