Chapter 22

Dumating na ang English subject namin at pinag-uusapan namin kung ano bang magandang puntahan dito sa Pilipinas. Nagbigay kasi ng task itong teacher namin at kailangan namin magreport tungkol sa mga lugar na napuntahan namin. Kailangan namin magreport pagkabalik namin galing sa sembreak. Next week naman ay exam na kaya hindi na kaya ng oras at panahon kung isisingit na next week irereport.
Nagsama sama na kaming anim para pag-usapan tungkol sa report namin.
"Anong lugar ang irereport natin?" Tanong ni Adaly.
"Boracay?" Suggest ni Edvin.
"Masyadong common. Syempre marami nang nakapunta roon at may mga naririnig naman siguro sila about sa Boracay,"Komento ni Feya.
"Palawan?" Suggest ulit ni Edvin.
"Pwede bang pag-isipan mo muna yung lugar na sasabihin mo," Masungit na sabi ni Adaly sa kanya.
Wala naman siyang isip kaya paano siya mag-iisip?
Charot.
Nag-isip kunwari si Edvin ng mga lugar na pwede namin ireport. Magsasalita na sana siya kaso mabilis niyang itinikom ang bibig niya. Nagresearch na lang ako kung saan magandang pumunta.
Ako maganda kaso hindi ako lugar.
"Balesin Island?" Suggest ko sa kanila.
"Saan 'yan?" Tanong ni Feya.
"Quezon daw," Tipid na sagot ko.
"Ano ulit?" Tanong ni Grant.
Gago! Nakalimutan kong nandito rin pala si Grant.
"Balesin Island daw," Si Feya na yung umulit.
Tumingin si Edvin kay Greeen, " Pre, sa inyo yun, 'di ba?" tanong nit okay Green kaya dumako ang tingin namin nila Feya sa kaniya. Tumango lang si Green sa tanong ni Edvin.
"Ayun na lang tutal kina Green naman pala yun. Okay lang sayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, ako na lang gagawa nung report natin," Prisinta ni Green kaya natuwa silang lima sa narinig nila.
"Buti naman! Ayoko gumawa eh," Sabi ni Edvin.
Nagtatakang tumingin si Adaly sa kaniya, "Bakit naman?"
"English eh."
Napailing na lang ako sa sagot niya. Tinanong ko si Green kung kailangan niya ba ng tulong ko kaso sabi niya hindi na raw. Edi hindi. Madali naman akong kausap.
Pabor din sa akin yun hehe.
"Magbakasyon kaya tayo ngayong sembreak?"
Napatingin kaming lahat kay Grant dahil sa tanong niya. Bakasyon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Hindi kasi ako pinapayagan dahil nag-aalala sina mama baka ano raw mangyari sa akin. Naalala niya rin na may appointment pala siya sa doctor niya pagkatapos ng exam. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan at saktong tumingin sila sa akin.
"Ipagpapaalam ka namin kay Tita Ina," Sabi ni Feya. Sumang-ayon naman agad si Adaly sa sinabi ni Feya.
Nakakunot ang noo ni Green na tumingin sa akin, "Hindi ka ba pinapayagan?" Nagtatakang tanong nito.
"Only child kasi kaya ganoon sina Tita sa kaniya," Sabat ni Adaly.
"Ang strick naman ng parents mo," May pagkasarkasmo ang boses niya nang sabihin niya iyon. Halatang ayaw maniwala.
Tumingin ako kay Green at tumango ako sa kaninang tanong niya. Hindi ko rin alam kung papayagan ako nina mama kapag sila ang magpapaalam para sa akin. Kapag magpapaalam ako, sasabihin ko na pupunta lang ako kay Feya o kay Adaly pero ang totoo ay gagala ako. Mahirap magpaalam sa mga magulang lalo na kapag strikto sila sayo. Kailangan ko pang mag-isip kung anong dahilan kung bakit ako lalabas ng bahay. Alam kong malaki na ako pero mahirap pa rin para sa akin na magpaalam.
Kailangan kasama ko si Feya o si Adaly kapag lalabas ako. Hindi pwedeng hindi ko sila kasama kapag gagala ako. Kaya kapag gusto kong gumala, ang sasabihin kong dahilan ay gagala ako kasama mga kaibigan ko tapos papayagan na ako. Kaya noong nag-overnight ako kina Feya or kay Adaly ata yun, pumayag agad sila.
"Saan tayo magbabakasyon?" Pag-iiba ni Feya sa topic.
Nagtaas ng kamay si Edvin na akala mo magre-recit at taas noo na sumagot, "Sa bahay namin!" Masigla niyang sinabi.
"No thanks. Hindi maganda memories ko roon," Pinukol siya ng masamang tingin ni Adaly.
Nalukot ang mukha ni Edvin, "Hindi naman tayo maggo-group study doon!"
"Huwag na nga roon. Gusto ko may beach! May beach ba sa bahay mo? Wala kaya hindi tayo roon."
"Sus! Gusto mo lang ipakita 'yang katawan mo sa akin. No thanks, hindi kita type."
"Duh! Bakit ko naman ipapakita sayo itong katawan ko ha? Hindi rin kita type!"
Nagsimula na naman silang magbangayan. Napailing-iling na lang kaming apat sa nasasaksikhan namin ngayon. Walang oras na hindi sila nagbabangayan. Minsan iniiwan na lang namin sila dahil naiirita na rin kami sa kaingayan nilang dalawa. Paulit-ulit na lang. Hindi namin kung ano bang pwedeng gawin sa kanila para tumahimik sila. Minsan naiisip namin na tatakpan na lang namin yung bibig nila para hindi na sila makasalita.
Naramdaman ko na nagvibrate yung cellphone ko, tinignan ko naman agad kung sino iyon. Malay ko ba baka importante pala yun.
From: Mama
Sabi ni Dr. Dems, punta raw tayo mamaya sa clinic niya. Ngayon ka na lang daw magpa-appointment sa kaniya kasi may pupuntahan daw siya pagkatapos ng exam mo. Wala rin kasi siya rito sa Pilipinas sa sembreak niyo.
Ngayon? Bigla akong kinabahan nang mabasa ko itong text ni mama. Hindi ako handa kung anong sasabihin ni Dr. Dems. Kung gagaling pa ba ako o hindi na. Dapat ko bang sabihin kay Green tungkol dito? Ayaw kong masaktan siya sa malalaman niya. Baka iwan niya lang ako kapag nalaman niyang may sakit ako.
Napabuntong hininga ako sa iniisip ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit ba kasi ako pa? Bakit sa akin pa?
"Doon na lang tayo!" Excited na sinabi ni Edvin.
"Magbabayad na lang kami kasi nakakahiya naman sa magulang mo," Komento ni Adaly.
"May hiya ka pala?" Sabat na tanong ni Edvin sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin.
Tumingin ako kay Green para magtanong kung ano yung pinag-uusapan nilang dalawa, "Sabi ko kasi roon na lang tayo magbakasyon sa Balesin Island para naman mapuntahan niyo rin. Ayun din ang ire-report natin," Paliwanag niya at tumango na lang ako.
MABILIS ang oras at uwian na namin. Ihahatid na sana ulit ako ni Green sa bahay pero nagdahilan ako na pupunta ako sa bahay nina Feya. Kumagat naman si Green sa rason ko at walang bakas na panghihinala na hindi talaga totoo yung dahilan ko. Lumapit ako kina Feya para ipaalam na pupunta ako sa Manila Doctors para sa appointment ko.
"Samahan ka namin, gusto mo?" May pag-aalalang tanong ni Feya.
Umiling ako, "Huwag na. Kaya ko naman tsaka medyo malapit lang dito," Ngumiti ako ng tipid sa kanila, "Sinabi ko kay Green na pupunta kami sa bahay niyo kaya kapag nagtanong siya, sabihin mo na pinapapunta kami ng mommy mo."
"Okay, noted!" Sabi ni Feya.
Nagpaalam na ako sa kanila para pumunta na sa hospital. Nandoon na rin sina mama at hinihintay ako. Sumakay ako ng jeep papunta roon. Habang nasa jeep ako, halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan at natatakot ako sa pwede kong malaman at sabihin sa akin ni Dr. Dems. Parang ayaw ko na pumunta roon at gusto ko na lang umuwi pero hindi pwede.
"Para po!" Medyo malakas na sabi ko. Hindi kasi naririnig ng driver kapag hindi ko lalakasan itong boses ko.
Naglakad na ako papuntang entrance ng hospital, "Good afternoon, Ma'am!" Bati sa akin ni kuya guard. Ngumiti naman ako at binati rin siya.
Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 3rd floor. Tinext ko sina mama at sinabi kong paakyat na ako. Nanlalamig itong dalawa kong kamay dahil sa kaba. Nakarating na ako sa 3rd floor kaya agad kong hinanap sina mama. Nang makita ko na sila, lumapit agad ako para umupo sana kaso pumasok na sila sa loob kaya wala akong choice kundi sundan sila.
"Good afternoon po, Dr. Dems!" Bati nina mama.
Ngumiti naman ito, "Good afternoon din po! Upo na kayo," Magalang na sabi ni Dr. Dems.
"Sorry sa paghihintay, Doc. Galing kasi sa school itong si Tayla kaya medyo natagalan," Paliwanag ni mama.
"Nako, okay lang! Wala naman magpapa-check up ngayong araw kaya sinabihan kita na ngayon na lang kayo pumunta rito," Nakangiting saad ni Dr. Dems. Magkaibigan kasi sila ni mama kaya ganiyan sila medyo close. Tumingin si Dr. Dems sa akin, "Handa ka na ba, Tayla?" Tanong nito sa akin.
Ngumiti ako ng tipid at halatang kinakabahan ako base sa mukha ko ngayon, "Medyo po."
"Huwag kang masyadong mag-alala. Umpisahan na natin para malaman na natin kung anong magiging resulta.
Pagkatapos ng ginawa namin na kung ano ano, maya maya ay dumating na ang resulta na hinihintay namin at mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Isama mo na rin yung seryosong itsura ni Dr. Dems habang hawak niya iyon resulta.
Malalim na nagbuntong hininga si Doc, "Iniinom mo pa ba iyong gamot mo, Tayla?" Seryosong tanong nito.
"Opo."
"Base sa resulta mo, malabo ka na gagaling," Diretsahang sabi ni Doc.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Wala man lang warning sa sasabihin niya! Napaka-straightforward naman nito!
"Anong ibig mong sabihin mo, Dems?" Tanong ni papa sa kaniya.
"Alam naman natin na may butas itong puso ni Tayla. Gaya ng sabi niyo rito, nasa family history niyo ang may sakit sa puso at walang gumaling ni isa. Hindi naagapan ang sakit ni Tayla kaya niresetahan ko siya ng gamot. Ang maaari na lang natin gawin ay operahan si Tayla pero hindi tayo makakasigurado kung magtatagumpay ba ito," Paliwanag ni Dr. Dems.
Hindi ko maproseso ang mga naririnig ko ngayon. Nag-uusap pa sila pero parang hindi ko ito naririnig. Nakaawang lang ang bibig ko habang nagsasalita sila. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Malabong gagaling? Paano na ako niyan? Paano na sina Adaly? Paano na si Green? Paano sina mama? Ayun ang nasa isip ko ngayon.
Mas lalong ayokong malaman ni Green itong sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil nagkagusto siya sa taong may sakit at posibleng mamatay nang wala sa oras.
***
Nagpaalam na kami na uuwi na kami. Bagsak ang balikat ko pati si Rush sa mga narinig namin kanina. Tinignan ko si Tayla at halatang wala siya sa ulirat. Hanggang sa makauwi kami ay hindi nagsasalita si Tayla. Alam kong may bumabagabag sa isipan niya ngayon pero hindi niya lang sinasabi sa amin.
Wala naman akong ginagawang masama pero bakit anak ko pa? Gusto kong umiyak ngayon pero ayokong ipakita sa anak ko. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako ngayon kasi alam kong mas lalo siyang manghihina. Kailangan kong maging malakas sa paningin niya para maging malakas din siya.
"Kausapin natin si Tayla," Suhestyon ni Rush sa akin.
Nakatingin kami sa anak namin na nasa sofa habang nakaupo at nakatulala. Ang lalim ng iniisip niya kaya hindi niya alam na nakatingin kami sa kaniya. Nandito kami sa kusina kasi gusto namin na mapag-isa muna si Tayla.
"Ayokong umiyak sa harapan ng anak natin," Mahinang sabi ko.
Gusto ko rin siyang kausapin pero natatakot ako na baka pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Okay lang na umiyak ka. Hindi masamang umiyak, hon. Hindi masama na kahit minsan ay ipakita mo sa kaniya na mahina ka," Pag-aalo ni Rush sa akin.
Humarap ako sa asawa ko, "Ayoko siyang mawala," Hindi ko na napigilan at tumulo na mga luha ko, "Bakit anak pa natin, Rush? Wala naman tayong ginagawang mali. Hindi tayo naging masamang magulang sa kaniya kaya bakit siya pa?" Hagulgol kong tanong sa kaniya.
"Sshhh..." Niyakap agad ako nito at hinimas himas ang likod ko na para bang pinapatahan ako, "Hindi tayo naging masamang magulang pero hindi natin hawak yung magiging kapalaran ng anak natin. Sa ngayon, kailangan niya tayo. Hayaan natin siyang maging masaya at gawin ang mga gusto niya. Alam niya kung anong dapat gawin," Bumuga siya ng marahas na hangin at tumingin ulit sa anak namin.
Alam kong gusto ring umiyak ni Rush pero pinipigilan lang niya. Ayaw niyang madagdagan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto niyang maging matatag para sa akin at sa anak namin.
Nakayakap lang ako kay Rush habang umiiyak at patuloy niya akong pinapatahan.
"Ma...Pa..." Mahinanong tawag ni Tayla sa amin.
Kinalas ko ang pagkakayakap sa asawa ko at pumunta sa sala, "Bakit?" Halatang galing ako sa pag-iyak base sa boses ko.
"Pwede ko ba kayong yakapin?" Malambing na tanong nito.
Napasinghap ako sa tanong niya at tumulo ulit mga luha ko habang nakatingin kay Tayla. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung makita niya akong umiiyak ngayon. Ang gusto ko lang ay makayakap siya ng mahigpit, "Mama, natatakot ako," Hagulgol niyang sinabi.
"Hindi ka mawawala, anak. Hindi namin hahayaan na mawala ka," Sabi ko sa kaniya habang hinihimas ang likod niya.
Lumapit din si Rush sa aming dalawa at naki-yakap din, "Nandito lang kami ng mama mo, anak. Kapag nahihirapan ka na, sabihin mo lang sa amin. Lumapit ka lang sa amin at handa kaming makinig," Malambing na saad nito.
Kumalas si Tayla sa pagkakayakap sa akin at niyakap niya si Rush habang umiiyak pa rin. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyari. Wala akong maisip na pwedeng gawin para hindi mawala ang anak namin.
"Kapag ako nawala, huwag kayong magiging malungkot ha," Sabi ni Tayla.
Pinalo ko siya sa braso kaya napakalas siya sa papa niya, "Huwag kang magsalita ng ganiyan! Hindi ka mawawala sa amin!" Galit na turan ko sa kaniya.
"Huwag mong iisipin na mawawala ka. Para sa amin, hindi ka mawawala. Hindi mawawala ang maganda naming prinsesa," Nakangiting sabi ni Rush sa kaniyang anak kaya mas lalong napaiyak si Tayla.
"Hahayaan ka namin na gawin ang mga gusto mo. Hahayaan ka namin na maging masaya. Kung gusto mo, bigyan mo kami ng apo para may remembrance ka naman para sa amin," Seryoso kong sinabi pero alam ni Rush na nagbibiro lang ako.
Nanlaki ang dalawang mata ni Tayla sa narinig, "Ma naman! Bata pa ako tsaka may pangarap pa ako sa buhay," Nakanguso niyang sinabi.
"Baka lang, anak. Meron naman na tatay eh. Anak na lang kulang," Pagbibiro ko sak aniya.
Napansin ni Rush na parang may gustong sabihin si Tayla kaya tinanong niya ito.
"Kasi po may pinagplanuhan sila kanina. Sa sembreak daw, magbabakasyon daw kami sa Balesin Island na pagmamay-ari nila Green. Ayun din kasi report namin pagpasok kaya roon na lang din daw kami pumunta para makita namin kung anong meron doon," Nag-aalangan na sinabi ni Tayla.
"Sino sino naman kayo?" Tanong ni Rush.
"Feya, Adaly, Edvin, Grant, ako at si Green."
"Parang familiar iyong Edvin," Hindi ko maisip kung saan ko ba ito narinig.
Napasimangot bigla si Tayla, "Si Edvin..." Napairap ito na parang may naalala siya, "Pumunta siya rito dati para sunduin ako."
"Saan yung pupuntahan niyo?" Tanong ni Rush.
"Balesin Island."
Tumango kaming dalawa ni Rush at pumayag na sumama siya roon.
Nagulat naman si Tayla na parang hindi siya naniniwala, "Truly?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, pumapayag kami ng mama mo. Basta mag-iingat ka ha?" Paalala sa kanya ni Rush.
Natuwa naman si Tayla, "Opo! Salamat sa inyo! Dabest talaga kayo," Masayang sabi niya at niyakap kaming dalawa ni Rush. Natawa kaming dalawa ni Rush dahil nakikita namin na masaya ang anak namin, "Pwede ko po bang papuntahin sina Adaly at Feya rito?" Paalam niya sa amin.
"Oo naman. Matagal na rin hindi pumupunta yung dalawang iyon dito sa bahay," Pagsang-ayon ni Rush.
Bakas sa mga mata niya na natutuwa siya ngayon dahil pinayagan namin siyang sumama. Nagpaalam na iyo na aakyat na siya sa taas para magbihis at papuntahin yung dalawa niyang kaibigan.
Nakamasid lang kaming dalawa habang umaakyat ang anak namin. Hindi ko makalimutan iyong saya na nakikita ko sa mukha niya kanina.
Sino ba naman ako para pigilan yung anak ko na maging masaya? Magulang kami kaya hindi dapat namin pinipigilan yung anak namin na maging masaya at gawin yung mga gusto niyang gawin.
"Ang saya ni Tayla, hon. Nakita mo, 'di ba? Lalo na nung pinayagan natin siyang sumama," Sabi ko sa kaniya.
Tumango siya sa sinabi ko, "Oo nga. Hindi dapat natin siya pinagbabawalan sa kung anong gusto niyang gawin."
"Sana hindi siya mawala sa atin, Rush. Hindi ko kayang mawala ang prinsesa natin," Malungkot na sabi ko.
Niyakap ako ni Rush, "Hindi siya mawawala sa atin. Hindi tayo papayag. Kailangan natin magdasal para hindi siya mawala sa atin."
Naging mabuti kaming magulang sa anak namin kaya sana hindi mo siya kunin sa amin. 

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Rayieh Quiroz

    super ganda

    30/03

      0
  • avatar
    AurelRonrick

    Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Fa Rid

    love 💞

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata