Homepage/Chasing The Guy Who Saved Me (FILIPINO)/
CHAPTER 57
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.
Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.
Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.
I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya pa ako tinatadtad ng mga text messages, pati messenger ko ay hindi niya pinalampas.
Ang kaso nga lang ay hindi ako makapag-reply sa kanya gawa ng naging abala ako sa trabaho. Tinapos ko na lahat ng importanteng bagay na gawain ko sa opisina para maluwag sa dibdib ni Mrs. Samaniego na pakalawan ako. Pinatay ko muna ang laptop ko bago ko sagutin ang tawag ni Jam.
Bakit ang tagal mo namang sagutin, bebs? Kahapon pa ako text nang text sayo.
"May mga bagay lang akong inasikaso, bebs."
Anyway, huwag kang mawawala sa kasal ko ha?
Sumilay naman ang ngiti sa aking labi dahil sa bilin niya. Sa loob ng sampung taon ay marami ng nagbago.
I spent my 10 years here in Singapore. Dito ko piniling tumirang mag-isa simula noong i-annunsiyo ko sa lahat na hindi na matutuloy ang kasal namin ni Sean. Marami na talagang nangyari pero lahat ng mga tao sa paligid ko ay nagpatuloy sa buhay nila. At ngayon nga ay napagpasyahan ko nang magbalik ng Pinas.
"Syempre naman, bebs. Hindi ako mawawala sa kasal niyo."
How about your work?
"Nag-resign na ako."
Narinig ko naman ang pagtili niya mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung para saan ang tuwang naririnig ko sa boses niya. Dahil ba iyon sa nag-resign na ako o alam niyang tuloy na tuloy na ang pag-uwi ko sa Pinas?
I can't wait to see you, bebs.
"Oh siya, sige na, bebs. Ibaba ko na 'to. May gagawin pa ako."
Bago pa siya makasagot pabalik ay pinatay ko na ang tawag. Tumayo na ako saka kinuha ang trench coat ko na inilagay ko na kanina sa kama. Nang masiguro kong wala na akong naiwan na nakabukas na ilaw sa apartment ko ay tuluyan na akong lumabas.
Before I go home, I wanted to spoil myself first. Simula kasi nang mag-stay ako dito sa singapore ay wala na akong inatupag kung hindi ang mag-aral. I'm proud that I finish two degree – education and certified public accountant. Nang makapagtapos ay ang trabaho naman ang pinagkaabalahan ko. Tatlong taon akong nagtrabaho as an instructor hanggang sa lumipat ako sa isang accounting firm. Sa mga panahon na iyon, ang palagi ko lang iniisip na I need to grow. I need to be matured. Kailangan kong isakatuparan kong anuman ang napag-usapan namin ni Josh.
Naglalakad ako nang may makasalubong na mag-lolo sa daan. Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang nakaraan.
"What have you done, Akire?"
Kitang-kita ko ngayon ang galit na nakalarawan sa mukha ni Grandpa. Tila nagliliyab sa galit ang mga mata niya. Nakakuyom din pati ang kanyang kamao. Sinubukan kong makatakas sa mga body guards ni Grandpa pero nahanap pa rin nila ako at nagawang ibalik dito sa hacienda.
"The damage have been done, Grandpa. I already told you. I can't marry Sean. I already announce to all that I'll cancel our engagement. And Sean agree with this."
"Because he is a good guy, Akire!"
Mas lalo lang nagiging mainit ang palitan namin ng mga salita ni Grandpa. "He agreed because he loves you too much. But you are too damn selfish to choose another guy over him."
"I'm sorry, Grandpa. Kaya kong gawin ang lahat ng gusto niyo pero hindi na ang pagpapakasal kay Sean."
Nakita ko namang pilit pinapakalma ni Grandpa ang kanyang sarili. Naupo siya sa sofa pero nando'n pa rin ang matalim niyang titig sa 'kin.
"You already decided, huh? Then, let's make a deal. You are going to London to study and handle our business. If you still love him for two years and if he still like you, then I will back off and I will let you do anything you want."
Huminga naman ako ng malalim.
"I'm sorry, Grandpa. But I have already planned for myself. I will go to Singapore. I will study there and make my own money."
"You have already changed, apo. Then the only deal that I can give you is that I will forbid you to contact him. Dahil kapag nabalitaan kong may communication pa rin kayong dalawa, itatakwil na kita."
Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang mag-lolo nang lumampas na sila sa akin. Nakangiting binuhat ng matanda ang kanyang apo nang magsimula na itong umiyak. Tuluyan kong iniwas sa kanila ang tingin ko nang maglakad na sila papuntang ibang direksyon.
Pinagsiklop ko ang aking mga kamay nang makaramdam ng lamig saka ko lang naalalang hindi nga pala ako nakapagsuot ng gloves. Hinipan ko iyon para makaramdam naman ako ng init kahit papaano. Ngunit tila wala ring silbi ang ginagawa ko dahil pati ang aking hininga ay nagmistulang yelo dahil sa lamig.
"Bakit kasi sa lahat ng makakalimutan mo ay ang gloves mo pa, Akire?" naiinis na turan ko sa aking sarili.
Pinagkiskis ko na lamang ang aking mga palad upang mabawasan ang pamamanhid ng mga iyon, habang naglakad na ako papuntang phone booth.
Kinuha ko mula sa bulsa ng aking coat ang calling card na personal pang ibinigay sa akin ni Hugo nang bisitahin niya ako rito last week. Hindi ko pa pwedeng gamitin ang phone ko para kontakin ang parents ko dahil baka malaman pa iyon ni Grandpa. Panigurado akong mati-trace niya ang tawag.
I immediately dialed the number. Wala pang isang minuto nang sagutin ni mommy ang tawag ko.
"Who is this?"
Huminga muna ako nang malalim bago sumagot, "Mom.. it's me."
"Akire! Hija, is that really you?"
Mabilis naman akong napatango-tango pero nang maalalang wala siya sa harap ko para makita ang pagsagot ko ay nagsalita ulit ako. "Yes, mom. It's me."
"K-kamusta ka na riyan, hija? Palagi kang mag-iingat ha?" bilin ni mommy.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang biglang magtalo ang mommy at daddy sa kabilang linya. Sigurado akong nag-aagawan na naman ang parents ko sa telepono.
"I'm fine here, mom. Kayo ang mag-iingat diyan lalo na't wala po ako sa tabi niyo."
Tiniis ko ang sampung taon na malayo sa mga magulang ko kahit na ang gustong-gusto kong gawin pagkalapag ko rito sa Singapore ay bumalik na lang ng Pilipinas. Hindi ko maiwasang makaramdam ng home sick, ilang linggo pa lang mula ng manirahan ako rito.
"Ikaw ang dapat mag-alaga sa sarili mo, anak. Sinabi ko naman kasi sayong ipapaiwan na lang namin diyan si Hugo para panatag ang loob namin ng daddy mo. Pero sadya talagang napakatigas ng ulo mong bata ka."
"Mom, I'm fine. You don't need to worry about me, okay?"
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni mommy.
"Hija, magsabi ka lang kung uuwi ka na rito sa Pinas. I will fetch you to the airport. It's been 10 years na rin simula ng umalis ka rito. Miss na miss ka na namin ng mommy mo."
This time ay si daddy naman ang nagsalita over the phone.
Napatingala naman ako at pinigilan ang sariling maiyak. Ayaw kong maging mahina. Lalo na ngayon na uuwi na ako sa Pinas. Ayoko munang sabihin ang bagay na iyon sa aking mga magulang ngayong kausap ko na sila. I want to suprise them.
"Miss na miss ko na rin po kayo, dad. But I have to go for now. Tambak pa po kasi ang mga trabaho kong kailangan ko pang tapusin," alibi ko.
Nagpaalam na kaming tatlo sa isa't isa. Saglit kong isinandal ang sarili sa phone booth saka na ako lumabas mula roon.
Pinagtuunan ko muli ng pansin ang pagkiskis ng dalawang palad ko. Kaya hindi ko na napansin na may tao na palang nakatayo sa harapan ko. Unti-unti kong iniangat ang aking tingin at nakasalubong ko ang dalawang pares ng mga mata na iyon.
Sobrang tagal na rin pala talaga simula nang makita ko siya. At ngayong nakangiti siya sa harapan ko ay tila nanumbalik sa akin ang lahat ng alaalang naiwan ko sa Pinas.
"It's been awhile, Lexus. Or should I call you... Miss Calderon?" pagbibiro niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
19/12/2021
0nice
19/08
0it's good
09/07/2024
0Tingnan Lahat