logo text

Chapter 50 and 51

Alex's POV
Parang hinihiwa ng maraming piraso ang puso ko. Yung pakiramdam na pinagtaksilan ka.
Ayaw kong makinig sa kahit na anong paliwanag. Ayoko.
"Trust me."
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi sa akin ni Stan.
Masakit kapag nalaman mo sa iba yung hindi sinabi sayo ng taong pinagkakatiwalaan mo.
Pagkadating ko sa kwarto namin ay agad kong ni-lock yun. Alam kong may susi sila ng kwarto na yun, kaya hinarang ko ang lahat ng pwedeng iharang sa pinto. Kung kaya ko lang itulako tong aparador, ginawa ko na 'wag lang sila makapasok.
Hindi sana ako masasaktan ng sobra kahit na nag-kiss sila. Ilang beses na ko ng nakitang maglandi si Stan, pero iba ang isang 'to. May nakaraan sila.
"Alex! Alex! Open this damn door!!" Narinig kong sigaw ni Stan.
Nagtalukbong lang ako ng kumot.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pagtunog ng door knob, ibigsabihin ay binuksan nila. Goodluck kung makapasok sila.
"ALEXANDRA!! OPEN THIS DOOR!!" Sigaw ni Stan sa labas.
"What's happening here?" Narinig kong sigaw ni tito.
"Dad, ayaw akong papasukin ni Alex." Sumbong ni Stan.
"Alex, hija open this door."
"No tito, ayaw kong maka-usap ang anak nyo. I'm sorry." Sagot ko sa kanila.
"Ano bang ginawa mo Stan?" Panenermon ni tito.
"She saw..me and Misa k-kissing."
"Na naman? Ano ka ba naman Stanley?!"
"Dad. Nabigla ako."
At katakot-takot na sermon na ang mga sumunod.
Tinawagan ko kaagad si Kuya Alfred.
[Yes?] Halatang kagigising lang ni kuya.
"Kuya.." Naiiyak na sabi ko.
[What happen Alexandra? Why the hell are you crying? Where's Stanley?]
"Kuya.. gusto ko ng umuwi."
[Ok. Ok. Stop crying. Nandyan ka sa bahay ni tito diba? Susunduin na kita dyan. Isasam ko si Kuya John. Ok?]
"O-Oo."
TOOT TOOT TOOT
Hindi lang naman ako ngayon nasaktan, pero iba ang isang tao.
Masakit pa lang pagtaksilan ka. Akala ko hindi na ako masasaktan ng ganito kapag minahal ko si Stan, yun pala ang kapalit ng pagmamahal ko sa kanya ay ang masaktan ako.
Kung hindi ba ako pumayag na ayusin yung relasyon namin, ganito pa rin kaya ang mangyayari?
Kung sana nagmatigas ako, ganito pa rin kaya?
Kung hindi ko sya minahal, masasaktan pa rin kaya ako?
--
Chapter 51
Alexandra's POV
"No way John!"
"Anong no way?! Gag* ka pala eh! Babasagin ko yang mukha mo!"
"Relax John."
Nagitla ako sa mga sigawan na narinig ko sa labas, nakatulog pala ako. Agad kong tinanggal ang mga nakaharang sa pinto at lumabas.
Nakita ko si Kuya John na hawak sa kwelyo si Stan.
Napabitaw naman si Kuya nung makita ako.
"Kuya.." Agad akong lumapit kay Kuya John at yumakap.
"Sshh. Alfred, get her things." Utos ni Kuya.
"Sige."
Ngayon, I feel secured.
"Alex.." Narinig kong tawag ni Stan sa akin.
Ayoko syang lingunin.
"Let's talk. Please." May halong pagmamakaawa ang boses nya.
"Ayaw ka nyang kausap." Matigas na sabi ni Kuya. "Pinagkatiwala ko sya sayo Stanley." Dagdag pa nya.
"She need time to think." Huling sabi ni kuya bago kami umalis.
--
Nung makarating kami sa bahay ay kwinento ko naman sa kanila ang nangyari. Puro tango lang ang sagot nila sa akin.
Ilang araw ang nakalipas simula nung pangyayari na yun. Hindi pa rin kami nagkakausap ni Stan.
Araw-araw syang pumupunta sa bahay, pero hanggang sala lang sya. Nagbilin ako kila Mom na wag nyang papaakyatin si Stan.
Ang pangit ng pasok ng new year sa pagsasama namin.
At kung mamalasin nga naman ako, pasukan na bukas.
"Gusto mo na bang makipag hiwalay?" Napatingin kaming lahat kay Kuya John.
"John." Suway sa kanya ni Mom.
"I think that's right." Dagdag ni Kuya Alfred.
"Ano ba kayo? Ayan ba ang dapat nyong sabihin sa kapatid nyo?" Sabi ni Dad.
"Kasi naman Dad, ilang araw ng pumupunta dito si Stan. Kung ayaw syang harapin ni Alex, edi hiwalayan nya na lang. Hindi yung pinapahirapan pa nya." Mahabang litanya ni Kuya John.
"Oo nga. Mukha namang hindi na sya mahal ni Alex eh." Segunda naman ni kuya Alfred.
"NO!!" Natakpan ko yung bibig ko, ako ba yung sumigaw.
"Yun naman pala eh." Sabi ni Kuya Alfred ng nakangiti.
"Princess, bigyan mo ng chance si Stan para magpaliwanag. Hindi maayos ang problema nyo kung mag-iiwasan lang kayo." Sabi ni Dad.
"Hindi titibay ang isang relasyon kung wala kayong pagsubok na pagdadaanan." Sabi ni Mom sabay yakap sa braso ni Daddy.
Naguluhan ako. Naging sarado nga ang isip ko para sa paliwanag.
.
.
.
.
Stan's POV
Alam kong halos lahat kayo ay galit sa akin. Pero hindi ko naman talaga ginusto 'yun.
Sa inyo ako magpapaliwanag.
Flashback.
"Stan, I still love you." Bigla akong hinawakan ni Misa sa mukha.
"What?!"
"Mahal pa rin kita . Sorry dahil nakipag hiwalay ako sayo, pero ito na ako ngayon."
"What are you saying Misa?!" Napakunot noo na ako.
"I want you back."
"Stop it Misa. May asawa na ako at mahal ko sya."
"No. Makipag hiwalay ka Stan."
"Sino ka para utusan ako?" Iritang sabi ko.
"I love you." Sabi nya saka ako hinalikan. Pumapalag ako.
Ayoko na kay Misa, mahal na mahal ko ang asawa ko.
And then biglang dumating si Alex.
End of flashback
Nagawa kong sigawan si Alex dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Una, pagkagulat dahil sa mga sinabi ni Misa. Oo, ex ko sya. Pero nakaraan ko na yun, ayoko ng ungkatin pa. Alam kong nalasing lang si Misa, mababa ang alcohol tolerance nya.
Pangalawa, takot. Takot dahil nakita nya kami ni Misa. Natatakot ako na baka magkagulo kami dahil dun. At ito na nga.
Bukas kailangan ko na syang maka-usap.

Komento sa Aklat (230)

  • avatar
    DalidAbdul

    akoay aso

    13/07/2025

      0
  • avatar
    ផ. ឡុត

    HIme

    30/06/2025

      0
  • avatar
    BalusadaMaria Andrina

    buti may Tagalog na novel at naintindihan ko... Kaya binasa ko hangang dulo.... thank you... God bless Po...

    26/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata