Chapter 14.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay agad Kong hinanap si chubby. Dadalhin ko siya kina Issa para makalaro niya si Niña ang pusang kulay golden ni Issa. Kararating ko lang ng bahay galing sa condo ni Lucas kanina.
“Manang Sita Where's chubby?” tanong ko Kay aleng Sita. Wala kase si chubby sa kwarto ko at lalong Wala rin sa tulugan niya. Saan ba kase nagsusuot iyong matabang pusa na'yun!
“Ay nako señorita. Andun ata sa kwarto ni young lady. Kumakain ‘yon ng cookies niya kanina e.” sagot naman ni aleng Sita sakin na abala sa pagluluto. Kakain muna siguro ako bago umalis papunta kina Issa.
Pumunta na lamang ako sa mag sofa at pinaandar ang tv. I want to help manang sita cooking, but she didn't let me. Kaya hinayaaan ko nalang.
“La,la,la, baby~~~~ la,la,la,la,~~~oh my baby~~~~” masayang boses na narinig ko. May kanta bang ganun? Gumagawa-gawa na naman to ng sariling lyrics. Kilala ko kung sinong babaeng mukhang naipit ng ten wheeler truck ang boses at Kasama niya si chubby na busy kakanguya ng cookies niya. Kaya tumataba e! Kain ng kain! “Hi sis!” Sabi niya sakin at umupo sa tabi ko. Agad namang lumundag si chubby at umupo sa mga legs ko.
“Angsaya mo ata? Anong meron?” tanong ko sa kanya. Mukhang naplasteran yong labi niya sa lawak ng ngiti e.
“Guess what? Bati na ulit kami ni pep's. At sinurprise niya pa ako kanina!” masayang Ani niya na siyang ikinangiwi ko.
“Bati na ka'yo?” tanong ko naman. Sabi na ngaba ang rupok e. Kung nung isang araw lang parang namatayan sa lungkot ng hindi nagreply at tumawag ang Mahal niyang boyfriend sa loob ng tatlong araw ngayun naman e ang saya.
Ngumite siya sakin at tumango. Sus! Takte, Sabi na nga ba! “Yes! And it super duper amaz———
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng agad ko itong pinutol “Hep! Please lang. Ayukong marinig ang ka itchusan niyo!” saad ko sa kaniya na sinimangutan niya. Alam ko na naman ang sasabihin niya e. Sasabihin niya lang na ‘Ang ganda ng surprise njya.’ ‘sobrang nagsaya ako!’ ‘Nakakataba ng puso ang effort niya!’ mga ganyan talaga e. Nakakainis pakinggan. Masyadong corny at cliché.
“Alam mo pag ikaw nagka jowa, maiintindihan mo ‘yong nararamdaman ko.” saad niya sakin na agad ko namang inismiran. Ayuko! Hindi pa ako handa ata sa bagay na ‘yan.
“Nga pala! May nakita akong unting damit mo sa bag. San punta mo? Don't tell me itatanan ka na ng Fedorovich na yun!” OA niyang tanong sakin Kaya binatukan ko. Napahimas naman siya sa ulo niya. Sira talaga to.
“Pwede ba tigilan mo yan! Mag-oovernight ako kina Issa para sa practice namin bukas. Alam mo na...Interhigh" Ani ko na siyang tinaguan niya. Loko talaga ‘to. As if naman magpapatanan ako? At bat naman niya naisipang si Lucas e magkaibigan lang kami non! Jusmeyo.
“Sama ako?” Ani niya sakin.
I shrugged my shoulder “Ikaw bahala!” sagot ko.Hinimas-himas ko pa si chubby. Tumataba siya ng tumataba at pabilog ng pabilog.
“Ay wag nalang pala. Nakalimutan kong may date pala kami ulet ni Peter bukas” ngiti-ngiting ani niya.
Umirap naman ako sa kan'ya “Yeah, yeah, whatever!” I said. She just chuckled kaya tumayo nalang ako't naglakad paakyat ng kwarto ko. Nilapag ko muna si chubby sa kama at nag dial sa phone ko. Kailangan kong magpaalam na kina Issa ako matutulog.
Nakadalawang ring muna ako bago nito nasagot.
“Yes princess? Is there anything problem?” tanong ni dad sakin sa kabilang liñya. Umiling-iling naman ako kahit ang totoo’y di naman niya ako nakikita.
“Good afternoon daddy. Ahm Wala naman po. Gusto ko lang po sanang magpaalam.”
“Magpaalam saan? Maylakad ka?”
Umupo ako sa kama “Yes po dad! Sa bahay po ako nila Issa mag-oovernight or baka magdalawang Gabi rin ako doon. Kase po pinaghandaan namin ‘yong Interhigh sa lunes na’po kase gaganapin.” saad ko. Gutso ko talagang nagpapaalam ako para alam nila kung nasaan ako. Mamaya kase e baka makidnap ‘yong ganda ko tapos di nila alam, edi di nila ako mahanap!
“Princess nasa saktong gulang kana! Hindi ka namin pipigilan ng mommy mo dahil alam ko namang responsiblidad kang anak. Even if you have a boyfriend I will didn't bothered it.” saad niya habang humahalakhak pati si mommy naririning Kong mahinang tumatawa.
Iwan ko lang talaga sa mga ‘to. Di manlang mag-alala sakin.
Responsiblidad ka raw kase.
“Dad naman! Naririnig ko po ka’yo ni mommy ah!” reklamo ko.
“Why? Di naman talaga kami tututol kung magkaroon ka ng boyfriend. E diba may umaaligid diyan sa’yo? Sino nga ba Yun?”
“Malay ko po. Wala namang nanliligaw sakin dito ah!” sagot ko. Sino nmaang umaaligid sa akin? Ang alam ko maraming nakakacrush sa akin. Di naman sa pagmamalaki pero totoo naman kase. Ang dami ka’yang mga bagay na nasa locker ko. Kaya minsan pagbukas ko naglocker e nagkada kalat-kalat.
“Meron! Nung tumawag ang kapatid mo ang sabi may umaaligid daw sa'yo. Fedorovich ba Yun? Di ko alam na nakabingwit ka ng isang kilala at mayamang pamilya anak. Ka sosyo namin ang mga magulang niya sa negosyo at kaibigan ng mommy mo si tanya. Kung yan ang magiging boyfriend mo anak di kami mamomoblema HeHe ^_^”
“Dad naman! Kaibigan ko lang po si Lucas. We're just friends! At bakit mo naman nasabi na dika mamomoblema sakin? Bakit namomoblema kaba Kay shadowee HAHA” Ani ko.
Bakit naman ganoon ang iisipin nila. Bwesit talaga ang Anino na ‘yon. CHISMOSANG FROG SIYA. Paano naman magiging kami e di naman nanliligaw yun at tsaka mag-aaral pa ako no!
“Friends palang? Ganoon na rin ang punta nun!” Saad ni daddy Kaya humaba yong nguso ko. Kainis mapapagtripan na naman ako neto.
“Sa totoo lang anak naiinis Ako sa peter na ‘yan! Ang hambog. Kung Hindi lang iyan gusto ng ate mo e! Ang daming lalaki na naghabol sa kan'ya tas Kay peter pa nahulog!” sabat ni mommy sa usapan Kaya natawa nalang rin ako.
“Mommy bad Yan! Di mo ba susuportahan ang panganay mo? HAHAHA" saad ko. Akala ko ako lang ‘yong nag-iisang hindi gusto si peter. All this year's pati rin pala si mommy. Well totoo naman talagang hambog Yun. Weirdo pa! Di naman rin kagwapuhan. Malabo ata mata ni shadowee e. Mapanlait na kung mapanlait.
“Kaya nga hinayaan ko nalang diba? May magagawa pa ba kami! Magagalit ‘yong ate mo pag nalaman niyang tsinismis natin Yun HeHe.”
“Sige na princess may gagawin pa kami ng mommy mo! Ingat ka palagi. Do whatever you want as long as its good! Love you bye!” saad ni daddy.
“love you too dad/mom bye ingat po.” I said before I hang up the line. Hayy ‘yong mga magulang ko talaga. Kaya laging spoiled si shadowee e.
“Chubby let's go! You can see niña there! commo’n!” I said then chubby jump on me. Kinuha ko lang iyong bag na may konting damit ko pagkatapos ay bumaba na. Nadatnan ko si shadowee na pindot ng pindot sa cp niya habang ngumingiti-ngiti.
“Kulang nalang mabinat iyang bibig mo papunta sa tenga mo sa sobrang lawak ng ngite mo” Ani ko sa kan’ya. She just looked at me then rolled her eyes at ibinalik rin ang atensiyon sa cellphone niya.
“You don't care! Wala ka kaseng jowa Kaya for sure di mo ma-eeperience. Jowain mo na kase ‘yong Fedorovich na'yun para di kana mainggit!” Saad naman niya Kaya umirap ako.
“Were just friends okay! Tsismosang palaka ka! Kwenento mo pa kina mommy't daddy.” inis na saad ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko at binelatan ako.
“Tsk!! Diyan kana aalis na ako.” saad ko at naglakad na Sana papalabas kayo tinawag ako ni Manang sita. “Yes po?” Ani ko.
“Señorita Akala ko dito po ka’yo maghahapunan?” tanong niya sakin. Oo nga no nagluto pala si manang ng sinigang. Nakalimutan ko tuloy. I looked at my wrist watch and it still early pa naman para mahapunan e.
“Pakibalutan niyo nalang po ako manang. Kina Issa ko na'po yan kakainin. Pakiramin po kase for sure they will also eat that." Saad ko. Ngumite naman siya sakin at tumango. Nag-antay lang ako ng ilang minuto ay maya-maya lang ay papalapit na si manang dala ang dalawang paper bag.
“Paki “hi” nalang ako kina Issa sabihin mo di ako makakapunta. Next time nalang ako makikipagbonding sa kanila. Treat ko.” Sabi sakin ni Shadowee.
“Okay!" Bored Kong sagot.
“Samahan ko na po ka'yo sa labas.” Suggest niya. Kaya nmaan pumayag nalang ako kahit Kaya ko naman dalhin. Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa garage namin. Inilagay namin ni manang ang mga gamit sa back seat ng car ko.
“Drive safety po señorita” Paalala sakin ni manang so I nod her and smile. Napakabait talaga nitong si Aleng Sita, laging nagpapaalala.
“Sige po salamat" sagot ko tsaka nilagay si chubby sa front Kaya umikot naman ako papunta sa driver seat then I buckled my seatbelt tsaka umusad na.
~*~
“Ang bagal mo namang bakla ka!” reklamo ni soyine sakin. Kararating ko lang kase at saktong ipinark ko na sa garahe nila Issa ang kotse ko at bumaba Kasama si chubby.
“Bakit? Ako lang ba? Wala pa rin naman si Rosie ah!” sagot ko naman pagkatapos ay ibinigay sa kan'ya ang dalawang paper bag tsaka binigay ko naman Kay Jinnie ang bag ko na may lamang gamit.
“Salamat po kamahalan!” maypagka sarkasmong saad niya. Pumasok na kami sa loob ng mansiyon ng nag-iisang Issa Abelarde. Nadatnan namin siya sa loob na inaayos ang mga nakalatag na mga kotson sa Sala Kasama ang mga nagkukulayan niyang mga yaya. Ang ganda ng mga uniform e. Kulay Red yong mayordoma samantalang green ang dati at ang mga baguhan naman e skyblue ang taray lang. Palibhasa Unica hija e.
“Oh couz you're here!” saad sakin ni Maggie. I just nod. Hindi couz andun pako!. Tskk, Alam naman na nandito nako e sasabihin pa.
“Wag niyo sabihing dito tayo sa lapag ng sala lahat matutulog?” tanong ko. Ano to? Tabi-tabi kami ulet? Ang likot pa naman matulog ni Soyine at Maggie.
“Ano pa nga ba? Bukas na tayo magpractice. Sa ngayun movie marathon muna ta'yo.” sagot naman ni Issa.
“Ang sarap ng sinigang! Luto ba'yun ni Manang sita?” tanong sakin ni Jinnie. I nodded at her.
“Ouhm! Si Rosie bakit Wala pa?” tanong ko nalang.
“Ewan sa babaeng ‘yon! Nag text sakin kanina na baka mamaya paraw siya makakaalis.” sagot naman ni Soyine sakin. Umupo na lamang ako sa sofa at inilapag si chubby. Nagkanya-kanya naman silang bati sa pusa ko pero tinawanan ko lang sila ng nainis si chubby at tumalon papatakbo sa taas ng hagdanan. Pupuntahan nun siguro si niña.
“Ang bastos naman ng pusa mo L!” simangot na saad Issa. Tumawa na lamang ako. Naghatid si manang bebe ng snacks and juices sa mesa namin.
“Salamat manang” We said in unison. Ngumite naman si manang at bumalik nang kusina. Maghahanda pa raw siya para sa hapunan namin. Nagsihigaan naman iyong iba sa kotson nila.
“Hoy,hoy! Di pa ka’yo nakahalfbath no, tapos sumampa na ka'yo diyan. Mamaya mangati ta’yo e.” inis na saad ko.
“Ang arte mo best! Mabango naman ako ah!” Ani Soyine na itinaas taas pa ang paa sa akin at ako naman ay panay tabig. Buwesit talaga to panira.
“Guys ano papanoorin natin?” tanong samin ni Maggie. I just shrugged pero iyong iba naman puno ng suggest.
“The whirlwind”
“ Warm bodies?”
“huh? E napanood na natin to e.”
“S*x in the city?” Sabi ni Soyine Kaya ayun binatukan namin napakamot naman siya ng ulo niya.
“loko-loko ka ah! Mamaya makita pa ni Manang bebe at magsisigaw sigaw pa'yon" Saad naman ni Maggie. Napailing-iling na lamang ako sa kanila. Kaloka walang ibang maisip e no. Yun pa talaga na masyadong censured.
“Bakit ba ang tagal ni Siesie! Kaloka ah. Siya ‘yong importante dito e." Sabi naman ni Jinnie.
“So sinasabi mo na Hindi kami importante?”
“Oo Maggie, kase taga video kalang! Alangan naman sumayaw ka?” Soyine sarcastically said but Maggie just rolled her eyes on her. Ang iingay talaga ng mga ‘to sarap pangkurutin.
“Pwede naman akong sumayaw ah! Dapat kase ‘yong kanta niyo e yong pang dance rin para si Issa lang mag-isang taga video.”
“Pwede rin! Pero di ka kasama sa video HHAHHA” Pang-aasar ni Issa sa kaniya Kaya Lalo lang tuloy siyang sumimangot. Kung Hindi lang to maganda nako mukha talagang pwet ang nguso niyan. “Ano ba talaga papanoorin natin? Kanina pa Kaya ako dito naghahanap.”
“Pwede bang tsaka na ta'yo manood if we're done bathing and eating?! Kase sa totoo lang kanina pako nanglalagkit dito.” reklamo ko naman. Di talaga ako sanay na humilata ng hindi pa naliligo e. Nangangati kaagad ang katawan ko at kong minsan pa nagkaroon pa ako ng pula-pula sa balat.
“Oo nga naman! Ano? Gaya parin ba ng dami” kindat-kindat na saad ni Issa sa amin at ang mga bruha nagtatalon agad. Wala naman akong ibang choice Kundi ang sumama. Ginawa naman din to namin dati pa Noong highschool palang kami.
Ang sabay-sabay maligo!
~*~
Nakaswimsuit lang kaming nagbabad sa jacuzzi nila Issa. Ang refreshing naman talaga. Makikita rin namin sa labas ng glass window ang kanilang malawak na swimming pool. Yong Iba may bitbit pang Champaign at cake. Paano na sila makakapaghapunan Kong busog na sila! Mga lukaret talaga.
Napalingon kami Kay mga ng biglang nagbeep ang cp niya ta para siyang bulateng inasinan ng mabasa eto.
“Chopere again?” ani Jinnie.
“Sino pa nga ba?” ngiting saad niya.
“Anong Sabi? ” Tanong ni Soyine habang umiinon.
Maggie giggled. “Sabi lang naman niya if I'm available tomorrow Kita raw kami sa mall.” kinikilig na Ani niya.
“So? Anong reply mo?” si Issa habang sumusubo ng cake na nakalapag sa may kilid niya.
“E ano pa nga ba? Edi pumayag ako! Wala naman akong gagawin dito bukas e. Manonood lang naman ako. Instead na mainggit ako edi makipagdate nalang ako sa crushhyloves ko HeHe” saad niya Kaya umirap ako.
“Mabuti pa nga! Baka panira ka lang sa practice namin.” saad ko na sinimangutan naman niya. “Tsaka ang taray mo rin ah! Sa number ba kayo nagtetext?” tanong ko. Ang galing rin naman netong babaeng to at nabingwet agad ang isang Lavidad. Kung dati hinihingi neto Twitter,fb or intagram e ngayun number na talaga. Diba ang landi lng ng pinsan ko.
“Yes my dear! Di ko’to hiningi ah! Siya mismo nagbigay sakin.” Saad naman niya.
“HAHAHA defensive ka masyado! Wala naman kaming sinabi na ikaw nanghingi ” asar sa kan’ya ni Soyine Kaya ayun sinabuyan niya eto ng tubig Kaya pati kami nadamay na.
“Ah ganun ah? Etong sa inyu”
“Teka, a—aray ano ba! Yong ilong ko napasukan ng tubig!”
“Kainis ka naman so e! Bakit pati Tenga ko sinasabuyan mo!”
“Well, sorry di ko sinasadya! HAHHAA”
Ako naman ay umiilang sa mga sinasaboy nila. Mga isip bata talaga e.
“Ang kj mo L!” saad sakin ni Jinnie tsaka sinabuyan ako ng tubig at gumaya naman ang ibang mga bruha. Pinagtutulungan ako e. Mga salbahe talaga kahit kailan!
“HAHAHA teka lang! Nag text si chopere. Ihinto niyo muna, magrereply lang ako” biglang basag sa kasiyahan ni Maggie Kaya ayun nahinto rin. Hayy buti naman kase ang sakit ng mata ko no, nasabuyan pa nga ng tubig.
“WAHHHHHHHH OMYGODDDDDD! OMYGODDD!” biglang tiki ni Maggie Kaya naman nagsilingunan na naman kami sa kaniya.
“Bakit anyare?” tanong ni Soyine.
“MYGODDD MGA DIYOSAAAAAA—WAHHHH! ang Sabi niya manonood raw kami ng sine bukas. MYGODDD kurutin n’yuk—Aray! Aray! Ano ba!”
“E Sabi mo kurutin ka edi kinurot! Parang yun lang e kong makatili ka parang papakasalan ka na” irap na saad sa kan’ya ni Jinnie.
“Kesa naman sa'yo, dalawang taon kanang may gusto kay Chane pero di parin napapansin!” Saad naman ni Maggie na siyang ikinasimangot ni Jinnie.
“Papansinin rin ako nun! Hindi man Ngayon pero alam ko, nararamdaman ko na mapapansin niya rin ako balang araw!” malungkot na ani niya kaya natahimik ang karamihan sa amin. Pero nabasag rin agad ng akbayan siya ni Soyine.
“You know my dear cousin! Theirs a lot of men out there! Bakit ka pa nagpapakahiram na pansinin ng Chane na'yon! Maganda ta’yo Kaya di siya kawalan! Isa pa, mukang bato Yun eh!” saad niya dito na siyang ikinangiwi naman ni Jinnie.
“Thanks for your support san ah! Ang galing mong mangumbensi! E~~ pero ayuko nga! Siya lang yong gusto ko!” she said while pouting. Ano naman talagang gayuma ang nakain neto at nainlove dun sa batong Fedorovich. Mukhang robot Yun e. Parang walang nararamdaman. Nagsasalita lang ‘yon pag kailangan e.
“Hayy naku! Ewan ko lang sa’yo! Hindi ka mapapansin nun kase nga may inaantay yon!” Saad naman ni Soyine.
Bumuntong hininga si Jinnie “Hangga’t hindi pa bumabalik si Trisha may pag-asa pa ako. Is-seduce ko siya. Sisiguraduhin kong lalambot siya sakin!” determinadong saad niya.
“You said that also before!” biglang saad ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Ikaw L ah! Bigla-bigla ka nalang sumasabat at nakakinis pa na comment! Nakakahiya naman sa SUPORTA niyo!” Sabi niya Kaya natawa ako. Di na nga lang ako magcocomment baka ano pang lumabas sa bibig ko.
“E ikaw L? Any progress between you and Lucas?” Biglang pang-iiba sa usapan ni Soyine. Paano na naman napasok si Lucas dito?
“What progress?” Mataray na tanong ko.
“Nanligaw na ba siya sa’yo? Nagkiss naba ka’yo? Nagdate naba ka—
Hindi ko na siya pinatapos ng putulin ko.
“Hep, stop! What are you talking about? Bakit naman kami maggaganun e Hindi naman kami!” saad ko. Siraulo talaga tong babaeng to e.
“E para kaseng ka'yo na e!”
Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya.
“Yun ang usap-usapan sa campus haler! Palibhasa walang paki sa paligid. Di mo ba napapansin na Wala ng kasamang babae si Lucas maliban nalang sa'yo!” sabat naman ni Jinnie.
“Malay ko! Bakit niyo ba sinasabi na kami na e di nman nanliligaw ‘Yong tao sa akin. We're just friends! Hanggang doon nalang ‘yon!” inis na saad ko sa kanila. Bakit ba pinagtutulungan nila ako?
“O e paano pag nanligaw?” tanong sa akin ni Issa na siyang ikinatigil ko. Paano nga ba? Hindi ko rin alam ang isasagot.
That’s really impossible!
“Umahon na nga lang ta’yo at magshower na!” pang-iiba ko sa usapan tsaka sinabuyan sila ng tubig. Buti nalang at sumunod na sila nang hindi na nagtanong pa. Nakakaloka! Ako ‘yong nagawang hotseat sa huli.
Kung ako kase ang tatanungin Kung manliligaw si Lucas sa akin ay di ko rin alam. Kase hindi pa naman nangyayare Yun! At Kong mangyare man ay Ewan! Di ko alam ang isasagot talaga.
Impossible!
Imposibleng mangyare kase,
Kase playboy siya,
Masyado ring presko ang mukong na'yon!
Bastos!
Walang filter ang bibig!
Pero aaminin ko man. Meron!
Meron,
Meron na akong nararamdaman sa kan'ya
At nakakatakot
Nakakatakot na baka mas mahulog pa'ko ng lubusan ,
Sa kaniya!
To be continued.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Christian Gerald Cervantes

    salamat

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Kim Andrea Loretizo

    Ganda ng story mo anteh

    23/10/2024

      0
  • avatar
    Miñoza Brix

    isuhfeuhfy

    21/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata