Homepage/Chasing The Guy Who Saved Me (FILIPINO)/
CHAPTER 55
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko.
"Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you."
Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo."
Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya.
"You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko.
Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.
Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda.
Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dami ng kanilang ginagawa. Naririnig ko na rin ang classical music na pumapailanlang sa garden at pool area kung saan dinaraos ang engagement party na para sa aming dalawa ni Sean.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jam saka nagkatanguan. Naglakad na kami pa-diretso sa garden. Doon ko na natagpuan ang mga bisita namin na nakasuot ng pormal na kasuotan. The girls were wearing elegant and sophiscated dress that they paired with their expensive jewelries. While the men have a good posture and being rich reflect how they smile and how they act.
Ngayon ko napagtanto na tila hindi na pamilyar sa akin ang ganitong estado ng buhay. Tila nasanay na ang aking katawan na magigising sa umaga na isang maliit lang na apartment ang bubungad sa akin. Gagawa ng sarili kong almusal. Magmamadaling gumalaw para hindi mahuli sa klase. Maghahanda para mag-trabaho sa Sweet N' Tasty.
Hindi iyon ang buhay na nakasanayan ko pero tila hinahanap-hanap na ng sistema ko. Maraming pumapasok na mga katunangan sa isipan ko ngayon. Katulad na lang ng kung kamusta na nga kaya ang mga taong naiwan namin ni bebs sa HEU? Kung kamusta na kaya ang Sweet N' Tasty? Hinahanap kaya nila ako? Alam na kaya nila ang buong pagkatao ko? Galit kaya sila sa akin tulad ng nararamdaman ni Josh? Sa tingin ko ay 'oo' kaagad ang sagot.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang tapikin ako ni bebs sa braso ko. Nang bumaling ako sa gawi niya ay may pag-aalala na ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin kay bebs. Mula sa puwesto namin ay nabaling ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin sa hindi kalayuan. Nakilala ko kaagad ang pamilyar na malapad netong likod pati na rin ang kanyang tindig.
May ibinulong sa kanya ang kausap kaya kaagad siyang pumihit sa gawi ko at nang magtama ang tingin naming dalawa ay malapad niya akong nginitian. Saglit lang niyang kinausap ang lalaking kaharap saka na siya naglakad papalapit sa akin. He protectively encircled his hands around my waist when he finally come closer to me.
"Good evening, Michi," bati niya kay bebs.
"Sabing ayokong tinatawag ako sa second name ko, Sean." Pagsimangot ni bebs.
Kaagad akong inalalayan ni Sean papunta sa table nila Grandpa. Hinalikan ko naman si mommy at daddy nang makarating kami sa table nila.
"You look beautiful, Akire," papuri sa akin ni Tita Imelda na siyang mama ni Sean.
"Thank you, tita. You look great."
Pagkatapos kong makipagbeso kay tita Imelda ay pinanghila na rin ako ni Sean ng upuan. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil abala na siyang makipag-usap kay Grandpa. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa kamay. Hindi ko binawi ang kamay ko dahil baka mapansin iyon ni Grandpa at baka masira pa ang gabing ito. Masyado pang maaga para roon. Kailangan ko munang maisagawa ang plano ko.
Umusad ang gabi na iyon na walang ibang ginawa si Grandpa kung hindi ang ipakilala ako sa mga kasosyo namin sa negosyo. Makikita sa mukha niya ang labis na kasiyahan habang ipinapakilala ako sa iba as Sean's future wife.
Hindi ko maitatago sa sarili ko na wala akong sayang nararamdaman sa araw na ito. Masyadong okupado ang utak ko sa katotohanang nangungulila ako sa presensiya ng lalaking totoong minamahal ko.
Natigil lamang sa pakikipag-usap si Grandpa nang imbitahan siyang umakyat sa platform para magbigay ng speech para sa aming dalawa ni Sean.
"I would like to thank the people who accept our invitation for this event," ani Grandpa. Pagkatapos ay tumingin siya sa gawi namin ni Sean. "For my only grand daughter, Akire, my only wish for you is to be happy. And I know that Sean is the man who can grant my wish. Bonus na ang pagiging gwapo niya."
Narinig ko naman ang tawanan ng mga bisita sa huling sinabi ni Grandpa. Hindi ko naman mapilit ang sarili kong maging masaya. Kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa aking wine glass saka inisahang lagukan ko lang ang laman no'n.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos na si Grandpa sa speech niya. Nagpatuloy lang ang party at ang mga magulang ko naman ang nasa platform ngayon habang nagbibigay ng kanilang mensahe para sa aming dalawa.
Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Sean saka ako inalalayang tumayo na rin.
"Grandpa, can you excuse us? I just want to give my fiancée a gift."
Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Lolo. "Yeah. Sure. How thoughtful you are, hijo. You really love my grand daughter, huh?"
Wala naman akong narinig na sagot mula kay Sean pero nakita ko naman ang pagtango niya.
"Sean? Where are we going?"
Hindi ko na natiiis pang magtanong. Malayo na rin kasi kami mula sa table nila Grandpa. Nakaalis na rin kami sa garden at ngayon nga ay papaakyat na kaming dalawa sa ikalawang palapag netong hacienda.
"I'll give you a gift, Aki. Alam kong magugustustuhan mo ito. Ang bagay na makakapagpasaya sayo ay ang bagay na makakapanakit sa akin."
Hindi ko naman na narinig ang huling binigkas niya. Balak ko na sana siyang tanungin sa bagay na iyon pero huminto na kami sa harap ng isang dressing room.
"Dito lang ako sa labas, magbabantay," aniya.
Kahit naguguluhan ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang pihitin ang seradura at pumasok sa loob ng dressing room. Saglit ko pang sinulyapan si Sean na ngayon ay nakasandal na sa pader bago ko pihitin pasara ang pinto.
Rinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko nang maulinagan ang likod ng isang pamilyar na lalaki, pagkapihit ko paharap. Tindig at likod niya pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino ang taong ilang layo lang mula sa kinaroroonan ko.
Tila naging masikip ang apat na sulok ng dressing room na ito para sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil ramdam ko ang kirot sa aking puso dulot ng pangungulilala ko sa kanya.
Tila may gumapang na masarap na kilabot sa buong katawan ko nang tuluyan na siyang humarap sa akin at ngumiti ng malapad.
Hindi ko akalaing magkikita kaming muling dalawa. At hindi ko akalaing dito pa sa loob ng hacienda.
Maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ko ngayon kagaya na lang ng kung paano siya nakapunta at nakapasok dito? Ngunit naglaho rin iyon kaagad at napalitan ng kasiyahan. Ang tanging mahalaga na lang sa akin ngayon ay naririto na siya... na magkaharap na ulit kaming dalawa.
"J-josh," mahina kong usal sa kanyang pangalan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
19/12/2021
0nice
19/08
0it's good
09/07/2024
0Tingnan Lahat