Hindi ko alam paano ko ba nakakayanang kumilos na parang normal kahit sa kabila ng nangyari. Iyong feeling na bigla kang naputulan ng isang pakpak at hirap kang makalipad muli. " Leash kain kana, kahit kunti lang ilang araw ka ng hindi kumakain, magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo, sige na kain ka kahit kaunti lang." Hindi naman ako sumagot sa tinuran ni Liana, kaya napabuntong hininga na lang siya at iniwan ang tray sa tabi ng bed side table ko. Ilang araw na bang ganito lagi ang scenario sa tuwing kakain na. Am I too much to handle? If I'm enough, why can't I make them stay? Why do they always leave? Am I not always part of their future plans? I still don't understand why I can't have them because I always do everything for them. My nanay and tatay died miserably; my mom is still not awake; my brother is traumatized; my dad is missing; and the man that I love cheated on me. What did I do to deserve this kind of pain and sorrow? Pagod na pagod na rin ako sa sitwasyon na ganito, malapit na akong maubos sobrang sakit na bakit sunod sunod na ganito ang nangyayari sa amin. Masaya naman kami noon eh, bakit panandalian lang iyon? Bakit ngayon puro na sakit? Gusto ko na ulit magkaroon ng peace of mind sa lahat, gulong gulo na ang isip ko hindi ko na alam ang dapat kung gawin! " AAHHH!!" Lahat ng mahahawakan ko ay pinagbabato ko, umaalingawngaw ang mga bagay na nababasag sa loob ng kwarto ko, tila ba naging musika ito sa aking pandinig. " Leasshh, anong nangyari? Nasugatan ka ba?" nag-aalalang turan naman ni Zaire. Nasa may pintuan pa rin sila, gulat ang nababakas sa mga mukha nila dahil sa mga basag na mga bagay na nagkalat sa sahig ng higaan ko at umabot iyon sa malapit sa pinto. " Leave! Umalis kayo!" Sigaw ko naman sa kanila, napatalon pa ang iba dahil sa biglaang pagsigaw ko. " Leash, huwag ganito please! Kumalma ka okay? Hindi mo kami kaaway, mga kaibigan mo kami." Mahinanong wika naman ni Tash. Kumuha naman ako ng matulis na bagay na nabasag sa may sahig, kaya napaatras sila kaagad. " L-leash, ibaba mo iyan, h-huwag na huwag mong gagawin ulit iyan, p-pag-usapan natin ito p-please!" nanginginig ang boses nito, may mga butil din ng luha na pumatak sa mga mata nito. " Huwag na huwag niyong tatangkaing lumapit, kung hindi ay igigilit ko ito sa aking leeg dito mismo sa inyong harapan, ngayon mamili kayo aalis kayo at iiwan ako rito? Or magpupumilit kayo at papatayin ko ang sarili ko? Mamili kayo!" banta ko sa kanila at mas diniinan pa ang basag na salamin sa leeg ko. " I-ito na l-lalabas na kami, huwag mo lang gagawin iyan, p-please Leash nandiyaan pa ang mommy at kapatid mo, huwag mo sana kakalimutan iyon." Pagkasara nila ng pinto ay tuluyan na akong napaupo dahil sa panghihina. Anong ginawa ko? Bakit ko sinabi iyon sa mga kaibigan ko? Nanginginig na nabitawan ko ang basag na salamin at hindi makapaniwalang nakatingin rito. "Hindi! Hindi ako iyon, hinding hindi ko magagawa iyon sa sarili ko, hindi! Hindi ako iyon!" malakas na sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa left side ng kama ko at doon nagtago. Hinila ko naman ang kumot doon at itinalukbong ko sa akin, patuloy pa ring nanginginig ang mga kamay ko. Puting kisame naman ang unang bumungad sa paningin ko. Napatingin naman ako sa kamay ko na may swero ngayon. Hospital? Anong ginagawa ko rito? Bakit ako narito? " Ate gising kana, may masakit ba sayo? O nagugutom ka ba?" sunod sunod na tanong ni Isaac. " Bakit nandito ka?" takang tanong ko naman rito. " Ako ang nagbantay sayo rito, buong magdamag, hindi ka kumain ng ilang araw kaya nanghina ang katawan mo at nahimatay ka, buti na lang at chineck ka ni Ate Zaire kung hindi ewan ko na lang mangyayari sayo, tignan mo nga sarili mo ngayon ate ang laki ng pinayat mo, mas lalo ka pang pumangit!" Kinuha ko naman ang unan ko at binato ko sa kanya. Siraulo talaga ito, kahit kailan. " Mas pangit ka, manahimik ka pagbalat mo na lang ako ng prutas ng magkasilbi ka." pagsusungit ko naman sa kanya. Natawa lang naman ito at binalik sa akin ang unan na tinapon ko sa kanya. Bago siya bumalik sa pag-upo at nagbalat ng orange. " Bakit ka nakatitig ng ganyan sa akin? Masyado ka na naman bang napopogian sa akin?" he grinned. I frowned at him. " Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na nagbubuhat ng sarili niyang bangko." " Wala sa pamilya natin ang pangit, ay meron pala ikaw." pang-aasar na naman nito, at sinabayan pa niya ng tawa, masamid ka sana sa laway mong bata ka! " Sige tawa ka lang diyaan, masyado kang happy sana sumakit tyan mo kakatawa!" I rolled my eyes on him, what a nice brother! " Nagsusungit ka na naman, pangit pangit mo na nga mas lalo ka pang papangit kaka kunot mo nang noo diyaan, ito kumain ka na lang ng orange kasing asim mo--" Hindi na nito tuluyang naituloy ang sasabihin niya ng batuhin ko ulit siya ng unan. Nakailag naman ito at tumatawa pa ang loko! Bumukas naman ang pinto at nadatnan kaming ganon ang scenario namin. Nagtaka naman silang nakatingin sa amin ngayon, paano kasi tumatawa pa rin ang loko na ito, habang magkasalubong pa rin ang mga kilay kong nakatingin sa kanya. " Anong nangyayari rito?" tanong nito, at pinulot nito ang unan na nasa sahig bago inabot sa akin. Nilapag naman nito ang dala niyang Tupperware sa table doon. Naupo lang naman ang dalawa sa may couch. " Isaac, inaasar mo na naman ba ang ate mo?" nabaling naman ang atensiyon niya kay Zaire dahil sa tinuran nito. " Ganda kasi niya asarin ate, kita mo magkasalubong na naman ang kilay akala mo mangangain ng buhay, tignan niyo nga oh mas lalo siyang pumangit." Tinignan ko naman ito ng masama dahil sa sinabi nito. Kumindat lang naman ito sa akin, na parang nang-aasar pa. " Tama na iyan, tignan mo oh iniinis mo lalo ang ate mo, malalagot kana talaga niyan kapag nakalabas siya." pananakot naman ni Zaire sa kanya, ngumisi lang naman siya. Aba'y parang walang pakialam ah, galing talaga non mang-asar saan ba niya natutunan iyon. Masyado na ata siyang natuto kila Travis at Klyde, na magaling pagdating sa pang-aasar naku! Mababatukan ko iyong dalawang iyon kapag nakita ko sila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hellow po
07/11
0it is ie to read ad it is arrange I hapter
24/02/2025
0ang ganda ng kwento super ganda💜💜
05/12/2024
0Tingnan Lahat