Partner

- Rhianna's Point Of View -
Nandito ako sa silid kasama ang grupo kung saan ginaganap ang pagpupulong dahil sa susunod na araw na ang gagawin naming pagliligtas sa aking Ina at Kapatid.
May pinadala na tauhan sa lugar kung saan ako ikinulong para icheck ang lugar at masiguro na nandun pa sila. Nakita naman niya na nandun pa ang aking Ina at Kapatid dahil nandun pa ang mga tagapagbantay.
Pinagplanuhan namin mga dapat gawin. Syempre sinabi ko sa kanila kung saang bahagi ng bahay ang ligtas at hindi sila makikita ng mga tagapagbantay.
"Kailangan may kanya-kanyang partner ang bawat isa. Para mas mapabilis ang trabaho at hindi mapansin ng mga tagapagbantay ang ating presensya." wika ni Leo habang nakaharap sa amin.
"Pwede tayo ang magpartner Leo?" wika ni Carmela at may kasama pang pagtaas ng kamay habang nakangiti. Nagtaas naman ng kamay si Brandon.
"Kami naman ni Faith at Rhianna ang magkasama." wika niya. Napansin ko na kinuyom ni Leo ang kaniyang kamao. Subalit nawala rin iyon. Galit ba siya? Hindi ko nalang pinansin iyon.
"Okay. Ako at si Carmela ang magkaparehas. Brandon, Faith at Rhianna. Harold at Alexandra." wika niya na mukhang hindi bukal ang pagkakasabi niya.
Matapos ang pagpupulong ay agad akong nagtungo sa likod ng Head Quarters para magsanay. Pagkarating ko doon ay hinugot ko ang baril sa aking bewang at itinutok sa target. Kinalabit ko ang gantilyo at natamaan ko ang pinakagitna. Ilang beses ko yun ginawa at saktong-sakto sa gitna.
Napangiti ako. Dahil nag-iimprove ako. May narinig akong palakpak na nagmumula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita si Brandon. Nakangiti siya habang palapit sakin.
"Magaling. Magaling talaga si Leo sa pagtuturo sayo." wika niya. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Salamat Brandon." wika ko. Nakita ko sina Carmela at Leo na papalapit sa kinaroroonan namin.
"Brandon, ako ang makakasama ni Rhianna." wika niya. Ano daw? Diba omoo na siya kanina na si Brandon ang makakasama ko. Bakit nagbago ang isip niya? Nagtiim-bagang si Brandon.
"Omoo ka na kanina." wika niya. Tiningnan ako ni Leo tsaka muling ibinalik ang tingin kay Brandon.
"She's my responsibility Brandon. Alam mo yan." wika ni Leo. Ngayon alam ko na ang dahilan. Dhil pala sa kargo niya ako kaya niya ako maging partner.
"Unbelievable!" wika ni Brandon.
Parang gustong-gusto na niyang magalit subalit tinimpi niya ang sarili. Umalis nalang siya at nagtungo sa Head Quarters. Maglalakad na sana si Leo sa kinaroroonan ko nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon.
"Please, excuse me." wika niya tsaka siya tiningnan. Tumalikod na siya pagkatapos sagutin ang tawag. Lumapit sakin si Carmela.
"What is the feeling na pinag-aagawan ka Rhianna?" wika niya sakin. Anong pinagsasabi niya. Pinag-aagawan ako? Wala akong alam sa mga sinasabi niya.
"Hindi kita maintindihan Carmela." wika ko.
"Manhid ka ba? O sadyang nagpapakipot ka lang? Ito sasabihin ko sayo, I will do everything para bumalik sakin si Leo. I still love Leo." wika niya.
Nanikip ang dibdib ko sa narinig, pero benalewala ko iyon. Hindi ako papayag na ginaganun ako ni Carmela. Hindi ako nagpapakipot! Napangisi ako, lumalabas na ang ugali ni Carmela.
"Gawin mo gusto mong gawin Carmela. Kung gusto mo siyang bumalik sayo, go for it. Di kita pinipigilan." wika ko at tsaka nilampasan siya.
Natigilan siya sa mga sinabi ko. Hindi ata niya inaasahan na magsasalita ako ng mga ganun sa kaniya. Oo, mahirap kami. Pero kailanman hindi ako papayag na tatapak-tapakan lang ng kung sinuman. Yun ang isa sa mga katangian na itinuro sakin ng aking Ama.
**
Walang umiimik samin habang sakay sa kotse ni Leo. Nasa unahan si Carmela, samantalang ako nasa backseat. Dumungaw ako sa bintana at tiningnan ang mga nadadaan namin. Hindi ko maiwasan na maalala ang aking mga Ina at Kapatid. Kamusta na kaya sila?
Trinatrato ba sila ng maayos ng mga tauhan? Nag-aalala na ba sila sakin? Konting panahon nalang at magkakasama-sama na rin kami. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko namamalayan na nakaidlip na pala ako.
Pakiramdam ko parang may pumapasan sakin. Iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata at nakita si Leo na buhat-bubat ako. Hinayaan ko nalang na buhatin niya ako papasok sa apartment.
Ipinikit ko muli ang aking mata at ninamnam sa aking ilong ang mabango niyang amoy. Sarap isiksik ang aking mukha sa kaniyang katawan, subalit nagpigil ako.
Nakarinig ako ng marahang pagbukas ng pintuan. Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod. Ibinaba na niya ako. Doon ako nagpasyang magmulat ng aking mga mata. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. Mukhang nagulat ata siya. Hindi niya ata akalain na magigising ako. Inilayo niya ang sarili sakin.
"Pasensya ka na. Hindi na kasi kita ginising. Mahimbing na mahimbing kasi ang tulog mo." wika niya at akmang tatalikod na subalit magsalita ako.
"Bakit Leo? Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako gusto makapareha?" tanong ko sa kaniya.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at naupo sa kama. Natigilan siya. Kailangan kong malaman kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na to.
"Kargo kita Rhianna. Sakin ka ipinagkatiwala ni Agent Jerald." wika niya nang hindi humaharap sakin. Nandun na naman yung kirot sa dibdib ko.
"Bakit? Wala ka bang tiwala sa kaniya? Na kaya niya akong iligtas?" wika ko. Wala ba siyang tiwala kay Brandon na kaya niya akong iligtas? Na pakiramdam niya siya ang may kakayahangagligtas sakin? Nagiging makasarili na siya! Humarap siya sakin.
"Ako lang dapat ang magliligtas sayo Rhianna. Ako lang at wala nang iba. Hindi ko kaya makita na may ibang tumutulong at nagliligtas sayo. Gusto ko ako lang." wika niya at agad na lumabas ng kaniyang kwarto.
Naiwan siyang naguguluhan. Bakit Leo? Bakit gusto mo ikaw lang? Natatakot ka ba na ang tungkulin mo para sakin ay ang iba na ang gumagawa? Gusto kong itanong lahat ng nasa isip ko sa kaniya. Subalit ayaw lumabas ng mga katanungang iyan sa aking bibig.

Komento sa Aklat (258)

  • avatar
    TejamMargaret

    it is very nice i like the way you tell stories it poke my interest in reading back i am very happy i am love it.

    04/01/2022

      6
  • avatar
    peratercharisa

    nice story..done readingi🤩💕

    13/12/2024

      0
  • avatar
    MeregildoJames

    I'm going back to May 2nd and pls help me get me my Manny and Olga's you

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata