Homepage/You Are Home Now/
Chapter 9
NAPAKO ANG mga mata ko sa abalang nagwawalis. Nakatalikod siyang nakayuko, sinisilip ang ilalim ng couch. Panay punas niya sa kaniyang noo gamit ang likod ng palad. Pawisan ang likod nito at hindi napansin ang pagpasok ko sapagkat nakatutok masyado ang atensyon niya sa pagsalo ng duming tila wala na siyang makukuha pa dahil sa kintab ng tiles ng apartment.
Sinadya kong lakasan ang pagsara ng pinto para kunin ang atensyon niya. Nag-angat agad siya ng tingin kasabay ng paglingon niya sa direksyon ko at kumaway-kaway.
Inipit ko nang mariin ang labi sa pagkahulog nang ilang hibla ng buhok niya sa noo habang nakangiti.
Sinimulan niyang humakbang sabay sabing, "Good evening, Yuna."
Sinundan ko ng tingin ang paglapit niya sa basurahan. Wala masyadong kalaman-lamang dumi ang dustpan maliban sa iilang piraso ng bulak at alikabok.
"Katatapos ko lang maglinis," dagdag niya pagkatapos nitong ibalik sa gilid ng pinto ang dustpan at ipinatumba ang walis.
Tumabi siya sa akin. Tiningnan ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-angat niya ng kuwelyo. Nakita ko pa ang tiyan niya dahil sa ginawa niyang pagpunas ng mukha gamit ang damit. Teka. . . damit ko 'tong suot niya. Napairap ako.
Tama, sinabi ko pa lang damit ko ang hiramin niya kasi kakasya naman sa kaniya kaysa sa kumuha ulit siya ng damit sa labas.
Hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong humarap. Tumama ang mata ko sa bandang tiyan niya, tinititigan kong mabuti kung may abs ba siya. Bumubulong-bulong ang isip kong itaas pa niya hanggang lumantad ang gusto kong makita, pero mabilis naglaho ang pagkatuwa ko sa biglang pagbaba niya, kaya bago pa ako nito mahuli ay sa mukha ko siya tiningnan.
"Naglilinis ka pa sa ganitong oras?" tanong ko.
Bakas ang pagod sa kaniyang mukha, pero wala akong narinig na reklamo sa ginagawa niya rito sa bahay. Iniangat niya ang kamay at pinadaan sa namamasa-masa niyang buhok dahil sa pawis habang may maliit siyang ngiti, hindi rin inaalis ang mata sa akin.
Unti-unti kong nararamdaman ang pag-aalburuto ng puso ko maging ang pag-akyat ng dugo ko patungo sa pisngi. Pasimple akong lumunok at nagmartsa palayo sa kaniya.
Malakas ang appeal niya. Habang patagal nang patagal kaming magkasama, mas lalo akong nabibighani sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit. Umupo ako pagkatapos kong kunin iyong remote ng TV.
"Hindi kita pinatuloy rito para maging taga-gawa ng mga gawaing bahay. Hindi porke sinabi kong ipabahay mo, maglilinis ka na at magpapakapagod. Ako dapat ang naglilinis ng apartment ko tuwing day-off ko," sabi ko kasabay ng matinis na huni ng TV nang pindutin ko ang power on sa remote.
Wala naman akong maalalang nagsabi ako ng ganoon sa kaniya. Malamig lang ako sa una, pero paunti-unting natutunaw dahil sa may pagtingin ako.
"I don't have anything to do. Also, think of this as my payment for letting me stay with you."
Iniwasan kong tingnan ang ngiti niya kaso sobrang ang lakas niyang manghatak kaya hindi ko napigilang tumingin nang matagal sa kaniyang labi. Gumamit kaya siya ng lipstick ko noong wala ako?
His peach color lip is flattering. Wala pero akong ganiyang kulay ng lipstick. I only have rose color lipstick. Hindi kaya pumasok na naman siya sa ibang bahay?
"Magbihis ka na. Nakapagluto na rin ako," sabi niya dahilan para maglipat ako ng tingin sa mata niya.
Ngumiti ako. Hindi ako naging mabuti sa kaniya pero ang bait-bait ng pakikitungo niya. Palaging ganito ang nadadatnan ko pag-uwi galing trabaho. Kulang na lang ay pumunta siya sa Hotel Pulang Bato para dalhan ako ng tanghalian ko.
Hindi ko maitatangging maganda sa pakiramdam. Para akong nakasakay sa ulap, unti-unting dinadala sa langit.
"Masarap talaga umuwi kapag ganito. Para akong may asawa." Tinakpan ko ang bibig nang napalakas ang pagkakasabi ko.
Ipinikit ko ang kanang mata ko at pinitik ang bibig. Dapat ay sasarilihin ko lang, e!
He laughed. Sumimangot ako. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi man lang tumigil.
"Huwag kang tumawa. Nagbibiro lang ako," saway ko.
Binato ko siya ng unan. Sinalo niya at akmang itatapon pabalik sa akin pero niyakap niya, saka nilapitan ako pagkatapos.
Maingat niyang ibinalik sa likuran ko ang unan. "Oo, biro lang na mukhang totoo." Ngumisi siya.
Yumuko siya, pinantayan ang ulo ko at napaigtad ako sa paglapit niya ng labi sa tainga ko. "I will never get tired of doing this for you. Just only tell me if you want it," bulong niya sabay tawa nang mahina.
Pilit kong nilunok ang laway ko at itinulak ang noo niya. "Tse! Huwag mo akong english-in, Jeyo. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin."
Kinuha ko muli ang unan at ibinato sa kaniya pagkatayo. Tumakbo ako paalis. Umabot pa sa pandinig ko ang halakhak nito pagkasara ng pinto.
Pasulpot-sulpot sa isip ko ang ginawa niya kanina. Dinadala ako ng isip ko sa napakagandang imahinasyon. Ngunit, bago pa mapunta sa iba ay tinigilan ko ang pag-i-imagine. Ayaw ko pa namang magkaroon ng kahit anong relasyon sa kaniya maliban sa pagiging magkaibigan namin.
Kinalabit ko ang siko niya. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ko, sinasamahan akong titigan ang langit na wala namang masyadong bago bukod sa madilim at mangilan-ngilang bituin.
"Gusto kong manood ulit," sabi ko.
Naramdaman ko ang pagtingin niyang nakapukol sa akin. "What are we going to watch?"
Katatapos lang namin manood sa TV. Pinatay ko na dahil walang magandang mapanood. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin para makatulog.
Magdamag akong gising. Ilang oras lang ang tulog ko at nakakapagod mapanggap na energetic tuwing papasok ako ng trabaho. Madalas ay nahihirapan akong pigilan, kaso nilalabanan ko.
"We'll watch a movie."
Kinuha ko ang nakalapag kong laptop sa mesa. Binuksan ko iyon at habang naglo-loading ay nilingon ko siya. Sinundan ko ang direksyon ng mata niyang nakapako sa mga sasakyang dumadaan sa likod ng apartment.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa barandilyas ng bintana habang ang isa ay sa hawakan ng bintana at anumang sandali ay handa siyang buksan iyon.
"Gusto mong lumabas?" pagpansin ko sa inaakto niya.
Tumango siya. "Yes, but it's almost midnight. I am curious what it looks like outside."
Hindi umalis ang tingin niya sa labas. Nagpakawala ako ng hininga. Binawasan ko ang brightness ng laptop dahil sa sobrang taas at tutok na tutok ang liwanag sa mukha ko.
"Not know. Baka mag-transform ka bigla na hamster, problema ko pa."
Takot ko lang na baka may makakita sa kaniya. Wala pa man ding sinabi iyong matandang pinanggalingan niya kung puwede ba siyang lumabas.
Magiging hamster ba siya kapag lumabas sa apartment ko o baka magiging tao. Kung puwede ba siyang mag-transform na tao sa umaga o sa gabi lang. Wala pa ni isa sa mga tanong ko ang nasagot, kaya ayaw kong mag-take ng risk dahil baka ikapahamak ko at mas lalo naman sa kaniya.
"Hihintayin ko iyong araw na ipapasyal mo ako sa labas," nakangiting sabi niya.
Binigyan ko siya ng pagtangong ipinapahiwatig kong tutuparin ko ang gusto niya. Ini-scan ko ang files ko pagkabalik ng mata sa laptop.
Naghanap ako ng magandang mapapanood. Pinindot ko ang na-download kong Kissing Booth 3. Matagal ko na itong hinihintay at gusto kong panoorin ng may kasama. Marami kasi akong nabasang hindi raw maganda ang ending at ako ang manghuhusga ngayon kung hindi ba talaga maganda.
Every twenty minutes or maybe every time I see Noah and Elle together it makes me cringe and keep ranting about their height differences. Mas tanggap ko pa ang agwat ng tangkad nila ni Marco.
I want Marco for Elle. Noah doesn't deserve Elle, in my opinion only. Hindi ko ramdam sparks nila ni Noah.
Ipinokus ko masyado ang tingin sa pagpunta ng Elle sa first meeting place nila, base sa pagkakatanda ko sa season one, sa hollywood sign.
"Yes! Nag-break na sila. Come on, Elle, pumunta ka na kay Marco. Mas bagay kayo at guwapo pa, dali!" pasigaw kong sabi na para namang maririnig ako.
Moments had passed, I still keep ranting about how stupid the characters are, and how Marco bid his goodbye and never showed after that scene. The siblings are too immature. Sino ba ang taong tanga para gumawa ng rules na iyan for friendship? Puwede naman siyang pumili ng isa, pinapahirapan pa niya sarili niya.
Kung puwede lang na sabihin sa writer na sila Elle at Lee na lang magkatuluyan para hindi na sila masaktan sa paghihiwalay nila as friends dahil halata namang ayaw nilang magkahiwalay na dalawa.
I roared like a lion to release my disappointment. "Pangit ng ending. Nasaan na sila Chloe at Marco?" tanong ko. "Wala man lang nagbago. Buhok lang ni Elle."
Ramdam ko ang kilay kong nagsalubong sa matinding inis. Nasayang ang dalawa kong oras. Nilingon ko siya para tingnan kung gising pa ba siya o tulog na. Wala man lang akong narinig sa kaniya.
Nakatingin din pala siya sa akin. Ang mga mata niya ay tila dismayado sa mga narinig.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, ano? May mata ako, bakit ba? Masama bang sabihin kung ano iyong nakikita ko?"
Lumunok lang siya. Itinaas ko ang hintuturo kong nagbababala. "Huwag mo akong sermunan."
Bahagya itong namulagat sabay iling-iling niya bilang pagdepensa sa sarili kahit huling-huli ko ang binabalak niya. Tingin pa lang niya, alam ko na. Hindi niya ako maloloko.
"I won't."
"Iyang mukha mo, gustong manermon."
Nagsalubong ang kilay niya. Nagtatakang ekspresyon ang pumaskil sa kaniyang mukha. "What's wrong with my face? I'm not going to sermonize you."
Tumaas ang dibdib ko sa paglanghap ng hangin at dahan-dahan ko ring ibinuga kalaunan. Napatakip ako ng mukha nang ilang saglit. Pagkatanggal ko ng mga kamay at pagkabalik ng tingin sa kaniya ay hindi ko siya nakitaan ng inis. Nakatingin lang siya sa akin.
Bumuntonghininga ulit ako at nahihiya siyang nginitian. "Alam mo, napapaisip ako minsan kung saan mo natutunang magsalita ng ingles. Kung talaga bang anak mayaman mayaman ka in real life o foreigner bago ka naging human-hamster," sabi ko bilang pag-iiba sa usapan saka sa pagpuna na rin sa accent niyang kasingtulad ng mga laking ibang bansa.
Inilipat ko ang tingin sa laptop. Kitang-kita ko ang repleksyon niya sa tabi ko na hindi inaalis ang mata sa akin. "Hindi na bago sa aking kumausap ng tulad mo kasi nga hotel receptionist ako. We speak English to greet them."
"Maganda ba iyong trabaho mo?"
I casually nodded. "Kung binabalak kang mag-apply, kalimutan mo na. I won't allow you. Bawal ka sa umaga," pagpapaalala ko habang nakatingin sa repleksyon niya na parang makikita ko nang buo ang kaniyang ekspresyon.
"Wala naman akong sinasabing magtratrabaho ako. I have a job here now," simpleng sagot niya, parang nakangiti pa kahit hindi ako lumingon. "Doing households chores."
He pratically enjoys cleaning the house. Kung masaya siya, hindi ko na nga lang pagbabawalan.
"Kung hindi ka human-hamster, ano'ng buhay ang mayroon ka?" tanong ko nang tuluyan na ngang nawala sa isip ko ang nangyari kani-kanina.
"I already told you that I don't remember my whole life, Yuna." Nahagip ko ang pag-angat at baba ng kaniyang balikat sa pagpapakawala niya ng buntonghininga.
Nawala ang kaunting hiya ko. Lumingon ako sa kaniya nang punong-puno ng kuryusidad. "Alam ko. Pero sa tingin mo lang, ano'ng buhay mayroon ka ngayon?"
Siguro isa na siya sa naka-blind date ko na ni-reject ko o baka hindi. Siguro siya iyong kauna-unahang tumanggap sa akin kung sino ako. Siguro siya na iyong pangarap ko.
"Maybe I have a happy life and have a job. . ." Huminto siya sandali. Dahan-dahang umukit ang ngiti sa labi niya hanggang sa nasilayan ang ngipin. "And girlfriend."
Pinamulagatan ko siya at umawang ang labi sa bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi. Tumawa ako sa sobrang pagkamangha.
This is my first time to see someone blush. Nakakatuwa at ang cute ng reaction. Gusto kong ipaulit dahil segundo lang ang itinagal. Iniiwas niya ang tingin mula sa pagkapahiya.
Tumigil ako sa pagtawa. Sumeryoso ako ng tingin kahit sa loob-loob ko gusto ko pang matawa.
"Curious talaga ako sa buhay mo. Ano ba maganda kong gawin para makaalala ka?"
Nagmistulang may inaalagaan akong nagka-amnesia. Maliit siyang ngumiti at hindi ko mapansin kung pilit ba iyon o totoo, pero nalulungkot.
"Don't bother too much. Ikaw mauunang makakaalam kapag may naalala ako," sabi niyang nakataas ang kanang palad, nanunumpa.
Umirap akong pinitik ang kamay niya. "Malamang. Ako lang naman may alam ng sitwasyon mo," prangka kong sabi.
Wala namang nakakilala sa kaniya maliban sa akin. Alangan namang kausapin niya iyong matandang may-ari ng petshop, e, mukhang hindi naman sila close at ayaw yata n'on sa mga tao.
Dumako ang paningin ko sa orasan. It's already midnight but my eyes are still fully awake.
Isinandal ko ang katawan sa sandalan. "I couldn't sleep."
"Then let's keep talking until you fell asleep." Sumandal din siya, magkatabi na ang ulo namin nang lingunin ko. Matamis akong ngumiti.
"Ano'ng pagkukuwentuhan natin? Ayaw mo namang marinig mga rants ko sa mga taong mapanghusga rin naman."
Inalis ko ang unang nasa likod ko at niyakap para maging komportable ako sa posisyon ko. Ipinatong ko ang mga paa sa mesa habang nasa kandungan ko pa rin ang laptop.
"Anything you want to talk about."
"Do you hate me for being judgemental?" I asked as my thought randomly stop in this question.
"I dislike your judgemental attitude. Mababago mo pa naman iyong ganiyang attitude," sagot niyang hindi nagpalipas ng ilang segundo.
Mababago ko pa kaya? I'm being immune to this kind of attitude but I admit to myself that I am not fully happy for being like this.
I nod, appreciating his opinion towards my attitude he encountered.
Sinubukan kong tingnan siya. Hinihikayat ko siyang humarap sa akin at hinihintay ang mga mata niyang titigan ako pabalik. Lumingon siya nang hindi matiis ang titig na ibinato ko.
"Ma-mag. . ." nag-aalangan kong sabi. Pumikit ako, iwinagayway ang palad para sabihing kalimutan niya ang sinasabi ko.
I want to ask him if I am beautiful, but it's not worth to ask.
"Wala. Manood na lang tayo. Baka magka-dramahan pa tayo rito," pagbawi ko at binuksan ulit ang laptop. Nagsimula akong mag-scroll.
Tumigil ako sa Me before You movie. "Maganda ba iyan? Ayaw ko ng tragedy."
"Maganda kaya ang tragedy. Iyong bigat sa puso mo, nailalabas mo kasi sinasabayan mo iyong mabigat na atmosphere ng movie."
Nakakaginhawa sa pakiramdam kapag sinasabayan ko iyong heavy drama ng mga characters. Hindi dahil nasasaktan ako sa kanila, kundi iniiyak ko iyong mga kinikimkim ko.
"Let's watch something fun because that's we need to do tonight." Itinuro niya ang Home Alone sa tabi ng King Kong.
Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Sa kalagitnaan ng introduction ng movie ay muli ko siyang nilingon. Nakapokus na agad ang mga mata niya sa palabas.
"Kapag nakatulog ako, hayaan mo na lang ako rito. Hindi mo ako mabubuhat sa laki ng katawan ko," natatawang paalala ko sa kaniya bago pa kami manahimik nang tuluyan.
Tumingin siya sa akin sabay iling-iling. "I'll try my best to carry you. Mas komportable matulog sa kama."
Ngumiti akong inilipat ang mata sa pinapanood. He's slightly making my heart a tiny twist. Being with him for several weeks isn't that easy. It's irresistable to have a crush on him.
Kung mahuhulog ako sa kaniya, sasaluhin niya kaya ang katulad ko? Siya na kaya iyong hinahanap ko?
---
A/N: Hello, peeps. I didn't use the movie to criticize it in a bad way. Kung hindi man maganda ang nagawa ko, please, feel free to message me para maalis ko po. No hate, just love ho tayo.
Gusto ko lang sabihin na tanggap ko ang ending ng Kissing Booth 3. Napaka-realistic ng ending saka may life lesson. Worth to watch. Wala, skl comment ko sa kissing booth trilogy. Salungat kami ng opinyon ni MC, haha. Pero except sa height difference nila ni Noah kasi medyo awkward pa rin talaga. Sorry po. Anw, thank you for reading!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (51)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
09/09
0nice
05/10/2024
0thank you
13/06/2024
0Tingnan Lahat