Eto na! Eto na talaga! Eto na wala nang atrasan to. Nandito na talaga ako sa harap. Napakalaking eskwelahan naman pala nitong pinag enrollan sakin ni mommy. Sabi niya dito din nag-aral si Kiro kaya posibleng nandito na din siya ngayon. Kanina pa ako dito sa gate at natatakot pumasok kasi baguhan palang ako. Mas maganda sana kung first day of school pero hindi eh. Ako lang ang bago dito kasi transferee ako. " Ija kanina ka pa nakatayo diyan. Pumasok ka na't baka ma late ka." si kuya guard. " K-kasi po transferee po ako." pag-amin ko. " Kinakabahan ka siguro ano?" " O-opo." " Ay wag kanang kabahan mababait ang mga estudyante dito ,disiplinado kasi private." ngiti niya. " S-sige po. Salamat." Naglakad na ako papasok sa gate at nang makapasok ako ay huminga ako nang malalim. " Eto na Talia." Naglakad na ako papasok. May mga nakikita pa akong mga magkakaibigan na nagtutulakan papasok habang tunatawa. May iba namang tahimik lang katulad ako at may mga lalaki ding hindi naka uniform pang eskwela pero naka uniform pang basketball at isa na dun si Kiro. Nakita ko syang tumatawa at may kaakbay na babae. Tumigil ako sa paglalakad nung lumampas na sila sakin. " Kiro?" tawa ko. Tumingin sakin lahat nang kasama niya kasama na din yung babaeng inaakbayan niya. " Kilala mo Ki?" tanong nung babae. " H-ha? Yeah. Scholar ni mommy." ngiwi niya. " Pare chicks." ngiti nung isa. Kumalas sa Kiro sa pagkakaalbay niya sa babae at lumapit sakin nang kunot kunot ang noo. " Anong kailangan mo?!" " T-tulungan mo naman akong hanapin ang classroom ko oh." " Kaya mo na yan!" sagot niya at tinalikuran ako. Nagulat ako sa inasta niya. Hindi naman siya ganun ka sungit ah. Mukhang hindi ko pa talaga kilala ang totoong Kiro. Iba ang Kiro sa bahay at sa eskwelahan. Hay. " M-miss ako na tutulong sayo." Napatingin ako dun sa naka volleyball player na uniform. Kasama ba to ni Kiro kanina? Hindi ko ata napansin. " A-ah s-sige." payag ko. Wala rin naman akong choice , umayaw na si Kiro eh. " T-tara?" ngiti niya. Tumango naman ako at sabay kaming naglakad. Binigay ko na sa kanya ang pangalan nung section ko at kung anong grade ako. " Dito." Huminto kami sa isang room na medyo ugh magulo. " S-salamat." ngiti ko. " A-ako nga pala si Jameson Reyes." Inabot niya ang kamay niya kaya inabot ko yun. " Talia. Talia Villarobin." " Sige una na ako ah. See you around Tali." " Talia." pagtatama ko. " Alam ko. I just want to call you Tali." " Ah okay." Umalis na siya kaya pumasok na rin ako sa new classroom ko. Hindi pa madami ang students sa loob pero naiilang pa rin ako sa mga tingin nila. Pagkapasok ko sakin agad lahat ang atemsiyon nila. " Name please?" yung teacher. " T-Talia Villarobin po." " Oh yeah right. Come." Sumunod naman ako at pumunta sa harap. " Okay class Miss Talia Villarobin is your new classmate. Treat her well okay?" " Yes Miss." sabay sabay na sagot nang lahat. " Sige na Miss Villarobin umupo kana. Maghanap kana lang nang mauupuan dun marami namang bakanti dyan." Tumango ako at naglakad papunta sa likod. Tama siya marami ngang extrang upuan. Pinili kong umupo dun sa wala akong katabi. Hindi sa ayaw kong may katabi kundi gusto ko talagang walang katabi para iwas issue na baka nag cheat ako at ayaw ko rin nang maingay. " Let's start our lesson." anunsiyo nung teacher. My first 3 subjects went well. Nakakapag concentrate ako sa pakikinig kasi wala akong maingay na katabi. Hindi naman pala talaga kami marami sa section na to balita ko. 21 lang ata kami. Oo nga naman pala, private to kaya hindi lahat afford ang tuition fee. Pero yung sabi ni kuya guard kanina na mababait ang estudyante dito di ko feel. Kasi sa nakikita ko hindi naman mababait eh hindi ko sinasabing lahat pero may mga masasama talaga ang ugali. And i'm not saying that without proof. At eto na nga sa harap ko may lalaking dinuro duro ang isang babae sa harap namin. Kaklase ko tong lalaki pero hindi babae. Kakadating lang nung babae dito sa room namin eh tapos ayun na nga diretso siyang dinuro nung lalaki. " Sabi ko sayo diba wag ka nang lumapit sakin!" " P-pero mahal kita." iyak nung babae. Jusme. Pagmamahal nga naman. " Pero hindi kita mahal!" " Ohhhh." yung mga lalaking kasama nung lalaking nanduduro. Mukhang nasisiyahan yung lalaki sa pagpapahiya sa babae. " S-sabi mo mahal moko." hagulgol na talaga nung babae. " At naniwala ka naman? Stupid!" tawa nung lalaki at lumabas na nang classroom. Break kasi namin ngayon. Naiwan yung babae dito iyak ng iyak. Nakapangalumbaba lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa kanya. Naawa na ako dun sa babae. Gusto kong tadyakan yung lalaki sa ginagawa niya pero hindi ko gagawin kasi ka bago bago ko palang dito maghahanp na ako nang away. At staka hindi ako ganung tao. Hindi ako brutal. Sa isip ko lang minsan pero hindi ko rin naman ginagawa. Iwas gulo, iwas issue. Nakatingin lang ako dun sa babae na pinagtatawanan naman nung ibang babae naming mga kaklase. Yan yung mababait na sinabi nung guard. Mukhang iba ang definition ni kuya guard sa mabait ah. Mabuti nalang at may dala akong panyo dito. Tumayo ako at lumapit dun sa babae at binigay yung panyo. Tiningnan niya ako nang may luha sa mata. " S-salamat." sabay abot niya nung panyo. " Sige na bumalik kana sa classroom mo." ngiti ko rin. Tumango siya at lumabas na nang classroom namin. Bumalik naman ako sa upuan ko pero mukhang mali pa ata yung ginawa ko kasi pag-upo ko sa upuan ko lumaoit agad yung grupo nang mga babae na tumawa sa umiiyak na babae kanina. " Huy baguhan!" " Bakit?" " Bakit mo binigyan nang panyo yun?" Ramdam ko talagang sa away to papunta eh. " Naaawa kasi ako sa kanya." mahinahong sagot ko. Ngumisi naman yung mga babae at pinalibutan ako. " Next time baguhan wag kang gagawa nang hakbang hangga't hindi namin pinapayagan. Nagkakaintintindihan tayo?" Mukhang leader ata yung maiksi din ang buhok eh kasi siya yung laging may say. " Nagkakaintindihan ba tayo baguhan?!"sigaw niya at pinalo pa ang arm chair ko. " Umo-o ka nalang." sabi nung isa kong kaklase. " S-sige." payag ko. Pero as if susundin ko sila. Gagawin ko ang gusto at hindi sila ang makakadikta sakin. " Good." ngisi nung maiksi ang buhok. Dun sa probinsiya kaya wala akong kaibigan kasi kahit mahirap kami dun uso din ang ruling. Yun bang para sila ang hari't reyna sa eskwelahan pero ayaw kong sumunod kaya ayun wala akong kaibigan. Hindi nagtagal ay dumating na yung teacher namin sa English kaya excited ako. Favorite ko kasi yun. After nang discussion ay nagtawag na si Maam nang sasagot sa tanong niya. " Miss Eksil please stand up." Hindi ko yun kilala pero nakilala ko din nang tumayo yung maiksi ang buhok na lumapit sakin kanina. So Eksil ang last name niya? Okay! " What is the meaning of the abbrevation A.S.A.P?" Ano?! Wala yon sa diniscuss niya ah? " A.S.A.P Miss?" namunutlang tanong nung Eksil. Hala! Wag niyang sabihing hindi niya alam ang meaning nun? Jusme. " Yes Miss Eksil A.S.A.P." " Uhm Art.Superhero.Acoustic.Pen." What?! Ano?! Seryuso ba siya?! Jusme. Pulang pula na ang mukha nang teacher namin. Hindi ko alam kung natatawa siya o naiinis basta pulang pula na siya. Walang tumatawa kahit isa sa mga kaklase ko siguro talot sa kanya. " I know you're just joking Miss Eksil please be serious and just answer my question." " Hehe." awkward na tawa ni Eksil. " Miss Eksil what now?" mukhang naiinip na tanong ni Maam. " Uhm y-yun na po yung a-answer ko Maam." Namumutla na talaga sya. Naaawa ako sa kanya. Ang ganda pa naman sana pag pageant ang katawan at ang tangkad pero olats pala pagdating sa klase. " Sit down Miss Eksil." problemado ang mukhang saad ni Maam. Tumingin siya sa record niya na mukhang naghahanap nang ibang pangalan. " Villarobin?" Tumayo agad ako ng tuwid. " As soon as possible Miss." " Very good Miss Villarobin. Thank you for answering my question." Ngumuti ako at umupo. " So Miss Eksil what is the right answer?" " As soon as possible Miss." namumutla pring sagot niya. Ganyan ba siya lagi? Hindi pwedeng mamumutla siya lagi kapag tinatanong siya. " Next time Miss Eksil use your brain not just your beauty and charm." All of my subjects went well. Pauwi na ako ngayon at naglalakad na sa corridor nang nay humarang sakin. " Bakit?" " Alam mo bang pasikat ka? Kakadating mo lang pero kung makaasta ka ang tali talino mo!" " Hala. Anong ginawa ko?" takang tanong ko kay Eksil. " Alam kong palihim kang nagdiwang kanina nung mali ang sagot ko!" " San' dun? Yun bang ART.SUPERHERO.ACOUSTIC.PEN.?" inosenteng tanong ko. " Wala kang karapatang sabihin yon!" sigaw niya. " Jusme. Padaan naman oh uuwi na kasi ako." pakiusap ko. " Diba sabi ko sayo na hindi ka gagawa ng mga bagay na walang approve galing sakin?!" " Alam mo mas maganda ka kapag nag Eenglish siguro. Maganda kana eh. Subukan mo kaya mag English?" " Ha?" takang tanong niya. " Sige subukan mo kaya Hirl" So Hirl ang pangalan niya? Maganda. May binulong siya dun sa babaeng katabi niya. " Okay lang yan. Subukan mo lang." ngiti nung kasama niya. " A-are fun me making me you?!" asik niya. " A-ano?"takang tanong ko. " A-are fun me making me you?!" Jusmeyo. Maling mali na nag suggeat akong mag English siya. " Ah sige una na ako ah." Dadaan na sana ako nang tumawa siya nang malakas. " Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Hindi ka siguro nakakaintindi nang English no?" tapos tunawa siya nang malakas. Wala na! Malala na tong babaeng to. " Ah eh hindi sa ganun ano kasi hindi ko naintindihan yung English mo." Hindi ako sinungaling kaya ayun. " What?! You say to me it's nice if i told English, girls right?" Tumama na sana dun sa unang word eh. Kasalanan ko talaga to. Bakit kasi kung ano anong sinu-suggest mo Talia. " Dapat sinabi mong. WHAT?!YOU TOLD ME THAT IT'S BETTER IF I SPEAK ENGLISH,RIGT GIRLS? Ganun dapat Eksil." pagtatama ko. " Ugh. Wherever. Girls, let's go away!"asik niya at linampasan ako. Naiwan naman akong mag-isa dito sa gitna nang corridor. Muntik ko nang hindi maintindihan yung English niya mabuti nalang at sanay ako sa ganun. Ganun din kasi si Osteng. Pagdating ko sa bahay ay umakyat agad ako at nag linis nang katawan. Pagkatapos ay pinatawag din agad ako ni mommy sa baba kay bumaba din ako. " So how's first day of school." " Mommy hindi po firat day of school ngayon." nahihiyang sagot ko. " Yeah i know but it's your first day in Kiro's school so yeah." " Uhm okay naman po." " Mababait ba naman ang mga kaklase mo?" " Yung iba po." " How about the others?" " Attitude po." biro ko. Natawa naman siya tapos biglang tumahimik nung mukhang may naalala. " Hala. Nagkita ba kayo ni Kiro? Niyakap ka ba nya nung magkita kayo? Bumeso ba siya o ikaw bumeso kaba? Sinabi ba niyang namiss ka niya? Ngumiti ba siya o namula nung nginitian mo siya? Ano? Ano ha? Ano?" sunod sunod na tanong niya na nagpatahimik sakin. Pano' ko sasabihin na isa lang sa binanggit niya ang nangyari at yun lang yung nagkita kami. " Talia sweetie what happened?" excited na tanong niya. Hindi talaga ako sinungaling pero ayokong ma dissapoint si mommy. " Uhm nagkita po kami at nag ngitian yun lang po kasi may kasama siyang mga kaibigan at nagmamadali sila." Lord mommy patawarin niyo po ako. " Ah ganun ba? May kasama ba siyang babae?" " O-opo." " What?! Anong mukha? Maganda ba? Matangkad? Maputi? Morena? Singkit? Matangos ang ilong? Makurba? Ano?" " Ah mommy maganda po siya. Mahaba ang buhok niya, maputi, matangkad din ho siya pero mas matangkad po si Kiro, sakto lang yung mata niya, matangos yung ilong at may kurba din ho siya." " Ano?! Ba't naman ganun?" nguso niya. " B-bakit po?" " Ah wala. May isa pa akong tanong na kailangang masagot dahil kapag eto nagtugma dun sa babaeng sinasabi mo naku naku naku palilipatin talaga kita sa condo ni Kiro in an instant." " P-po?" gulat na tanong ko. " Oo. Kaya wag na wag kang magsisinungaling sakin Talia." " S-sige po. Ano po ba yung tanong niyo." " May boobs ba yung babae?" " P-po?" " Sagutin mo nalang." " Ano po ayoko po dun sa condo ni Kiro." yuko ko. " So may boobs nga yong babae?" " L-lahat po nang babae meron." nguso ko. " What i mean is malaki ba yung boobs niya. Ano? Small medium lar--" " M-medium po ata yun." Nasapo ni mommy ang noo niya na parang ang laki nang problema niya. Tumayo siya at umakyat sa itaas. Akal ko galit siya sakin pero nakailang hakbang palang siya sa hagdan tinawag na niya ako. " Talia?" " P-po?" " Sumunod ka sakin!" utos niya. Galit ata talaga siya sakin. Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa kwarto ko. Akal ko dun niya ako kakausapin pero nagulat ako nang maglabas siya nang maleta at nilagay sa kama ko. " Help me pack your things." " P-po?" " I said help me pack your things." " P-pinapaalis niyo na po ako?" mqhinang saad ko. Hindi pa nga ako nagtatagal dito eh. Pano na yung pangarap ko para kina Pap---- " Of course not. You'll just going to live with my son." " P-po?" " Tama na ang kaka po mo Talia. Sige na tulungan mo na ako nang maihatid na kita dun." " P-pero ayoko po dun." " And why is that?" " H-hindi po kami magkundo." " Kaya ka nga pupunta doon para magkasundo kayo." Pagsubok lang to!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (55)
Stephanie Solabo
Ah ah ahhh! Ang nice ng story, nakabitin lang huhuness. Continue slaying Ms.Author!<\3
Ah ah ahhh! Ang nice ng story, nakabitin lang huhuness. Continue slaying Ms.Author!<\3
07/04/2022
0nice
15/11/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
10/08/2024
0Tingnan Lahat