Chapter 19

ANG UNA kong ginawa pagkabukas ko ng pinto ay inilibot ang paningin sa loob. Namataan ko siyang nakaupo sa sofa, nakayuko ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang siko sa hita niya at ang mga daliri ay pabalik-balik ito sa pagsuklay sa buhok.
Malawak ang ngiti ko at nakahinga ako nang maluwag dahil mali ako sa akala ko.
Nagmamadali kong inalis ang nakasuot pang sandals na gumawa ng tunog. Nag-angat ako ng tingin para sana lapitan siya, pero nakatayo na ito nang may abot-langit na ngiti. Para bang ngayon lang kami ulit nagkita kahit ang totoo, ilang oras lang naman akong nawala sa bahay.
Tinakbo ko ang agwat namin at sinalubong siya ng yakap. Bumalik siya sa pagkakaupo samantalang nakadagan ako sa kaniya, hindi pinansin ang naging resulta ng ginawa ko. Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko.
"Such a warm welcome," natatawa niyang sabi.
Dahan-dahan akong umangat para humiwalay. Umupo ako sa tabi niya. Panandalian ko siyang kinunutan ng noo na sinamahan pa nang bahagyang pagtaas ng kilay dahil mas lumilitaw ang lungkot ng ekspresyon niya kahit nakangiti.
"This will be the last time to see me like this."
Pinigilan ko ang paghinga ko sa narinig kasabay niyon ang pagbagal ng ikot ng paligid. Ang katawan ko ay tila sinemento nang walang paalam sa akin sapagkat ramdam ko ang paninigas sa pagkabigla.
Pinamulagatan ko lang siya. Hindi ako kumurap. Idina-digest ang salitang binitiwan niya kani-kanina lang bago tuluyang lumawak ang malungkot niyang ngiti.
"It's my time to go," dagdag niyang nagpaawang sa labi ko.
Unti-unting gumalaw ang kilay ko, pataas-pababa. Humugot ako ng hangin sabay buga rin pagkatapos at pumikit nang tatlong segundo.
Kunot-noo kong ibinalik ang mga nalilito kong mata. "Saan ka naman pupunta?" matapang kong pagharap.
"I can't hold it anymore," sabi niya.
Parang sibuyas ang salita niya dahilan para mag-init agad ang sulok ng mga mata ko. Umiiling-iling akong tumawa sabay palakpak nang isang beses, sabay iling ulit hanggang sa mapatitig ako sa mga mata niya na walang bahid na pagbibiro.
"Hindi." Nanginginig ang labi kong napasinghap sabay tingala. Hinawakan ko ang kaliwang mata ko, mabilis na ipinadaan ang daliri para punasan ang  nagbabadyang luha.
"Hindi totoo iyan," naiiling kong sabi sabay tawa nang napakahina.
He smiled. "It's true, Yuna."
Bumagsak ang luha sa kaliwang mata ko na kapupunas ko lang at sumunod bigla ang isa ko pang mata.
"Hindi. . . Huwag ka namang magsabi ng ganiyan. Hindi ka kaya marunong magbiro," natatawa kong sabi sa napakapaklang paraan.
Hinablot ko pa ang unan sa pagitan namin sabay hampas sa kaniyang braso para patigilin siya sa kung ano pa ang susunod na lalabas sa bibig niya.
"Yes, you're right and I am not joking."
Suminghap ako, medyo pinipigilan ang sariling bumigay nang parang walang bukas sa pag-iyak. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang hinlalaki nang maisip ko bigla si Rodolph.
Hinawakan ko ang braso niya. "Pumunta tayo sa Rowbose. Kakausapin ko si Rodolph," paanyaya kong tumango-tango.
Tumango siya. Nagbalak akong tumayo. "Nag-usap na kami." Napabalik ako sa pag-upo. "Pinuntahan niya ako rito."
Sobrang bagal ng pagpihit ko ng ulo paharap ulit sa kaniya. "Anong sabi niya?"
Hindi siya umimik. Kinuha ko ang kamay niya. "Pakiusapan natin ulit siya na kasama ako," nakangiti kong pangungumbinsi sa kaniya habang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mata ko.
Tiningnan lang niya ako. Hindi blangko kundi sobrang lungkot—hindi konektado sa ngiti niya.
Umiwas ako ng tingin. Tumayo ako at nagmartsa nang apat sabay lingon sa kaniya. Suminghot ako at ikinaway ang palad sa paraang pinapalapit siya.
Bakit nakaupo lang siya? Hindi niya ako sasamahan? Wala na siyang balak mag-stay?
Kinunutan ko siya ng noo. Lumapit ako, hinawakan ang mga kamay niya at hinihila siya patayo. "Ano pa hinihintay mo diyan? Tara, pumunta tayo doon."
Nabitiwan ko ang kamay niya noong bigyan niya ako ng iling bilang kasagutan.
"You knew that this will end, right?"
Pumikit ako nang mariin kasabay ng pagbuka ng labi para lumanghap ng hangin, pero mas napaiyak lang ako nang malala. Sobrang tapang ng kaniyang mga salita, naging mas malala pa sa binalatang sibuyas.
"I can only be human for a certain amount of time through those yogurt drops and I. . . I already consumed it."
Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga nang malalalim para pakalmahin ang puso kong napipiga. Dumilat ako dahilan para magtama ang mata namin.
"Sabi mo. . ." Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan siya sa mata. Tumingin na lamang ako sa unang hawak niya.
Muli akong pumikit nang ilang segundo bago ko inulit-ulit ang paghinga para pakalmahin ang sarili.
Masyadong sinakop ng luha ko ang paningin ko kaya wala akong masyadong maaninag pagkamulat.
Pinaglaruan ko ang laylayan ng damit ko saka nagpatuloy, "Sabi mo, hindi mo ako iiwan. Ba-bakit—"
Napaluhod ako sa harap niya. Hinawakan ang palad niyang nakapatong sa unan. Idinampi ko ang pisngi sa likod ng kaniyang kamay.
Hindi ganitong paalam ang gusto kong mangyari. May mas isasakit pa pala sa paalam ni Mary Jane. Kung alam ko lang na ganito ang madadatnan ko, sana. . . sana hindi pa ako umuwi.
Inayos ko ang sarili. Pinunasan ang basang mukha pagkabitiw ko ng kamay niya matapos sumagi sa isip kong may paraan.
Sumisinghot-singhot akong umupo sa tabi niya. Pilit kong pinipigilan ang sarili sa paghikbi kaya panay ang pagtikom ko ng bibig tuwing nararamdaman kong makakagawa ako ng tunog.
Umukit ako nang napipilitang ngiti. Mukha na siguro akong natatae sa pagmemeke.
"Gawin natin iyong gaya sa fairytale movies." Niyugyog ko ang braso niya. "Baka iyon ang sagot. Iyong true love's kiss."
Dumampi sa pisngi ko sa palad niya noong kunin ko ulit para pakiusapan siyang payagan ako. "Jeyo. . . please."
"Hush now, My Yuna," kalmadong pagpapatahan niya at iginalaw nang napakaingat ang hinlalaking daliri, pinupunasan ang basa kong pisngi.
"Naiisip ko pa lang na aalis ka hindi ko na kaya. Hindi ko na maririnig ang boses mo. Hindi na kita mayayakap. . . at mahahawakan." Ikinulong ko ang pisngi niya sa aking palad na sinamahan ko pa ng paghaplos-haplos.
Nanginig ang labi ko at sumasabay ulit ang pag-init ng sulok ng mata ko. "Wala na akong madadatnan pag-uwi ko. Iyong mga yakap mo, hindi ko na mararamdaman. Iyong ngiti mo, hindi ko na makikita. Wala na akong kasabay kumain. Wala na akong kausap. Wala na. . . iiwan mo na ako. . ." Tumulo ulit ang butil ng luha dahil hindi ko mapigilan ang emosyon, lalo na ang pagkirot masyado ng puso ko.
"I won't leave you. I am will always right here." Itinuro niya ang puso ko. "I have a special place in your heart, right?"
Hindi ako makapagbigkas ng salita kaya tumango na lang ako.
He smiled again and poked my nose as he giggled softly. "You are, too."
Masayang kanta sana iyong tawa niya pero imbes na maging ganoon ay naging isang nakakadurog na kanta sa pandinig ko.
"Thank you for making me feel like I deserved to live again, and you helped me to find my real purpose," napakasinserong sabi niya. Hinihikayat ako ng tono ng boses niyang tingnan ulit siya sa mga mata.
"I want to live to love myself and be proud od who I am and what I have, which I'd missed for all of my life from pleasing them to be proud of me." Masaya siyang ngumiti, halatang natutwa siya sa na-realize niya pero may kasama pa ring pait.
"Of course, to love you."
Paunti-unting kumakalma ang puso ko—lumuluwag ang pagkakatali para makahinga nang kaunti sa pagkirot.
Napapikit ako sa paglapat ng labi niya sa noo ko. "It will be a long journey for me to come back, but I hope. . ." Huminga siya nang malalim. Nagbaba ito ng tingin habang hawak pa rin ang pisngi kong medyo natutuyo na rin sa wakas.
"Mabuksan ko iyong pinto kung saan maaalala kita pagbalik ko."
Dumagsa ang kuryusidad ko at ang pagkalito sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit may pinto siyang bubuksan?
Bumagsak ang balikat ko at naidikit ang noo sa kaniyang noo sabay patong ng kamay sa mga hita ko. "Ano bang klaseng paalam ito? Anong pinto?"
"It's my another test and a good consequence to come back to life without rebirth. Like not turning into a baby again," paliwanag niyang hindi ko naintindihan gaano ang punto niya.
"May dalawang pinto at ang isang pinto doon ay hindi na kita maalala, pero ang isa roon—"
"Aalis ka na nga, may pag-asa pa palang makalimutan mo ako." Humiwalay ako at inalis nang dahan-dahan ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"I'm sorry for causing you too much pain. Kung maibabalik ko lang. . . sana hinayaan kong ibalik mo ako sa pet shop kaysa sa makita ka ngayong nasasaktan nang sobra dahil sa akin."
Inaamin kong hindi ko na kaya ang sakit na muling humampas sa akin para ipamukhang ito talaga ang huling pagsasama namin, pero hinding-hindi ko pinagsisihang nakilala siya.
"Hindi ko naman pinagsisisihan iyon. Kung maibabalik ko lang din, sana. . . sana naging mabait agad ako sa iyo eh 'di sana. . . nagkaroon pa tayo ng maraming. . ." Pinigilan ko ang paghinga ko at hindi kumurap nang ilang segundo para hindi tumulo ang luhang nais na namang kumawala sa mata ko.
Wala pang segundo nang hindi makisama ang emosyon ko sa akin dahil muling umalpas ang luhang parang rumaragasang tubig.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at itinutulak palapit sa kaniya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. "Hush now, My Yuna. You're brave. Everything will be alright once I can't come home—"
"Everything will not be alright. Huwag ka na lang kaya umalis? Mabait naman si Rodolph, papayagan ka pa n'on."
"He won't do that." Pumikit akong pinakinggan ang pagtibok ng puso niya sa sobrang lakas.
"I might not be around anymore but it's my time to go back where should I belong."
Ikinulong ko siya sa yakap ko at mas isinubsob ang mukha sa dibdib niya. "I am sorry for being selfish but I can't let you go. I'm scared."
Hindi ako sigurado kung naiintindihan pa ba niya sinasabi ko, pero sana. . . naiintindiyan niya kahit may kahinaan ang boses ko dahil mas nauuna ang paghagulgol ko kaysa sa pagsasalita nang tuloy-tuloy.
"You're my first and true love. My first. . ." hearbreak.
I thought he's going to my first and last, but our journey to have an official label for our relationship ended up too early.
Mas hinigpitan ko ang pagyakap dahilan para mas mahirapan siya sa paglanghap ng hangin. Rinig na rinig ko ang puso niyang humihina ang tibok, na parang kani-kanina lang ay napakalakas pa nang gawing kong musika.
Dumapo ang dalawa niyang kamay sa bandang balikat ko at ramdam ko ang pagyugog niya.
"I think it's time."
Dumikit ang pisngi niya sa ulo ko habang ang isang kamay ay tinapik-tapik ang likod ko, samantalang ang isa ay nasa mga kamay kong nakapulupot sa likuran niya.
"Yuna. . ." nakikiusap niyang sambit sa mahinang paraan at may pagkagaralgal ang boses.
Umiling ako at muling ibinalik ang mga daliring nakalas niya sa pagkakakulong.
"Who's gonna love me now?" I asked, sounded so desperate.
Ayaw ko siyang pakawalan dahil hindi ako sigurado kung makakabalik pa siya sa akin. Sinabi niyang may pinto siyang bubuksan. Paano kung ibang pinto ang nabuksan niya? Paano kung iyong pintong iyon, makakabalik nga siya pero hindi niya ako maalala?
"I am. I will find my way to go home in your arms, Yuna."
I shook my head repeatedly. Ramdam ko ang basang damit niya pagkadikit ng pisngi ko roon. "Paano kung hindi mo na ako maalala gaya ng sabi mo pagbalik mo?"
Ang dapat na paghigpit ko sa pagkakakulong ng mga daliri ko ay tuluyang nanlambot—nawalan nang lakas dahil naalis niya ito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, kaya pinili kong mapatingin sa kamay kong nanghihina.
Malakas ang paghikbi ko. Lumapat ang daliri niya sa baba ko. Dahan-dahan niyang iniangat para tingnan ako sa mga mata.
Nag-aalala ang mukha niyang ikinulong ang pisngi ko gamit ang dalawang palad sabay punas sa pisngi ko.
Sa bawat pagdampi ng daliri niya sa pisngi ko, mas lalo lang lumalakas ang paghikbi ko. Hindi ko na siya makikita. Huling hawak niya na ito.
Palipat-lipat ang mata niya. Parang hindi niya alam ang gagawin para patahanin ako dahil kitang-kita ko rin ang pamumuo nang luha niya.
"I'm hundred percent sure that it will not happen."
Palapit nang palapit ang mukha niya. Ano ang gagawin niya? Wala akong maramdamang kahit ano kundi dalawa lamang, ang pagkalito lang at sakit. Pinunasan niya ang basang labi ko dahil sa luha at sa sipong tumulo sa ilong ko.
"I will come back to you. That's the first thing I'll do when I woke up."
In a blink of an eye, my eyes are wide open while my tears still overflowing from the moment he met my lips. I should jump and feel the butterflies in my stomach but all I feel is heartache.
Gumalaw siya nang kaunti at nanatiling magkadikit ang labi namin habang nakapikit siya. Damang-dama ang labi ko. Ang kamay niya ay nasa bandang leeg ko, samantala, ang isa ay hindi niya inalis sa baba ko. Itinutulak niya ang ulo ko nang gumapang ang kamay niya paitaas sa ulo ko para itulak at maidiin ang labi.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa puntong ito. Pinipilit ko ang sariling magbigay ng emosyon habang sinusundan ko ang paggalaw ng labi niya, pero pag-iyak lang ang ibinibigay ko.
Hindi ko kayang maging masaya sa first kiss ko.
Kung gaano kabasa ang labi ko dahil sa laway niya, mas nababasa ko pa dahil sa patak ng luha ko. Alam ko kasing ito ang una at huling halik namin sa isa't isa.
Magkadikit ang noo at ilong namin pagkahiwalay niya. Gumapang ang daliri niyang nasa baba ko pataas sa mata ko. Pinunasan niya nang paulit-ulit ang mga luha ko.
"I think that will suffice my words that I can comeback to you and will remember you."
Pinanatili kong magkadikit ang noo namin pagkatango ko. Isa-isang sumampal sa akin para gisingin ako sa bumalot na matinding emosyon sa akin.
Humugot ako ng hangin. Hindi dapat ako maging ganito sa kaniya. Dapat maging masaya ako kasi babalik na siya sa katawan niya bilang Geoff, hindi niya na kailangang manghiram ng sandali para maging tao sa gabi at kumain ng magic food.
"Seeing you leave is the hardest part for me but. . . I believe in you." Mapait akong ngumiti nang wala sa mga mata niya ang tingin ko.
Gusto kong maging makasarili sa natitirang oras ng gabi, kaso, gusto ko rin siyang maging masaya at i-enjoy ang kaniyang buhay gaya ng gusto niyang maging buhay simula ngayon.
Inayos ko ang sarili at tuluyang ginising ang mumunting natirang pakiramdam na mayroon pa ako.
Pikit-mata akong lumayo. Tinitigan ko ang kamay niya at kahit medyo nanginginig ako sa takot at kaba ay hinawakan ko pa rin. "Kung sakaling makabalik ka at hindi mo ako maalala, o-okay lang," sabi ko kahit napakabigat sa loob ko.
Alam kong sa una lang ito mabigat at matatagalan akong tanggapin kung sakaling magkatotoong hindi niya ako maalala.
Suminghot ako. "Ang mahalaga makabalik ka sa katawan mo at tuparin mo iyong sinabi mo, ha? Love yourself more and don't seek for approval from anyone to just make them proud of you. And. . ." Ngumiti ako at pinadaan sa kahuli-huliang sandali ang mga daliri sa buong mukha niya at maiging tinititigan siya sa mata.
Mami-miss ko ang titig niya, pati ang pagkurba ng ngiti sa perpektong labi niya.
“Find a woman who will make you the happiest man in the world because you deserve it.” I brushed my thumb over his cheeks. “Thank you for everything. You made me experience love, and you made me realize to love myself.”
Tumulo ang luha niya sa kaliwa habang nagbigay ng nakangiti. Sana makangiti rin ako gaya niya kapag aalis na siya.
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri. Nahahawa ulit ang mga mata ko, pero tama na muna ang pag-iyak. Nahihirapan na akong huminga. Maraming nakabara sa lalamunan ko, lalong-lalo na sa puso ko.
"Let's continue loving ourselves and we shouldn't let anyone to ruin it."
"And lastly—" Napakahina akong humagikgik. Nakakatawa kasi ngayon ako maglalakas-loob sabihin ngayong aalis na siya.
"I. . ." nag-aalangan kong sabi, pero kung aalis siya nang hindi niya naririnig, mas masasaktan ako.
Nangapa ako sandali ng lakas ng loob sa tabi-tabi bago ako ngumiti.
"I love you," magkasabay naming sabi dahilan para mapahagulgol ulit ako.
Nagkaaminan na kami, pero. . . sobrang nakakalungkot. Ang dali maubos ng oras naming dalawa.
Wala na ba talagang atrasan ito? Ito na ba talaga ang huli?
"You'll always be my Jeyo wherever you are."
He smiled and come closer to me. He rested his forehead on mine, and he snaked his two arms around my waist, pulling me closer to hug me. I closed my eyes to feel the warmth and the tightness of his embrace for the last time.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagdama ng kaniyang yakap nang bigla na lang siyang naglaho na parang bula sa harap ko. Natagpuan ko ang sariling nakayakap sa sandalan ng upuan. Ngumawa ako na parang bata para ilabas ko lahat hanggang sa makatulog ako sa kaiiyak.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    26d

      0
  • avatar
    JMiss

    nice

    05/10/2024

      0
  • avatar
    AjfaidheDkfksjf

    thank you

    13/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata