Homepage/Chasing The Guy Who Saved Me (FILIPINO)/
CHAPTER 35
Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko kaya nabaling na sa akin ang atensiyon niya. "Come here. Let me blow your hair."
Napatango lang ako saka naupo sa may bandang ibaba niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang magsimula na siyang gamitin ang blower sa buhok ko.
Never pumasok sa isipan ko na mangyayari ang ganitong senaryo pero ngayon nga ay nangyayari na. At para sa akin, napa-sweet ng ganitong eksena. Sa mga k-drama ko lang ito napapanuod, pero ngayon ay nangyayari na sa akin.
Dumaan ang ilang minuto ay tuluyan na siyang tumigil sa ginagawa, sa palagay ko ay natuyo na ang buhok ko. Unconcious akong napatingala sa kanya at hindi ko naman akalain na nakatingin pala siya sa akin kaya kaagad kong naipihit pababa ang ulo ko at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Napatayo na rin ako nang tumayo na si Josh.
"Anong gusto mong inumin?"
"I want some tea."
Tumango naman siya pero bago pa siya makahakbang ulit ay hinawakan ko na ang dulo ng kanyang suot na polo.
"What's the matter, Miss Avery?"
"Can I come with you?"
Nasa likod lang niya ako na nakasunod nang pumayag siya. Dumiretso kaming dalawa sa kusina nila.
"Kanina ko pa napapansin. Wala ba si mama at si papa? I mean parents mo?" Damn it, Lexus! Umayos ka!
"Masyadong workaholic si papa kaya tingin ko mamayang madaling araw pa siya uuwi. And about my mom.. she already passed away."
Hindi ko maiwasang mabigla sa sinabi niya at maawa rin para sa kanya. Kahit naman hindi ako mabuting anak ay hindi ko yata kakayanin na mawawala ang isa man sa parents ko. Kahit na alam kong dadating talaga ang araw na lahat tayong tao ay mamamaalam sa mundong ito.
"I'm sorry to hear that," paghingi ko ng dispensa.
Kung alam ko lang ay sana hindi ko na itinanong pa ang bagay na iyon. Saka ko lang napagtanto na marami pa talagang bagay ang hindi ko alam tungkol sa kanya.
"It's okay," aniya saka inilapag ang hinihingi kong tea.
Hanggang sa pareho naming narinig ang pagbagsak ng ulan sa bubong. Mukhang mas lumakas pa ata ngayon kumpara kaninang umalis kami sa 7-eleven.
Bakit ba kasi hindi ko tiningnan ang weather updates kanina?
"After you drink your tea, let's start again our tutorial. I'll just prepare the materials that we'll needed."
Sinundan ko na lang ng tingin si Josh nang tumayo na siya saka na umalis ng kusina. Mabilis kong inubos ang iniinom kong tea saka ko na rin hinugasan ang mug. Habang abala siya sa paghahanda ng materyales na kakailanganin namin ay napadpad naman ako sa estante na nasa living room nila. Doon ko nakita ang kanilang family pictures. Masyado pang bata si Josh sa mga litrato at sa hinuha ko ay bata pa talaga siya nang mamatay ang kanyang mama.
Then I found out that he got his green eyes to her mom.
Sa sumunod na picture ay may kasama siyang mas matangkad na lalaki kumpara sa kanya. Sa tingin ko ay kuya niya ang kasama niya rito sa litrato. Kulay berde rin ang mga mata neto katulad ng kanila ng mama niya. Habang ang papa niya naman ay may kulay itim na itim na pares ng mga mata.
"Are you ready?"
Nasapo ko ang aking dibdib nang may magsalita sa likuran ko. Hindi ko na namalayang nakabalik na pala si Josh. Sumunod ako sa kanya nang maupo siya sa isa mga sofa na naroon. Ngunit mas pinili kong maupo sa lapag. Nang makaupo ako ay kaagad niyang ibinigay sa akin ang mga papel na sasagutan ko.
"May mga guidelines na ako na inilagay diyan. Mamimili ka na lang kung anong tamang gamiting formula for every solution. I want you to memorize the formula so that it will be easy for you to solve the math problems in case man na lumabas ito sa exam."
Pagkabigay niya ay nagsimula na kaagad ako sa pagsagot. Minu-minuto ay tinitingnan niya kung tama ba ang ginagawa ko at nakakatamo ako ng palo sa ulo mula sa hawak niyang ballpen kapag mali ang formula na ginagamit ko. Mas lalo ko tuloy napagtanto kung gaano siya ka-strict sa pagtuturo.
Nang hindi na siya makatiis dahil dumarami na ang mga mali ko ay inagaw niya iyon mula sa akin saka niya ipinaliwanag bawat mali ko. Hindi ko naman maiwasang ma-distract lalo na at naka-focus ang tingin ko sa bawat galaw at kibot ng kanyang labi.
"Miss Avery? Are you even listening?"
Nabalik ako sa ulirat. "I'm sorry. A-are you saying?"
"Mag-focus ka."
Mas lalo lang atang nangunot ang kanyang noo dahil wala ako sa sarili.
"Naka-focus naman ako," pagpupumilit ko pa.
"Hindi sa mukha ko."
Doon na talaga tuluyang nangamatis ang mukha ko. Muli niyang ipinakita sa akin ang papel kong hawak-hawak na niya ngayon. May solution na iyon. Nakakamangha lang na kaagad niya iyong na-solve samantalang hirap na hirap na ako rito. Nang magkamali ulit ako ay pinukpok na naman niya ako gamit ang kanyang ballpen.
"Pakaisip mo kasi!"
"Ayoko ngang isipin!" pagmamaktol ko pa.
"Isipin mo," pakikipagtalo niya pa rin sa akin.
"Paano 'yan? Ikaw lang naman ang iniisip ko," bigla ay nasambit ko kaya kaagad kong tinakpan ang aking bibig.
"Okay. We're done here. I guess you're already tired. Ihahatid na kita."
Wala na akong nagawa pa nang tumayo na siya. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil hanggang sa pagbiyahe namin ay tahimik kaming dalawa. Nakahinga lang ako ng malalim nang narating na namin ang apartment.
"Good night, Miss Avery," aniya saka na pinaandar ang kanyang motor.
Napatitig na lang ako sa damit niyang suot ko pa rin. Lalabhan ko na lang ito para mabalik ko sa kanya bukas. Maya-maya pa ay pakiramdam ko ay biglang nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdamang tila may nakamasid sa akin.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa daan pero wala ako nakitang ni anino ng tao. Sa takot ko ay patakbo na akong pumasok sa loob ng apartment.
Nagising ako kinabukasan dahil sa sunod-sunod na katok sa gate. Wala kaming doorbell kaya sa tingin ko ay namumula na ang kamao ng kung sino man ngayon ang nasa labas.
Kaagad kong hinanap si Jam pero wala siya sa kahit saang sulok ng apartment. Kaya no choice ako kung hindi ang lumabas at pagbuksan ang kung sino man. Bumungad sa akin si Kuya Jay. Siya pala ang kumakatok sa gate pagkabukas ko no'n.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Nakita kong nandilim ang paningin niya pero kaagad din iyong nawala nang ngumiti siya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro imagination ko lang iyon.
"Good morning, Lex."
"Ang aga pa, Kuya Jay. What brings you here?"
Itinaas naman niya ang hawak na supot. "Nagdala ako ng umagahan. Nakita ko kasing nagmamadaling umalis si Jam. Inisip ko na baka hindi ka niya napaghanda ng makakain."
Hindi ko naiwasang mapangiti. Ang bait talaga nila ni Kuya Jay.
Niluwagan ko naman ang pagkakabukas ng gate para makapasok siya. Nang makapasok ay kaagad ko na ring isinara ang gate saka na kami naglakad papasok ng apartment.
Kaagad akong dumiretso sa kusina saka kumuha ng bowl para sa dala niyang sopas. Isinalin ko iyon saka ako kumuha ng dalawang mangkok para sa aming dalawa.
"Coffee or tea, Kuya Jay?"
"You."
Nakita naman niya ang pagkagulat sa aking mukha.
"Just kidding. Okay na ako rito sa dala kong sopas."
Sinaluhan ko na rin siya sa pagkain dahil kumakalam na rin ang tiyan ko. Saka ko naalalang suot ko pa rin pala ang damit ni Josh. Mabuti na lang at hindi napansin ito ni bebs kagabi.
"Saan ang kuwarto niyo?" tanong ni Kuya Jay nang matapos na kaming kumain.
May tiwala ako sa kanya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na siya ang magiging dahilan ng kapahamakan ko. But I guess, even the person close to you can harm you.
Kaagad ko naman siyang pinapasok sa kuwarto namin ni bebs. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng maliit na espasyo ng kuwarto. Prente itong umupo sa kama namin saka niya tinapik ang space sa tabi niya.
"Come here, Lex. Sit beside me."
Pinagsawalang-bahala ko ang kabang nararamdaman. Kasi nga, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Wala sa sariling naupo ako sa tabi niya. Without knowing his agenda why he really came here.
Naging mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lang na inihiga niya ako habang ikinulong niya ang dalawa kong kamay gamit lamang ang isa niyang kamay. Doon na ako nakaramdam ng takot. May kakaiba na sa mga mata niya ngayon. Tila hindi na siya ang Kuya Jay na kilala ko.
Mas lalo lang akong natakot nang ilapit niya ang tungki ng kanyang ilong sa bandang leeg ko.
"K-kuya Jay," ang tangi ko na lamang naiusal.
"Your scent really intoxicating, Lex. Do you know what I feel about you?"
Balak niya pa sanang pagdikitin ang noo naming dalawa pero kaagad kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang takot na bumabalot na sa aking pagkatao. Sobrang bilis na rin ng tibok ng aking puso.
"I like you, Lex. I really like you," he whispered.
Nang tangkain niyang halikan ako ay ginamit ko ang buong lakas ko para lang masipa siya sa kanyang pagkalalaki. Nang makawala ay kaagad akong dumiretso sa banyo dahil iyon ang pinakamalapit sa kuwarto. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ang ganitong senaryo ay nangyari na sa akin at dahil iyon kay Clifford. At ngayon nga ay mukhang nangyari nanaman. Sa tao pang hindi ko akalaing gagawa sa akin ngayon neto.
Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha at ang pangangatog ng aking binti. Ngunit nakaramdam rin ng kahit konting ginhawa nang makapa ko sa bulsa ng boxer short ni Josh ang phone ko.
Kaagad na tinipa ko ang numero niya pero walang sumasagot. Sinubukan ko pa ulit nang makailang beses pero out of coverage area talaga siya. Balak ko pa sanang tawagin kahit si Dwight or si Jam man lang pero narinig ko na ang pagsipa ng kung sino sa pinto ng banyo.
"Do you think you can run away with me, Lex?"
This kind of words.. it already came out from Clifford. Why does it need to repeat again? Why of all people, why it need to be Kuya Jay? Why him?
"Huwag kang feeling virgin, Lex. Alam kong nagalaw ka na ng Dwight na iyon. Even that fucking guy that you like, huh? Who is it again? Oh.. Mr. Gonzales, right?"
Tinakpan ko ang magkabila kong tenga habang patuloy na tumutulo ang aking luha.
"I just need to do it with you, Lex. Kahit isang beses lang. Then after that, hindi na kita kukulitin."
Hindi ko kayang sikmurain ang mga pinagsasabi ngayon ni Kuya Jay. Parang ibang tao na siya ngayon.
"Lexus!" sigaw niya mula sa labas. "Huwag mo akong gagalitin. Lumabas ka na riyan!" saka niya ulit sinipa ang pinto.
Tumayo ako ng tuwid at hinanda ko na ang aking sarili. I know any minute, mabubuksan niya na rin ang pinto. Hanggang sa nakuha ng isang vase ang pansin ko kaya kaagad ko iyong kinuha kasabay ng pagkasira na ng tuluyan ng pinto.
Buong lakas ko iyong itinapon sa direksyon ni Kuya Jay. Mukhang mapalad pa rin ako sa araw na ito nang mismong sa pagmumukha niya iyon tumama. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago siya tuluyang bumagsak sa tiles ng banyo.
Nagmamadaling umalis ako sa puwesto ko. Nagulantang pa ako nang hawakan niya ako sa paa. Ngunit kaagad din siyang nawalan ng malay. Hanggang sa nagtatakbo na ako palabas ng apartment.
Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Kaba na baka magising siya at takot na baka magawa niya pa sa akin ang binabalak niya. Nagsisimula na ring magdilim ang paningin ko.
Then I realized something. That this time, no one else saved me, but myself.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (66)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i loved the story hindi siya katulad ng iba na puro spg nakuha ko agad yung story. nakikita ko yung sarili ko haha dati rin akong nag hahabol sa kaklase ng ate ko and now after 2 years kami na ❤️
19/12/2021
0nice
19/08
0it's good
09/07/2024
0Tingnan Lahat