NANG dumating ang araw ng mga puso ay naghanap ako ng tamang pagkakataon para maibigay kay Dorothy ang chocolates. Ala una hapon, alam kong vacant niya 'pag ganitong oras at alam ko kung saan siya matatagpuan kaya dahil palagi ko siyang nakikita roon noon kapag nskatambay ako ro’n. Hindi naman ako nabigo nang makita siya sa Library. Mag-isa siyang nakaupo roon. Agad ko siyang nilapitan habang nananalangin na sana ay hindi niya ako iwasan. Bakas man ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingala sa akin ay hindi ko naman maiwasang lihim na purihin ang taglay niyang ganda. Hindi ko maipaliwanag ang sayang lumukob sa puso ko nang maupo ako sa tabi niya. “Happy Valentines.” Iniabot ko sa kanya ang pinabili kong chocolates. Kita ko sa mga mata niya ang pagliwanag habang nakatitig doon pero agad 'gong nawala. Itinulak niya pabalik sa akin ang box na labis kong ikinagulat. “Hindi ko ako kumakain ng chocolate.” “Bakit? Diet ka?” Gusto kong sapukin ang sarili nang makitang nasaktan siya sa simpleng sinabi kong 'yon. At mas lalo akong nagalit sa sarili ko nang mabilis siyang umalis doon na bakas ang sama ng loob. Susundan ko pa sana siya pero may kamay na pumigil sa akin. Nang tingnan ko ang nagmamay-ari niyon ay nakita ko ang kaibigan ni Dorothy na si Amy. “Kung gusto mong mapalapit sa kanya, 'wag na 'wag mong gagawin at sasabihin ang mga bagay na makakapagpasakit ng damdamin niya. Mga simpleng bagay pero malaki ang epekto sa kanya.” Nakuha ko ang gustong iparating sa akin ni Amy. Tama siya. Malaki ang insecurity ni Dorothy sa kanyang sarili dahil sa kanyang pangangatawan. Ayokong sabihing mataba siya dahil para sa akin ay hindi. Maganda siya at maganda ang katawan niya. Sana ay makita niya iyon. At tutulungan ko siyang buksan ang puso niya sa bagay na dapat ay minamahal niya, iyon ay kanyang sarili. Naging mahirap para sa akin ang mapalapit kay Dorothy. Pero sa tulong ni Amy ay nakuha ko ang loob niya. Nalaman ko kay Amy kung saan siya tumatambay kapag gusto niyang mapag-isa at nalaman ko ang mga gusto at ayaw niya. “Konsensyahin mo.” Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Amy. Iyon ang sagot niya nang magtanong ako kung paano ko ba makakausap si Dory nang hindi 'to umiiwas. “Konsensyahin? Ayoko!” mariing tanggi ko. “E, 'di huwag! Good luck na lang kung kausapin ka niya.” “Hindi ko gagawin 'yon. Maraming paraan para mapalapit sa kanya.” “Okay, sabi mo, eh. Good luck, Mr. Perfect.” Pero kinain ko ang sinabi kong iyon. Wala na akong choice noong araw na iyon sa rooftop kung 'di ang gawin ang sinabi ni Amy. At tumalab! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang masabi ko ang mga gusto kong sabihin at no’ng tanggapin niya ang alok kong pakikipagkaibigan. Sa ilang buwan na naging kaibigan ko si Dorothy ay naging bukas siya sa mga nararamdaman niya. Masaya ako na nagawa niya akong pagkatiwalaan. Pero mas masakit para sa akin na harap-harapan ko siyang nakikitang malungkot at umiiyak. Kaya hindi ako nagsawang paalalahanan siya ng mga bagay-bagay. Palagi kong sinasabi sa kanya na dapat ay mahalin niya ang sarili niya, na huwag pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao at parati kong ipinapaalala kung gaano siyang kaganda. Unti-unti nagiging maayos ang lahat kay Dorothy. Simula noong naging maayos ang relasyon niya sa mama niya ay nagkaroon ng kumpiyansa si Dorothy sa sarili. Natutunan niyang mahalin ang sarili niya, natutunan niya ang tumawa at ngumiti, natutunan niyang gawin lahat ng gusto niya. Lahat ng magagandang nangyari sa kanya ay labis na nakapagpasaya sa akin. “Gusto mo ba ang best friend ko?” tanong sa akin ni Amy habang nakatayo kami sa labas ng classroom ni Dorothy. Nakagawian ko na ang hintayin siya sa pag-uwi. “Oo, bakit?” walang kagatol-gatol kong sagot. “Nak, honesto!” nakangising ani Amy pero agad siyang sumeryoso. “Malaman ko lang na sinaktan mo ang kaibigan ko, humanda ka sa’kin” Itinaas niya ang kamao na parang hinahambaan ako ng suntok. “'Wag kang mag-alala, Amy, dahil hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya.” Tinitigan ako ni Amy bago siya tumango-tango. “Bakit mo gusto ang kaibigan ko?” “Bakit hindi?” balik kong tanong. Napabuntong-hininga ito at nagkibit-balikat. “Natatakot lang ako na baka pinagti-tripan mo lang siya,” malungkot na sabi niya. Hindi ko siya masisisi kung ganoon man ang isipin niya. Bago pa man ako makipaglapit kay Dorothy ay pumasok na sa isip ko na baka ganoon ang isipin nila sa akin. “Wala akong masamang intensyon kay Dorothy, Amy. Gusto ko ang kaibigan mo at handa akong maging sandalan niya sa kahit na anong pagsubok na dumating sa kanya. Gusto ko siyang maging masaya kaya wala akong gagawin kung 'di ang pasayahin siya.” Napangiti si Amy sa sinabi kong iyon at tinapik ang balikat ko. “Maraming salamat, Link. Huwag kang mag-alala, boto ako sa’yo,” aniya at kumindat pa sa akin na ikinatawa ko. Tumagal ang pagkakaibigan namin ni Dorothy ng ilang taon. Naging sangga niya ang karanasan noon para maabot ang mga pangarap niya. Nakita ko kung paano niya inabot ang lahat ng iyon at alam kong lahat 'yon ay pinaghirapan niya. Lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya ay parati kong sinusuportahan. Palagi akong nasa tabi niya. Handang handang gawin ang lahat para sa kanya. Isang bagay na lang ang hindi ko nagagawa. Ang magtapat sa kanya ng nararamdaman ko. Hinintay kong maabot niya ang lahat ng pangarap niya bago ko gawin iyon. Kaya naman noong mismong 28th birthday niya ay sinorpresa ko siya. Naroon ang takot na baka hindi niya ako tatanggapin pero nagpapasalamat ako sa mga kaibigan at pamilya namin na nagbigay ng lakas ng loob sa akin. “Kaya mo 'yan, Kuya Link.” Nakangiting tinapik ni Davina ang likod ko. “Good luck, Mr. Perfect. Sana ay hindi siya pumayag,” natatawang sabi ni Amy na inilingan ko na lang. “Pero kidding aside, I’m sure tatanggapin ka niya. Mahal ka no’n, eh.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Amy. Alam ko naman iyon. Ramdam ko iyon sa mga nagdaang taon. “Good luck, P’re. Kinakabahan ka?” Tumango lang ako sa tanong ni Walter. “Parang mag po-propose ng kasal, ah,” aniya na ikinatawa ng mga bisita. “Loko!” naiiling kong ani. Nang dumating si Dorothy sa hotel kung saan ang venue ay hindi ko maiwasang pagpawisan sa sobrang kaba. Nagulat siya nang makita ang maraming tao. Agad akong lumapit sa tabel kung nasaan siya kasama ang kanyang mga magulang. Nakangiting tinapik ni Tito Diego- — ang papa niya, ang balikat ko kaya nadagdagan ang lakas ng loob ko. “Happy birthday, Dorothy,” bati ko sa kanya at iniabot ang isang bouquet ng paborito niyang white rose bago siya niyakap. “Thank you so much, Link!” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Labis ang pagtataka sa mukha niya lalo na ng marinig ang kantyawan ng mga naroon. “Anong mayroon?” Nakangiti man ay mababakas ang pagkalito sa maganda niyang mukha habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at bumuga pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kabila ng kabang nararamdaman. “Dorothy, sampung taon na tayong magkakilala at magkaibigan. Sobrang saya ko noong dumating ka sa buhay ko. Sobrang saya ko na nakasama kita sa mga nakaraang taon. Lahat ng gusto kong sabihin ay nasabi ko na noon. Pero hindi ko pa naipagtatapat sa’yo kung gaano kita kamahal.” Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa kanyang bibig. Mabilis na nangilid ang kanyang nga luha. “Dorothy, hayaan mong patunayan ko sa’yo na tunay ang nararamdaman ko. . . Can I court you?” Nakanganga siya nang inilibot ang paningin sa mga tao na ngayon ay may mga hawak na cellphone at nakatapat sa amin. Muling tumingin sa akin si Dorothy habang may luhang pumapatak sa kanyang pisngi. “Can I?” kinakabahan nang tanong ko. At ang kabang iyon ay niyapos ng saya nang tumango siya habang naluluha. Agad ko siyang niyakap ng napakahigpit. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong lugar. “I love you, Dorothy!” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin habang patuloy sa mahinang pag-iyak. Hindi ko sinayang ang pagkakataon na ibinigay niya sa akin. Pinaghirapan ko ang panliligaw ko sa kanya at lahat ng iyon ay nagbunga ng sagutin niya ako matapos ang tatlong buwan. At makalipas ng dalawang taon ng relasyon namin ay nagpropose ako sa kanya. Hanggang sa dumating na ang araw na isa sa pinakahihintay ko. “You may now kiss the bride.” Walang paglagyan ng saya ang puso ko nang maikasal ako sa kanya. Siya ang buhay ko at siya ang pinakamagandang regalo sa akin ng Panginoon. “Mamahalin mo pa rin ba ako kung lalo akong tataba?” umiiyak na aniya habang nakahiga sa tabi ko. Masyado siyang emosyonal ngayon dahil sa pagbubuntis niya. Gusto kong matawa pero alam kong lalong sasama ang loob niya kapag ginawa ko iyon. “Ang mahalin ka ay mas matimbang pa sa kahit na anong bagay, Dorothy,” nakangiting sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. Nagulat ako nang bigla siyang umupo at masamang tingin ang ipinukol sa akin. “Tinatawanan mo ba ang timbang ko?” Galit na aniya na ikinalaki ng mga mata ko pero kalaunan ay tinawanan na lang. “No, Love. I’m loving your weight,” nakangiti kong tukso. Napanguso siya maya-maya ay hinaplos ang pisngi ko. “Thank you for accepting me for what I am, Link. Simula noon hanggang ngayon, parati mong pinapatunayan sa akin kung gaano mo akong kamahal kahit may mas sexy pa riyan kaysa sa akin.” Nakangiti ko ring hinaplos ang maganda niyang mukha. “You are the sexiest woman I’ve ever met, Love. You’re beautiful and sexy, inside and out. I love you so much, Dorothy Felix-Corbin.” Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. Kasama si Dorothy at ang magiging anak namin ay haharapin ko ang kahit anong pagsubok na dumating sa amin. “I love you too, Link Corbin!” *** A/N: See you on next story.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
12/10/2024
0Good
01/10/2024
0excellence
09/09/2024
0Tingnan Lahat