Homepage/PSYCHOPATH LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER./
Kabanata 90
UMAGANG-UMAGA pero 'yong bunganga ng mga kapitbahay ko'y hindi na magkamayaw sa pasigaw. At iyon ang naging dahilan kung bakit ako wala sa oras na nagising mula sa tulog kong hindi naman gano'n ka ganda. Dahil pati sa pagtulog ko'y dinalaw ako ng lungkot.
Ang mga sigaw na nanggagaling sa mga kapitbahay namin ay ang siyang unang nadatnan ko ng magising ako kinabukasan. Nagsisigawan ang mga ito na tila ba'y may sunog. Nagkakagulo rin ang mga ito dahil sa hindi ko mawari na dahilan. Hindi ko ganoong maintindihan ang mga pinagsisigaw nila, pero may isang kataga ang tumatak sa isipan ko.
At ang mga kataga na iyon ay ang mga katagang, "May patay!"
At dahil sa pag-aakalang may sunog kaya may patay ay dali-dali akong napabangon sa hinihigaan 'ko upang alamin kung saan banda ang sunog.
Lalabas na sana ako ng kuwarto pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng mag ring ang cellphone ko sa bedside table.
Gustuhin ko mang lumabas upang makiususyo rin sa kung ano ang pinagguguluhan nila sa labas ay hindi ko na lang ito ginawa. Hindi ko na lang ito ipinagpatuloy dahil sa kadahilanang, malakas ang kutob ko na importante ang tawag na iyon.. ang tawag ni Storm.
At kung paano ko nalaman na si Storm ang tumatawag sa akin kahit na'y hindi ko pa man ito natitignan? Simple lang, siya lang naman kasi ang tanging contact na nasa cellphone ko. Wala ng iba. At siya lang rin ang tanging nakakaalam ng number ko.
Ang mga hinala ko na iyon ay napatunayan ko na tama ng makita ko ang pangalan niya na lumabas sa screen ng cellphone. Pinulot ko ito, kapagkuwan, ay sinagot ko na ito.
Ang hinala kong importante ang tawag niya'y napatunayan ko na tama ng sagutin ko ito, "He—" I cut got my own tongue when he cursed.
"Damn. What took you long?" he hissed. Bahagya ring hinihingal ang boses niya sa kabilang linya. Pero ang ipinagtataka ko'y bakit may kung anong tunog ng alingaw-ngaw sa background niya? Alingaw-ngaw na tila bay isa itong tunog ng police car or ambulance? Don't know.
Nagtataka ma'y ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, bagkos ay itinuon ko sa mga kataga na sinabi niya.
"Anong long—"
Handa na sana akong itama ang sinabi niya. Ang sinabi niyang what took me so long, e, sa katunayan nga'y ilang ring pa lang naman iyon e. Pero hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong napatigil sa pagsasalita ng putulin niya ito, but this time napatanga ako dahil sa sinabi niya, "What did you do to Dashiel, last night?!" bulyaw niya sa kabilang linya. Dahilan, para matuptop ko ang sariling bibig at maputol ang balak kong pagsasalita.
Bumalot ang pagtataka sa buong katawan ko. Pagtataka para sa sinabi niya, like what the fuck? Anong pinagsasabi niya? E wala naman akong ginawa kay Dash—
Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may mapagtanto. Nanlaki rin ang mga mata ko. Kapagkuwan ay wala sa sariling napatakip ako sa bibig ko. Hala! May ginawa pala ako kagabi sakan'ya at ang ginawa ko na iyon ay 'yong pagpaso ko sakanya gamit 'yong matinka at 'yong pagsipa at pagtaboy ko sakan'ya ng ilang beses.
Nanliit ang mga mata ko. E, ano naman kung may ginawa ako? Anong meron do'n?
"E, An—" I was about to asked those questions on him ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng muli siyang nagsalita.
"—Alam mo bang dahil sa ginawa mo'y nagpakamatay siya?!" pagpuputol niya sa balak ko pa sanang sasabihin. Dahilan, para matuptop ko ang sariling bibig at manlaki ang mga mata.
Parang may kung anong bomba ang sumabog sa harapan ko dahil sa mga sinabi niya, dahilan, para tumigil sa pag-inog ang muni. Tila tumigil sa pag-inog ang mundo ko ng ilang segundo dahil sa mga narinig kong turan niya.
Kapagkuwan, ay ang masaganang luha na nagmumula sa mga mata ko ang namilisbis sa pisnge ko. Para itong tubig ulan na bumuhos. Wala kasing preno e. Napaupo ako sa kama ng wala sa oras ng makaramdam ako ng panginginig sa binti. Dahan-dahan akong napaupo at napaluha.
"N-agbibiro ka lang 'di ba?" nauutal kong tanong sakan'ya.
"S-ana nga, sana nga, nagbibiro lang ako. Pero hindi e! He committed suicide!" his voice was in range of anger. "He committed suicide because of you!"
He sighed like he is trying his best to calm the anger that he is feeling, "So, now tell me, what the hell did you do to him which made him chose to commit suicide?"
Muling nanumbalik ang nangyari sa utak ko dahil sa sinabi niya. Muling nanumbalik sa utak ko ang mga ginawa ko sakan'ya at ang mga sinabi ko sakan'ya kagabi. Muling nanumbalik sa utak ko ang ginawa kung pagtapon sa ulam na niluluto niya at ang sadyang pag sipa sakan'ya. Muling nanumbalik sa utak ko ang mga sinabi ko sakan'ya kagabi. Muling nanumbalik sa utak ko ang mga katagang sinabi ko sakan'ya na siyang posibleng naging dahilan kung bakit niya pinatay ang sarili niya.
Kinain ng pagsisi ang buong sistema ko. Kinain ng guilt ang buong sistema ko. Dahilan, para mapaluha ako ng sunod-sunod at mapasisi sa sarili.
"N-nasaan kayo ngayon?" At dahil sa pagsisi na nararamdaman ko'y isa lamang ang gusto kung malaman at gawin ngayon. At iyon ay ang puntahan siya upang humingi ng patawad at sisihin ang sarili.
At dahil sa pagsisisi na nararamdaman ko'y nawala na sa utak ko ang mga katagang itinanong niya sa akin. Kaya imbes na sagutin ay napatanong rin ako sakan'ya.
"N-akasunod ako ngayon sa ambulance na sinasakyan niya.." sadyang pinutol niya ang balak niya pa sanang sasabihin dahil sa dahilan na hindi ko malaman kung ano. So, that's was the explanation kung bakit parang may alingaw-ngaw ng siren ang naririnig ko sa background niya. "And we're heading towards the Gracia's Hospital," dag-dag pa niya.
After saying those words, he was about to said something ngunit hindi ko na ito napakinggan pa dahil sadya kong pinatay ang tawag.
Nanginginig man ang mga tuhod ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo mula sa pagkakasalamapak ko sa kama at sa awa ng diyos ay nakatayo naman ako. Pinalis ko ang luha ko, bago kinuha ang pitaka ko sa tukador at ang cellphone ko. At ng makuha ko na ang kailangan ko'y walang pagdadalawang isip kong nilisan ang lugar na iyin upang tumungo sa ospital na siyang sinabi niya.
Alam ko kung nasaan ang hospital na tinutukoy niya. Iyon lang kasi ang ospital na malapit rito sa baranggay e. At saka isa pa, iyon rin ang ospital na pinagdalhan sa akin ni Storm no'ng minsanan na sana akong manganak. Doon rin sa ospital na iyon namatay ang anak ko.
At ang ospital rin na iyon ay ang minsan ng naging saksi sa paghihirap, pagdadalamhati at pagluluksa ko.
Nagmamadali 'kong pinuntahan ang ospital na iyon gamit ang trycicle na napara ko lang sa bandang may plaza ng baranggay namin. Panay ang sabi ko kay manong na bilisan niya pa ang pagpapaandar sa trycicle niya dahil kung hindi'y paniguradong aabutin pa kami ng ilang oras bago marating ang ospital na iyon. Nasa bayan kasi ang location nito e at ang biyahe papunta roon ay inaanot rin ng ilang oras bago mo ito tuluyang mapupuntahan. Kaya nama'y pana'y sabi ko kay manong na bilisan niya ang pagpapatakbo niya. Hindi, inaalintana na ang dinadaanan namin ay lubak-lubak na.
At sa awa ng diyos, sinunod naman ni kiyang driver ang tinuran ko. Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo, without minding na maari kaming ma disgrasya o hindi kaya'y masira ang trycicle niya dahil sa lubaklubak na daan at dajil na rin sa lakas ng pagpapatakbo namin.
Inabot rin ng halos isang oras ang biyahe namin bago namin narating ang hospital. At sa loob ng isang oras na iyon ay panay lamang sa pagtambol ang puso ko dahil sa kaba. Hindi ito magkamayaw sa pagtambol na tila ba'y kulang na lamang ay lumabas ito mula sa crib crage ko.
Panay kain rin ang sisi sa katawan ko, dahilan, para mas lalo pa akong kinabahan and at the same time maiyak. Hindi magkamayaw ang mga mta ko na tila ba'y may unlimited luha ito. Nanlalabo na kasi ang paningin ko e dahil roon at ramdam na ramdam ko na rin ang paghahapdi nito.
Ibinigay ko kay manong ang pers na tanging laman ng wallet ko. Hindi ko ba hinintay pa ang sasabihin nito, dali-dali akong tumakbo papasok sa loob ng hospital.
Ang nagkakagulong hallway ang una kong nadtanan ng makapasok na ako. Isang palatandaan na ang ospital na ito ay kabilang sa mga tipikal na ospital ng mundo.
Ngunit hindi ko na pinansin pa ang bagay na iyon. Bagkos, ay dali-dali akong lumapit sa gawi no'ng nurse na nakatoka sa front desk upang tanongin kung may pasiyente bang dinala rito na napagkamatay.
At habang tinatanong ko siya'y, hinihiling ko sa mundo na sana'y wala. Na sana'y prank lamang 'yong sinabi ni Storm. Na sana'y prinaprank niya lamang ako.
Pero gano'n-gano'n na lamang ang pagguho ng mundo ko ng makita ko kung paano siya tumango. "Yes po ma'am. Nasa second floor po. Sa ICU."
Habang sinasambit niya ang mga kataga na iyon ay panay lamang sa pagbuhos ang mga luha ko. Para itong tubig sa sapa kung umagos. Pero ng may mapagtanto ay kussng tumigil ito.
"S-salamat miss," ang nauutal na ani ko sakan'ya bago tinalikuran ang gawi niya at tinungo ang daan papunta sa ikalawnag andana nitong hospital.
Maliit lamang ang hospital na ito, kaya nama'y dali-dali kong natunton ang daan papunta sa ikalawang andana nito kahit na'y ilang buwan na rin ang lumipas simula ng huli akong makapunta rito.
Ang tahimik na hallway ang una kong nabungaran ng makaakyat na ako sa ikalawang andana ng hospital. Kasalungat sa unang palapag nitong hospital. Nandodoon kasi ang emergency room e, kaya magulo roon kesa rito.
Samantalang dito nama'y ang mga private room at ang ICU na tinutukoy ng nurse lamang ang naririto.
Nang tuluyanh marating ang ikalawang palapag ng building ay wala na akong sinayang na oras pa. Agaran ko ng inihakbang ang mga paa ko upang hanapin ang ICU room na tinutukoy ng nurse.
Nanlalabo ang paningin ko dulot ng walang tigil na pag-iyak, kaya nama'y hindi ko ganoon makita ang nilalakaran ko. Kaya nama'y gano'n-ganon na lamang ang pagkahigit ko sa hininga ko ng may maramdaman akong humigit sa mga braso ko paharap sa taong humigit sa akin.
Ang pulang-puls niyang mga mata, ang gulong-gulo niyang buhok ay ang una kong nabungaran ng makilala ko sa kung sino ang humigit sa akin. Nakaigting rin ang mga panga niya, isang palatandaan na galit siya at mas lalo ko pang napatunayan na galit siya ng maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa balikat ko.
"What did you do to him, Marra?!" igting ang panga na tanong niya. Pero imbes na makaramdam ng takot para sakan'yay hindi ko ito naramdaman.
Ang tangi ko lang kasing nararamdaman sa pagkakataon na ito ay ang pag-aalala. Pag-aalala ukol sa kalagayan niya.
At dahil roo'y imbes na sagot ang isagot ko sa tanong niya'y, tanong rin ang itananong ko sa tanong niya.
"K-kamusta siya?" I asked while stammering and while saying those words, I am hoping to God that he is okay which is I know that it is too impossible to happen. Lalo na't sa pagkakataon na ito'y nasa ICU siya gaya ng sinabi ng nurse sa ibaba.
"He is dying, Marra and thanks to you!" he said while smiling sadly, "And I hope that you already got the revenge that you want."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nasaan ung series1 nito? Anong title di ko makita dito eh?
27/01
0sobrang ganda ❤️❤️
09/11/2024
0nice 👏👌 pls explain yung scene sa CR nung Ball yung kay Ma'am Buenaventura at Dash 😭 and yung nahuli sila ni Marra sa office. Looking forward sa magagandang stories mo. 😊
17/04/2024
0Tingnan Lahat