Homepage/Chasing The Guy Who Saved Me (FILIPINO)/
CHAPTER 59
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.
Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.
Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.
Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard. Itinaas niya iyon para makita ko kung anong nakasulat doon.
"I miss you, Miss Calderon." pagbasa ko sa nakasulat do'n.
Ako na ang nagkusang naglakad para mawala ang distansya sa pagitan naming dalawa. Malalaki ang aking hakbang na naglakad ako patungo sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na yakapin siya nang mahigpit.
Kusang tumulo ang luha ko nang maramdaman ang pagyakap niya pabalik sa akin. Sobrang higpit ng yakap na iyon, patunay na nangulila kami ng ilang taon para sa isa't isa. Kahit ayoko pa ay inilayo ko na ang sarili ko sa kanya dahil maraming katanungan ang bumabagabag sa isipan ko ngayon.
"J-josh." Naitaas ko ang aking kamay para haplusin ang pisngi niya. "Hindi ako nanaginip, hindi ba? Naririto ka talaga sa harapan ko?"
Itinaas niya rin ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ko at gamit iyon ay hinaplos niya ang sariling pisngi.
"I'm really here, Akire. I'm here in front of you."
"Pero b-bakit? Anong ginagawa mo rito?"
"I'm here to fill the emptiness of my heart. Sapat na siguro ang sampung taon na magkahiwalay tayo. Akire, nandito ako para isama ka na pabalik sa Pilipinas."
Napailing-iling naman ako na mukhang naging iba ang pagkakaintindi niya. Dahil nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata.
"H-hindi mo na ba ako mahal?" may pag-aalinlangan niyang tanong.
Natawa naman ako saka ko ipinaikot ang aking kamay sa kanyang leeg para tuluyan siyang yakapin. "Sa tingin mo ay yayakapin ba kita nang ganito kung hindi na kita mahal?" saka ko inilapit ang sarili ko sa kanya at mabilisan siyang hinalikan sa labi. "Hahalikan ba kita ngayon kung wala na akong nararamdaman sayo?"
Dahil sa sinabi ko ay tuluyan na siyang napangiti. Pinagdikit niya ang aming noo at pinagbunggo ang tungki ng aming ilong.
"Tara!" Bumitiw siya sa pagkakayakap ko sa kanya saka ako mahigpit na hinawakan sa kamay.
"Saan tayo pupunta?"
"Sasakay tayo riyan," turo niya sa observation wheel. "Actually kahapon pa kita inaabangan na mapadpad dito. Handa talaga akong maghintay, dalhin ka lang ng tadhana papunta sa lalaking matagal ng naghihintay sayo."
Hindi ko naman maiwasang hampasin siya sa kanyang braso. "Ang korni mo!"
Nagpatangay na ako sa kanya nang tuluyan na niya akong hilain. Hanggang sa nakasakay na kaming dalawa sa malaking capsule netong flyer. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa espasyo na mayro'n ang loob ng capsule. Kami lang dalawa ang nasa loob at tila pinaghandaan niya talaga ito dahil may mesa na sa loob at may nakahanda na ring pagkain.
What make it more romantic? May pa-candle light dinner at champagne siyang hinanda para sa akin. Naging background music namin ang with a smile ng eraserheads.
Saktong pagkaupo ko sa couch na naroon ay ang pag-abot ng isang bagay sa akin ni Josh. Kahit nagtataka ay kinuha ko pa rin iyon mula sa kanya at binuksan. Manghang-mangha ako sa kung paanong detalyadong naka-drawing lahat ng pinapangarap ko sa isang bahay.
"Blueprint iyan ng bahay na pinapagawa ko. I personally created that based on my dream house."
"This is too big for you," wala sa sariling naikomento ko.
"I guess.. you are right." mula sa blueprint na tinitingnan ko ay nabaling kay Josh ang pansin ko. Matamis ang ngiting ibinibigay niya sa akin. "This house is big for me to live alone. So.. can I ask you?"
"Ask what?" kunot-noo kong tanong.
"Can I ask to you come live with me?"
Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Tila tumigil ang pagtakbo ng oras. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na pagpintig ng aking puso. Ngunit nang maalala ko ang histurang galit ni Grandpa ay napayuko na lamang ako.
"P-paano si Grandpa?" may bahid ng pag-aalala at takot ang boses ko.
Imbes na sagot ang marinig ko mula sa kanya ay narinig ko sa kauna-unahang pagkakataon na kumanta siya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya iyon para makatitigan ulit namin ang mata ng isa't isa. Natawa na lang ako nang mag-skip siya sa kanta. Ngunit hinayaan ko lang naman siyang magpatuloy. Dahil tila may mga kalakip na mensahe ang bawat salitang nasa kanta sa sagot na hinahanap ko.
Napapikit na lang ako nang haplusin niya ang pisngi ko. "Hindi mo kailangang alalaahanin ang ibang bagay, Aki. Leave it to me. I know that we are not a normal couple. Ni hindi tayo nakapag-date nang matagal. Ni walang nangyaring ligawan." aniya na nakapagpamulat sa aking mga mata.
"Just say yes and I'll court you forever. Give me your hand, and I'll give you forever."
Sandali kong tinanggal ang gloves na suot saka napagtanto ang ibig sabihin kanina ni Dwight nang makita kong nakaburda sa gloves ang salitang 'Gonzales.' Hanggang sa tuluyan kong itinaas ang aking kamay saka ipinakita sa kanya ang daliri ko. Tila naman naunawan niya ang nais kong iparating, dahil may kinuha ito mula sa bulsa ng kanyang coat. Saka ko na lang naramdaman ang pagsuot niya sa akin ng singsing. Hindi ko na napigilan pa na mapaiyak nang makita ang tila mamahaling bato na nasa gitna ng singsing na iyon.
"Let's make this happen," aniya saka ipinakita sa akin ang isang papel.
Naitakip ko na lang bigla ang kamay ko sa aking pisngi dahil ang bagay na ipinakita niya sa akin ay iyong ginawa kong marriage certificate naming dalawa noon.
"P-paanong napunta iyan sayo?"
Inalis naman niya ang pagkakatakip ng aking kamay sa mukha ko saka mabilis akong dinampian ng halik sa tungki ng aking ilong.
"Jam give this to me."
"Ang babae talagang iyon!" ang tangi ko na lamang naiusal.
Nakita ko naman ang pagbaba ng tingin niya sa kwintas na suot ko. Bigla niyang hinawakan ang pendant no'n saka napangiti. Suot ko pa rin kasi magpa-hanggang ngayon ang kwintas na kung saan iniligay kong pendant ang arrow na nasa bracelet na ibinigay niya sa akin noon.
"Hinding-hindi na kita pakakawalan pa, Aki."
"Huwag kang mag-alalala kasi wala rin akong balak na pakawalan ka, Josh. Dahil isang lugar lang naman ang gusto kong puntahan ngayon."
"Where? In Philippines?" mabilisan niyang tanong.
Natawa naman ako saka pinitik ang tungki ng kanyang ilong. "Silly. I mean in your heart."
Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. I placed my hand on his chest. Saka ko pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok no'n. "I want to stay here. I want to stay in your heart.. forever."
"I, Ethan Chiz Sandoval, take you, Jamela Michi Calderon as my wedded wife. I pledge to honor you, cherish you as my wife today and forever."
Kahit simpleng wedding vow lang ang binitiwan ni Ethan ay tumagos pa rin sa puso ko ang bawat salitang binitiwan niya. Sa bawat katagang binibigkas ni Ethan ay ramdam ko ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa pinsan ko.
I'm happy that he granted Jam's wedding dream. Sa totoo lang pareho naming pangarap ito noon ni bebs. Ang kaibahan lang, nauna siyang nakamit ang pangarap na iyon.
It was a beach wedding. Kaya ramdam ko ang simoy ng hangin at rinig ang paghampas ng mga alon na tila naging musika sa pandinig ko.
"Simula noong ipasok mo ang ano mo sa ano ko, alam kong you are the one."
Napuno naman ng tawanan ng mga bisita ang lugar na ito dahil sa kalokohan ni Jam. Kahit kailan talaga, napaka-censored ng bibig ng pinsan ko. Dinala niya pa talaga hanggang sa kasal niya.
Maya-maya lang ay naging seryoso na si Jam at sinambit na ang kanyang wedding vow.
"I, Jamela Michi Calderon, take you, Ethan Chiz Sandoval to be my lawfully wedded husband. I promise to be your navigator, your best buddy that I can be. A good and faithful wife. Wherever we go, we will go together."
Wala sa sariling napalingon ako sa gawi ni Josh na mukhang kanina pa yata nakatingin sa gawi ko. Ramdam ko ang nag-uumapaw na pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa engagement ring na nasa kamay ko, saka ako muling tumingin sa gawi niya para lang bigyan siya ng flying kiss. Sinalo niya naman iyon saka pinadapo ang kanyang kamay sa pisngi niya. Natawa na lang kaming pareho dahil sa kalokohan naming dalawa.
"By the authority vested upon me, I now pronounce you husband and wife. You can now kiss the bride."
Ibinaling ko na ang tingin sa ngayong mag-asawa ng sila Jam at Ethan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na pumalakpak nang malakas, matapos gawaran ni Ethan ng halik sa labi si Jam.
May hatid na kilabot sa puso ko nang makita ang kasiyahang lumalarawan sa mukha ng dalawa. I'm happy that they still end up with each other.
Pagkatapos ng kasalan ay diretso kaming lahat sa reception. Hindi ko naman inakala na roon ko pa makikita sila Eunnice at Kuya Jay, magkahawak ang mga kamay.
"Can we share a table with you guys?" si Eunnice ang bumasag sa katahimikan.
Nakita ko pa mula sa peripheral vision ko ang pagtingin sa akin ni Josh at ang pagpisil niya sa isa kong kamay na hawak niya. Sinulyapan ko naman siya at ngumiti.
"Marami kaming gustong sabihin sayo, Lex."
Nang marinig ko ang dating pangalan ay tila rumagasang tubig ang alaalang nangyari sa akin sa Cebu. Pero nang makita ko ang pagsisisi sa mukha nilang dalawa ay tila naglaho ang lahat ng imaheng iyon.
"Sorry," ani Kuya Jay. "Noong makalaya ako ay ikaw agad ang hinanap ko, Lex. Kasi alam kong isa ako sa mga pinagkakatiwalaan mo."
"Sorry din, Lex. Sobrang selfish ko noon, wala akong ibang inisip kung hindi ang sarili ko lang nararamdaman." Sa pagkakataong iyon ay si Eunnice naman ang nagsalita.
Nakita ko pa ang pagyuko nilang dalawa. Kitang-kita ko rin na tila sa magkahawak nilang kamay ay doon sila humuhugot ng lakas para harapin ako.
Binawi ko naman ang kamay ko kay Josh at ang pareho nilang kamay ang hinawakan at tinapik ko. "Hindi pa man kayo humihingi ng kapatawaran ay napatawad ko na kayong dalawa. Let's forget about the past and learn a lesson from it."
Ramdam ko ang kaba nang tuluyang ihimpil ni Josh ang sasakyan sa tapat ng hacienda. It's been a long time since I've been here. Nagmamadaling bumaba si Josh para pagbuksan ako ng pinto.
Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok ng hacienda. Alam kong naghihintay sa amin si Grandpa pero hindi ko pa rin maiwasang magulat na naghihintay siya sa amin sa salas. Wala na ang dating mabangis at nakakatakot niyang awra noon. Tila isa na siyang maamong tupa ngayon.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pangungulilala. Kaya naman nang ibuka niya ng malapad ang kanyang braso ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa gawi niya at yakapin siya nang mahigpit.
"I miss you, Grandpa." mangiyak-ngiyak kong pahayag.
Hinahanap ko sa puso ko ang dapat na galit na maramdaman ko sa kanya. Ngunit tila matagal na iyong naglaho, itinangay na ng hangin papalayo. Tanging pangungulila na lamang ang tangi kong nararamdaman.
"I'm sorry, apo. I'm really sorry for what I have done. Grandpa misses you so much."
Mabilis naman akong napailing-iling. "Hindi ka pa man humihingi ng patawad ay matagal ko ng ibinigay iyon, Grandpa."
Kumalas ako sa pagkakayakap para puntahan si Josh. Magkahawak-kamay kaming humarap kay Grandpa.
"Grandpa, meet my fiancèe, Joshua Arcel Gonzales." pagpapakilala ko sa kanya sa taong mahal na mahal ko at ang mapapangawasa ko na.
Wala akong ibang nakikita sa mga mata ni Grandpa kung hindi ang labis na tuwa para sa aming dalawa.
"I know that you two will end up with each other. I'm glad.. I'm glad you found your way back home, apo."
"I'm happy too, Grandpa. I'm happy that I found my way back home.... with his arms."
Kaagad naming pinunasan ang mga luhang tumulo sa aming pisngi nang marinig namin ang isang matinis na boses ng isang batang babae. Kasabay ng pagpasok ni Sean. Binigyan namin ang isa't isa ng isang matamis na ngiti, saka ako napangiti sa buntis na babaeng inaalalayan niya.
Masaya akong natagpuan na niya ang babaeng labis na magmamahal sa kanya. Maliit nga talaga ang mundo, mapagbiro nga talaga ang tadhana, dahil hindi mo aakalain na ang taong minsan mong nakaharap ay ang tao pa lang nakalaan para sayo. Si Cindy ang taong pinakasalan ni Sean.. ang dapat na wedding organizer namin noon.
Sadyang mapagbiro nga talaga ang ating kapalaran. Minsan kung sino pa ang kinamumuhian mo ay siya pa pala itong makakatuluyan mo. Meron naman na ang iba ay nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa pagkaka-ibigan.
Ang iba naman ay ang minsang nananakit sa kanila ay ang tao pa ring makakatuluyan nila sa huli.
Ngunit sa kwentong ito... I still end up with the guy who saved me.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
19/12/2021
0nice
19/08
0it's good
09/07/2024
0Tingnan Lahat