logo text

Chapter 32

Pagkatapos ng laro kanina ay may parangal kami at alam niyo ba kung ano yun?
" For those girls and mens who win today will have a free dinner later. And it's on me kasi napa bilib niyo ko sa mga laro niyo."
Maraming nagbunyi syempre. Libre na yan, malulungkot ka paba?
"Kita nalang tayo sa parking lot mamaya para sabay na tayong pumunta sa restaurant. You can now go back to your classroom."
So yun ang dahilankubg bakit nandito kami ngayon sa parking lot at naghihintay na dumating ang iba, specifically si sir at sina Kiro.
" Kanina ka pa tahimik diyan Talia." mahinang tulak sakin ni Hirl.
" Paki mo ba?!"
" Ay minamalditahan mona ako?"
" De joke lang." tawa ko.
" Ikaw ba't kanina ka pa tahimik din diyan?"
" Wala. Iniisip ko lang kung paano na kami ni Jameson na aalis na ako papuntang America."
Nakasandal kami sa kotse niya kaya pareho kaming nakaharap sa harapana.
" Edi kayo pa ri--Ano?! Tela wait ano yung sinabi mo?!"gulat na tanong ko at napatingin pa sa kanya.
" Aalis ako Talia." mahinang saad niya.
" Uy hindi magandang biro yan ah." tulak ko sa kanya.
" I'm not joking. I'm serious."
" Hala pano na yan? Teka kailan ka ba aalis?" malungkot na tanong ko.
Wala na akong kasama lagi. Wala na kaong ka matchie matchie.
" Next next next next next next next nect year." tapos humagalpak siya ng tawa.
Nahampas ko.nalang siya ng malakas pero tawa pa rin siya ng tawa. May pa hawak hawak pa sa tiyan.
" Epic yung mukha mo Talia.BWAHAHAHAH!"
Ngumuso nalang ako at tumingin nalang sa harapan.
" Uy Tali, babe?!"
Naka simangot pa rin ako nung makita ko si Jameson na patakbong pumunta samin.
Natigil naman si Hirl sa pagtawa at sumeryuso agad.
"Hi babe?" bati niya kay Jameson.
" Kanina paba kayo dito?" nakangiting tanong niya.
" Kanina pa. Tapos na nga akong lokohin ng jowa mo eh." sumbong ko.
" What do you mean?"
" Nothing babe. I just want to make fun of her at epektibo naman." tawa niya.
" Oka----"
" Hubby sama na kasi ako sa inyo."
Hay eto na naman po kami.
Sumandal ulit ako sa kotse ni Hirl at nakataad ang kilay na nakatingin kina Kiro at sa barkada niyang palapit samin syempre with special participation of Jenna na nakasabit na naman ang kamay sa braso ni Kiro.
" Hindi nga pwede Jen kasi diba natalo kayo?"
" What if mag date nalang tayo na tayong dalawa lang? Wag ka nalang sumama sa kanila." nguso niya.
Lahat ng kilos nila nakatingin ako. Pati pagtigil nila sa harap namin nakita koat hindi ako umiwas ng tingin.
" Talia right?" ngiti nung ka grupo ni Kiro.
Tumango lang ako sa kanya.
" I'm Richie." ngiti niya at inilahad ang kamay.
Tiningnan ko ang kamay niya at tinanggap din. Bumitaw din ako agad kasi lahat sila nakatingin samin.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang magpakilala silang lahat.  Isa isa nila akong kinamayan na may ngiti.
" Nice to finally know you Talia."ngiti nila.
" Sanaol sabay magsalita." biro ko na tinawan nila.
" Ang tagal ni coach." singit ni Kiro.
Hindi ko nalangs siya pinansin at itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga kaibigan niya.
"So Talia totoo bang taga probinsiya ka?" tanong nung Alex ata ang pangalan.
" O---"
" Oo naman. Yang mukhang yan?" tawa ni Jenna.
" Jenna!" sabay na saway ni Kiro at Richie.
Wew. Sabay na naman.
" Hayaan niyo na yan. Epal kasi yan pero oo totoong taga probinsya ako."
" Kailan ka uuwi sa inyo?" si Richie.
" Uh hindi kopa alam eh."
" Siguro maraming palay dun no?"
" Oo naman. Yun nga trabaho ang papa ko eh, nagtatanim ng palay."
" At proud pa talaga na mahirap ang papa niya." parinig ni Jenna.
" Jenna ano ba! Hindi ka kasali sa usapan namin at kung tutuusin hindi ka rin naman kasali sa dinner namin ah bakit nandito ka pa?" asik ni Richie.
Wew matapang ang koya niyo.
" Whatever. See you tomorrow hubby." kiniss niya si Kiro sa cheek at inirapan kami bago maartemg naglakad paalis.
" Sorry bud narindi lang talaga ako sa girlfriend mo."
Girl friend?!
Paki ko naman?
Pero hindi nga, totoo?!
Hindi pwede!
" It's okay and she's not my girlfriend."
" But---"
" Tama na yan. May itatanong pa ako kay Talia eh. So Talia mahirap bang magtanim ng palay?" si Alex.
" Alex!" singhal ni Kiro.
" What? Dude im just aking." depensa niya.
" Hindi naman talaga mahirap ang magtanim pero kung magtatanim ka ng labag sa loob mo yun yung mahirap."
" So kung hindi labag sa loob okay lang?" sabad nung isa na nakalimutan ko ang pangalan.
" Oo naman. Masaya nga eh."
" Gusto ko ma try." singit ni Hirl sa tabi ko.
" Babe sa arteng mong yan?" tawa ni Jameson.
"Babe naman eh. Gusto ko nga ma try at susubukan ko talaga yun kapag nakapunta na ako kina Talia."
" Pupunta ka dun?" takang tanong nung jowa niya.
" Oo naman. Talia promised me that she will bring me there soon." ngiti niya.
"Sama kamiiiiiiii!"
Nabaling ang atensyon namin sa barakda ni Kiro.
" What? Sama kayo? No way. Dapat ako langa ng kasama niya. Date namin ni Talia." nguso ni Hirl.
" Damot mo naman Hirl." nguso ni Alex.
Natawa tuloy ako ng mahina. Ang cute niya kasi.
" Sige na nga. Sama nalang kayo." nguso din ni Hirl.
" Good." ngisi naman ni Alex.
Bipolar ata.
" Si Talia ang tanungin natin kung papayag ba siya." si Richie.
Napatingin naman silang lahat sakin na mukhang mga aso dahil nagpapuppy eyes lahat.
Well okay maliban kay Kiro na ang sama ng timpla ng mukha.
" Talia kahit nagyon lang kami ngpakilala mababait naman kami kaya pumayag kana." nag puppy eyes ulit si Alex.
" Uh ano kasi kapag umuwi ako dun tapos sasama kayo ano mags-stay kasi ako dun ng mga ilang araw siguro?"
" Mas okay nga yon eh kasi mas maraming araw kaming makakapagtanim." ngiti ni Richie.
" Ano uh hindi tayo kasya sa bahay namin, walang aircon, walang bottled water, walang shower at higit sa lahat walang malambot na kama."
" Okay lang yun."ngiti nung isa.
" Oo nga. Palay ang pupuntahin namin doon hindi yang mga pinagsasasabi mo." si Alex.
" At staka kung hindi kami kasya sa bahay niyo we can have hotel." si Rochie.
Sosyal naman.
" Walang hotel dun. Mga bahay lang talaga."
" Pwede naman kaming magtayo ng tent."
Napalingon kaming lahat kay Kiro sa sinabi niya.
" Sasama ka?" gulat na tanong ng lahat maliban sakin.
Nangunot naman gad ang noo ni Kiro.
" What the hell? Ayaw niyo akong sumama?!" asik niya.
"No. Not that but how about Jenna? Would she come too? Dude no way. Wag mo siyang dadalhin at baka siya ang patanimin ko ng palay." saad ni Alex na tinawanan namin.
Ayaw niya talagang kasama si Jenna.
" No. I won't bring her. She's too noisy and annoying."
"Ngayon mo lang na realize? Simula nung dumating si Talia dito mas naging bitchyang si Jenna. Mas lalong sumama ang ugali at lagi nang nakadikit sayo. Pati kami naririndi na sa kaka hubby niya."  si Alex ulit.
" I am trying to avoid her, okay?"
" Mahal na mahal ka nun kaya kahit iwasan mo siya gagawa at gagawa yun ng paraan para mapalapit sayo." tawa ni Richie.
" Basta hindi siya kasama." si Kiro na mukhang napipikon na.
" So Talia kasama naba kami? Hindi kami magpapa pasaway sa mama't papa mo promise, gusto lang talaga naming sumama." si Alex.
" Oo na kasama na kayo." taw ako.
" YEHEY!" sigaw nilang lahat maliban kay Kiro na nakatingin lang sakin ng masama.
Wew. Problema nito.
" Mukhang nagkakasiyahan tayo dito ah?"
" Good afternoon Sir." bati naming lahat.
" Good after noon din so bakit parang ang saya nating lahat?"
"Si Talia kasi sir pumayag na sumama kami sa kanila." nakangiting kwento ni Alex.
Madaldal pala talaga tong si Alex.
" Wow! Pwede sumama?" biro ni Sie na tinawanan ng lahat.
" Anyways let's go."
Tumango kami at akmang sasakay na ako sa kotse ni Hirl ng may humawak sa braso ko.
" Sakin ka sasabay." and with that hinila niya ako papunta sa kotse niya.
Marahas niyang binuksan ang pinto at pinapasok ako. Pagakapasok ko ay padabog niyang isinara ang pinto at umikot para sumakay sa kotse niya.
Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo. Nakasunod kami sa kotse ni Hirl at Jameson.
Hindi ako nagsasalita at tumingin lang ako sa labas.
Hindi ko pa rin nakakalimutan yung sa basletball court kanina.
" Why didn't you cheer for me earlier? You didn't even look at me when i'm playing. We almost got beated by the other group."
" Kasalanan ko?"  tanong ko habang nakatingin sa labas.
"Of course. You didn't cheer for me."
" I did but you didn't recognize me."
" Of course not. I didn't hear your voice."
" You only recognized Jenna's voice."
" You're lying."
" At ako pa ang nagsisinungaling? Sabay kaming nagcheer ni Jenna sayo pero siya ang nilingon mo."
" But I really didn't hear your voice?"
Pinark na niya ang kotse niya.
" It's bacause you're busy hearing others voice."
Lumabas na ako ng kotse at diretsong naglakad papunta sa kotse ni Hirl.
" Ano nakapag-usap ba kayo?" tanong niya habang papasok kani sa restaurant.
" Yes and he keeps on saying that i didn't cheered for him."
Nauna na si Sir kaya may table nang naka reserve para samin. Umupo na kami ni Hirl. Katabi niya sa kaliwa si Jameson at katabi ko naman sa kana si Richie.
Hindi pa kasi pumapasok si Kiro.
" So ano nag-away na naman kayo?" bulong niya.
" Hindi naman."
" Where are the others?" tanong ni Sir.
" Nasa labas pa po si Kiro at yung ibang tatlong babae na kasama nila Talia ay wala pa po." si Richie ang sumagot.
Sasagot na sana si Sir ng mag ring ang phone niya. Sinagot niya muna sa harap namin.
" Yes. Yes. Okay. I'm coming." pinatay na niya ang tawag at humarap samin.
" I'm sorry guys but i need to go but don't worry i own this restaurant so you can order whatever you wan't. Enjoy." nagmadali siyang tumayo at naglakad palabas.
Nakasalubong niya pa si Kiro sa entrance. Nag-usap sandali at umalis din siya agad.
Pagdating ni Kiro sa table namin ay umupo siya sa inupuan ni sir kanina na kaharap ko.
" Hihintayin paba natin yung iba? Gutom na ako." nguso ni Hirl.
" No way. Let's order already para makauwi na tayo." si Alex.
So yun ng ginawa nila. Ang boys lang ang nag order at kami ni Hirl ay tahimik lang sa gilid.
Pagdating ng order ay kumain na kami.
" Talia may boyfriend kana ba?" tanong ni Alex habang kumakain kami.
" Uh ano." wala sa sariling napatingin ako kay Kiro na nakatingin din pala sakin kaya napaiwas agad ako.
Anong sasabihin ko? Oo? Pero hindi naman talaga kami ni Kiro.
" Uh ano kasi."
" Bakit mag aaply ka?" ngisi ni Hirl.
" Nagtatanong lang po ako kasi ano uh." tumingin siya kay Richie at tumawa ng mahina.
" Ano?" si Hirl.
" Uh wala kasi diba? Marami kasing naiinlove sa babaemg magaling mag basketball kaya baka may boyfriend na siya."
" Uh hehe." pilit na ngiti ko.
" Let's just eat." sabad ni Kiro.
Nakangising tumango si Alex at kumain ulit. Nagpatuloy nalang din ako kahit na aawkwardan talaga ako kay Alex.
" Bye guys. See you. See you Talia." kindat ni Alex.
" Landi mo dude." tawa nung isa.
Naalala kona ang pangalan niya. Steph at yung isa Jomarie.
" Nag babye lang malandi na? Mabuti pa nga ako may lakas ng loon kumindat yung iba diyan ni pakikipag-usap ng matagal hindi magawa." tawa niya at tumingin kay Richie.
" Gagu!" singhal ni Jomarie.
" Bakit totoo naman ah? Hindi ko naman sinasabing nandito pero basta may nga taong ganun." tawa ulit niya at tumakbo na papunta sa kotse niya.
" Talia hayaan mona yun at sadyang mapang-asar lang talaga ang isang yun." ngiti ni Richie.
" Okay lang. Mas okay nga yun eh at staka hindi naman ako madaling maasar." ngiti ko din.
" Sige una na kami. Bye. Bye guys." paalam niya at sumakay na sa kotse niya.
Nagpaalam na din si Steph at Jomar.
" Pano' Talia kita nalang bukas?" ngiti ni Hirl.
" Oo naman. Sige ingat ka."
" Ikaw din. Bye."
" Kita nalang din tayo bukas Kiro Tali." ngiti ni Jameson.
Nagpaalaman pa sila ni Hirl bago sumakay sa mga kotse nila.
So ang ending kami nalang ni Kiro dito.
" Uh ano tara na?" pilit na ngiti ko.
Tumango lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Kahit moody gentle man pa rin. Okay yan.
Sumakay na din siya at pinaandar ang sasakyan.
Malapit na mag gabi kaya sobrang traffic.  Ang bagal ng usad ng mga sasakyan kung kailan gusto ko munang iwasan si Kiro.
" Tata congrats by the way."
" T-hanks. You too. Congrats."
Napapa English na ako sa kaba. Kasi naman baka magkasagutan na naman kami at ma punta sa sakitan. Ayoko na nun'.
" Uh we're not fighting right?"
Nabigla naman ako sa tanong niya.
" Uh ano h-hindi naman, siguro? Ewan hehe." pilit na tawa ko.
" Are you mad at me?"
Lumingon ako sa kanya at nagpilit ng ngiti.
" No, of course not. Nagtatampo lang pero okay na yon." ngiti ko.
" So nagtatampo ka sakin? Why? Is it because i didn't recognize your voice earlier? Or it's about Jenna's kiss?"
Mabuti nalang at mahina ang usad ng sasakyan kundi nako kanina pa kami na nabangga dahil panay ang tingin niya sakin.
" Hindi ko rin alam basta ang alam ko masama ang loob ko kanina na si Jenna ang nilingon mo at hindi ako." pag-amin ko.
Sabi ko nga hindi ako sinungaling. Minsan lang kapag kailangan.
" I'm sorry bout' that."
" Okay lang. Wala rin namang rason para lingunin moko diba?" tawa ko kunware.
" Tata." tawag niya na parang humihingi ng pasenysa o may gustong sabihin, ay ewan.
" It's okay Kiro. Focus ka nalang sa pagddrive." pilit na ngiti ko at tumingin nalang sa labas.
Rinig na rinig ko anh bubtong hininga niya. Hindi nalang ako umimik.
Pagdating sa condo ay dumiretso ako sa kwarto at naglinis ng sarili. Hindi na ako nag abalang patuyuin ang buhok ko at diretso nalang humiga sa kama.
Sa buong araw na to parang nayon lang ako nakaramdam ng pagod dahil sa laro kanina.
Tapos na kaming kumain kanina sa restaurant kaya pumikit nalang ako at hindi na kailangan magpumilit matulog dahil nakatulog agad ako.
Syempre nagising na naman ako kinabukasan with Kiro in my left side. Bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Nagluto na ako ng pagkain pagkatapos ay naligo. Nagbihis na din ako ng uniform pero hindi pa rin gumigising si Kiro.
Umakyat ako sa kama at niyugyog si Kiro.
" Jusme Kiro gumising ka na." yugyog ko.
" I'm still sleepy." antok na usal niya.
" Sige wag kang gumiwing, wag ka na ring pumasok ah." inis na usal ko at bumaba sa kama.
Binuksan kona ang pinto ng magsalita siya.
" Tata 5 minutes pa."
" Bukas ng gabi wag kanang matulog dito kung papahirapan mo pa akong gisingan ka."
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at naghain na ng makakain.
Umupo na ako at magsisimula na sanang kumain mag-isa ng sumulpot siya at diretsong umupo sa harap ko.
" Akala ko ba aabsent ka nalang?" takang tanong ko.
" Hindi. Gising na gising na nga ako oh, tingban mo." ngiti niya.
" Sobrang gulo ng buhok mo." tawa ko at sumubo.
" Hayaan mo na yan gwapo pa rin namana diba?" ngisi niya.
" Kumain ka nalang at gutom lang yan." irap ko.
Tumawa lang siya at kumain na din. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas at pinaligo ko nalang siya para hindi kami ma late.
Pagkatapos niyang magbihis ay pumasok na rin kami sa wakas. Muntik pa kamibg ma late mabuti nalang at hindi.
" Talia alam mo naba?" ngiti ni Hirl.
" Ang alin?" takang tanong ko habang inaayos ang bag ko dahil uwian na.
" Walang klase bukas at sa susunod na linggo."
" Ano?!" gulat na sigaw ko.
Mabuti nalang at kaming dalawa nalanga ng nandito ngayon sa classroom.
" Pano? Bakit? Anong nangyari?"
" Bakit ang dami mong tanong? Eh sa wala daw talagang klase eh."
" Pero bakit lagi nalang walang klase? I mean pano' pa tayo matutoto nito kung laging walang klase? Kakabalik nga lang natin sa normal na klase eh."
" Duh! Ang dami mo pang dada diyan. Matuwa ka nalang at matagal na walang klase. Imagine wednesday palang ngayon tapos next next week pa ang balik ng klase? This is a blessing." tuwang tuwang saad niya.
" At anong gagawin ko sa dalawang linggong walang klase? Mag mokmok?" isinukbit kona ang bag ko at nagsimulang maglakad palabas.
" We can finally go to your province!"
" Ay butiki!"
Napatingin ako ng masama kina Jameson Kiro at sa barkada niya.
" Oh easy. Excited lang kami." tawa ni Jameson.
" Oo nga Talia. We can use that free time oara pumunta sa inyo. Matagal tagal din yon." kindat ni Alex.
" Guys she's upset na matagal walang klase kasi wala na daw tayong matututonan." sumbong ni Hirl na tinawanan nilang lahat.
" Oh come on Talia, it's a blessing." natatawang saad ni Alex.
"Blessing para sa inyo pero sige bukas na bukas din pupunta tayo samin."
" YES!" sigaw nilang lahat na may kasama pang talon.
Natawa nalang ako sa inasta nila.
" So mag iimpake na kami ngayon at sa condo niyo kami makikitulog para diretso na tayo bukas, okay ba?" si Alex.
" What?! No way in earth i'll let you sleep in my condo!" asik ni Kiro.
" Ang arte naman nitong si Kiro, gusto mo talagang ma solo si Talia no?" ngisi ni Jomarie.
Napaiwas nalang ako ng tingin. Hindi maganda ang naiisip ko sa mga sinasabi nila.
" You're so annoying and if i know magkakalat lang kayo sa condo ko!"
" Of course not. Talia ayaw pumayag ni Kiro pagalitan mo nga." nguso ni Alex.
" Uh ano? B-bakit ako? I mean condo niya yun."
" Pareho naman kayong nakatira dun kaya parang sayo na rin yon kaya sige na pumayag ka na." nag puppy eyes pa siya.
" Uh ano p-pwede naman na magkita nalang tayong lahat bukas sa baba ng condo." pilit na ngiti ko.
" Talia masyadong malayo ang bahay namin kaya sige na please pumayag kana. I know na kapag pumayag ka papayag din tong si Kiro."
" Please Alex don't force Talia." singit ni Richie.
" I am not forcing her Richie. I am begging her." nguso niya.
" Kiro pumayag kana kasi para tapos na ang lahat." si Hirl.
" But where are you guys going to sleep? You know that my condo have only two rooms?"
May point siya.
" But we can sleep in the sala? In the floor? In the kitchen? Basta dun sa condo mo."
Mapilit talaga tong si Alex eh pero walang arte. Mayaman pero hindi maarte kaya okay din.
"Okay sige dun na tayong lahat matulog."pagpayag ko.
" What?!Tata no."
" Pumayag na si Talia kaya tara na guys mag impake na tayo. See you guys in the condo." ngisi ni Alex at umalis na sila maliban kay Hirl at Jameson.
" Tata ba't ka pumayag?"
" Ayaw mo nun madami tayo sa condo mo?"
" You don't know how annoying they are!" asik niya at tumalikod at naunang maglakad.
Bumalik na naman si Kiro'ng hindi marunong makinig.

Komento sa Aklat (55)

  • avatar
    Stephanie Solabo

    Ah ah ahhh! Ang nice ng story, nakabitin lang huhuness. Continue slaying Ms.Author!<\3

    07/04/2022

      0
  • avatar
    Dumpi Kiro

    nice

    15/11/2024

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata