Chapter 10

"Tazanna!"
Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa pagtawag sa akin ni Feya.
"Problema mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakatingin ako sa kaniya habang lumalapit siya sa'kin. Pabagsak niyang nilapag sa armchair ko yung script.
"Ano ito ha?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, "Malamang script natin ‘yan."
"Alam kong script pero ang nga ito?!" Singhal niya sa akin.
"Script nga! May iba pa bang tawag diyan? Kung ayaw mo edi sige papel!"
Napasabunot siya sa buhok niya. Ano bang gusto niyang sagot ko sa tanong niya? Tama naman ako ah?
"Bakit ganiyan yung ginawa mong story?!" Pasigaw na tanong niya sa'kin.
Mas lalong kumunot ang noo ko at napatayo na rin, "Ano ngayon? Ikaw gumawa kung ayaw mo niyan!" Sigaw ko rin sa kaniya.
"Hoy! Anong nangyayari sa inyo?" Biglang sulpot ni Adaly sa aming dalawa. Pumagitna na rin siya sa amin.
Tinuro ko si Feya, "Kinukwestiyon niya yung plot na ginawa ko," Pagsusumbong ko sa kaniya.
"Hindi ako magiging leader ng props," Sabi ni Feya.
Napakunot ang noo ni Adaly, "Bakit ayaw mo? Anong kaartehan ‘yan, Feya?"
"Kung pinoproblema mo na baka hindi tayo manalo o maging kulelat lang tayo dahil diyan sa ginawa ko, huwag kang mag-alala kasi depende naman ‘yan sa gaganap kung gagalingan nila ang pag-arte nila," Paliwanag ko sa kaniya.
Hinampas naman ako ni Adaly sa braso, "Huwag mo akong i-pressure!"
Alam kong kaya niyang gampanan yung role na binigay ko sa kaniya. Magaling siyang umarte, hindi ko nga lang alam sa kapartner niya kung gagalingan niya rin. Ilang taon na kaming magkakaibigan kaya nakita at alam ko na magaling umarte si Adaly at humahanga kami ni Feya sa kaniya. Kapag may mga ganitong play, siya yung pinipili na maging lead role.
"Maganda naman yung plot pero bakit tungkol sa sakit?" Mahinang tanong ni Feya. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya.
"Duh! Ikaw kaya gumawa. Tignan natin kung may magagawa ka," Sabat ni Adaly kaya natawa na lang ako sa kaniya pero umirap si Feya kay Adaly.
"Kaya nga ikaw yung pinili kong leader kasi alam kong makakaya mo, Feya," Paliwanag ko sa kaniya.
Sumang-ayon naman si Adaly sa sinabi ko, "Doon ka magaling at alam natin na hindi mo kayang umarte lalo na sa maraming tao." Mahiyain kasi itong si Feya kapag maraming nanonood sa kaniya.
"Sige na nga. Wala akong choice," Nakabusangot na saad ni Feya.
Natawa kami ni Adaly at inakbayan niya si Feya, "Wala talaga," Napairap lang sa kaniya si Feya.
"Huwag kang mag-alala kasi tutulungan kita. Kailangan kong malaman kung anong mga kailangan sa play natin," Sabi ko sa kaniya.
"Speaking of mga kailangan," Sabi ni Feya at inalis ang pagkakaakbay namin sa kaniya. Kumuha siya ng notebook at ballpen sa bag niya at umupo sa upuan niya. Nagtinginan muna kami ni Adaly bago lumapit kay Feya.
"Ano ‘yan?" Tanong ni Adaly.
"Duh! Notebook at ballpeen, hindi ba halata?" Binatukan siya ni Adaly dahil sa sagot niya, "Mga kakailanganin natin ito para sa play."
"Ayaw mo pa sa lagay na ‘yan ah?" Biro ko sa kaniya at inirapan niya lang ako, "Kailangan natin mag-ambagan lahat para sa mga ‘yan. Masyadong magastos kapag kayo lang mag-aambagan," Tumango naman sila sa sinabi ko.
Pinapanood lang namin si Feya habang nagsusulat siya. Nagsa-suggest naman kami kung anong pwedeng kailangan namin.
"Ano ‘yang ginagawa niyo?"
Nagulat kaming tatlo kaya napatingin kami sa biglang nagsalita. Nabitawan ni Feya yung ballpen na hawak niya at mapahawak naman sa dibdib si Adaly dahil sa gulat.
"Para kang kabute! Bigla bigla ka na lang lilitaw!” Sigaw sa kaniya ni Feya at pinulot niya yung ballpen na nabitawan niya.
“Ang seryoso niyo kasi,” Pagdadahilan ni Edvin.
“Sinusulat kasi ni Feya yung mga kailangan para sa play natin tsaka mas okay na yung maaga pa lang may progress na tayo. Mag-aambagan nga pala tayo ha,” Tumango lang sila sa sinabi ko.
“Ano nga pa lang gagawin ko?” Biglang tanong ni Green.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Siya itong nagprisenta na maging assistant ko tapos kakalimutan niya? Ano ‘yon? Natulog lang siya tapos nakalimutan niya na pagkagising niya? Wow.
“Titigan si Tayla,” Sabi ni Edvin.
“Mahalin siya,” Sabi naman ni Adaly.
“Saluhin siya,” Sabi ni Feya.
Napatingin kaming lahat kay Grant na parang inaabangan namin kung may sasabihin din ba siya.
“Gusto niyo talagang may sabihin din ako?” Nakangisi niyang tanong sa amin pero umiling lang kaming lima.
“Itikom mo na lang ‘yang bibig mo, pre,” Sabi sa kaniya ni Edvin.
“No, please. Baka iba lang sabihin mo,” Ngumiti lang siya sa’kin. Baka mas malala pa sasabihin niya kaysa sa tatlo. Mahirap na baka makasapak pa ako wala sa oras.
“Huwag kang ngumiti, pre,” Sabi ni Edvin sa kaniya.
Humarap ako kay Green, “Sabi mo assistant kita. Nakalimutan mo na?”
“Oo nga pala,” Napakahawak tuloy siya sa batok niya.
“Kinakalimutan ka niya oh—Joke lang eh!” Akma na kasi siyang susuntukin ni Green pero napigilan siya ni Grant. Ang ingay kasi eh!
“May free time tayo ngayon diba? What if ayusin natin itong play natin?” Suggest ni Feya. Sumang-ayon kami sa kaniya at sinabing sasabihan ko na lang mga kaklase namin mamaya.
“May quiz tayo bukas diba?” Tanong ni Adaly.
“Oo kaya huwag ka na mag-aral.”
Umirap siya kay Edvin, “Gaya mo pa ako sayo.”
“Excuse m---“
Tumabi si Adaly, “Daan ka na,” Pambabara niya kay Edvin. Hindi talaga mawawala na hindi magbardagulan itong dalawang ‘to.
“Babae!” Tawag sa kaniya ni Edvin.
“Utang na loob, Edvin. Ikaw dapat yung itikom ‘yang bibig mo para kang babae,” Asar na sabi ni Adaly.
“Hoy! Maraming pwedeng gawin sa bibig ko na ‘to,” Proud niya pang sabi kaya nabatukan siya nina Green at Grant.
“Tangina. Kung ano ano pinagsasabi mo!” Galit na sabi ni Green.
“Ang kalat mo gago.”
“Ewan ko sa inyong dalawa! Mapanakit kayo ha!” Tumingin si Edvin kay Adaly at hinawakan siya sa kamay, “Samahan mo na nga lang akong bumili sa baba.”
“Hindi mo ba kayang pumunta mag-isa? Nakikita mo siguro na may ginagawa kami ni Feya diba? Punyeta talaga!” Inalis niya yung pagkahawak sa kaniya ni Edvin.
“Akala mo naman leader ka sa props at costumes. Hindi ka kailangan diyan tsaka huwag mo na tulungan si Feya.”
Masamang tumingin si Feya kay Edvin, “Gago! Bawal akong tulungan? Doon ka na nga lang sa labas! Piste.”
“Ang laki mo na, Edvin,” Sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa’kin at ngumiti, “Hindi ka naman mawawala kung ikaw lang mag-isang pupunta sa baba. Hindi mo ba kaya na wala kang kasama?” 
“Gusto ko lang may kasama. Ang loner ko naman kung ako lang mag-isa,” Pagdadahilan niya.
“Halika na,” Tumayo na ako, “Kawawa ka naman eh,” Nauna na akong maglakad.
“Yes!”
Parang bata talaga. Nauna na akong lumabas sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang tagal lumabas nung lalaking ‘yon. Hinintay ko na lang siya rito sa sa may hagdan para sabay na kaming bumaba. Hindi ko pa dala cellphone ko kasi nasa bag siya.
“Bakit ang tagal mo?” Tanong ko sa kaniya nang makarating siya.
“Sorry na. Nagpabili kasi yung apat.”
“Tara na lang,” Yaya ko sa kaniya tsaka na kami bumaba. Wala kaming imikan. Hindi naman kami close.
“Tayla,” Tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa likod ko kasi siya at nakahinto na siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako.
“Bakit?” Nakunot ang noo kong tanong sa kaniya.
“Mamamatay ka na ba?”
Sinamaan ko siya ng tingin, “Gusto mong ikaw muna patayin ko?” Masungit na tanong ko sa kaniya.
“Nabasa ko yung script. Ang lungkot naman nun.”
Nagkibit balikat ako, “Pangalawa ka na nagreklamo niyan. Aba! Kayo kaya ang magsulat kung may reklamo man kayo,” Tumalikod na ako sa kaniya pero hindi pa ako nakakalayo nang hatakin niya ang kamay ko kaya napaharap ako saka niya.
Ang seryoso ng mukha niya ngayon na para bang may gusto siyang alamin, “Sa tingin mo ba na ganoon ang mangyayari sa inyo ni Green?” Seryoso niyang tanong.
“Ano bang pinagsasabi mo riyan?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang inaalis yung kamay niya kaso masyado siyang malakas kaya hindi ko maalis. Tangina.
“Sa tingin mo ba na hindi kayo magkakatuluyan ni Green? Kaya ba lumalayo ka sa kaniya? Hindi mo ba siya type? Bigyan mo siya ng chance na ipakita na gusto o mahal ka niya talaga. Matagal ko na ‘yon kilala at alam ko kung seryoso ba siya sa babae o hindi,” Paliwanag niya.
“Gusto mong gawin ko?”
Napakamot naman siya sa ulo niya, “Potek! Nakikinig ka ba ha?” Inis na tanong niya.
“May tainga ako oh,” Pinakita ko pa sa kaniya yung dalawang tainga ko.
“Sabi ko bigyan mo siya ng chance, babae,” Sabi niya.
“May pangalan ako, okay? Hindi ako ‘babae’ lang.”
Naglakad na ulit ako para naman makapunta na kami sa labas at makabili na baka dumating pa yung teacher namin.
“K payn. Napakaarte mo.”

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Rayieh Quiroz

    super ganda

    30/03

      0
  • avatar
    AurelRonrick

    Kay nano na na na na surprise me at all I can do nga imo profile picture on ak niyo to clean a black and a black mosiya a half of my husband is a bong with the house is the best I will be there at the house mkaian a bong with the house and I will be home tomorrow morning I can do that I can to get a new phone number ko parin to clean a black and mild and then we can to help me with that one and a black mosiya to clean a half of it out to you to ak saim to get the house is in the best I will be t

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Fa Rid

    love 💞

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata