CHAPTER 56

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito.
Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami.
Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa.
"For the last time, I want to see you."
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad.
Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
"I want to hear you calling my name."
Me too, Josh.. me, too.
"For the last time, I want to tell you how I feel."
Nakagat ko nang tuluyan ang labi ko. Pinilit ko ang aking sariling makayanan ang titig niya dahil gusto kong makita lahat ng detalye ng kanyang mukha at reaksyon habang nagsasalita siya ngayon sa harapan ko.
"I-I have never thought that I would fall in love. I have never thought that I will be happy being in love. I never think about that."
Kahit gusto kong magsalita ay pinigilan ko ang aking sarili. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya. I want to cherish this moment being close to him.
"But I realized for the first time that I felt that love when I first met you. I thought, I can only love my family. I never thought I would love someone more than I love them. More than I love myself."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tuluyang tumulo ang mga luha ko. The emptiness that I'm feeling since I get back here in our hacienda is now fulfilled. It's because of Josh. He filled my empty heart because of his presence. Because of my love for him.
"It took sometime for me to realize that the feeling that I have for you is what they called 'love.' At first I thought that I was inexplicably attracted to you. But I guess you open my heart and I am not denying that I did not close this for you to enter. I really love you, Akire."
Hindi ko alam kung saan ako mas lalong naiyak. Sa sinabi niya ba? Sa pinahayag niya bang damdamin niya? Or is it because.. for the first time, he called my name with full of emotion?
"I love you more, Josh. You are the reason why I run away. I choose to find you. I choose to be with you. I choose to know you more. I choose you, Josh. I will choose you over and over again. You doesn't even have an slightest idea that you taught me many things in life. You become my inspiration. At first, I just want to know you. I just have this crush for you so.. I came up to an idea that I want to chase you."
Sandali akong tumigil dahil nakikita ko na ngayon na unti-unti na ring tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Just like you, I never thought of falling in love. But I will not stop my feelings for you. I will gladly accepted it wholeheartedly."
Hindi na namin namamalayan na pareho na pala kaming itinatangay ng paa namin papalapit sa isa't isa. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko.
"But if you love me, Josh. Why did you push me away?"
Muli kong iminulat ang aking mga mata para masaksihan ulit ang bawat reaksyon ng kanyang mukha.
"Because I don't want to be selfish. I know to myself that I will just scream. I will fight. I will beg you to stay."
"But I can and I will for you. If you just let me."
He shook his head. "Naisip ko kasi na.. siguro nga tama sila. Abutin muna natin ang mga pangarap natin."
"Pero pangarap din kita, Josh." mabilis kong sagot.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago siya magsalitang muli. "Let's grow.. separately."
Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko nang pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Hinawakan ko ang kanyang kamay. I'm afraid that once I let go of his hand, I'll be forever losing him.
"J-josh.. please. Please, stay with me."
Pilit niyang binabawi ang kanyang kamay pero lalo ko lang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. Nanghina lang ako nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
"Always remember that I.. I really love you. Ikaw man si Euphrasia o maging si Akire. Kahit sino ka pa ay palagi mong pakakatandaan na sobrang mahal kita."
Wala na akong nagawa pa nang matanggal na niya nang tuluyan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil ayokong makitang tuluyan na siyang umaalis sa buhay ko.
"Happy birthday," ang huling salitang narinig ko at tuluyan na akong napaluhod nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagsara neto.
How I wish that you will be back in my arms, Josh. How I wish...
Sumapit ang isang oras na tulala pa rin ako sa loob ng dressing room bago ko mapagpasyahan na tumayo na. Kailangan ko nang isagawa ang plano ko. Ayokong matapos ang gabi na ito na iisipin ni Grandpa na magpapakasal ako nang tuluyan kay Sean.
Pinunasan ko ang luhang nag-uumpisa nang matuyo sa pisngi ko saka na ako tumayo at lumabas ng dressing room.
Natagpuan kong nasa labas pa rin si Sean, hinihintay ako. Nang makita niya akong lumabas ay inalalayan niya ako hanggang sa makapunta ulit kami pabalik sa dinarausan ng engagement party naming dalawa. Nagpapasalamat na lang ako na walang ibang sinabi o tinanong man lang si Sean sa akin.
Hindi na ako nagpapigil pa at nagtuloy-tuloy sa platfrom. Nabigla pa nga ang emcee dahil sapilitan kong inagaw mula sa kanya ang hawak niyang microphone.
"Good evening," panimula ko. "Hindi ko na ito patatatagalin pa. I just want to announce that I will cancel my engagement with Sean Parker."
Narinig ko naman ang bulong-bulungan ng mga bisita namin. Nakita ko pang galit na napatayo si Grandpa pero pilit naman siyang pinapakalma ng parents ko.
Nabaling ang tingin ko kay Sean na ngayon ay umakyat na rin sa platform at tumabi sa akin. Tila ipinaparamdam niya sa akin na kasama ko siya sa kahit anumang bagay na gagawin ko.
"I already love someone else," napalunok ako saka tuluyan kong iniwas ang tingin ko kay Sean. "Kaya naman hindi ko maaatim na magpakasal sa iba. Dahil may gusto akong ibang makasama habang buhay. Hindi pa man kami maipapakasal ngayon. But I want to assure him that I already see my future together with him. Thank you for listening. Have a nice day, everyone!"
Wala akong lingon-likod na tinakbo ang lugar na iyon.
Josh was right. We need to grow. We need to grow.. separately.
I wanted to be the best version of myself for us to be together. Iyong tipong wala ng ibang hahadlang para mahalin namin ang isa't isa.
Just wait for me, Josh. Wait until I can finally fight for you. You're the one that I love. You're the man I want to be with for the rest of my life. I never thought that you will have a speacial place in heart. You thought me many things in life, including how to love. I can say that my heart belongs to the guy who saved me – the guy who saved me at that night. You saved me many times, from danger up to falling for you.
Hintayin mo lang ako at hihintayin din kita. Alam ko na sa pagkakataong ito ay tuluyan na tayong magkakahiwalay ng landas. Pero isang pangako ang iiwan ko sa kaarawan kong ito.
"We will see each other again, Josh. When that time comes, no one will ever stop me from loving you."

Komento sa Aklat (66)

  • avatar
    binibiningMAYAN

    i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️

    19/12/2021

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    nice

    19/08

      0
  • avatar
    Nethan James Bandila

    it's good

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata